Heart Held Captive

By AaliyahLeeXXI

67.9K 2.6K 1.1K

Love... My idea of love was a mixture of tragedy and beauty. I could still remember how my true parents both... More

Heart Held Captive
Teaser
﹏๑✿ ・:*:・PROLOGUE ・:*:・✿๑﹏
~✿*1*✿~
~✿*2*✿~
~✿*3*✿~
~✿*5*✿~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT!
~✿*6*✿~
~✿*7*✿~
~✿*8*✿~
~✿*9*✿~
~✿*10*✿~
~✿*11*✿~
~✿*12*✿~
~✿*13*✿~
~✿*14*✿~
~✿*15*✿~
~✿*16*✿~
~✿*17*✿~
~✿*18*✿~
~✿*19*✿~
~✿*20*✿~
~✿*21*✿~
~✿*22*✿~
~✿*23*✿~
~✿*24*✿~
~✿*25*✿~
~✿*26*✿~
~✿*27*✿~
~✿*28*✿~
~✿*29*✿~

~✿*4*✿~

1.7K 79 19
By AaliyahLeeXXI

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Kahit nakasuot pa siya ng black jacket at dark sunglasses, hinding-hindi pa rin ako pwedeng magkamali.

"Daddy?" I whispered as I started crying. "Daddyyyy..." Yumakap agad ako nang mahigpit sa kanya at nag-iiyak sa dibdib niya.

"Ano ka ba? Wag ka rito umiyak. Baka isipin ng mga tao eh kung ano ginawa ko sa 'yo," he said while caressing my back.

I looked up to him. "Ano po'ng ginagawa mo rito?"

His face softened as he smiled at me. "Sabi mo ihatid kita, di ba? Ihahatid kita hanggang sa Paris until I'm secured that you're finally settled in your place there."

I buried my face on his chest again and continued crying. "Thank you so much po. Akala ko po talaga galit ka pa rin sa akin eh."

"Alam mo namang hindi kita matitiis kahit kailan. Sige na, umupo ka na. Nahihirapan dumaan yung iba rito sa aisle."

"Tabi po ba tayo?"

"Yeah."

I smiled at him thankfully before I sat on my seat. I didn't know what kind arrangements that he did para magkatabi kami rito sa plane. But nevertheless, I appreciated the effort that he made. Yumakap agad ako sa kanya pagkaupong-pagkaupo niya sa tabi ko.

"Na-miss po kita. Ang tagal mo po kasi akong hindi kinausap. Aren't you mad at me anymore?"

"Hindi naman ako nagalit sa 'yo. Hindi ko lang talaga nagustuhan itong plano mo na 'to tapos inilihim mo pa sa amin. But what can I do? This is what you want. Bakit kasi di ka na lang sa Daddy Justine mo nagmana sa pagiging masunuring anak. Bakit yung katigasan pa ng ulo ko ang minana mo eh."

Ngumiti ako sa kanya. "Idol ko po kasi kayo ni Mommy Zanny eh. I wanted to prove something for myself."

"Make me and your Mommy even prouder, okay?"

"I will, Daddy. Lalo pa po ngayong alam ko nang suportado mo na ako."

"Good. That is what I like about you. You're always passionate about the things that you like to do."

"Alam po ba ni Mommy na sasamahan mo ako at ihahatid sa Paris?"

"I sent her a text message before I boarded the plane."

"Thank you so much, Daddy. Sobrang na-appreciate ko po itong ginawa mo na ito."

"Katheryne!"

Napalingon ako dun sa tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Randall na padaan sa aisle. Ngumiti agad siya sa akin kaya nginitian ko rin siya.

"Hoy! Wag ka ngang magpa-cute sa anak ko!" biglang sigaw ni Daddy sa kanya.

"Dad!" mahinang saway ko sa kanya.

"Ngiting-ngiti ka pa. 'Kala mo naman ikinagwapo mo 'yan. Flirt! Bakla!" dagdag pa ni Daddy habang sinusundan ng tingin si Randall paglagpas sa gilid ng upuan namin.

"Oh my goodness, Daddy. Please don't make a scene. Pinagtitinginan na po tayo oh. Nakakahiya."

He turned his head to me. "Sino ba kasi yun? Kaninang-kanina ko pa gustung-gustong tirisin yun. Nakikipagtawanan pa talaga sa 'yo habang naghihintay ng flight kanina. Alam ba nun kung sino mga magulang mo at kung kanino kang apo?"

I rolled my eyeballs. "Here we go again. Activated na naman yung overprotectivity mode mo, Dad. Nakausap ko lang po siya kanina dahil nalaman namin na pareho pala kami ng flight."

"Tapos sa Paris din pala punta nun ha. Baka naman makipag-date ka dun nang hindi namin alam habang nag-aaral ka. Naku, Katheryne Candice. Sinasabi ko sa 'yo ha. Di ka pa nga nakakaalis ng Pilipinas, you're already entertaining suitors."

"Daddy, hindi po nanliligaw sa 'kin yun. Nakipag-usap lang po sa 'kin yun para di mainip kanina."

"But that moron is attracted to you! Alam ko! Sigurado ako! Marunong akong bumasa ng mga kilos at kumilatis ng mga lalaking ganyan sa isang tingin ko pa lang."

"Dad, will you please calm down. Hindi po ako magpapaligaw sa kanya sa Paris. I'm going there to study. That's my priority." I held the collar of his jacket and softly patted his chest to assure him. "Tutuparin ko po yung promise ko sa inyo nina Mommy at Kuya Jemie na sa bahay ako magpapaligaw in the future para makilatis n'yo yung manliligaw sa 'kin."

"You better be, Katie. Dahil pag nalaman kong may lalaki kang ine-entertain dun, pupuntahan talaga kita at iuuwi rito sa Pilipinas. Magalit ka na sa 'kin pero gagawin ko talaga yun."

I sighed. "Hay, sayang naman yung ganda ko. Feeling ko po talaga tatandang dalaga ako dahil sa 'yo."

He smiled and put his hand on the top of my head. "You're still too young, princess. Gusto ko munang matupad mo yung mga pangarap mo para kapag nag-asawa ka na sa future, you won't have any regrets kasi fulfilled na yung pakiramdam mi dahil may narating ka bago pumasok sa panibagong chapter ng buhay mo."

Ngumiti ako sa kanya at yumakap ulit sa katawan niya.

﹏~✿**♡**✿~﹏

Pagtapak namin sa Paris ay lumakas agad ang loob ko dahil kasama ko si Daddy. Umaga pa rin doon nang dumating kami kahit mahigit sixteen hours yung biyahe namin.

"Kita mo na. Pupunta ka rito nang wala ka naman palang tutuluyan pa," sabi ni Daddy habang nakasakay kami sa taxi paglabas namin ng airport kanina.

"Nag-search na po si Mommy ng list ng mga apartments at tumawag na siya. May available units pa po siyang nakita." Kinuha ko sa bag ko yung listahan na ibinigay ni Mommy sa akin at inabot sa kanya.

"Your safety should always come first, princess. Hindi natin alam kung safe ba talagang tumira sa mga apartments na yan."

"Eh saan po ako titira?"

He took something out of his pocket and put it on my hand. "Here. Diyan ka titira sa bahay na yan."

Napatitig ako sa isang bungkos ng susi na inilagay niya sa kamay ko.

Huminto kami sa tapat ng isang taxi stand at ibinaba ni Daddy yung luggages ko mula sa compartment ng taxi. Mula doon ay naglakad kami habang hila yung mga maleta ko. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang magandang bahay.

"Wow! Ang ganda naman po nitong bahay na ito. Dito po talaga ako titira?"

"Diyan ka muna titira habang nandito ka pa sa Paris. Besides, this is just near the academy where you're going to study. Come on, let's get inside."

I took one of my luggages from him and pulled it towards the front door. I opened the door using the key that he gave me. May label yung mga susi kaya alam ko agad kung alin ang para sa front door. Then we went inside the house.

"Wow! Very impressive ang interior kaya lang yung ibang furnitures eh hindi match dun sa color ng wall."

Napatingin ako kay Daddy nang bigla siyang tumawa. "Anak, wag mo itong igagaya sa mansiyon ha? Baka mamaya pagpapalitan mo rin yung mga kulay ng mga pintura dito saka yung ibang furnitures and home decors."

"Hindi ko naman po gagawin yun. Di naman sa 'tin 'to eh. But wait, Dad. Kanino po bang bahay 'to? Is this one of your friend's?"

"Dito tumira sina Tita Abby mo noon saka si Hash nung baby pa siya noong nilayasan nila si Tito Gab mo."

"Whoa... So this house is... Tito Gomer's? Yung brother ni Tita Abby?  Am I right?"

He smiled and nodded at me. "Yeah. Kinausap ko kasi si Tito Gab mo three days ago about my dilemma on you. Sabi niya tatanungin daw niya si Gomer kung pwede kang tumuloy dito sa bahay nila rito. We talked to him at pumayag naman si Gomer. Sabi niya, bihira lang naman daw silang umuwi rito ng pamilya niya kaya pwedeng-pwede ka rito tumuloy."

I stared at him. Akala ko talaga noong mga panahon na di niya ako pinapansin ay galit talaga siya sa akin. Yun pala ay gumagawa rin siya ng paraan para maihanap ako ng maayos na matutuluyan dito. "You know what, Dad? You really deserve an award for being the best daddy in the world."

He grinned at me. "And you deserve the best makulit daughter award for being so makulit."

"And you also deserve the best daddy actor award. Tiniis mo akong hindi kausapin nung iyak ako nang iyak nung madaling-araw. Tapos yun po pala, hindi mo lang ako basta sa airport ihahatid. Hanggang dito pa pala sa Paris."

"Because I was thinking na baka kapag nalaman mo na hindi talaga ako payag na umalis ka ay magbago pa yung isip mo. But no, you really are very determined to go and to pursue your dream. Wala na akong magawa. Ako rin pala yung susuko sa 'yo. But I'm really hoping, Katie, na hindi ko pagsisisihan one day yung pagpayag kong mag-aral ka rito."

I smiled at him reassuringly. "I won't make you regret this, Daddy. I promise."

He nodded. "Get ready, sasamahan kitang mag-register sa school mo mamaya."

Ngumiti ako sa kanya. Kung may ibang mga babae na ka-age ko ang ganito itrato ng mga tatay nila. Yung tipong sinasamahan pa sa kung saan-saan like sa school or sa mall pero ikinakahiya nila dahil malalaki na sila at gustong nilang ipakita sa mga tao na independent na sila. Me? I was so proud that my dad was still doing those kinds of thoughtful things to me. Naranasan ko na kasi ang mawalan ng ama kaya naalisan din ako ng maraming chances to experience so many things with him. Hindi ko na-experience na maihatid niya sa school during my first school day, hindi ko naranasan na maturuan niya sa mga assignments ko, hindi ko naranasan na mapangaralan niya about so many things in life especially about boys, hindi ko siya nakakasama during piano recitals ko or even sa awarding ceremonies sa school, he missed my three graduation days kung saan palagi kong hinihiling na sana ay kasama ko sila ni Mommy Kate, hindi ko rin siya nakasayaw noong debut ko. Yet I was still given a chance to have another father and to experience those things with him. Kaya gusto kong palaging nakakasama si Daddy Lance para sulitin yung mga panahon and to collect a lot of memories with him. Pinunan niya yung malaking puwang ng pagkawala ni Daddy Just sa buhay ko. Sa buhay namin ni Kuya Jemie. Kaya I'm proud to say na Daddy's girl ako.

"Anong oras po yung flight mo pabalik sa Manila?"

"Bukas pa ako babalik. I'll still spend the whole day and night with you here."

"Then let's have a date tonight outside?"

He smiled at me. "Sure."

Pagkagaling namin sa academy ay namasyal pa kami. Talagang sinulit namin yung mga oras na pwede pa kaming magkasama. We took a lot of pictures together at nagpunta pa kami sa Eifel Tower bago dumiretso sa dinner date namin sa isang class French restaurant.

That night ay namamahay ako kaya di ako makatulog. Pinuntahan ko siya doon sa kabilang guestroom at tumabi sa kanya sa kama.

"Why? Di ka makatulog?"

"Yeah. Dito na lang po ako, Daddy. Gusto ko tabi na lang tayo matulog." Yumakap ako sa kanya.

"Paano kita mapapakawalan kung hanggang ngayon parang ikaw pa rin yung baby Katie ko kung maglambing?"

"Hmmm... You know what, Dad? Sometimes I'm wishing na sana pwede kong balikan yung time na yun na bago ako matulog eh kinukwentuhan mo muna ako ng mga gawa-gawa mong bedtime stories tapos kinakantahan ako ni Mommy ng children songs. Na-remember ko po tuloy yung favorite story ko na paulit-ulit kong pinapakwento sa 'yo dati. Yung tungkol kay Lando at Diwatang Z."

He turned his head to look at me and we suddenly burst out laughing. "Yeah. That story was a product of my crazy ideas."

"Imagine, I was already in second grade when I realized that those characters were actually you and Mommy Zanny in real life."

"Oo nga. Baliw talaga ako sa Mommy mo ever since. But you know what? Oftentimes I was also wishing na sana hindi na lang kayo tumanda para dependent pa rin kayong lahat sa amin at di gumagawa ng ganitong mga desisyon na maglalayo sa inyo sa amin. Look at your Kuya. Kapag sobrang dami ng mga trabaho, dun na sa hotel natutulog at di na umuuwi sa bahay."

"Daddy, di ba bata ka pa rin po nung umalis ka sa mansiyon n'yo nina Lolo at Lala noon? You lived independently. You learned how to live on your own. Naging matatag ka po sa mga life struggles because of that. Ganun din po si Mommy. I want to become like you and Mommy too, Dad."

"Alam ko naman yun pero ang hirap pala para sa isang magulang na pakawalan na yung mga anak niya para matuto na silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Katie, sigurado ka bang kakayanin mong mag-isa rito? Ang layo-layo nito sa Pilipinas. Kapag nagkaroon ka ng mga problema rito, hindi ka namin masasaklolohan agad."

"Dad, you don't have to worry about me anymore. Anak kaya ako nina Arch. Lance Caden Monteverde, Dr. Zanary Faye Monteverde, at Atty. Justine Caden Monteverde. Ang lakas ng loob n'yong tatlo ay nananalaytay sa dugo ko kaya kakayanin ko pong mag-isa rito. And besides, big girl na po ako, Daddy."

"Big ba talaga? Parang di naman eh."

Pinisil ko yung tenga niya at gigil na sinabing, "Daddy, sa 'yo talaga nagmana si Zailey eh. Ang alaskador n'yo pareho."

Hindi siya kumibo pero bumaling sa kisame at tumitig doon. "Sana buhay pa si Kuya at si Katelynne. I'm sure they'll be very proud of you and your Kuya Jemie."

"Kung buhay pa sila, siguro po iba yung naging takbo ng buhay namin ngayon. I might be taking up law now instead of being here to study fashion designing."

"Minsan ba naiisip mo, paano nga kung buhay sila ngayon at hindi kami ni Mommy Zanny mo yung nagpalaki sa inyo?"

"Yeah. Minsan naiisip ko po yun lalo na kapag sobrang higpit n'yo ni Mommy Zanny sa amin. Sometimes I'm thinking, siguro kung si Daddy Justine yun, papayag siya na ako na yung mag-drive ng sarili kong kotse or pwede akong lumabas ng bahay kahit ano yung suot ko. But thinking about Daddy's profession, siguro magiging kasing higpit n'yo rin po sila ni Mommy Kate eh. I admit, sometimes I'm comparing you to Daddy Just but I cannot make much comparisons kasi hindi ko naman po gano'n kakilala sina Daddy at Mommy dahil sobrang bata ko pa noong nawala sila. Pero alam ko pong mahal na mahal nila kami ni Kuya kasi napapanood ko po yun sa mga videos na naiwan nila. And don't get me wrong, Daddy. Kahit kailan po hinding-hindi ko naisip na baka they're better parents than you or Mommy Zanny kung buhay pa sila ngayon. I will forever be thankful to you and Mommy kasi hindi n'yo po kami pinabayaan ni Kuya noong kailangang-kailangan namin ng mga magulang na mag-aalaga at magmamahal sa amin."

"And I never regretted deciding to change the course of my life for you, your Kuya, and your Mommy Zanny. Now look at your other siblings, they're looking up to me."

Natawa ako. "Ang yabang talaga, Daddy. But you deserve everything that's happening to your life now. Kaya gagalingan ko pa po para lalo pa kayong maging proud sa akin at maging katulad ko rin po kayo ni Mommy."

﹏~✿**♡**✿~﹏

"Daddy, ihahatid po kita sa airport," I told him while helping him pack his things in his small bag the following morning.

"Princess, wag na. Just stay here and rest."

"Hmp... Ayaw mo lang kasi maiiyak ka pag naghiwalay na tayo dun eh."

"Ikaw ang maiiyak. Iyakin ka kaya. Daddy's girl pa."

"Naiiyak na nga po ako kasi iiwan mo na 'ko. Wala na 'kong makakasama rito sa malaking bahay na ito."

Tinapik niya yung likod ko. "I'm not gonna leave you. I'm just a phone call away. Stop crying. Sabi mo malakas ang loob mo, di ba? Finish your course here tapos umuwi ka agad. Wag kang sasama sa mga lalaki rito. Umiwas ka sa kanila lalo na dun sa asungot na pa-cute nang pa-cute sa 'yo sa airport. Wag kang magbo-boyfriend dito ha?"

"Lagi na lang po yan ang mga sinasabi n'yo sa akin. Hindi po ako magbo-boyfriend, Daddy, okay?"

Niyakap niya ako nang mahigpit. "Alam kong paulit-ulit na 'ko, Katie, pero mag-iingat ka rito, okay?" He released me and took something out from the pocket of his bag. He opened the small black box and and took a silver bracelet from it. "When your Mommy graduated from college, I also gave her a bracelet. I had this made especially for you. These seven lockets have our photos inside." Binuksan niya yung isang nakalawit na locket dun sa bracelet at nakita ko yung picture ni Mommy doon. "Wear this all the time kasi waterproof din yan kaya di mababasa yung pictures sa loob." He took my hand and clasped the bracelet around my wrist. "Para kapag nami-miss mo na kaming lahat, tingnan mo lang yung mga pictures natin sa loob."

Tumango ako habang tumutulo na yung mga luha ko. "Thank you very much po, Daddy. I love you so much po."

Niyakap niya ako. "I need to go now."

Nagsimula na naman akong kabahan dahil alam kong mag-iisa na naman ako. But I tried my best to ignore my fear and get a lot of courage from his embrace. "Three years lang po, Daddy."

Inilayo niya ako sa kanya saka tinitigan. "Don't cry. Ayokong iwan ka rito na ang huling memory ko bago tayo magkahiwalay eh umiiyak ka," sabi niya habang pinapahid yung mga luha ko. "I love you so much, princess. Three years lang ha?" He kissed my forehead before he took his bag on the top of the bed. "Just always pray and you can always do everything." He touched and caressed my cheek before he walked towards the door.

"Bye, Daddy. Have a safe travel," I said as I tried so hard not to cry.

He turned his head to me and smiled. "This is not a goodbye, princess. We're still going to see each other again so this isn't a goodbye."

I smiled at him. "Til we see each other again, Daddy."

He nodded at me before he went out of the room.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Ang gagaling n'yong manghula sa tanong ko sa previous chapter. Hehe! Kilalang-kilala n'yo na talaga ang ugali ng Daddy Lance natin.

Anyway, alam kong medyo boring itong chapter na ito but the story will start getting INTERESTING on the next chapter. Doon na kayo magsisimulang mapaisip ng bongga. Haha! Thanks for reading!

w◆011017-u◆090317

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 54.4K 73
Alexander, James and Skye were triplets. They were stolen from their family at the age of 4. The family searched for them day and night never giving...
458K 16.6K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
67.8K 3.4K 157
Mo Chen traveled to the Collapse World and obtained a character strategy simulator. In simulation after simulation, he conquered the conquerable char...
Gentle touch By K

General Fiction

57K 1.3K 33
It had been mere months after her eighteen birthday, when she was pulled from the safe haven of her life and forced into the fantasy the women had cr...