Royale Series 9: Loved By You...

By iamyourlovelywriter

2.9M 44.9K 2.6K

TEASER: "I just want to be love hindi ba pwede iyon? Gusto ko lang naman mahalin ng taong mahal ko."-- Summer... More

BOOK 9: Hoping To Be Loved By You
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six (spg)
Chapter Seven (spg)
Chapter Eight
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C (spg)
Extra #1: Case closed
Extra 2: How he fell?
PASASALAMAT!!!

Chapter Three

122K 2.1K 85
By iamyourlovelywriter

Chapter Three

            NAPABUNTONG-hininga siya at iniisip kung saan niya pwedeng itapon ang patay na katawan ng babaeng nasa harap niya ngayon. And NO! This is not another Rechmond’s issue this is now her brother’s issue. May isang babaeng malandi na nilalandi kanina pa ang kuya niya at unang tingin palang niya dito ay hindi na niya gusto ang karakas ng babaeng ito and true, she doesn’t like her… understatement of the year… she hates this bitch.

            “You can’t force me to stay away from your brother.” Trisha the bitch snickers.

            “Oh yeah? It’s not like my brother is going to marry a hoe.” She matches Trisha’s snickers. Naningkit ang mga mata nito dahil sa sinabi niya.

            “Okay deal, I will leave your brother if and only if you can beat me in…” may kinuha itong tennis racket. “Tennis and if I win don’t bother Gle and my affair.”

            “Deal.” Mabilis niyang sagot.

            Tumawa ito ng malakas, “You just signed a deal with satan don’t you know I played tennis and I am good at it.”

              And she is telling her that she is satan? For God sake, si Satan dating anghel na naparusahan ni Lord samantalang ito isa itong babaeng earthworm. Dapat dikdikin at gawing pataba ng lupa.

            Hmpf mayabang! “And by the way Summer its doubles.” Linapitan nito ang kapatid niya, shit! Mukhang may sinabi ito sa kapatid niya and based from that bitch’s looks mukhang kakampi nito ang kanyang kapatid. Nagtataka lang na tumingin sa kanya ang kanyang kuya Gleian niya hawak na rin nito ang tennis racket nito.

            “Maglalaro kayo ng tennis sis?” tanong nito.

            “Uh-y-yeah.”

            “I thought you-.”

            “For a change.” Putol niya sa sasabihin nito.

            “You need to pick a partner then.” Ang sarap talagang ingudngod ng mukha nito sa sahig na iyon. Pumasok sila sa isang tennis court na nasa loob ng subdivision dapat sana ay ineenjoy niya ang kanyang day off ngayon kaya lang ng makita niya ang babaeng ito na kulang nalang ay halayin ang kapatid niya sa harap ng mga kaibigan nito ay doon na siya nagalit.

            “Where’s your partner?” tanong uli nito.

            “Excited much?” pumwesto na ang dalawa sa kabilang panig ng  court habang siya ay muling lumabas at tamang-tama naman na paglabas niya ay bumangga ang katawan niya sa isang malaking bagay. Hindi naman siya nasaktan at hindi rin masyadong malakas ang impact kaya mabilis niyang natingnan ang bumangga sa kanya.

            “Rechmond.” Sambit niya, iiwas sana ito ng bigla niya itong hilahin. “Makikiusap ako sa iyo ngayon promise I’ll leave you in peace ngayong araw na ito tulungan mo ako.”

            “No!”

            “Sige na Rechmond promise wala ka namang gagawin tatayo ka lang, ako na ang bahala I just need to get rid off a bitch.”

            Kumunot ang noo nito. “Please.” Pakiusap niya napansin niyang tila napa-isip ito.

            “What do you want me to do then?”

            “Doubles… tennis doubles.”

            “What? No way!”

            “Please at saka pumayag ka na kanina. Wala ng bawian.” Hinila na niya ito papasok ng court at saka tiningnan ang mga kalaban niya. “Kuya, I already have a partner.”

            Nanlaki ang mga mata nito ng makita silang magkasama sabay iling, she knew her brother is surpressing a grin. Kahit naman siya ay ganoon din, sino bang hindi sasaya kung kasama niya sa game ay ang lalaking lantaran niyang sinisinta.

            “Okay, game.” Sigaw niya uli. Tiningnan niya si Rech beybey niya na nasa likod niya. She sigh kung hindi dahil sa babaeng ito ay hindi sana siya nasa loob ng court na ito at tinitingnan lang ang kanyang pinakamamahal. Sana ay nakakausap na niya ito ng matino… kailan ba sila nag-usap ng matino ni Rech? She can’t even remember, ni wala nga ni isa eh.

            “Shit!” dahil sa malalim na pag-iisip niya ay naka-score na ang kalaban niya. nagsmirk si Trisha sa kanya at tumira uli ito this time she swings her racket and return the ball that her opponent hits. She even flinch when she hits the ball forcefully. It has been years since she stopped playing tennis but it doesn’t mean ay kinakalawang na siya.

            Nakita niya ang gulat sa mukha ni Trisha ng mabalik niya ang tira nito, what happened next is a very long rally between the two of them. She doesn’t want to be defeated by someone who doesn’t deserve to win. At saka may iba siyang gustong makatuluyan ng kanyang kapatid.

            “Focus Samantha kung ayaw mong matamaan ng bola.” She heared Rech hissed infront of her. Nagtatakang tiningnan niya ito una dahil tinawag siya nitong Samantha, no one ever dared to call her by her first name aside from her brother kapag galit ito sa kanya. “Are you listening to me?” galit na hinarap siya nito.

            Isang tango lang ang ginawa niyo. “You dragged me into this mess so focus.” That awakes her from everything, tama siya ang humila dito kaya dapat Manalo siya. And she narrowed her eyes at the bitch who tried to hit her on the face mabuti nalang at nasalo ni Rech ang bola. At dahil doon kaya gumanti siya, she innocently accidentally hit her on the face alam niyang magkakapasa iyon.

            “Oopps, sorry accident lang.” her brother almost laugh shook his head, because he knew better. And the game ends the way she wanted it to be, she wins agad naman niyang binulungan si Trisha who stomps away immediately.

            “Anong sinabi m okay Trisha?” takang tanong ng kanyang kapatid.

            “Wala…” ngumiti siya at tiningnan si Rechmond niya. Kung makaangkin lang. “Rechmond beybey!!!” tili niya at dahil sa maraming tao sa covered court kaya hindi naman siguro nakapagtataka kung maraming makarinig doon. Naglakad ito palayo sa kanya at hindi siya pinansin pero mabilis siya kaya nahabol pa rin niya ang binata.

            “You promised not to ruin my day.” Malamig na ani nito sa kanya.

            Ngumisi lang siya, “Hindi ko naman talaga sinisira ang araw mo.” She flashed her sweetest smile. “I just want to say thank you for saving me a while ago.”

            “Because you promise me peace of mind.”

            “Sabi ko nga eh.” She let out a chuckle. “But before that.” mabilis pa sa kidlat ang ginawa niyang kapangahasan. She tiptoed and give Rechmond a peck on the lips, dapat ay sa cheeks lang naman iyon pero wala eh. Sa iba naglanding ang mga labi niya dahil matangkad nga ito. Hindi na niya alam kung ano ang reaksyon nito dahil mabilis siyang tumakbo sa kapatid niya na noon ay nanlaki ang mga mata sa kanyang ginawa. Alam niyang pulang-pula ang mukha niya sa oras na iyon at nabibingi na rin siya sa malakas na tibok ng puso niya.

            “Kuuuyyyaa!!!” malakas na tawag niya sa kapatid. “Nakafirst base na ako kay Rechie beybey ko.” Tili niya ng makalapit na siya sa kapatid. Shit! Kinikilig siya.

            “Ikaw na ang mabilis Summer.” Narinig niyang komento ng kapitbahay niyang si Yale, katabi nito ang magandang asawa nito na si Joana.

            “Tingnan mo ang babaeng ito namumula pa samantalang kanina ang lakas ng loob na halikan si Rechmond.”

            “Wow, tita Summer idol na talaga kita.” Tukso ni Yael ang panganay ng mag-asawa. Sa isang tabi naman ay ang bunso ng dalawa na si Yelena na hinila si Allyxandrea na anak ng bestfriend ni Joanna na si Alleysha na kapitbahay din ng kanyang kapatid.

            Napuno siya ng tukso at kantyaw sa buong umagang iyon, feel naman niya eh. Sige lang itukso niyo lang ako sa kanya. Shitness lang! Nakakaloko talaga ang feeling na parang teenager. Kinikilig lang ang peg niya.

            KUNG anong kilig ang naramdaman niya last Saturday ay ganoon nalang ang sakit ng kanyang buong katawan pagdating ng lunes. Lahat ng mga muscles niya sa katawan ay sumisigaw ng sakit, kahit na ang pagbangon ay ang hirap gawin pero kailangan niyang pumasok sa opisina. Masasayang ang lahat ng efforts niya kung hindi rin naman niya mapepresent ang kanyang ginawa the last few days.

            She almost drown herself under the cold shower trying to rid off the pain that is enveloping her. Lulugo-lugong pumasok siya sa opisina--.

            “Hoy, girlalosh anong nangyari itech at para kang ginahasa ng isang libong bulldog?” kahit masakit ang katawan niya ay nagawa pa rin niyang tumawa sa hirit nito.

            “Masakit ang katawan ko dahil naglaro ako ng tennis.”

            Tumili ito. “Oh my golly! You played again? Akala ko ba retired na ang famous Pink panther tennis player of all time.”

            “Matagal ng patay si pink panther kaya nga kinakalawang na ako eh.” Iika-ika pa siya sa paglakad at talagang umiiwas siya sa mga taong nakakasalubong niya. Masagi lang ng kaunti ang kanyang braso ay naiiyak na siya sa sakit. Maglakad nga eh kaiyak-iyak  na.

            “Halata nga nakakatawa kang maglakad.” At ang bakla talagang tinawanan pa siya. She is busy cursing him when someone bump into her, napapikit siya at napakagat ng labi ng nanuot ang sakit sa kanyang kalamnan.

            “Hey, baby girl are you okay?” malanding tanong ni Oliver sa kanya, nakikibaby girl na rin ito. “Bakit hindi ka nalang magpahinga?” naramdaman niya ang pag-alalay nito sa kanya and she is actually cursing the person who bumped her.

            “I just need a cup of coffee Olie.” She opened her eyes and whatever curse she has in mind ay naglahong parang bula, maging ang sakit ng kanyang katawan ay nawala ding bigla ng mapagsino ang bumangga sa kanya. Kung si Rechmond lang naman ay magpapabangga siya ng ilang beses dito no.

            “Hi, Rechie beybey are you looking for me?” nakangiting tanong niya na para bang wala siyang iniinda ng mga oras na iyon.

            “I thought you promised not to mess with me?” malamig na tanong nito sa kanya.

            “Lunes na ngayon eh last Saturday pa iyong promise na iyon expired na so you’ll see more of me around beybey.” Aniya sabay kindat pa. His stares… oh how she loves those gray eyes. “Bakit ba ang gwapo-gwapo mo?” without further adue ay hinawakan niya ito sa pisngi kahit masakit pa rin ang braso niya. “Pa-charged.” Wala pa ngang ten seconds ay umatras na ito kaya natanggal ang palad niya sa pisngi nito at saka marahas na tinalikuran siya.

            “Ba-bye mylabs!” sigaw pa niya pero hindi na siya nito pinansin.

            “Grabe ka rin kung makapang-asar talagang asar na asar.” Singit ni Oliver.

            “Naglalambing lang naman ako Olie, masama bang maglambing?”

            “Lambing ba iyon? kulang nalang ay halayin mo na ang poging attorney na iyon eh.”

            Ngumisi siya, “Huwag kang mag-aalalal pagpaplanuhan ko iyan.”

            “Ang alin?”

            “Ang panghahalay sa kanya what do you think? Gusto kaya niya na siya ang dominant or ang submissive?--.”

            “Diyos mio Summer nakakadiri ka.” Itinulak pa siya nito and she hiss between her teeth when the pain engulfed her again. “Ay, sorry.”

            “Ifa-fire talaga kita bakla ka.” Aniya. “Kargahin mo nga ako.” At dahil Malaki ang kasalanan nito sa kanya kaya nagpiggyback ride siya dito sabay pa silang napalingon ng may narinig silang nabasag sa hindi kalayuan. Kaso wala naman silang narinig o kaya naman ay nakita. “Patay sila kay kuya kapag may nabasag.”

            “Ay, friend magpapatsugi ako kay kuya mo pero patikim muna ha.” Sinabunutan niya ang maayos nitong buhok.  “Awwrrayy!”

            “Huwag mong pagpantasyahan ang kuya ko nasa iyo na si Randolf baby boy ko.”

            “Baby boy ko na siya ngayon.”

            “Inagaw mo lang naman siya sa akin.”

            “Hindi ko siya inagaw dahil akin naman talaga siya, we are meant for each other and you are meant to be with someone else.”

            “Kaya nga eh and that someone else is si Rechie beybey mylabs ko.” Pumasok na sila sa loob ng elevator papunta sa kanyang opisina. Ang sarap talaga ng buhay prinsesa ng mga alipores niyang serena!

            “Akala mo hindi ko napapansin na pasimple na iyang pambubully mo.”

            She smirks innocently. “Halabyu bakla.” At nagflying kiss pa siya dito. Naiiling na iniwan na siya nito at siya naman ay ibinalik na ang pansin sa pagtatrabaho. She is in the middle of her preparation when her assistant came in with a cup of coffee from Royale.

            “Ano iyan Carla?”

            “May nagpapabigay po maam.” Ibinaba nito ang kape sa harap niya at napataas ang kilay ng may kasamang pain reliever.

            “Kanino galing?”

            “Deliver po ma’am eh baka sa suitor mo.” Tukso nito. Suitor? Wala naman siyang suitor eh… upon looking at the cup of coffee ay biglang pumasok sa isip niya si Rechmond but she immediately delete the possibility, minsan lang iyon bumait eh at mas lalo naman sa kanya.

            “Nah, but whoever that person is ipagdasal nalang natin ang kaluluwa niya because these really helps a lot.”  Nakangiting ani niya.

            “Hello Chrome darling, yes this is your guardian angel and yes I am your devil incarnate.” Nakangising wika niya habang pumapasok papunta sa restaurant ng kaibigan. “I am here to give the payment for the catering.”

            Her heels are making noises on the pavement as she walks inside the place pero bago pa man siya makapasok ay may namataan na siyang pamilyar na pigura sa loob. Dapat ay excited siyang pumasok upang batiin ito dahil hindi na niya ito muling nakita since that embarrassing day. Namimiss na niya ang labidads niya pero mukhang hindi yata ito ang tamang oras dahil seryoso itong nakikipag-usap sa isang may edad na babae na kasama nito sa mesa.

            She had never seen him this mad before, kahit na sa mga pang-aasar at pang-iinvade niya sa space nito. Napalunok siya napalitan bigla ng takot ang nararamdaman niya dito, aside from being emotionless statue what she is seeing right now is a man pure of anger, kung pwede pa lang bumuga ng apoy ay ginawa na nito sa harap ng babaeng ito. And upon looking at the woman whom she thinks kaedad lang ng mama niya napagtanto niya na maybe… yes… maybe she is his mother. They share the same features and they have the same eyes, the grayist of all. His eyes right now is turning black which means he is really mad.

            She turned off her phone and sit on the table nearby. Nakatalikod siya sa mesa ng mga ito kaya alam niyang hindi siya mapapansin ng dalawang nag-uusap. She knew eavesdropping isn’t good but it got her curious.

            “I don’t care.” She almost flinch upon hearing that anger lacing on his voice. “I want you out of my life.” Kulang nalang ay sumigaw si Rechmond pero halatang pinipigilan lang nito dahil nasa public place sila.

            “Rechmond I am still your mother kung hahayaan mo lang akong magpaliwanag-.”

            “You aren’t my mother, siguro sa papel but you have never been my mother.”

            “Because your fath-.”

            “Enough! Don’t include my father here because you aren’t there when he died and you aren’t there when he is sick.” Napapikit siya at ramdam niya ang hinanakit sa boses ni Rechmond. His pain for some reason hits her like nausea. She heard sobbing and she knew that’s it’s his mother crying at the moment.

            “Anak-.”

            “Leave! You are nothing but the worst bitch I wished I haven’t known. Sana hindi nalang ikaw ang naging nanay ko. Leave!” taboy nito sa ina nito.

            Kaya ba ganoon nalang ito kabato? Kaya ba hindi nito magawang ngumiti dahil sa nangyayari sa buhay nito? Pero kahit ganoon hindi dapat bumibitaw ng ganoong mga salita si Rechmond dahil kahit ano ang mangyari ina pa rin nito ang kausap nito. She heard the scrapping of the chair and it bumps her meaning si Rechmond ang tumayo.

            Lumingon siya at nasa may pintuan na ito walang pagdadalawang isip ay tumayo na rin siya at mabilis na sinundan ang galit na galit na binata. Alam niyang mali na sundan ito at mali ang salubungin ang galit nito kaya lang dapat may gawin siyang paraan.

            “Rechmond sandali!” nahawakan niya ang braso nito. Marahas na lumingon ito sa kanya and something is telling her to back out, to run away from him but her feet isn’t cooperating with her anymore. Hindi na siya makagalaw kaya ang magagawa niya ngayon ay saluhin ang galit na nasa mga mata nito.

            “I am not in the mood for your stupid game Samantha. Get lost.”

            Ouch! Akala ba talaga nito na naglalaro lang siya? At nasasaktan siya sa paraan ng pagtaboy nito sa kanya. Ngayon pa ba siya susuko?

            The answer is NO!

            Buong tapang hinarap niya ito sinalubong niya ang mga mata nitong punong-puno ng galit at pilit na inaayos ang pusong kanina pa nagwawala sa loob ng kanyang dibdib.

 <3 <3 <3

a/n: Sa totoo lang ang sakit ng katawan ko sa badminton kahapon. Isusumpa ko sandali ang mga matatangkad ha, nakakainis silang kalaro ng badminton ang haba ng biyas, tapos walang ka-effort-effort na tumira kaasar. Samantalang ang mga maliliit kailangan ng dobleng effort, kailangang tumakbo ng mabilis palayo at palapit sa court, kailangan pang tumalon halllaaaa! Hindi kinaya ng mga baby fats ko ang mga talon2x na iyan. Kulang nalang mag-ala Ryoma Echizen ako, uy may ginaya akong technique niya effective sa mga maiiksi ang biyas.. hahahahah...

Hindi nga binasa ko ang mga comments ninyo kahapon, natuwa ako kasi may nabasa akong feedback from a guy regarding Summer's character... (u know hu u r  :) ) Nasabi ko iba-iba ang point of view ng mga lalaki sa babae. May ibang lalaki na natutuwa sa bubbly na character may iba naman natuturn off dahil wala na raw challenge. May babae na ayaw ng playboy dahil mas feel nila ang serious type, may iba din na gusto ng playboy kasi challenge sa kanila ang pabaitin iyon.

Pero kung tutuusin may kanya-kanya talaga tayong perspectives sa buhay, iba-iba ang tastes ika nga nila. Sa bandang huli tayo din naman ang pipili kung sino ang sa tingin natin ang mas magugustuhan natin at kung sino ang nararapat para sa atin. Iyong tayo ang pumili talaga iyong kaya nating panindigan at sa bandang huli ang kaya nating ipaglaban.

STATUS UPDATE: Serious yata tayo ngayon? Fun2x lang!!!

Continue Reading

You'll Also Like

518K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
7.3M 191K 35
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.4M 56.4K 18
"LIFE begins when I met you. DESTINY starts when I saw you in my office wearing a sinful two-piece red bikini. My FOREVER triggered when you smiled a...