Ang Batang Ipinanganak sa Hau...

By GYJones

584K 24.8K 3.4K

Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Sina Hannah at Jules
Chapter 2: Si Father Markus
Chapter 3: Ang Bata
Chapter 4: Stop Over
Chapter 5: Seek Ye First
Chapter 6: Ang Pulis
Chapter 7: Check-In
Chapter 8: Pagpapakilala
Chapter 9: Game Plan
Chapter 10: Parokyang Lokal
Chapter 11: Si Mayor
Chapter 12: Proteksyon at Mga Unwelcomed Guests
Chapter 13: Ang Bahay na Bato
Chapter 15: Ang Torture Chamber
Chapter 16: Overnight
Chapter 17: Exorcism
Chapter 18: Si Bishop Israel
Chapter 19: Magparamdam Kayo
Chapter 20: In Memory of Sister Juanita
Chapter 21: Mayor's Den
Chapter 22: The Appeal
Chapter 23: Translation
Chapter 24: Bagong Game Plan
Chapter 25: Ang Lagay ng Mga Bagay
Chapter 26: Secret Weapon
Chapter 27: Huling Hantungan
Chapter 28: Sa Mental Hospital
Chapter 29: Kilala Ka Na Namin
Chapter 30: Paghahanda
Chapter 31: +
Chapter 32: God on My Side
Chapter 33: Respite
Chapter 34: Sa Dagat ng Impiyerno
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
Acknowledgments

Chapter 14: Gising na si Berta

10.3K 560 75
By GYJones

Pasado alas-singko. Napakain na ng mag-amang Kanor at Wendell ang mga baboy, kalabaw at manok, at ngayo'y naghahanda na sila ng makakain naman nila sa hapunan. Nagdagdag ng takal sa sasaingin at ekstrang katay ng manok na uulamin para kina Father Markus at Brother Paul. Namaalam muna sina SP04 Rosales at P02 Casas at babalik na lang daw nang maaga kinabukasan, sa pahintulot na rin ni Hepe na nasa Anlunan Residence pa sa sandaling iyon.

Nagising saglit si Berta at nilinis ni Kanor ang mga sugat niya hanggang makatulog muli ang bata.

Lumabas ng kubo si Father Markus para manigarilyo, iniwanan siya ni Hannah ng ilang stick ng Marlboro Reds na may kasama pang bilin na kanya iyong tipirin. Mahaba pa ang araw, Father, sabi sa kanya ng psychic. Alam iyon ng pari. Marami na ngang nangyari sa araw na ito, pero wala pa iyon sa naghihintay sa kanya sa gabi. Papunta sa pamilyar na puno ay inabutan niya si Brother Paul na kakatapos lang na makipagusap sa cellphone, at ito'y lumapit sa kanya.

"Kausap ko si Father Gilberto, father. Siya ang hahalili kay Father Dacayman," sabi ni Brother Paul. "Naghahanda na daw sila para sa libing ni Father."

"Baka kailangan mo nang bumalik sa bayan?" tanong ni Father Markus.

Umiling ang brother. "Nagpaalam na ako kay Father Gilberto. Tutulungan ko kayo sa exorcism ni Berta."

Tumango si Father Markus. "Close ba kayo ni Father Dacayman?"

"O-oo," nag-aalangang sagot ni Brother Paul at siya'y umiwas ng tingin. "Bata pa lang ako na sakristan, nagsilbi na ako sa kanya."

Susundan pa sana ng pari ang tanong, pero mabilis na nagpaalam ang brother.

"Pasok muna ko sa loob, father."

"Okay."

Pagalis ni Brother Paul ay pumuwesto si Father Markus sa lilim ng puno, inangat ng tupi ang itim niyang sutana at naupo sa matabang ugat, at nagsindi ng yosi gamit ang posporo na hiniram niya kay Kanor. May banayad na hangin ang humahaplos sa kanyang mukha. Nilibot niya ng tingin ang lugar, ang bahay nila Kanor, ang ibang kubo na nasa malayo, ang malawak na sakahan, hanggang sa kung saan aabot ang kanyang paningin. Nagtago na ang araw sa likuran ng mga bundok at ang langit ay kulay dark grey. Naisip niya kung ano na kaya ang nangyayari sa Anlunan Residence, na malamang ay nagse-setup na sina Jules at Hannah ng mga kagamitan nila. Naisip niya ang mga tao na nakapanayam nila. Kay Hepe, ay naramdaman niyang mapagkakatiwalaan nila ito, na siya'y mabuting tao, tulad ni Brother Paul, bagama't pareho silang may mga sarili ring mga sikreto. Pero, sino ba'ng wala?

Tinapon ni Father Markus ang upos, tumayo't bumalik ng kubo. Sa loob, nagluluto si Kanor katulong si Wendell.

"Si Brother Paul?" tanong ng pari.

"Nasa kuwarto," turo ni Kanor. "Babantayan daw muna niya si Berta."

Sa kuwarto, nakaupo sa kahoy na silya si Brother Paul sa gilid ng kama at pinagmamasdan si Berta na natutulog. Nakapatong sa sahig ang portable lamp na siyang nagbibigay ng liwanag sa madilim na kuwarto. Tuwing tulog si Berta at wala ang dimonyo sa kanyang katawan ay normal ang temperatura sa loob, at wala rin ang mabahong amoy, bagama't nakatali pa rin ang bata sa poste ng kama pagka't walang tiyak na oras kapag bumabalik ang dimonyo.

Hawak ni Brother Paul ang rosaryo at nagsimulang magdasal ng mysteries of the rosary.

I believe in God, the Father almighty, creator of heaven and earth.
I believe in Jesus Christ, his only Son, our Lord.
He was conceived by the power of the Holy Spirit and born of the Virgin Mary.
He suffered under Pontius Pilate, was crucified, died, and was buried.
He descended to hell.

Sa walang kadahilanan, napatigil si Brother Paul. Tila may pumipigil sa kanyang magdasal. Hinigpitan niya ang hawak sa rosaryo at pumikit, at hindi nagtagal ay nagbalik ang lakas ng kanyang dila, at ipinagpatuloy niya'ng pagdarasal.

On the third day he rose again.
He ascended into heaven and is seated at the right hand of the Father.
He will come again to judge the living and the dead.

Tuloy-tuloy ang kanyang pagdarasal nguni't sa kalagitnaan ng Joyful Mysteries ay nakaramdam siya ng pagod sa katawan. Marahil gawa ng mga pangyayari ng araw na iyon, sa stress at dalamhati sa pagkamatay ni Father Dacayman. Kaya't nang patapos na siya sa Sorrowful Mysteries, siya'y nakatulog. At ang rosaryo ay nalaglag sa sahig.

Nakasandal sa upuan si Brother Paul at nakapikit. Ang rosaryo sa kanyang paanan ay unti-unting gumalaw mag-isa.

Bumaba ang temperatura ng kuwarto, at ang nakatulog na si Brother Paul ay nagising nang makaramdam ng panlalamig. Mula sa ilong at bibig niya'y may usok-lamig. Dumilat siya sa madilim na kuwarto. Ang portable lamp sa sahig ay pumipitik-pitik at humina ang liwanag. Napayakap si Brother Paul sa sarili sa ginaw. At kanyang narinig ang boses na galing sa kanyang likuran.

"Patawad..."

Nang lumingon ang brother ay nagulat siya sa nakita. Sa kanto ng kuwarto ay naaninag n'yang may nakatayong lalaki na nakatalikod, at ito'y walang kasuotan pagka't kita niyang balat nito.

"Patawad..." sabing muli ng lalaki.

Nagulat si Brother Paul. Nabosesan niya.

"Father Dacayman?"

"B-brother Paul?" gulat na sabi ng matanda at nagpalingon-lingon, hinahanap ang pinanggalingan ng boses na narinig. "Brother Paul? N-n-nasaan ka?"

"Nandito ako," sabi ni Brother Paul, na tumayo at inabot ang portable lamp pagka't hindi niya makita sa dilim si Father Dacayman. Humakbang siya papalapit sa nakatalikod na matandang pari.

"N-nasaan ka, Brother Paul? Tulungan mo ako."

"Nandito ako sa likod mo, father!"

Itinaas ni Brother Paul ang portable lamp at nailawan ang nilalang at siya nga'y hubo't-hubad. Humarap sa kanya si Father Dacayman at napatakip ng bibig si Brother Paul. Kakila-kilabot ang hitsura ng matandang pari, ang kanyang balat ay kulay itim at pula at naaagnas. Kaya niya hindi makita si Brother Paul ay sapagka't wala siyang mga mata, nalusaw na'ng kanyang mga eyeballs at ang ilong niya'y ganoon rin at lumabas na ang buto. Ang labi niya'y kulubot pati kanyang mga tenga. Wala siyang buhok, naaagnas ang kanyang ulo, at ang kanyang ari ay tulad ng iba'y natunaw na rin.

Napaatras si Brother Paul. Para siyang masusuka. Ang tanging hindi lang lusaw kay Father Dacayman ay ang kanyang dila, at ito'y sinadya ng mga dimonyo para siya'y makahiyaw.

"Tulungan mo ako, Brother Paul!" sigaw ni Father Dacayman. "SINUSUNOG NILA'NG KATAWAN KO SA IMPIYERNO!"

At bigla na lang bumukas ang pader sa likuran ni Father Dacayman at nakita ang loob ng impiyerno. Puro apoy, usok at bato. At mula roon, lumabas ang mga batang dimonyo. Kanilang mga mata'y itim, may sungay na parang kambing at buntot ng ahas. Kanilang hinatak si Father Dacayman pabalik sa impiyerno. Pabalik sa apoy. Pabalik sa kaparusahan. At nagapoy ang katawan ni Father Dacayman. At nasunog ang kanyang kaluluwa. Habambuhay.

"TULUNGAN MO AKO, BROTHER PAUL!" hiyaw ng pari habang siya'y nasusunog. "TULUNGAN MO AKO!"

At sumara ang pader at nawala ang vision ng impiyerno.

At nagising si Brother Paul.

Hinihingal. Nakita niyang nakaupo na muli siya sa silya katulad kanina nang siya'y makatulog sa pagdarasal ng rosaryo. Pero, wala ang rosaryo sa kanyang kamay. Yumuko siya sa sahig para hanapin iyon. Lumuhod at kinapa ang sahig. Pero wala. At narinig niya ang boses ng bata sa kama. Ngayon, hindi ng lalaki kundi'y maliit at matining na boses ng musmos.

"Ito ba ang hinahanap mo?" sabi ng dimonyo.

Nanlaki ang mga mata ni Brother Paul sa kanyang nakita.

Kinakain ng bata ang kanyang rosaryo.

Kapanayam ni Father Markus si Kanor sa kusina, si Wendell naman ay nagpupunas ng mesa nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at dali-daling lumabas si Brother Paul. Nagulat sila pagka't putlang-putla ang brother, pinagpapawisan at hirap makapagsalita.

"Brother Paul?" nagtatakang lapit ni Father Markus. "Ano'ng nangyari?"

Napaupo si Brother Paul.

"G-gising na si Berta."

NEXT CHAPTER: "Ang Torture Chamber"

Continue Reading

You'll Also Like

30.7K 393 11
pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana pinaramdam lang talaga ang pagmamahal sa akin Sheena Escalante Clark Gomez #HTTI
5.1K 385 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...
320K 5.3K 200
Hugot ng pusong nasaktan. Written By: BLOCK_FLOWER011 Date: June 6, 2018 End: July 4, 2018
41.9K 552 7
THIS IS MY REVENGE...... HUMANDA KAUNG LHAT NA NANGLAIT,NANAKIT,AT PUMATAY SA PINAKAMAMAHAL KONG BESTFRIEND MATITIKMAN NIYO ANG BAGSIK NG PAGHIHIGAN...