Heart Held Captive

By AaliyahLeeXXI

68K 2.6K 1.1K

Love... My idea of love was a mixture of tragedy and beauty. I could still remember how my true parents both... More

Heart Held Captive
Teaser
﹏๑✿ ・:*:・PROLOGUE ・:*:・✿๑﹏
~✿*1*✿~
~✿*2*✿~
~✿*4*✿~
~✿*5*✿~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT!
~✿*6*✿~
~✿*7*✿~
~✿*8*✿~
~✿*9*✿~
~✿*10*✿~
~✿*11*✿~
~✿*12*✿~
~✿*13*✿~
~✿*14*✿~
~✿*15*✿~
~✿*16*✿~
~✿*17*✿~
~✿*18*✿~
~✿*19*✿~
~✿*20*✿~
~✿*21*✿~
~✿*22*✿~
~✿*23*✿~
~✿*24*✿~
~✿*25*✿~
~✿*26*✿~
~✿*27*✿~
~✿*28*✿~
~✿*29*✿~

~✿*3*✿~

1.7K 68 24
By AaliyahLeeXXI

WARNING: Prepare a tissue, guys. Tear jerking na naman ito. Haha! O baka naman ako lang pala muntangang umiiyak sa chapter na ito. Hehe! Anyway, anyhow, continuing with the story...

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

This would be my last dinner with my family. Matagal na bago ito mangyari ulit. I tried to be happy while everyone was telling me their advices. Pero masakit pa rin sa loob ko dahil huling gabi ko na nga rito sa bahay pero di man lang sumabay mag-dinner si Daddy sa amin. He was still avoiding me. Kanina ko pa gustong umiyak but I din't want to worry everyone.

"Let's have a toast for Ate Katie's success," Mommy said after we ate the delicious dinner that Zend and I prepared.

"Pwede na po akong uminom ng wine, 'My?" Zean asked.

"Sparkling wine lang ang sa 'yo. Bawal ka pa sa may alcohol," Kuya Jemie said while taking the bottle of wine from the ice bucket.

"Konti lang naman, Kuya Jem. Para ma-feel ko lang yung pag-good luck ko kay Ate."

"Sige na, Jem, give her a little wine. Konting-konti lang ha?" sabi ni Mommy.

"Okay, isang patak lang ang para sa 'yo, Zean," pang-aasar ni Kuya habang nagsasalin ng wine sa mga wine glasses.

"Mommy, si Kuya Jemie nga po," sumbong ng asar-talo naming bunso.

After Kuya gave us all our wines, Mommy proposed a toast for me.

"Cheers for the success of Ate Katie, cheers for her good health, and cheers for her safety!" Mommy said after raising the glass of wine that she was holding.

"Cheers!" sagot namin lahat bago nakipag pingkian ng baso sa isa't-isa.

That night we decided to sleep together in our family bedroom.  Gising pa rin ako kahit matagal nang tulog yung mga kasama ko. Naiisip ko kasi si Daddy. He might be sleeping alone in their bedroom by now.

I closed my eyes and started to pray. I thanked the Lord for giving me this loving family. I thanked Him for giving me this opportunity to study again and reach for my dream. I prayed to have a safe flight tomorrow. I prayed and asked Him to always protect my family against all harm. And most especially, I prayed that Daddy would come with us tomorrow to bring me to the airport.

"Kahit iyon na lang po. Kahit hindi na niya ako kausapin basta sumama lang po sana siya na ihatid ako sa airport."

Yumakap ako kay Mommy hanggang sa makatulog ako. But I woke up in the middle of the night at ayaw nang dalawin ulit ng antok.

I decided to go out and went in front of the door of the master's bedroom. "Sorry po, Daddy, kung binibigyan kita ng sakit ng ulo."

Bumaba ako at lumabas ng bahay para magpahangin sa swing sa playground, pero natigilan ako nang makita kong nakabukas yung ilaw doon sa loob ng tree house. Umakyat ako doon sa taas at nagulat pa ako nang makita ko si Kuya doon na mag-isang nakaupo sa isang bean bag habang umiinom ng alak.

I knocked on the open door and his head swivelled towards my direction.

"Akala ko natutulog ka dun. Hindi ko na kasi binuksan yung ilaw bago lumabas para di sila magising kaya di ko napansin na wala ka na pala dun." Lumapit ako sa kanya. Kumuha ako ng isa pang bean bag sa sahig at umupo sa tabi niya.

"Lumabas ako kanina. Ikaw? Why are you here? You should be sleeping by now. Maaga ka pa naming ihahatid sa airport ah."

"Nagising kasi ako at di na makatulog ulit. Pupunta sana ako sa swing pero nakita kong nakabukas yung ilaw dito kaya umakyat ako. Bakit nag-e-emo ka mag-isa rito?"

"I couldn't sleep also," he answered before he drank the content of the glass that he was holding.

I elbowed him. "Weh? Nag-e-emo ka lang dahil aalis na 'ko bukas eh. Aminin mo na kasi na mami-miss mo 'ko."

Inakbayan niya ako saka biglang hinila palapit sa kanya kaya nahulog ako mula sa inuupuan kong bean bag.

"Aray naman, Kuya Jemie!"

Natawa siya kaya binatukan ko siya. "Lasing ka na yata eh! Nakakaasar ka!"

"Dadalawin kita dun pag may time na 'ko."

"Sabi ko na nga ba, mami-miss mo 'ko eh!"

He rumpled my hair. "Of course I will. I grew up with you always beside me. Noong bata pa tayo, hindi ko pa rin nakakalimutan tuwing sinasabi ni Daddy Justine at Mommy Kate sa 'kin tuwing bago tayo matulog na lagi kitang aalagaan. And that I should always protect you because I'm older than you at dahil ako yung kuya mo. I did what they told me to do. Palagi kitang inaalagaan kasi iyon na lang ang magagawa ko para maging proud sila sa akin."

Sunud-sunod na tumulo yung mga luha ko. "And I'm sure that they're very, very proud of you, Kuya. You never failed them. You really kept your promise to them. Kahit noong kinidnap tayo dati, palagi mo akong niyayakap and you were comforting me, you were comforting us that everything would be alright because Daddy would come to save all of us. And when guys in the school were trying to court me, you were always talking to them and giving them warning. Telling them to just court me after fifteen years kapag may maipagmamalaki na sila sa akin at kapag kaya na nila akong buhayin. You know, you already went overboard in trying to keep your promise to Daddy and Mommy but I want you to know that I really appreciate everything that you did for me."

He smiled at me sadly. "Pero hindi ko na magagawa yun kapag malayo ka na. Maninibago na ako kasi hindi na kita makakasama rito sa mansiyon. Magiging bakante na yung upuan mo sa dining room. Wala nang makulit na tutugtog ng piano kasama si Zean. Wala nang maingay na palaging parang nagko-concert gamit yung magic sing dun sa entertainment room. Wala nang makikialam sa mga furnitures sa kwarto ko para i-rearrange dahil ang pangit daw ng ayos at di bagay sa personality ko yung designs ng walls saka yung mga kurtina. Wala nang manghihila sa akin sa pool kapag wala siyang kasamang lumangoy. Wala nang magpapatikim sa akin ng mga epic tasting cookies niya na minsan nasusunog pa."

Natawa ako habang tulo naman nang tulo yung mga luha ko. "Hindi yata talaga ako pang-baking, Kuya. Sa pakikialam lang sa mga decorations dito sa buong bahay lang ako magaling."

He wiped my tears with his fingers while his eyes were already moistening too. "Wala na ring magpapasama sa akin sa mall para mamili ng mga dress, shoes, and bags tapos tatanungin yung opinion ko kung alin ba ang mas maganda. Pero pag pumili na ako, sasabihin niya bigla na "pero parang mas maganda yung isa na yun eh, yun na lang, Kuya."" Tears began dripping from his eyes as he smiled at me sadly. "Wala nang mangungulit sa akin para samahan siyang manood ng chick flick movies sa theater room dahil wala raw siyang boyfriend na pwedeng ka-date. Tapos pinipilit pa akong umiyak with her kapag dramatic yung mga scenes kasi para naman daw akong walang pakiramdam kaya dapat daw umiyak din ako."

Hinampas ko siya habang patuloy na umiiyak. "Kuya naman eh."

"It's really hard to put up with all your kakulitans, you know?"

"But you're still gonna miss this very makulit na sister of yours."

Pinahid ulit niya yung mga luha and I did the same to him. "Wag kang magbo-boyfriend habang nandun ka ha? Dapat magpaligaw ka muna rito sa bahay natin para makilatis namin lahat yung mga manliligaw mo."

"Of course dapat may basbas n'yo munang lahat yung magiging boyfriend ko. Ikaw, Kuya, kailan mo planong maghanap ng kapalit ni Miss Fair Lady diyan sa puso mo?"

He smiled at me disappointedly. "I know I'm being stupid pero kahit magdadalawang taon na since she left this country, siya pa rin talaga eh."

Yumakap ako nang mahigpit sa kanya. Ako lang ang nag-iisang nakakaalam ng tungkol sa first love ni Kuya na yun. Wala siyang ibang pinagsabihan. Masyadong malihim si Kuya sa aspeto na yun ng buhay niya pero masyado rin yatang matindi yung radar ko kaya nahalata ko siya hanggang sa napaamin ko. His was a hopeless love story. "I'll pray that you'll find someone more worth loving for."

He grinned at me. "Pagdasal mo na lang na bumalik na siya rito."

"Ay, tindi. Ayaw talaga mag-move on."

"You'll understand how I feel when you already fall in love."

"Oo nga eh. Nakakabobo yang love na yan minsan. Pero saka na lang, Kuya. Priority ko muna na maabot yung mga pangarap ko."

"Who knows, you might meet your Mr. Right there in the City of Love."

Natawa ako. "Yeah, who knows."

He kissed my temple. "Sige na. Go back inside and try to get some sleep. Malayo pa ang biyahe mo bukas."

"How about you?"

"Susunod na rin ako sa 'yo maya-maya."

I smiled at him before I kissed his cheek. "I love you, Kuya Jemie," naglalambing akong yumakap sa kanya. Ngayon ko na lang ulit magagawa ito. Sa mga susunod na araw, wala na akong kuya na pwede kong yakapin.

He rumpled my hair again. "And I love you, too, my sweet little Katie."

Napanguso ako habang tumatayo. "Little ka diyan. Tumangkad na 'ko!"

Natawa kami pareho. "Oo na lang."

"Sunod ka na ha? Wag mong ubusin yan. Magda-drive ka pa papuntang airport."

"Yeah."

Bumaba na ako ng tree house at bumalik sa bahay. Papunta na ako sa family bedroom nang mapansin kong may liwanag dun sa siwang sa ilalim ng pinto ng office ni Daddy.

"Baka gising pa si Daddy," bulong ko sa sarili ko. Minsan ay talagang nagpupuyat si Daddy hanggang madaling-araw kapag sobrang dami niyang mga trabaho na dapat tapusin.

Dumaan muna ako at tumapat sa pinto ng office niya. Kinakabahan ako pero wala namang masama kung susubukan kong kausapin siya.

Kumatok ako ng tatlong beses.

"Pasok."

Huminga ako nang malalim bago pinihit yung doorknob at itinulak pabukas yung pinto. Napalingon si Daddy sa akin pero nang makita ako ay agad na ibinalik yung tingin niya sa screen ng laptop sa harap ng table niya.

I tried to ignore the pain of his rejection and walked towards his table. "Daddy, aalis na po ako bukas."

He didn't respond and just continued typing on his laptop.

Umikot ako sa likod ng swivel chair niya saka yumakap sa kanya. "I'm sorry, Daddy. Alam ko pong masama pa rin yung loob mo sa akin dahil sa mga ginawa ko. I always appreciate your concern to me, but I also want to do this. When I decided to take up interior designing, ikaw po yung nasa isip ko noon. Sabi ko sa sarili ko, naka-line up yun sa architecture kaya siguradong makakatulong pa rin ako sa 'yo sa kumpanya. I did my best to excel because I always want to make you proud, but I know that I'm just disappointing you right now because of this decision of mine."

Ipinatong ko yung noo ko sa balikat niya at doon nag-iiyak. "Please, Daddy, wag na po sanang sumama yung loob mo sa akin. Gusto ko naman pong gawin ito this time para naman sa sarili ko. Please let me explore my talent more in designing. Ayoko pong makontento na ito lang ang alam kong gawin sa buhay. Gusto ko pong matuto pa ng mas maraming bagay. I want to make a name for myself in the future. Yung makikilala po ako dahil sa kakayanan ko at hindi dahil anak mo ako na palaging nakadikit sa 'yo. Just let me do this at pagkatapos, babalik po ako sa kumpanya para tulungan ka pa rin na i-manage iyon. Gusto ko lang pong may mapatunayan sa sarili ko, sa ibang mga tao, at lalo na po sa iyo. Please, Daddy, ayoko pong umalis bukas na alam kong masama yung loob mo sa akin. I want to have your blessing, Daddy."

Hindi pa rin siya kumikibo pero alam kong nakikinig siya sa akin dahil napansin kong tumigil yung tunog ng pagta-type niya sa keyboard.

Inangat ko yung ulo ko at humalik sa pisngi niya. "Sana po sumama ka na ihatid ako sa airport bukas. Kahit hindi mo na po ako kausapin basta ihatid mo lang po ako. That would be enough for me already para mawala na yung bigat sa loob ko." I tightened my embrace on his body. "I love you so much, Daddy," I told him before I released him.

He continued typing on his keyboard again and tears began to drip harder from my eyes. I wiped them with my hands before I walked towards the door. Binuksan ko ulit iyon para lumabas pero nilingon ko ulit si Daddy kasi baka ito na yung huling beses na makikita ko siya bago ako umalis bukas.

"Goodnight po, Daddy." I stayed standing by the door, still waiting for him to at least throw me even a quick glance. Pero nabigo lang ako. My tears raced down my cheeks. "I love you po, Daddy. Sana mapatawad mo po ako agad sa decision ko na 'to," sabi ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng office niya.

﹏~✿**♡**✿~﹏

"Mommy, I can't find Daddy enywhere," Zean told her when she came back to us after looking around the mansion.

"He's not outside either. Hindi ko po siya makita," sabi naman ni Zend habang papasok ng pinto rito sa balcony mula sa pool side.

"Ano ba naman 'tong Daddy n'yo. He's being too inconsiderate," sabi ni Mommy matapos ibaba yung phone niya mula sa tenga niya. She'd been trying to call Daddy mula pa kanina pero out of reach daw yung number ni Daddy.

"Mom, we need to go already," Kuya Jemie told her. "We might get stuck in the traffic. Baka ma-late pa po si Katie sa flight niya."

"Tara na nga. Zail, Zend, buhatin n'yo na yung dalawang luggages ni Ate at ilagay n'yo na sa loob ng kotse. Sumakay na rin kayo dun." Lumapit si Mommy sa akin nang mapansin na tahimik na tahimik lang ako. She held and caressed my arm. "Baka naman ayaw niya lang na makita kang umalis."

I felt my eyes pricked with tears and Mommy smiled at me understandingly before embracing me. "I'm sure Daddy will regret doing this to you. Matatauhan at mahihimasmasan din yun sa mga kadramahan niya. Don't worry because we will just visit you there, okay?"

"Thank you po, Mommy."

"Wag ka nang umiyak. Halika na. We wouldn't want to miss your flight."

Tahimik lang din ako sa biyahe papunta sa NAIA. Si Kuya yung nagda-drive at katabi niya si Zail sa harap habang si Zend naman yung nasa second row backseat nitong saksakyan ni Kuya katabi yung dalawang maleta ko doon. At kami naman nina Mommy at Zean ang nakasakay sa first row.

I held on to Mommy's arm and leaned my head on her shoulder. Yumakap din si Zean sa akin kaya inakbayan ko siya ng isa pang braso ko. Kung kelan malapit na kami sa airport ay saka ko pa tinatanong yung sarili ko kung kakayanin ko ba talaga na malayo rito sa pamilya ko na ito na halos buong buhay kong kasama. Lalo pa akong nahihirapan dahil naiisip ko si Daddy.

Maaga pa sa departure time ko nang makarating kami sa NAIA kaya hindi muna ako pumasok. I spent my little time left with Mommy and my brothers and sister.

"Ate, we're all gonna miss you. Lalo na ako. Wala na 'kong kakamping babae sa house pag inaasar nila 'ko," sabi ni Zean na kanina pa nakayakap sa akin.

"Parang ayaw mo nang paalisin si Ate ah," sabi ni Zail sa kanya.

Zean stuck her tongue on him. "Pag-alis ni Ate ako na lang yung makakatanggap ng pambu-bully mo, Kuya."

"Naghahanap pala ng kakampi. Don't worry kasi di ka naman namin binu-bully ni Kuya Jem kahit inaasar ka namin minsan," sabi ni Zend.

"Zail, tigilan mo na yung palaging pang-aasar kay Zean. Dalagita na 'tong si bunso eh," sabi ko.

"Don't worry, Ate, I cannot promise to stop totally, but I promise na ito-tone down ko na yung pang-aasar ko sa kanya."

"Mommy, si Kuya Zail nga po, oh."

"Weh! Yan ba yung dalagita? Nagsusumbong pa sa nanay."

"Zailey! Stop that, will you?" Mommy scolded him before turning to me. "Mag-check-in ka na. Dadaan ka pa sa immigration kaya baka mahuli ka."

Noon biglang kumabog nang husto yung dibdib ko. Kapag pumasok na ako sa loob, iyon na yung simula na magiging mag-isa na lang ako. Parang tinangay bigla ng hangin yung lahat ng lakas ng loob na meron ako. Parang di ko yata kakayanin. Natatakot akong pumasok dahil wala na akong makakasama pag nasa loob na ako. My strength had always been my family.

Siguro nakita ni Mommy yung takot sa mga mata ko kaya niyakap niya ako. "Lakasan mo yung loob mo. Kailangan mong maging matatag dahil pagpasok mo sa entrance na yan, sarili mo na lang ang pwede mong asahan. Always look ahead. Tanawin mo palagi yung goal mo na gusto mong maabot para matupad mo yung pangarap mo. Always keep in mind na ganito rin kami ni Daddy noon at kung hindi dahil sa determination namin, we wouldn't be this successful. Palagi kang magdadasal. And we will always pray for you. Tumawag ka lang sa amin kapag nagkaroon ka ng problema doon."

I started sobbing already. "Mommy, parang ayoko na pong umalis. Si Daddy po kasi. Baka habambuhay nang sumama yung loob niya sa akin. Hindi ko po kakayanin yun."

She cupped my face and stared at me while also crying already. "I'll talk to him. Kapag magaan na sa loob niya yung pag-alis mo, pupuntahan ka namin dun para dalawin." She smiled at me and wiped my tears. "Mag-iingat ka palagi dun." She wiped her onw tears before she took something from her bag and put it on my hand. "Here, take this."

It was a passbook. Umiling ako. "No, Mommy, may sariling savings naman po ako."

"Hindi pa ganun kalaki yun dahil kailan ka lang nagsimulang magtrabaho."

"Maghahanap po ako ng part-time job dun pag kinulang ako. Ganun din po yung ginawa mo noon, di ba?"

"Napakahirap pagsabayin ng pag-aaral at pagtatrabaho, Katie. I want you to concentrate on your studies. Kung gusto mo, itrato mo na lang ito na utang at bayaran mo na lang sa akin kapag nakatapos ka nang mag-aral."

Tumango ako. Yumakap ulit ako sa kanya at humalik sa mga labi niya na natatandaan ko pang huli kong ginawa noon nag-debut ako. "Mom, thank you so much for everything." Niyakap ko na rin yung mga kapatid ko at humalik sa pisngi nila "Mag-aaral din kayong lahat nang mabuti rito ha?" Huli kong niyakap si Kuya at naiyak na naman ako nang yakapin niya ako nang sobrang higpit. "Alagaan mo silang lahat, Kuya."

"You know I will." He wiped my tears and smiled at me. "You take care of yourself there also, okay?" He kissed my forehead before he let go of me.

"Ate, may pabaon din kaming lahat sa 'yo," sabi ni Zean kaya napatingin ako sa kanya.

She was holding a necklace with a beautiful pink rose pendant and pink swarovski crystals. Iyon yung nakita namin sa mall dati na necklace na gustung-gusto ko pero di ko mabili dahil kulang yung savings ko.

"Nag-contribute kaming apat para mabili ito, Ate, kasi alam namin na gustung-gusto mo 'to eh. Si Kuya Zail yung may cheapest contribution dito," sabi niya at dumila pa kay Zail habang ikinakabit iyon sa leeg ko.

"Kailangan pa talagang sabihin yun, Zeanelle?!"

Natawa ako kahit umiiyak. "Mana talaga kay Daddy yan kaya super kuripot eh." Nagpahid ako ng mga luha at hinawakan yung pendant ng necklace. "Thank you so much for this." Hinawakan ko na yung luggage ko. "Paano? Papasok na 'ko. See you all na lang sa screen ng laptop ko. Mahal na mahal ko kayong lahat. Please tell Daddy that I love him so much too."

"We love you, Ate! Ingat ka!" sabi nila sa akin.

May porter na tumulong sa akin sa mga bagahe ko. Pagkatapos kong mag-check-in at dumaan sa immigration ay dumiretso na ako sa boarding lounge. Naghanap ako ng bakanteng upuan at doon umupo. This was the second time in my whole life when I felt so alone after my true parents died eighteen years ago.

Naisip ko na naman si Daddy and I suddenly felt the need to get this painful heaviness off my chest. Carrying my hand-carry baggage, I went to the female comfort room and locked myself inside one of the cubicles there. Ibinaba ko yung toilet cover at umupo doon saka umiyak nang umiyak para ilabas yung sakit na nararamdaman ko.

Kahit kinausap ko na siya kaninang madaling-araw, kahit nakiusap na ako sa kanya na sumama para ihatid ako rito sa airport ay hindi pa rin niya nagawa. Nagawa talaga akong tikisin ni Daddy pero di ko naman magawang magalit sa kanya dahil naiintindihan ko rin naman yung pinanggagalingan ng sama ng loob niya.

"Excuse me, Ma'am. Are you okay inside?" tanong ng isang babae habang kumakatok sa pinto ng cubicle ko.

Napatayo ako. "Yeah." Kumuha ako ng tissue at mabilis na nagpunas ng mga luha saka lumabas. Airport personnel pala yung kumatok at concern na nakatingin sa akin paglabas ko. Ngumiti ako sa kanya. "Pasensiya ka na."

I immediately went out to go back to the boarding lounge but I accidentally bumped on a tall guy and I dropped my plane ticket, my passport, and my boarding pass.

"Sorry," sabi ko dun sa lalaki at sabay pa kaming yumuko para damputin yung mga naihulog ko. But the guy was quicker than me. He handed me my passport, ticket, and my boarding pass. "Thank you po." Dumiretso ako ng tayo at napatingala dun sa matangkad na lalaki. He was wearing a black shirt that fitted his broad perfectly toned chest and biceps. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko na lang yung malakas na pagtibok ng puso ko. The guy looked handsomely ragged with his light stubbles, making him appear so masculine. He had a very stern harsh facial feature but I couldn't help but stare at his enigmatic gray eyes. They looked so captivating that I felt like I was driven to some majestic fantasyland.

Hindi siya kumibo. Basta na lang siya biglang tumalikod at iniwan akong nakatayo habang sinusundan siya ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko. Bihira akong ma-attract sa mga lalaking ragged looking pero sobra naman yata yung umuusok na sēx appeal nung lalaki na yun. At pagtingin ko sa paligid ko ay napansin kong hindi lang pala ako yung babaeng nakasunod ng tingin dun sa lalaki. Marami pala kami.

Napailing ako. Gwapo nga pero parang ang brusko naman.

Naghanap ulit ako ng bakanteng upuan pero dahil sobrang dami ng mga tao ngayon dito sa boarding lounge ay sa sahig na nga nakaupo yung ibang mga tao. Hoping to see even just one empty seat, I continued walking until I found one. May backpack nga lang na nakapatong doon.

"Excuse me," sabi ko doon sa lalaki sa tabi ng bag na nakayuko sa phone nito. He was playing a game on it. "Is that bag yours? Can I sit  there instead?"

"No. That seat was already taken," the man answered me, not even pulling his gaze from what he was doing.

"By what? By your bag?"

"No! Wag ka kayang maingay, Miss. Can't you see I'm play—" he stopped talking as soon as he  lifted up his head to face me. "Ah..."  A smile stretched across his lips before grabbing his bag from the other seat and putting it on his lap without tearing his gaze away from me. "You may seat now, darling."

One of my brows tilted up at him before I passed in front of him to sit on the waiting chair on his left side.

"Alone?" he asked me, seemed totally forgetting about the game he was playing on his phone.

"Wag mo nang ipaalala," sagot ko habang nakatingin sa malayo.

"Kasi hindi ka pa naman umaalis pero mukhang homesick na homesick na yang itsura mo. Umiyak ka, 'no?"

I frowned and turned my gaze on him. Noon ko lang ito natitigan nang husto. This guy was equally handsome in a different kind of way contrary to the appearance of the guy I bumped into a while ago. This guy, however, had soft facial features. His brown eyes were very attractive and there was a playful glint in them. His smile was also very charming. This was my type of guy. He had a fair complexion, making him look very neat and clean. I could easily feel myself being swayed by his charm. Parang nakikita ko yung personality nina Daddy at Zail sa kanya. Yet, he was wearing a gray business suit, making him look dignified and very appealing to the opposite sēx also. Parang di tuloy bagay dito na naglalaro ng isang mobile game.

"You're like my third brother. One of his hobbies is to observe everything around him. Isang tingin pa lang niya, may conclusions na agad siya, which, I may say, were right most of the time. At ang pinaka gusto niyang inoobserbahan ay yung kilos ng mga tao sa paligid niya. I guess that's one character trait that he inherited from our grandparents."

His smile widened, probably because he was thinking that he finally got my attention. "So tama nga ako. Umiyak ka kasi mami-miss mo yung family mo. Is this your first time to go out of the country?"

"This is my first time to go out of the country alone."

"Ah... You're going to work abroad? You still look very young."

I smiled at him. Akala ko talaga kanina ay antipatiko ito pero hindi pala. Mukhang madali itong makagaanan ng loob at hindi boring kausap. I could see them in his facial features and the way he talked. "No. I'm going to study abroad."

"Ah... Rich kid."

"Mukha lang akong younger probably because of my height. But I'm already twenty-two."

"Really? You still look younger for a twenty-two years old. Ako nga twenty-seven na. But I still do look younger din, right?" he said with a grin.

Natawa kami pareho sa sinabi niya.

"So saang bansa ka mag-aaral?"

"Paris."

His eyes widened. "No way! Paris? Dun din ako pupunta actually."

"Really?"

"Yeah. Let me see your plane ticket."

Inabot ko sa kanya yung plane ticket ko.

"See? We have the same flight either!" he said, showing me his.

"Talaga? Oo nga, 'noh. Eh ikaw, ano naman ang gagawin mo dun?"

"Work. Marketing manager ako sa isang company doon. Yung sister ko naman, she is also working there as a financial adviser. Kasama ko nga siya ngayon actually. Siya yung nakaupo kanina diyan."

My eyes widened. "Ha? Hindi mo naman sinabi. Sorry ha. Akala ko talaga bakante 'tong upuan na 'to," sabi ko bago dinampot mula sa sahig yung baggage ko, but he was quicker to stop me.

"No its okay. She was talking to a friend somewhere around the area," he said with a shrug. "So anong pag-aaralan mo dun?"

"Fashion designing."

"Oh..." He nodded his head. "So rich kid ka nga."

"Mag-aaral lang ng fashion designing sa Paris, rich kid na agad? Di ba pwedeng nakakuha lang ng full scholarship kaya nagkaro'n ng chance mag-aral dun? Ikaw siguro ang rich kasi maganda yung trabaho mo dun."

"Actually, dun talaga kami nakatira. My father is French. Si Mama ang Filipina. Dumalaw lang kami ni Catherine sa mga relatives namin sa Cavite."

"Is that your sister's name? My name's Katheryne also," I told him, showing him my name on my passport.

"Oo nga, 'no. Different spellings lang. Ako nga pala si Randall. Randall Courtois." Inabot niya sa akin yung kamay niya and shook hands with me. "It's nice meeting you, Katheryne."

Nalibang ako sa pakikipag-usap sa kanya. Madali kasi siyang makagaanan ng loob at masarap kakwentuhan. Lolo and Lala taught me how to examine people through their appearances, facial expressions, and the way they talk. Masasabi ko naman na isang mabait na tao itong si Randall.

We even exchanged numbers para pwede raw kaming magkita kapag nasa Paris na kami. Although medyo may kalayuan nga lang daw yung bahay nila at yung company na pinapasukan niya mula sa Fashion Academy na papasukan ko.

After awhile, our flight was already announced. Nagpaalam na si Randall sa akin para tawagan at hanapin yung kapatid nito dahil baka raw napasarap sa kwentuhan at di napansin yung flight announcement. Mabilis ko namang kinuha yung phone ko at nag-type ng message para kay Daddy.

"Dad, boarding na po ako sa plane. I love you po, Daddy."

Naluluha na naman ako kaya huminga ako nang malalim bago tumayo at binuhat yung bag ko saka pumila palabas ng gate.

"You can do this, Katie. You're strong. You're a Monteverde, Montreal, and Sarmiento combined. Kayang-kaya mo 'yan," I whispered to myself.

Pagsakay ko sa eroplano ay hinanap ko yung seat number ko. Pero bago ako umupo ay inilagay ko muna yung hand-carry bag ko sa overheard compartment. Pero dahil nga sa nakakasuya kong height at medyo mabigat din yung bag ko ay nagulat pa ako nang muntik na iyong bumagsak ulit sa akin. Pero may isang kamay na biglang humawak at pumigil doon mula sa likuran ko at itinulak papasok doon sa compartment.

"Thank you po," sabi ko bago lumingon sa likod ko and my lips parted when I saw the person who helped me.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Sino yung tao sa likod na yun ni Katie na tumulong sa kanya? Hehe! Any guess?

Yung scene ni Katie with Jeremy and Lance, sinipon ako kakaiyak dun. Haha!

And here's a sneak peek on another Monteverde's story. Wala lang. Malakas sapi niya sa akin kaya na-type ko yan. Haha!


w◆010717-u◆083117

Continue Reading

You'll Also Like

475K 16.9K 194
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.5M 38.6K 78
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
153K 2.5K 44
Sweet Romantic (Loose Trilogy #2) Failure and disappointment are the hardest things that she's afraid to achieve. Amaryllis Raine Lozano, a girl ful...
27.5K 2.4K 8
Wanna visit rajasthan than read this special book about my love Rajasthan 💗