Stuck in the Moment (Stuck Se...

By NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... More

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Chapter 18

283K 3.5K 831
By NerdyIrel

Chapter 18


Kathryn's POV


"Anak, ano ba yun? Wag ka ng mahiya sabihin. Napansin ko lang kasi kaninang umaga na umalis ka kaagad. Iniiwasan mo ba ang kuya neil mo?"


Opo. Iniiwasan ko.


"Hindi naman ma. Sadyang nagmamadali lang ako kanina"

"Ano ba yung sasabihin mo? Sabihin mo na, nak"

"Baka kasi magalit kayo mama"

"Anak, iintindihin ko yan. Promise" Sabay smile sakin ni mama.


Hindi naman kailangang sabihin sa kanya yung tungkol dun

Pero gusto malaman ni mama ehh.


"Ma...."

Lunok-lunok muna.


"Muse po ako" Bulong ko.


AYUN! Nasabi ko rin.

Hay...


"Oh, ano namang masama dun? Bakit natakot ka pang sabihin sakin? Congratulations bunso" Tapos niyakap ako ni mama.


Okay sige.

Naglilihim ako kay mama.

Wala naman kasi akong plano sabihin sa kanya yung tungkol kay Daniel.

Ano ako? Sira ulo? Ayokong mapagalitan.


"Next month na po yung event. Kaya po hindi ko sinabi sa inyo ay dahil ayoko pong maging problem pa sa inyo yung ipangbibili ng mga gowns...etc. etc."


Nag-roll ang eyes ni mama. Alam ko na sasabihin niya---Anak, don't worry.

Pustahan pa tayo.


"Anak, don't worry about that" Tignan mo? Tama ako. Yan naman ang laging sinasabi ni mama pag may financial problems ako.


"Mama, hindi ka naman nagtatrabaho. Yung iniwang pera lang ni papa ang ginagamit natin. Wag niyo na pong galawin yun"


"Kath, onti lang naman ang kukunin ko. Hindi mauubos yun"


"Ma, magka-college pa ko. Matatagalan pa bago magtrabaho si Kuya. Ayokong sumakit ang ulo niyo someday dahil sa pagiging Muse ko"


"Ano ka ba! Wag ka ng tumangi ha...Akong bahala sa lahat. Humingi ka lang ng pera sakin kapag kailangan mo na"


Tinignan ko si mama.

Gusto ko siyang umayaw para hindi na ko magpa-practice pa next week.

T_T


"Bakit parang hindi ka masaya maging muse niyo?" Tanong ni mama.

"Nakakahiya po kasi"


"Sa ganda mong yan, nahihiya ka pa. Kaya mo yan, nak" Nagsmile pa si mama.

Ugh. Nakakainis!!


"Fine. Sige Ma, akyat na po ko" Sabi ko.

"Oh sige"

"Pagising na lang po ako kapag dinner time na" Tumayo na ko at pumunta sa kwarto ko.


Di ko in-on yung aircon. Binuksan ko na lang yung pinto sa may terrace para malamig.

Makatulog na nga lang...

Nakakapagod yung CAT namin ehh.


Zzzz...


After two days...


Monday na ngayon.

Argh.


Pwede bang umabsent? Kahit one month lang?

T_T


Natatakot kasi ako sa practice mamaya.

Di naman pang beauty queen ang ganda ko kung para sa mga ibang candidate mamaya. Sa dami ng kalaban kong fourth year students, di nako mananalo. Eh pano pa kaya yung ibang highschool students? Uwee! 


Habang naglalakad papunta sa English room, may bumangga sakin.


"Aray ko!" Sabi ko. Pagtingin ko, si Andrea naka-crossed arms.

Ano na naman kaya kailangan nito?


"Oh, I'm not gonna apologize for that. Sinadya ko kasi yun" Sabay smile. Akala mo naman maputi ngipin niya.


Pwede manapak? Kahit lima lang?

Nakakabwisit yung ginawa niya ehh.


"Andrea right? Napakamalas ko namang makasalubong ka. Ang lakas!" Sabi ko.

"Nang ano? Anong malakas?"

"Ang lakas ng amoy mo, nakakasuka!" Sabay takip sa ilong ko.


Umirap siya sakin. Sinong talo ngayon?


"O-M-G!" Biglang may dumating na girl.

"The girl na pinalit ni Daniel sa two girlfriends niya" Dagdag niya.


Sino siya? Bakit ba dumadami population ng mga epal sa mundo? Naku! Delikado ito! Hahahaha.


Napansin ko yung kasama niya.

Parang familiar. Wait...


O_O

Siya yung third girlfriend ni DJ noon. Di ako pwede magkamali. Yung babaeng nakita kami ni Daniel sa mall.

Siya nga yun!!!


"Look who's here" Nagulat ako nung dumating si Daniel sabay akbay sakin.

Teka nga, bakit ba bigla bigla siyang sumusulpot? At sa mga times na may nangaaway pa sakin.


"My two ex girlfriends and my soon-to-be ex girlfriend" Natawa ako dun sa sinabi ni Daniel.

"What? No! You can't break up with me. Hindi ako papayag" Sabi nung nasa gitna.


"Bianca, di pa naman ako nakikipag break diba?" Sabi ni DJ. Akala ko ba gusto na niya hiwalayan yang babaeng yan? Bakit ayaw niya pa gawin ngayon?


"Di pa? So you do have a plan. Argh. You can't do that or else!"

"Or else what?" Hamon ni DJ.


Nag-isip pa si Bianca.


"Lilipat ako ng school!" Sigaw niya.

"Yun lang ba? Sige na nga. Break na tayo. Lipat ka na...goodluck" Sabay smile ni DJ.

Devil talaga ito! Sama ng ugali!


Halatang gulat na gulat si Bianca pero bago ko pa siya makita umiyak, hinila na ko ni Daniel. Syempre madadala ako, nakaakbay siya sakin ehh.


Teka nga!

Tinanggal ko pagkakaakbay niya sakin at tumigil ako sa paglalakad.


"Ano na naman?" Tanong niya.


"Bakit ganun ka sa kanila? Parang toys lang ba ang turing mo sa mga babae? Pagkatapos mong laruin, itatapon mo na?"


"Bakit ka ba affected? Alam naman nilang gagawin ko yun. Buti nga pumayag pa kong maging boyfriend nila, at least nangyari yung dreams nila" Sabay bigay ng playful smile sakin.


"Ang sama mo!"


"Hindi naman. May ibang girls nga dito sa school, matutuwa na kapag nahawakan kamay ko, anong masama kung magiging santa claus ako sa kanila? In limited time nga lang?"


"Sana hindi mo na lang sila pinaasa" Bulong ko.

"Kaya nga nakipag break na ko diba? Ayokong umasa pa sila na may something talaga samin"


Speechless ako dun.


"Male-late ka na sa class mo, tara na" Sabi niya.

"Huh? Sasama ka?"


Tumawa lang siya tapos hinila na ko papunta sa classroom ko, sa loob ng classroom!

Nanlaki mata ko nung tinignan kami nung mga classmates ko...


Sila Zharm at Julia nakangiti.

Pagtingin ko kay Daniel, nag-smile siya sakin.


"Ayyiiee!"

"Ang mga titig ni DJ, Gosh!!"

"Pwedeng ako na lang si Kath?"


"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko since ayaw niya magsalita.

"Gusto ko kasing ma-register yung mukha mo sa utak ko"

"Ano? Bakit naman?"

"Para ikaw lang iisipin ko---Aray!"

Binatukan ko nga. Baliw na nga ito!


"Adik ka! Kulang ka ba sa tulog? Nabanat ka pa ehh! Tsupe na" Tinulak ko na siya palabas kaya tumawa siya.

"Oo na po! Aalis na!!" He bit his lips before he turned around.


Pagharap ko sa mga classmates ko, lahat sila mukhang kinikilig.


"Sila ba?"

"Akala ko ba barkada lang?"

"Sila ata"

Yung mga bulong-bulungan dito, naririnig ko rin naman.


(_ _")

Nakakahiya grabe!


Habang nakatingin sa floor, naglakad na ko papunta sa seat ko.

May magsasalita dito sa dalawa...in One...two...three.


"MAGKWENTO KA!" Sigaw ni Zharm.

"ANO YUN!??? AHH!!" Sigaw ni Julia.


"Goodmorning class" Biglang dating nung teacher namin!


Napasmile tuloy ako.

YES! THANK YOU!! DUMATING KA NA! LIGTAS NA KO SA INTERROGATION NILA.

^_^


Sumimangot sila Zharm at Julia pero bumulong din naman siya sakin.

"Mamayang trigo, lagot ka sakin" Sabay tawa ni Zharm.


O_O

Help? T_T


Nung physics namin, super natuwa ako nung hindi ako kinukulit ni DJ.

Ayun, natutulog lang siya while nagka-copy kami ng notes.

 Naka-head phones pa siya.  


Sabi na nga ba ehh, kulang lang siya sa tulog kaya niya ko inaasar kaninang umaga.


Grabe, ang swerte niya. Swerte siya dahil anak mayaman siya. Swerte din siya dahil sa kanila yung school. Kahit anong gawin niya, ga-graduate siya.


"Nakatitig ka na naman sakin. Baka matunaw ako niyan" Bigla siyang nagsalita pero nakapikit pa rin siya.


May mata kaya ito sa noo? Third eye? Grabe.


"Huh? Ano yun?" Nagpanggap akong hindi ko siya narinig.

Minulat niya yung isang mata niya para tignan ako tapos pumikit ulit siya. Nag-smile ulit siya.


"Sabi ko ang ganda mo"


0_o

What? Ako?


"Ako ba kausap mo Daniel?" Tanong ko.


Ako? Maganda? Gandang biro nun.

Umayos siya ng upo tapos tinitigan ako.


"Oo. Maganda ka nga. May angle na maganda ka, may angle din na sobrang panget ka" Bulong niya.


(-_-)

Ang sama niya talaga. Saksakan ng sama. Siguro itim na ang dugo niya.


"Mag-smile ka lang palagi, maganda ka na. Kapag kasi naka simangot ka, nakakainis yang pagmumukha mo" Tapos halatang pinipigilan niya tawa niya.


"Sige lang DJ, damihan mo pa ang mga panlalait mo. Mamayang practice, tatapakan ko yang paa mo"


"Yan talaga ang gusto ko sayo ehh, lagi kang galit"

Tapos pumikit na siya ulit at natulog.


"Bangungutin ka sana" Bulong ko.

"Narinig ko yun babe" Bulong niya kahit nakapikit siya.

"Pinaparinig ko naman talaga ehh" Sabi ko.

"Babangungutin talaga ako, ikaw ang nasa isip ko ehh" Sabi niya.


"Kathryn, ano na naman yan?" Tanong ni Mr. Fitz.

Lagot!


"Mr. Fitz, ang ingay mo" Biglang sabi ni DJ.


Tumingin si Sir kay Daniel tapos nagsulat na siya ulit sa board.

Grabe. Nakakailan na si Daniel kay Sir ahh. Ilang beses na niyang binabara si Sir.


"Ang ingay mo kasi" Bulong ni DJ.

Promise ko sa sarili ko, starting today, DI NA KO MAGSASALITA TUWING PHYSICS.

Baka kasi kapag umabsent si Daniel, tsaka ako pag-initan ni Mr. Fitz.

Ayoko ng ganun!!


Nung Trigo namin, Tadtad ako ng tanong mula kay Zharm.

Hinatid ba daw ako ni Daniel mula bahay to school? Kung natuloy daw ba yung chu-chu? Kami na ba daw? Niligawan ba daw ako ni DJ? Okay na ba daw kay kuya? Alam ba daw ni mama?

Hindi lang ako ng hindi hanggang sa napagod din siya.


On our way to canteen, nakita ko yung bulletin board.

Oras pala ng free time namin, dapat nasa gym kami. Yun yung time na magpapractice kami. Pero may nakalagay sa bottom part, NO other students allowed.

YES!!! Walang barkadang pwedeng manuod!! Whoot whoot!


"Oh? Bakit parang natuwa ka pa diyan?" Tanong ni Julia.

"Huh? Ano kasi..."

"Nakakainis naman yan! Hindi kami makakanuod!" Sabi ni Zharm.

"Hayaan niyo, makikita niyo rin naman kami sa event"

"But that's next week pa!"

"Huh? Bakit ang bilis? Akala ko ba next next week pa yun?"


"Friday next week is the date. Iniurong daw dahil may laban ang basketball team natin the other week" Sabi ni Bea.


Bakit alam niya yun? Ako hindi?

@_@


Pumunta na kami sa canteen at nagulat kami nila Julia nung may mga nakaupo sa upuan namin. Mga pitong tao plus si Sofia. Wala pa si DJ, Jake at Khalil. Si Diego at Albie, lumapit samin.


"Pinaupo na lang basta ni Sofia yang mga yan" Sabi ni Diego sabay kamot sa ulo.

"Wala kaming magawa" Sabi ni Albie.


"Ohh? Bakit nakatayo kayo?" Dumating bigla si Daniel.

"Yang magaling mong bestfriend, may dinagdag sa barkada" Sabi ni Bea. Halatang inis na inis na siya.

"Huh?" Tumingin si DJ dun sa table namin. Tapos lumapit siya kay Sofia.


"Bestfriend! Look! Nandito yung mga bagong friends ko" Tuwang-tuwa pa si Sofia tapos tumayo yung tatlong babae. Yung apat na lalake nakaupo lang.


"TEKA! Bakit nandito yang mga yan?" Nagulat si DJ pati na rin ako.

"You know them?" Tanong ni Sofia.

"Syempre. Mga ex ko yang mga yan!" Sigaw ni Daniel.

"So? Hindi naman lahat sila ex mo. These four guys are varsity players din. They are my friends kaya dapat friends mo rin sila!" Sabi ni Sofia.


Halatang nainis si DJ pero nagkamot na lang ng ulo.


"San naman uupo ang barkada?" Tanong ni Daniel. Tama! San kami uupo?

"Magbawas ka na kasi! Si Kath, Zharm, Julia at Bea, tanggalin mo!"


"KAPAL NG MUKHA MO!" Sigaw ni Zharm. Nagulat ako dun! Hindi naman war freak si Zharm, sadyang napuno lang siguro siya. Nakita kong sasabunutan niya si Sofia pero pinigilan siya ni Albie.


"Sino ka ba sa akala mo? Oo! Bestfriend ka ni Daniel sa America pero nasa pilipinas na siya! Wag kang umarte as if hawak mo lahat sa leeg!" Sigaw naman ni Julia.

"Sis!" Bulong ko. Hindi naman marunong magalit si Julia ehh...nakakagulat talaga yung reaction niya ngayon.

"Ano? Siya ang mali Kath! Palayasin niyo yan kundi mabubugbog namin yan" Sabi ni Julia.


Si Bea halatang pinipigilan ang sarili, buti na lang nasa tabi niya si Jake. Dumating na pala si Khalil at Jake, wala man lang nakaramdam.


"Teka nga! Wag nga kayong magulo!" Sigaw ni DJ.

"Ayusin mo yan DJ, either kami ang lumipat ng table or sila?" Ako na yung nagsalita. Nabwi-bwisit na rin kasi ako kapag affected ang barkada. Para ko na silang kapatid. Napaka-epal kasi niyang Sofia na yan.


Tumingin sakin si Daniel tapos kay Sofia.

Tapos yung tingin niya sakin parang nahihirapan siyang mag-decide.


"Sorry guys, ayokong magalit si mama kapag umiyak si Sofia" Bulong ni DJ, nakatingin pa siya sa floor.


"Wow Daniel!" Sabi ni Albie.

"Grabe" Dagdag ni Diego.


"Pwede ba guys? Upuan lang yan! Wag naman kayong magalit sakin" Sabi ni Daniel.

"Upuan? Palibhasa tinotolerate mo si Sofia" Sabi ni Khalil.

"Wag kang makialam dito. Sa totoo lang, dapat tanggal ka na sa barkada. Alam ko yung ginawa niyo ni Kath sa kotse ko" Sigaw ni DJ kay Khalil.


Wow. Parang sinabi niya lang na dapat tanggal KAMI ni Khalil sa tropahan.


"Alam niyo guys, wag na kayong magalit. Lumipat na lang tayo" Sabi ko. Si Daniel tumingin sakin.

"What? Kath! Mas may karapatan tayong umupo dun---" Sabi ni Bea.

"Bea! Upuan lang yan. Wag na tayong makipagpatayan para lang diyan" Sigaw ko tapos umupo na ko dun sa may table malayo-layo sa dati naming table.


Nagulat ako nung sumunod sakin ang barkada. Dun ko lang napansin na gumawa pala kaming lahat ng eksena dito sa canteen. Lahat ng tao nakatingin samin.


"Daniel, umupo ka na dito" Sabi ni Sofia. Si DJ nakatingin pa rin sakin.

Anong tinitingin-tingin mo? Bwisit ka sa buhay.


Umiling na lang siya tapos umupo na sa table.


Jake: "Grabe si Daniel"

Diego: "Di ko akalaing magagawa niya yun"

Zharm: "Mas pinili niya pa si Sofia kung para satin"

Albie: "Upuan lang? Hindi ehh. Iniwan niya tayo"

Julia: "Bakit hindi yung mga yun ang pinaupo niya sa ibang seat?"

Khalil: "Nakakainis si Daniel"

Bea: "I hate him and that girl"

Tapos tumingin sila sakin.


"Ikaw? Okay ka lang?" Tanong sakin ni Bea.


Hindi ako sumagot. 

Okay ba ko? Hindi. Galit ako sa kanya. 

Makitid ba utak ko? Hindi naman siguro. Nagulat lang ako na mas pinili niya yung mga bagong kaibigan ni Sofia kung para samin. 

Ganun niya ba kamahal yung babaeng yun?


"I understand kath. Yung pagpili ni Daniel parang pumili lang siya kung si Sofia ba or si Kath" Sabi ni Albie.

Huh? Kung ako or si Sofia? Anong ibig sabihin ni Albie?


"Bili na tayo ng food" Nagyaya na si Khalil.

"Ano sayo bestfriend?" Tanong niya.

"Wala" Sagot ko. Wala akong gana kumain.

"Di ka ba gutom kath?" Tanong ni Julia.

"Hindi ehh, kayo na lang"


Bumili na sila at naiwan akong mag-isa sa table. I didn't dare to look at Daniel. Baka mabato ko lang siya ng sama ng tingin.


Iniisip ko talaga yung sinabi ni Albie.

Naguguluhan ako...


Biglang may nag-text sakin.


From Secret Admirer DAW:

12:06 pm.

Malungkot ka?


Timing naman tanong niya.


To Secret Admirer DAW:

12:07 pm.

Di ko alam.


From Secret Admirer DAW:

12:08 pm.

Galit ka?


To Secret Admirer DAW:

12:09 pm.

Di ko rin alam.


From Secret Admirer DAW:

12:10 pm.

Wag kang malungkot or magalit. I'm sure nagawa niya lang yun dahil wala siyang choice. Intindihin mo na lang siya.


Wow. Sakto yung message niya. Pero yung advice? Ewan ko. Intindihin...?


"Psst, sino yan?" Tanong ni Zharm.

"Wala" Sagot ko.


Di ko na sinagot yung ka-text ko. Bastos na kung bastos, wala na ako sa mood ehh.


After ilang minutes, tumingin na ko sa relo ko.

"Guys, punta na ko gym" Sabi ko tapos kinuha ko na yung bag ko.

"Bakit?" Tanong ni Khalil.

"Practice" Sabi ko.

"Goodluck" Sabi ni Julia.


Di ko tinignan kung tumayo ba si Daniel or what. Basta dire-diretso akong naglakad papuntang gym.

After three minutes, dumating na rin yung teacher namin.


"Attendance!!!" Sigaw niya tapos tinaas niya yung papel na hawak niya.

"I'm Ms. Elena! Pirmahan niyo ito ng partner niyo so I'll know kung present ba kayo or hindi" Lahat kami pumunta na dun. Nakita ko yung iba, kasama yung partner nila. Ako, hindi ko man lang hinanap si DJ.


Nung pipirma na ko, biglang nagsalita si Ms. Elena.

"Ikaw pala si Kathryn?" Nagsmile siya sakin.

"Pano niyo po nalaman?" Tanong ko. Di pa naman ako napirma ng pangalan ko ahh.

"Katabi mo si Daniel ehh. Sikat kaya kayo sa campus, kahit sa faculty" Sabi niya. Lumingon ako sa kanan ko and nagulat ako, nandun si DJ.


Di ko na lang siya pinansin. Sinulat ko na yung pangalan ko tapos nilapag ko yung ballpen sa table.

Pumunta na ko sa bleachers at umupo dun while pumipirma pa yung ibang mag-partners.


" Line up!! First year and Second years na partners muna!" Sigaw ni Ms. Elena. Tapos binabanggit niya yung mga pangalan nung iba.


"Okay, ang ipa-practice natin for today is the entrance dance. Anyway, excuse na kayong lahat sa other subjects niyo!" Tapos nagsigawan lahat. Masyadong natutuwa?


After niyang magturo sa mga freshmen at second year students , Pinapila na niya yung mga third year. Mga fourth year matitigas ulo, kahit isa walang tumayo. Six pairs ng fourth year ang meron. Nag-bubble gum muna ako while pinagmamasdan sila.


"Ok Seniors, pila na!" Sigaw niya.

"Kathniel!" Sigaw ni Ms. Elena ng makitang di kami tumayo ni DJ.


Yung ibang students nagsigawan.

Alam niya yun? O_O


In-offer ni Daniel yung hand niya pero di ko hinawakan. Makakatayo naman akong mag-isa ahh. 

Nilagpasan ko na siya and pumunta na ko sa lugar kung saan pinapapunta kami ni Ms. Elena.

Sumunod naman sakin si DJ at pumunta na sa may right ko.


"Okay, ganito gagawin" Sabi ni Ms. Elena tapos hinila niya yung isang teacher na di ko kilala.

Tapos may tumugtog na kanta..


"Oh! Walang magre-react! Ayokong may mag-react!"

Tumawa kaming lahat.


Pano ba naman kasi, yung kanta...sa Highschool Musical 3 galing. Yung can I have this dance ang title.


After nilang sumayaw, pumalakpak kaming lahat. Ang ganda tignan!!!


"Mag-harap kayo sa isa't isa" Sabi ni Ms. Elena. May hawak pa siyang mic. 

Hindi ko tinignan si DJ, humarap lang ako sa kanya.


"Boys, hawakan ang right hand ng girl gamit ang left hand niyo" Pinatong ko yung kamay ko sa kanya.


"Boys, hilahin ang girl" Medyo nailang ako nung hinila ako ni DJ. Pano ba naman kasi, ang lapit ng mukha niya.


"Boys, iikot niyo pa-clockwise yung girl" Ayun, ginawa naman namin yun.

"Girls, ipatong ang left hand sa right arm ng boys"

"Boys, ilagay ang right hand sa bewang ni girl" Nung ginawa namin yun, yung mga second year nagsigawan. Parang mga sira ulo.


Ayun, itinuro na nga niya yung mga dance steps. Medyo may part na nakakailang!


"Teka nga" Sabi bigla ni Ms. Elena. Nakita kong lumapit siya samin ni DJ.

"Sabi nila ang sweet niyo daw dalawa, bakit parang nagkaka-ilangan pa kayo?" Tanong niya.


"Sabi lang nila yun" Bulong ni DJ.

"Ang layo ng space niyong dalawa! Kath, wag na mahiya" Tinulak ako ni Ms. kay DJ para lumapit yung space namin.


"AYIEEE!!" Asar nung iba.


"And isa pa, magtinginan nga kayo" Sabi niya. AYAW KO NGA TUMINGIN KAY DANIEL!!


"Tingin!" Sigaw nilang lahat. Tumingin ako kay Daniel pero expressionless yung face ko.


"Dagdagan niyo naman ng sweetness" Sabi ni Ms.

"Practice pa lang naman Ma'am, Di na kailangan yun" Sabi ko.

"Ay hindi! Tatanggalin ko kayo kung hindi niyo gagawin yun" Sagot naman nya.


Tumingin na ko kay Daniel at medyo nagtaka ako...


Iba yung tingin ni DJ ehh.

Parang ang lalim ng iniisip niya.


"YAN! AHHHHH" Sigaw nung mga freshmen.

"KINIKILIG KAMI!!!" Sigaw naman nung iba.


Tumingin agad ako sa kanila.

Nakakahiya kayang tumitig sa taong kinaiinisan mo.


Pinaulit ni Ms. Elena lahat simula sa simula. Tapos nung may kanta na, si Daniel biglang nagsalita.


"Galit ka sakin?" Bulong ni DJ. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Ano ine-expect mo? Matuwa ako? Ginalit mo ang barkada"


"Pag umiyak si Sofia, magagalit si mama" Sabi niya habang ginagawa namin yung mga ginagawa nung iba.


"Kaya lumalaki ulo niya ehh. Lagi mo na lang pinagbibigyan"

"Sa palagay mo ba, may magagawa pa ko para hindi na kayo magalit?"


Tinignan ko lang siya.

Hindi ko kasi alam ang isasagot ko.

Meron pa ba?


Tapos nagulat na lang ako nung iniikot ako ni DJ.

I end up staring at him.


*Gulp*


Yung face niya, super lapit sakin. Pag may gumalaw sakin, magdidikit na labi namin.


"Sorry na" Sabi niya.


"AAAAAAHHHH!"

"Nakakakilig!"

"Grabe!"

"Kung may babaeng dapat kay Daniel, Si Kathryn yun!"

"Siya lang ang babaeng hindi ko pinagselosan"

"IKR? They're perfect for each other"

"May chemistry!"

"Titigan pa lang nakakakilig na, yung ganyang space pa kaya!! AHHH"

"I love Kathniel"


Lumayo ako bigla sa kanya.


"Perfect! Ang galing! That's what I called dance! Guys, gayahin niyo itong dalawa! Ang ganda panuorin! Sa harapan kayong dalawa!" Sigaw ni Ms. Elena.


Sa harapan? O_O

Wag naman!!! T_T


"Okay sige, tapos na ang practice for today! Tomorrow ulit, same time! Magdala kayo ng white t-shirt bukas. Papayagan namin kayong magpalit. Dismissed" Sigaw ulit niya.

"Yay!" Sigaw nung ilan.


Nagsimula na kong maglakad palabas papunta sa Music Room since yun ang class ko pero nagulat ako nung may humawak sa kamay ko.


"Usap naman tayo. Please"

Kumunot noo ko nung sinabi yun ni Daniel.


Ano kath? Papayag ka ba or hindi?

Hay naku! Nakakairita.


"Sige na nga" Tapos hinila niya na lang ako bigla-bigla.

Tumakbo kami papunta sa may library.


"Bakit dito---" Magtatanong pa sana ako pero naglakad na siya papunta dun sa dulo. Weird.


Umupo na lang siya dun sa sahig sa likod nung pinaka-last na book shelf. Naka-carpet naman yung library kaya okay lang. Ginaya ko siya at umupo din ako sa gilid niya.


"Bilis, ten minutes pwede ko ibigay sayo. Ano ba yung paguusapan?"


"Masama ba ko kath?" Binaliwala niya lang yung tanong ko. (-_-)

"Sobra" Sagot ko sabay tumawa ako.

"Di ko na kasi alam gagawin ko, ang sakit sa ulo"


"Ganito kasi yan DJ. Kung pinili mo yung barkada, isa lang makakaaway mo. Si Sofia lang. At ang maganda pa dun, iiyak lang siya pero madali mo namang mabobola yun. Eh ang barkada? Mabobola mo ba kami?"


Yun lang yun ehh. Pinapahirapan niya pa yung sarili niya.


"Pinapili mo pa kasi ako!" Sabi niya.


"Oh di sige! Sakin ka magalit! Diyan ka naman magaling ehh!" Sabay tumayo na ko.

Nakakabwisit siya! Magso-sorry pero magagalit din! Nanisi pa!!


Tumayo rin siya pero tumalikod na ko sa kanya. Maglalakad na sana ako pero nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako papunta sa kanya.


Niyakap niya ko ng mahigpit, yung mukha niya tinago niya sa neck ko.

O_O


"Sorry na talaga Kath" Bulong niya.


Di ko man nakikita yung mukha niya, alam ko...

Alam kong hindi siya nagsisinungaling.


"Sorry ka ng sorry, bakit hindi sa barkada ka mag-sorry?" Bigla siyang tumingin sakin.


"Gagawin ko rin yun pero gusto ko muna, ikaw lang yung tanungin ko. Mapapatawad mo ba ko dun sa ginawa ko?"


"Bakit mo naman naitanong?" Tanong ko.

"Kasi mahalaga sakin yung isasagot mo" Sabi niya.


Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.


Ito na naman puso ko...

Siguro kailangan ko nang magpa-check up.

Kasi tuwing tinititigan ako ni Daniel ng ganito, bumibilis tibok ng puso ko.


"DJ..."

Continue Reading

You'll Also Like

14.9M 235K 75
PUBLISHED UNDER POP FICTION [Unlucky I'm In Love with My Best Friend sequel/book 2] BITTER CASANOVA. Kapag sinabing CASANOVA, babaero, mapaglaro sa p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
8.8K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
652K 14.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...