Loveteam (Ongoing Series)

By misstallyn

9K 554 446

Si Camille ay dating sikat na artista but nag-epal ang tadhana, she is no longer popular.. Nang lumipat siya... More

Loveteam
CHAPTER 1: Fighting!
CHAPTER 3: No Way!
CHAPTER 4: The Kiss
CHAPTER 5: An Agreement
CHAPTER 6: A Day to Remember
CHAPTER 7: Rosy
CHAPTER 8: Ang Bahay ni Lola (Part 1)
CHAPTER 9: Ang Bahay ni Lola (Part 2)
CHAPTER 10: Pains and Memories
CHAPTER 11: PAK!
CHAPTER 12: Fleur
CHAPTER 13: Scene-Stealer

CHAPTER 2: Grab the Opportunity

675 50 27
By misstallyn

Sana po magustuhan niyo! Comment po kayo after nito :)

--------------------

CHAPTER 2: Grab the Opportunity

(CAMILLE'S POV)

Nakahiga na ko sa kama. Kani-kanina pa ako nakauwi ng bahay. Hindi ko kasi kayang harapin sila kaya dumiretso ako dito. Nung chapter 1 lang ang yabang ko pa nuh, nakarma tuloy ako.

Naaawa ako sa pamilya ko, hindi sa sarili ko. Sila mama at papa sobrang pinoproblema kung saan kami kukuha ng panggastos. Si kuya Jacob pinag-aaral sa states pero uuwi na siya, ang kapatid ko namang 7 yrs. old na si Katniss mukhang malabo rin mag-aral. Ako? Nakakahiya man sabihin, hindi na ko nag-aaral. Nagstop ako dahil sa career ko dati. Pero paano na ngayon hindi ko natapos ang degree ko may tatanggap kaya sa kin?...

Nag-iisip ako.

 (~’.~)

Nag-iisip ako ng malalim.

Iniisip ko kung bakit laging may problema ang mga bida. Umpisa palang naman di ba. Bakit ganito agad? Epal naman ng author! Sino ba yan?!

(A/N: missherondale po! hehe ^__^ singit lang.)

Iniisip ko kung anong gagawin kong paraan...

Magtinda na lang kaya ako ng sampaguita sa simbahan.

Magbenta ng palamig sa kanto.

Maging construction worker.

O manghingi na lang kaya ako ng barya barya sa mga pasahero sa jeep.

 Ano sa tingin niyo??

Pero hindi ko magagamit ang puhunan ko doon.

Ang aking kagandahan... at talent!    ( ^ __^ )v

Sige tama na nga, pahumble na ko baka parusahan ulit ako.  ( _ _ )v

Bukas talaga promise makakaisip na ako ng solusyon!

Kinabukasan…. Nag-empake  na ko ng gamit namin. Lilipat kasi kami sa bahay ni tita Katsa. Pansamantala lang, habang wala kaming pambayad ng bahay. Sa isang subdivision nga pala kami sa Makati nakatira. Pero ngayon makikitira kami sa tita ko sa Sta. Mesa. Kapatid siya ni mama, mabait at mapagkakatiwalaan.

Nasa biyahe pa lang kami pero mukhang malapit-lapit na rin.

**BEEEEEEP! BEEEEEP!**

Nagbusina si papa para ipaalam kina tita na dumating na kami.

Lumabas na ako at tumulong sa pagbuhat ng mga maleta.

"Ate, why so small?" Sabi sa kin ni Katniss habang nakatingin sa bahay na nasa aming harapan. (~_~)

"Why so small ka dyan, magtiis ka na lang." -Ako  

"TITAAAA!!!" Sabi ko,

Namiss ko siya. Ang tagal naming hindi nagkita. Nung bata ako siya ang nag-aalaga sa akin tuwing walang tao sa bahay. Dati kasi may mga business trip si papa at syempre sumasama si mama.

"Cam! Ang laki laki na ng alaga ko! Dalaga na oh!" Hinug ako ni tita at pati na rin sina mama, papa, at Katniss. Cam tawag sa kin ng mga kamag-anak ko, parang camera lang. Mahilig daw kasi ako sa camera.

"At si Katniss din! Dati baby ka pa lang ang cute cute mo, syempre cute ka pa din!" Pinisil ni tita yung pisngi ng kapatid ko.

Oh noeeessss... 

 Tita  ->  (^__^)-~~ /(>o<)/   <- Katniss

 "OUCH! stop, it hurts tita." Sabi ni Katniss at nag-pout. (=3=)  

Oo echoserang frog and kapatid ko, may pinagmanahan. Hindi sa akin ah.

Siguro half lang… Hihi

Natawa lang si tita dahil sa alam niya bata pa naman ang kapatid ko. "O sya, pasok na kayo sa loob."

Pumasok na kami sa gate. Hindi naman siya maliit. Mapanlait lang talaga ang kapatid ko. Two-story house siya, may garden sa labas at malinis naman sa loob. 

"Hi Cam." Si kuya Tucker pala to, pinsan ko na anak ni tita. Dalawang taon lang naman tanda niya sa kin.

"Oh! Kuya! Kamusta!" Sabi ko nang gulat na gulat.

Why? Nagbago na kasi siya..

Alam na!.. LOOKIN' GOOD!  May ipagmamalaki na... Binata na eh. 

KYAAA!!

 >__< Hala!! 

Ano to?!! Pathetic much ako.. Malala na .. Pati sa pinsan kinikileg???

Umupo ako sa couch. Para magkatabi na kami. Habang si tita ineentertain sina mama, papa at Katniss.

Umakyat na sila sa itaas, nagtatawanan sa hindi malamang dahilan.

"Rume-red  hair ka na, bagay naman sa 'yo." Sabi niya nang nakangiti, gwapo ang ngiti niya. Pwede na.

"CAAAAAMMM!!!!!" May sumigaw.

 Lumingon ako at nakita ko si Rose. Kapatid ni kuya Tuck, at pinsan ko din. Magka-edad lang kami. Kababata ko siya. Mula bata pa lang, hindi na kami mahiwalay sa isa't isa. Tinuturing ko na rin siyang best friend. Nung ugly duckling pa lang ako siya ang tagapagligtas ko. Pangit ako dati, hindi po ako nagparetoke, sadyang wala lang akong care sa itsura ko. Hindi ko na iddescribe kung ano itsura ko sabihin na lang natin mukha akong paa.

"ROSSSEEEE!!!" –Ako   (^________________________^)

"ROOMMATE TAYO! YAY!!" Sabay naming sinabi habang nagtatatalon.

"Tsk. Tama na nga yan. Kala mo nanalo ng lotto. Upo nga, nanonood ako. Hindi ko makita yung tv." Seryosong nanonood ng tv si kuya Tuck.  ( ⌐ __ ⌐ )

Ay ganun. Sungit agad. Meron ata to eh. Okay, Umupo na kami. Habang nagchichikahan.

"Nagbago na itsura mo ngayon girl! Like ko yang new look mo!"- Rose.

"Sus, kaw din kaya. Pagkakita ko sa 'yo sabi ko sa sarili ko 'Wow, ASIAN LOOK!’"-Ako

 Syempre dahil pinsan ko, maganda siya. Maputi, asian style yung hair,may straight na bangs, at may something brownish na buhok, hindi ko kasi alam kung anong kulay yun. Wala sa planeta namin.

"HAHAHAHA! Patawa ka! At talagang sinabi mo pa sa sarili mo ah! Totoo namang Asian ako e!"  Oo nga no, pero basta. "Nga pala, okay ka na ba?" Biglang naging seryoso ang expression niya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alam kong tatanungin niya to. Ang mga taong malapit lang sa kin ang nakakaalam ng tunay na dahilan ng pag-alis ko sa showbiz.

Dalawang taon na rin ang nakalipas. Dalawang taon na ang nakalipas nang nawala ang career ko. Dalawang taon na nang iniwan ako at pinagpalit ni Chris sa career niya. Wala akong ginawa sa kanyang masama, nagmahal lang naman ako ng sobra, ng buong buo. Pero bakit ang sakit? Bakit ang sakit sakit ng ginawa niya sa kin?? Sinasabi ko sa mga tao na manhid na ako at hindi ko na kayang magmahal. Sinasabi ko sa lahat na bato na ang puso ko. Sinubukan ko siyang kalimutan for the past two years. Pero hindi pa rin. Hindi ko maconvince ang sarili ko na wala na talaga...

Because a part of me is still hoping he'll come back and take away all the pain. Because I know I'll forgive him no matter what and in spite of everything else as long as it means he'll return to me.

Buti na lang nasa ibang bansa siya ngayon at walang may lakas ng loob na pag-usapan siya at banggitin ang pangalan niya sa harap ko.

Well, until now….. Chikadorang Rose…

"Anu ka ba! Ang tagal na nun! Nakamove on na 'to!" Tinuro ko yung heart ko. Nakangiti pero yung pilit lang.

"Hay! Itigil mo na yan, kahit best actress ka pa alam ko naman totoong nararamdaman mo."-Rose

"Alam mo naman pala. May patanong tanong ka pa." Now I know, totoo ngang first love never dies.

"Wag kayo dito magchismisan. Layas, gusto ko ng katahimikan."-Kuya Tucker

"Kuya! Kahit kelan sungit mo! Kaya walang lablayp.." Sabi ni Rose. Kahit parepareho kaming waley ang lablayp kaligayahan naming dalawa ni Rose ang asarin si kuya Tucker.

"Tss. Layas nga."-Kuya Tucker

"Uy, ano yang pinapanood mo love story?"  Ang sarap niyang inisin hindi ko tuloy mapigilang tumawa. Hindi na siya sumagot. Hehe ^__^ Pero ang totoo niyan nanonood siya ng basketball.

****TENTENENENNNNN!!..****

Nagcommercial na. Oo may tunog talaga pag nagcocommercial sa channel na yan. Pinapalabas yung Anna Banana, natutuwa talaga ko dyan kaya pinapanood ko tuwing lumalabas sa tv. So cute!

Bigla akong napatigil dahil sa nakikita ko ngayon.

"Ikaw ba ay maganda? May talent sa acting? At may pleasing personality? Kung ikaw ay 18 to 23 years old magpadala lang ng close up and full body picture at ipadala sa aming website"

Nakaflash sa screen yung website. "At kung isa ka sa mga napili para sa audition, you will be the leading lady to the most anticipated movie of the year! Entries to join are  for limited time only. So hurry this might be the chance you've been waiting for!"

Blink. Blink

Totoo nga!

Whoa! Thank you Lord!

My inner goddess is rejoicing.

 /( ^  o  ^ )/

Hindi ako nakapagsalita at dali dali akong pumunta sa phone para idial yung number na nasa screen kanina. Natandaan ko siya agad agad, tumatalino ako sa mga ganitong bagay.

Lumapit si Rose sa kin habang may kausap ako sa phone. Mukhang takang taka siya sa mga ikinilos ko. Tapos na akong makipag-usap, ibinaba ko yung phone.

Seryoso ako.

Hinga ng malalim..

 >_<

"YES! QUALIFIED PA DIN DAW AKONG SUMALI!!!!"-Ako

 (^o^)

"WOW! I'M SO HAPPY FOR YOU!"-Rose

"OKAY LANG DAW KAHIT DATI PA AKO MAY CAREER!!! BASTA DAW WALA AKONG CURRENT CONRACT SA IBANG STATION!!!"-Ako

"CAM! FINALLY! THIS IS IT!"-Rose

"I KNOW! AHHHH!!!-Ako

"AHHHHH!!!!!!" Ganito talaga kami kapag masaya masanay na kayo.

"HOY! AUDITION PA LANG! HINDI PA IKAW GAGANAP! MAKASIGAW KAYO DIYAN, SAKIT SA TENGA, KALA MO NAPILI NA!!" Singit ulit ni kuya Tucker.  (-__-)

Ito na naman siya laging panira ng moment.

Siya din naman makasigaw.

Oo nga naman may point si kuya dun.

Pero masaya pa rin ako.

One step closer to becoming a STAR!

----------------------------------------

(A/N: End of chapter 2, at dahil sinisipag ako ngayon. *TING!* May isa pang UD ^__^ )

Continue Reading