Stuck in the Moment (Stuck Se...

By NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... More

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Chapter 17

297K 3.3K 603
By NerdyIrel

Chapter 17



Kathryn's POV


Walang nagsasalita sa aming lahat. At ang problema pa, walang may gustong magsalita.

Biglang may pumasok sa pintuan at lahat kami, dun napatingin.


"Why are you all staring at me? Ako lang toh" Sabay tumawa si Zharm.

Wala pa ring nagsalita. Kumunot noo niya at tumingin sakin tapos kay Daniel.


"Oh DJ, bakit nandito ka?" Tanong ni Zharm.

Hindi siya sinagot ni DJ.


"Bakit hawak mo kamay ni Kath?" Tanong ulit ni Zharm.


Bigla kong hinila kamay ko kay DJ, binitawan niya rin kasi.

Gosh! Hindi ko naramdaman na hawak niya kamay ko.


Si Kuya nakatingin na sakin... T_T


"Kath, bakit hindi mo muna samahan mga classmates mo sa kwarto mo" Sabi ni Kuya Neil.


What? Napatingin ako kay DJ, tumungo lang siya.

Hindi ko siya pwede iwanan. Baka upakan siya ni Kuya!

Tsaka alam naman nila kung saan ang kwarto ko ahh...lalo na si Julia!


"Kath" Sabi ulit ni Kuya. Fine!


Hinila ko na sila Zharm paakyat sa kwarto. Pagpasok na pagpasok namin sa kwarto ko, nagsigawan sila Zharm, Julia and Bea.


"SSHHH! Wag kayong maingay, maririnig nila sa baba" Sabi ko.


Umupo silang tatlo sa kama ko at ngumiti sakin.


"Grabe kath, kitang-kita namin mangyayari" Sabi ni Bea. O_O

"Wait lang, anong mangyayari?" Tanong ni Zharm.

"Magki-kiss sana silang dalawa ni DJ" Tatakpan ko sana bibig ni Julia kaso na-late ako.

"OMG!!!" Sigaw ni Zharm.


"Di naman kasi kami magki-kiss okay? Mali yung nakita niyo" Sabi ko.


"Kath, nakita namin nila kuya mo lahat! Nung pinunasan mo yung lower lip ni DJ, nung nagkatitigan kayo, yung paglapit ng mukha niyo sa isa't isa. Akala ko nga magki-kiss kayong dalawa, kaso ang kuya mo umepal" Explained ni Bea.


(_ _) Tingin-tingin sa baba. Nakakahiya! Grabe, papatayin ako ni Kuya!! T_T


"Bakit ba kasi kayo nandito?" Tanong ko. "Diba dapat inaayusan niyo si Bea?"


"Oo nga. Maaga pa, two hours before her date arrived, nandito kami para magpatulong okay?" Sabi ni Julia.

"Sige na, gamitin niyo na kwarto ko. Bababa lang ako. Hindi pwedeng magisa lang dun si DJ, malalagot yun kay kuya"


"Seriously kath? Ano na kayo ni Daniel ngayon? Nagsi-secret date ba kayo or something?" Si Zharm naman, kung maka-tanong...

"Walang something. Diyan na kayo"


Umalis na ko at nagmadaling naglakad papunta kila Kuya at DJ.


Akala ko nagsasapakan na sila pero nung nakita ko sila, parehas lang silang nakaupo sa sofa. Tumingin sila sakin at kumunot noo ko. Ano kayang nangyari habang wala ako?


Tumayo bigla si Kuya neil.


"Kath, layuan mo na si Daniel kundi sasabihin ko kay mama lahat nang nangyari ngayon" Tapos umalis na siya papunta sa kitchen.


Huh? Ano daw? Layuan si Daniel? Bakit? Ano ba ginawa nung tao?



Daniel's POV


Nakatingin lang sakin ang kuya ni Kath.

Ano toh? Puros titigan? Walang usapan?

Alam ko pogi ako, pero kailangan ba talagang titigan ako?


"Tol', Anong pangalan mo?" Bigla siyang nagtanong.


I guess narinig niya yung sinabi ng utak ko na dapat na siyang magsalita.


"Daniel" Sagot ko. Umupo siya sa sofa dun sa tapat ko.


"Uhhmmm Hun, luto lang ako ng dinner natin ahh" Sabi nung babaeng katabi ng kuya ni Kath. Kamukha niya si Julia. Siguro kapatid ni Juls toh.


Tumungo lang si Kuya neil at umalis na yung babae.

"Ikaw ba yung nagbigay ng ride sa kapatid ko two weeks ago?" So hindi pala sinabi ni Kath?

"Yup"

"Ito diretsahang tanong, kayo ba ni kath?"


Hindi ko ma-explain face niya. Galit ba siya or what?

"Di ko pa siya nililigawan" Wait lang. Ay mali! Mali! Mali! Dapat ang sasabihin ko, di ko PO siya nililigawan! AISH!


"So may balak kang ligawan si Kath?"

"Wala"


"Pinapaasa mo lang pala siya. Ganun?" Puros tanong naman ito eh. Bakit hindi kapatid mo tanungin mo?

"Hindi ko siya pinapaasa. Alam ni Kath yun. Wala kaming feelings sa isa't-isa. Hanggang barkada lang kami"


"Barkada? Pare, hindi ako tanga para maniwala dun. Hahalikan mo si bunso. Gawain na pala iyon ng magkakabarkada ngayon?"

Ang laki ng problema nito noh?


"Hindi ko siya hahalikan" Sagot ko.

"Kung hindi ako nagsalita, hahalikan mo na si Kath. Tol' wag ka nag magsinungaling. Lalake rin ako at alam ko yung gagawin mo kanina"


Hindi ko rin naman alam ang nangyari.

Ewan ko ba.

Parang nawala ako sa sarili nung dumampi ang daliri ni kath sa labi ko. Tapos tinitigan niya pa ko.

Kaya nung napatingin ako sa mata at labi niya, bigla na lang pamasok sa isip ko yung thought na halikan siya.


Ano ba naman kasi itong utak ko? Siguro nga, nayanig ang utak ko nung nasapak ako.

Buti na lang hindi natuloy yun kundi nahawa na ko sa virus ni kath. Hehehe.


"Wag mo nang guluhin buhay ng kapatid ko! Masyado pa siyang bata para magkaroon ng boyfriend. Gusto kong layuan mo na ang kapatid ko" Biglang nagsalita ang kuya ni kath.


WTH? Mas mukhang nayanig utak niya kesa sakin ahh.

"Di ko magagawa yun. Wala kang karapatan sabihin sakin yan. Lalayuan ko lang si Kath kung siya ang magsasabi sakin" Bakit ba? Mahilig akong mangasar ehh.


Biglang lumabas si kath. Parehas kami ng kuya niya na tumingin sa kanya.

Kumunot noo niya. Nuh kaya problema nito?


"Kath, layuan mo na si Daniel kundi sasabihin ko kay mama lahat nang nangyari ngayon" Tapos tumayo na yung kuya niya at umalis na.


Adik lang?


Si Kathryn tumingin sakin.

Shet. Itigil mo nga yung mga tingin na ganyan! Kinikilabutan ako ehh.


"Hatid na kita sa labas" Sabi niya.

Pagkatapos kitang ipagtanggol, di mo man lang ako papakainin? Gutom na ko. T_T


"Ay wait, gusto mo kumain dito?" Tanong ni Kath.


0_o

Sa totoo, may lahing mind reader ba yung mga tao dito sa bahay nila? Para kasing nababasa nila nasa utak ko.


"Di na. Ayaw atah ng kuya mo" Tumayo na ko. Totoo naman ehh. Baka masapak ulit ako kapag pinagsiksikan ko sarili ko dito. Besides, I'm sure na panget lasa ng foods nila dito. Joke.

"Sige" Sabi niya. Grabe, di man lang ako pinilit.


Lumabas na kami ng bahay niya. Nag-stop siya sa may gate nila.


"DJ..." Napatingin ako sa kanya. Mukha siyang worried na worried.


"Kath, alam ko naman na mahal na mahal mo ko kaya please, wag ka nang mag-worry diyan--Aray" Asar ko kaya binatukan niya ko. "Aray naman Kath, ang brutal mo. Nasapak na nga ko, dadagdagan mo pa" Hinawakan ko yung ulo ko to check kung okay pa.


"Yung totoo DJ, okay ka lang? Paanong hindi ako magwo-worry? Ako ang dahilan kung bakit ka nasapak"

"Okay lang ako, pero mas magiging okay ako kung itutuloy natin yung kanina"

"Huh? Anong kanina?" Asus. Nagmaang-maangan pa.


Teka nga. Dapat ipaalala sa kanya.

Hinawakan ko yung pisngi niya at onti-onting nilapit yung mukha niya sakin. Syempre, hindi ako pumikit. Tinitigan ko lang siya.


*pok*

Nabatukan na naman ako. (-_-)


"Aish! Ikaw talaga Daniel! Ang dami mong alam!" Kumunot na naman ang noo niya.

"Asus, gustong-gusto mo naman" Babatukan na naman niya sana ako ngunit nahawakan ko na kamay niya.


"Pwede ba DJ, bitawan mo na kamay ko. Umuwi ka na! Baka alalang-alala na si Sofia sayo. Makita pa tayo ni Kuya, gulo na naman yun" Sabi niya.


Binitawan ko yung kamay niya sabay smile sa kanya.

"Sige na nga. Goodnight. Wag mo kong masyadong isipin ha..."

"Sabihin mo yan sa sarili mo. Baka mamaya, ako na yung iniisip mo" Sabay dumila sakin.

"Feelingera ka talaga noh? Sige na! Bye" Naglakad na ko palayo sa kanya.


Di talaga siya magpapatalo sa asaran noh?

Hahaha.


Kathryn's POV


"AAAAAAHHHHH! Nakakakilig kayo!!!" Nagulat ako nung may sumigaw sa likod ko. Pagharap ko, si Julia.

O_O


"Sis..." OMG! What should I say?

"No need to explain. Narinig ko ang lahat! Grabe, secret couple talaga kayo noh?" What? Kami? Secret couple?? Julia naman!

"Sis hindi! Ano ka ba! Nagaasaran lang kami"

"Pero hahalikan ka niya ulit diba? Ayiee!!"


*Blush*

Nakakahiya naman yun!!!


"Bestfriend, inaasar lang ako ni DJ okay? And hindi kami. Imposibleng maging kami"

"Alam mo best, di mo naman kailangan itago ang relasyon niyo ni Daniel sakin" Ang kulit naman ni Julia!

"Sis, maniwala ka sakin okay? Hindi kami"

"Pero nanliligaw siya?"

"Hindi"

"Kasi kayo na?"

"Hindi"


"Yung totoo Kathryn Chandria Bernardo, mahal mo siya?"

Mahal? Di pa nga ako naiinlove ehh...


"Hindi"

"Aw. Ano ba yun!"

"Barkada nga lang okay?"

"Bakit ba siya nandito sa bahay mo kanina? At take note, kayong dalawa lang"


I sighed. Sabi na nga ba ehh...Lahat naaalala niya.

Ni-lock ko muna yung gate namin bago ako nag-explain.


"Kasi, alam niya na ako yung bumutas ng gulong niya---" Bago ko pa matuloy ang kwento ko, nagsalita na siya agad.


"Ikaw yun?" Tinakpan niya pa yung bibig niya. Gulat na gulat nga siya...hahaha.

"Oo. Gumaganti lang ako sa kanya. Tapos gaganti rin siya kaya niya ko sinama sa bahay nila para asarin ako"


Nanlaki mata niya.

"So magkasama nga talaga kayo kaninang lunch? Sabi mo nasa library ka!!!"


Nyek. Aish! Oo nga pala!!! Sila Diego, Khalil at Albie lang ang may alam nang tungkol dun.

Ano ba yan! Nadulas na naman ako!


"Madami na kong hindi sinasabi sayo Bestfriend. Oo pumunta kami sa bahay niya. Dun kami nag-lunch. Na-meet ko mama niya. Tapos kaninang uwian, naglakad ako. Si Daniel, sumunod sakin. Pagdating sa kanto, may mga manyak na hinawakan wrist ko. Si DJ ang nagligtas sakin pero nasuntok din siya kaya ko siya dinala dito sa bahay para gamutin sugat niya"


"Wow paragraph. Si DJ naman, super hero lang ang peg? AYYY!! Kinikilig talaga ako!"

"Sis! Anong nakakakilig dun?" Tanong ko.

"Ikaw! Si Daniel! Kathniel! Feeling ko kasi, hindi pangaasar ang habol sayo ni DJ kundi makasama ka"

"Hay naku! Yan ka na naman Julia Montes!! Imagination mo lumalawak na naman! Tara na, tulungan na natin si Bea" Hinila ko na siya habang natawa siya.


Syempre nilihim namin yun kay Zharm and Bea. Ayoko lang na asarin nila ako. At least si Julia, one day lang yan mangaasar tapos finish na.



Kinabukasan...


Ang aga-aga palang, umalis na ko ng bahay. Ayoko kasing maabutan ako ni Kuya na nasa bahay pa kapag nagising siya.


Iniiwasan ko kasi si Kuya Neil.

Baka kasi madulas siya kay mama at masabi niya yung mga nangyari samin ni DJ kagabi.

Syempre kagabi, sinabi ko kay kuya na lalayuan ko na si DJ kahit hindi naman talaga.


I mean, paano ko lalayuan si Daniel? Barkada ko siya, lagi kong kasama. Seatmate ko pa at higit sa lahat, wala pa naman siyang ginagawa para layuan ko siya.

Ang unfair naman nun sa part niya kung bigla na lang akong manlalamig sa kanya, diba?


Pagdating sa school, kakaunti pa lang ang tao.


"Hi Kath" nagulat ako nung may bumati sakin. Di ko na lang siya pinansin at pumunta na ko sa locker ko. Sino ba yun? Di ko naman siya kilala. Di kaya siya yung Secret Admirer ko? Hay naku Kath! Yan ka na naman! Lahat na lang ng lalake dito, iisipin mo Secret Admirer mo.


"Kath" Nagulat ulit ako nung may lumapit na lalake sakin. Siguro fourth year student din ito. Take note, naka-varsity uniform. I assumed kasama siya sa varsity.

Di ko siya pinansin. Aalis din yan...


"Date naman tayo" Bigla niyang sinabi.


@_@

Napatingin tuloy ako sa kanya.


"Sorry ahh pero hindi kasi kita kilala"


"I'm Mark" Tapos inoffer niya pa yung hand niya para mag-shake hands kami. Pero hindi ako nakipagshake-hands. Stranger pa rin siya.


"Okay" Yun na lang sinabi ko.

"Date tayo, PLEASE! Ang ganda ganda mo kasi Kath"


Naglakad na ko palayo sa kanya. Ang freak ehh! Nakakatakot kausapin!

"Huy! Kath naman!" Sinundan niya pa rin ako. Naglalakad siya kasabay ko.

"Pwede ba, layuan mo ko. Ayokong makipag-date Mark"


Hinawakan niya yung braso ko kaya napatigil ako.

"Bakit? Dahil kay Daniel? Layuan mo yun Kath. Play boy yun. Akin ka na lang"

"Wow ahh. Lakas ng loob mong sabihin yan. Bakit? Kaibigan ba kita? Date agad? Wala pa ngang ligaw?"

"Kaya nga liligawan ka sa date ehh"

"Sorry pero ayoko"


Pero di niya pa rin binibitawan braso ko.

Naman!!! Napakamalas ko! Sobra! To the highest level!


"Bitaw!"

Lahat na lang! Lahat na lang gusto hawakan braso ko, wrist ko or hands ko! Ano bang meron sakin?


Bumitaw nga siya tapos tumawa.

"Hindi kita lalayuan until pumayag kang makipagdate" Sabi niya. Lakas ng loob!

"Hay naku" Nagulat ako nung biglang may nagsalita. Pag tingin ko, si Daniel.


Niyakap niya ko bigla sabay kiss sa pisngi ko.


"Alam mo babe, sabi ko na nga ba ehh. Dapat nilalagyan kita ng sticker sa noo na nakalagay na 'Akin ka' para wala ng umagaw sayo" Sabay smile sakin.


Huh? Ano daw? Ako ba kausap nito?


"Pare, girlfriend mo si Kath?" Tanong ni Mark. Nanlaki pa yung mata niya.


"Yup, wait lang. Diba nasa varsity ka? Siguro dapat pumunta ka na ng locker room tapos kunin mo na yung mga gamit mo sa locker mo. Iwan mo na lang dun yung varsity uniform mo" Sabi ni DJ.


"What? Teka lang! Bakit? Aalisin mo na ko sa varsity? Ano ba ginawa ko?"


"Simple lang. Ginugulo mo girlfriend ko. Besides, di ka naman dapat nasa team ko. Kung hindi mo kasi binayaran ang coach, di ka masasali sakin" Nanlaki lalo ang mata ni Mark.


Wow...ang daming alam ni Daniel.


"Tsupe na! Panira ka ng araw" Sabi ni DJ. 

Si Mark umiyak tapos tumakbo. Bakla? Hahaha.


"Okay ka na babe?" Tanong sakin ni DJ. Binatukan ko nga.

"Hoy! Bakit mo ba tinulungan?? Kaya ko naman sarili ko!" Sigaw ko.

"Maging thankful ka na lang okay? Ikaw na nga tinulungan ehh" Sabay kamot sa ulo niya.


"Sino ba may sabing kailangan ko tulong mo? May pa-babe babe ka pang nalalaman! May pa-kiss kiss ka pa sa cheeks! Manyak!"

"Bakit? Feeling mo gusto ko yun?"


"Oo! Feel na feel mo kayang tawagin akong babe! Ang bantot! Pwe! Daniel naman! Itigil mo na yung mga biro mo sa iba na ako ang girlfriend mo! Kakalat sa campus ito ehh!"


"Pakielam ko naman kung kumalat"

"Yan ka na naman! Syempre ikaw, okay lang sayo. Pero sakin, hindi!"


"Teka nga kath, I need your help. Gusto ko ng makipagbreak sa second girlfriend ko. Tulungan mo naman ako" Tapos binigyan niya pa ko ng baby eyes.


"Wag ako! Pagod na ko!!"

"Ang aga-aga, pagod ka!!! Ano ba ginawa mo kagabi? Inisip ng inisip yung mga labi ko? Nag-wish ka na sana matuloy ang kiss? Ganun?" Aba! Nangasar pa!


"Ewan ko sayo! Bahala ka diyan! Mas lalong hindi kita tutulungan" Naglakad na ko palayo sa kanya pero sadyang makulit si Daniel. Sinasabayan pa paglalakad ko.


"Sorry na....sige na! Help naman! Wala pang five minutes ang gagawin mo"


"Maghanap ka ng ibang babae. Wag ako" Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko man lang siya tinitignan.


"Babe please!"

Tumigil ako nung sinabi niya yun.


"Hoy! Wag mo nga akong tawaging babe!"

"Hindi ko ititigil yun hanggang hindi ka pumapayag"


"Sana pala nakipagdate na lang ako dun kay Mark kanina. Mas kakayanin ko pa yun kesa sa pangkukulit mo" Sabay umirap ako sa kanya.


"Ahh ganun? Sige, wait lang ha...tatawagin ko lang ang Mark MO" Nag-smile siya tapos nagstart na maglakad palayo.

Huy! Ano daw? Tatawagin niya? Teka teka!


"Daniel! Wait! Saglit lang!" Hinila ko siya para tumigil sa paglalakad.

Tumingin siya sakin. Yung bwisit na mukha niya, punong-puno ng pangaasar.


"Oo na. Gagawin ko na gusto mo...di ka naman mabiro ehh" Sigaw ko.

"Di mo talaga ako matiis noh?" Sabay kurot sa pisngi ko.


"Isa pang asar mo, masasapak na talaga kita. Jerk" Sabi ko. Wala akong choice! Nang blockmail na naman siya ehh. Natawa siya dun sa sinabi ko. Ano kayang nakakatawa dun?


"Mamayang physics natin, sabihin ko gagawin mo"

"Diba pwedeng bestfriend mo na lang?" Mas gusto kasi ni Sofia yun.

"Ayoko. Masyadong OA umacting yun"

"Whatever" Sabi ko. Pumasok na ko ng Physics room para makalayo kay Daniel.


Last na ito. Promise! Last na favor kay Daniel. Wala akong magawa ehh! Either gawin ko yung gusto niya or makipag-date sa adik na baklang mark na yun. For sure gumaganti lang si DJ sakin dahil dun sa ginawa ko sa kotse niya.


After English class, biglang gumuho ang mood ko. Parang natabunan lang ng mga bato ang kasiyahan ko. Daniel again! Bakit ba kasi epal siya sa buhay ko? Bakit ba kasi araw-araw dapat makita ko siya?? Wala na ba talagang luckiness ang natitira sa life ko? Puros kamalasan na lang.


Pagpasok ko ng Physics room, di ko pinansin si Daniel. Mangaasar ito, pustahan...


"Hi babe" Greet niya. See? Nangasar nga siya.

"Babe" Inulit ko lang yung sinabi niya.

"Babe" Inulit niya rin sinabi ko. (-_-)

"Babe" Kapag ito inulit niya pa, di ako magpapatalo.

"Babe"

"Babe" Pabilis ng pabilis ang sagutan namin. Mga adik lang?

"Babe"

"Babe"

"Bave"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Lakas ng tawa ko, buti na lang wala pa si Mr. Fitz.


"Anong bave? Hahaha Bakla ka? Hahahahaha" Asar ko kay DJ.

"Bakla? Ako? Nagpapatawa ka ba? Muntik na nga kitang halikan kahapon" Sabi niya sabay tawa.


"What? Tama ba narinig ko?" Nagulat ako nung biglang lumingon si Khalil. Nakaupo pala siya sa harapan??? @_@


"Mali. Nagbibiro lang si Daniel" Sabi ko.

Si DJ tumawa lang.


Dumating na si Mr. Fitz at nag-start na siya mag-discuss. Si Daniel may pinasang papel sakin.


At lunch, sa canteen. May lalapit na babae sakin. Gusto ko, tarayan mo. Yun lang :D

- DJ


Tinaasan ko ng kilay si DJ.


Ayoko! Makikita ng barkada. Besides, hindi siya makikipagbreak sayo nang ganun ganun lang.

-Kath


Binalik ko kay DJ yung papel tapos binasa niya yun. Nagsulat ulit siya.


Di pa kasi ako tapos okay? After mo siyang tarayan, syempre aaksyon na ko. Sasabihin ko na wag kang awayin etc. etc....Basta ako bahala.

-DJ


Di na ko nagsulat sa papel.


Nag-quiz kami tapos nagbigay ng assignment si Mr. Fitz. Nung nag-bell na, para akong bula na biglang nawala sa classroom. Nagmadali kasi akong lumabas ng room dahil ayoko ng kausapin si DJ. Ayoko rin naman mag-explain kay Khalil. Alam kong hindi niya ko pinaniwalaan kanina.


Si Zharm, tanong ng tanong nung Trigo class namin. Gusto niyang malaman kung may something daw kami Daniel. Unli teh? Paulit-ulit?


Nung lunch na, ilang beses akong nagisip kung dapat bang magtago na ko or gawin ko gusto ni DJ. Eh kung hindi ko tarayan yung babae? Anong mangyayari?


Okay na nga! Sige na! Gagawin ko na! Gusto ko rin naman ng fun ehh ^_^


Pagdating sa canteen, habang hindi nakatingin ang tropa, nag-smile ako kay DJ. Medyo natawa siya.

Pano naman kasi, nakakatawa yung plano namin.

Demonyo talaga kaming dalawa.

Hahahaha.


"Guys, meet my boyfriend!! Jake Vargas!!" Si Bea tuwang-tuwa na ma-introduce ang bf niya.

I'm so happy for her. 


"Hello!" Sabi ko.

"Dude, ikaw yung kasama namin sa varsity team right?" Tanong ni DJ.

"Yup DJ. Onting practice lang, magiging okay na ko" Sabi ni Jake.

"Starting today, kasama na siya sa barkada okay? Wala ng idadagdag pa kundi magiging sobra-sobra na tayo sa table. Sisikip na" Sabi ni Bea.

Okay sige. Sabi mo ehh.


Habang kumakain, si Zharm nagsalita.


"Ang lovebirds magkatabi" Sabi niya sabay tumawa. Hindi siya tumingin samin pero alam ko naman na kami ni DJ ang pinaparinggan niya. Ano? Mangaasar siya ngayon? Bwisit.


"Alam mo?" Tanong ni Diego.

"Alam mo din?" Tanong naman niya kay Diego.


Shemay. Magkakabukingan na ngayon.

Ang alam ng mga lalake, hinatid ako ni Daniel sa bahay.

Ang alam ng girls, muntik na kami mag-chu chu...

OA ako ngayon. Ayokong gamitin yung word na kiss. Nakakadiri isipin!!!


"Hey guys!" Nagulat kaming lahat nung may sumigaw. Pagtingin namin, si Sofia lang pala.

"Sorry guys, late ako. May kinausap lang na friend" Sabi niya. Umupo na siya sa tabi ni Daniel pero lahat kami tahimik pa rin.


"Oh! Bakit ang tahimik niyong lahat?" Tanong niya.

Siguro walang may gustong kausapin siya kaya tahimik lahat.


"Hi honey!!!" Nanlaki ang mata ng lahat, besides me, nung may lumapit kay DJ.


"Honey?" Tanong ni Julia.

"DJ, ikaw si Honey...eh siya? Sino siya? Si Pooh?" Tanong ko.

Yung babae tumingin sakin.


"Si Adriana" Sabi naman ni DJ. Ano ba ito!??? Akala ko ba tutulungan niya ko magaway sila?? Hmmph.


"Hi, you must be Kathryn. I heard you're pretty close to Daniel"

"Medyo" Sagot ko. May pa pretty pretty close pa siyang nalalaman.


"Layuan mo na siya okay? No offense. Pero halatang lumalandi ka na ehh" Si Sofia natawa.

"Weh?" Sagot ko. Sila Zharm at Julia tumawa.


"Walang laban ang KAGANDAHAN ko sa KALANDIAN mo kaya tumigil ka na" Tinaasan pa ko ng kilay.Aba! Kapal ng mukha! Si Sofia tawa ng tawa. Siya lang ang tumatawa.


Tumayo din ako at nag-crossed arms.


"Maganda? Ikaw? Sabagay...your pretty" Sabi ko.

"I know right?" Tapos hinawakan niya pa yung long hair niya.

"Yeah your pretty...pretty dirty" Asar ko. Nung nagsmile ako sa kanya, yung tropa hindi na matigil ang kakatawa.


"Dirty? What the hell? Maganda ako! Maputi pa" Wow girl, you just gave me a bright idea.

"Di porket maputi ka eh maganda kana, eh kung sunugin kaya kita ng magkaalaman na?!!"


"Ah! OMG! Honey! Ipagtanggol mo naman ako" Kinalabit niya si Daniel. Si DJ tumingin lang sa kanya.


"Kaya mo na yan" Sabi niya.

Hinintay ko munang magisip siya ng sasabihin. Baka kasi umiyak kapag dinere-diresto ko. Hehehe

>=]


"Ang laki ng problema mo kath! Para kang tomboy!"

"Tomboy? Sure ka? Sabihin na lang natin na ako natural beauty. Ikaw, tadtad ng make up" Totoo naman yun.

"Palibhasa ako, marunong magayos. Ikaw?"

"Marunong? Di nga? Mukha mo na bayan, oh MAKE UP padin. Kasi parehas paring MAKAPAL eh"


Halatang pinipigilan na niyang umiyak. Paano ba naman kasi, tinatawanan na siya ng barkada. Pahiyang-pahiya siya!


Lamunin ka na sana ng lupa ng mawala ka sa harapan ko!! Hehehe joke.


"Shocks stop it! Honey!!!" Sigaw niya.

"Oh?" Sabi ni DJ.

"Para naman kitang hindi boyfriend! Di mo man lang ako tulungan"

"Di mo naman talaga ako boyfriend" Sabi ni DJ.


"What? Feelingera lang si Adriana?" Tanong ni Bea.

"Hindi ako feelingera! Daniel! Ano toh?" Tanong ni Adriana ni DJ.


"I'm breaking up with you. Masyado mo nang ginagamit ang pangalan ko para sumikat ka. Alam kong ginamit mo ang name ko para makapasok sa cheerleading squad. Right?"

Nganga ang girl. Hahaha. Nagulat siya dun.


"May mahal na kong iba, okay?" Sabi ni Daniel. Demonyo talaga ehh, expert!

"I don't get it" sabay punas sa luha. Best actress!!! Chos.


"Kung magkakabentahan ng kukote, mahal yang sayo hindi mo kasi nagagamit e" Sabi ko. Kunwari sinasabi ko sa sarili ko...

Sila Diego at Albie mamamatay na sa kakatawa.


"Sorry talaga Adriana. Ayoko na. Wala nang tayo ha..." Sabay hinug ni Daniel si Adriana.

"Friends pa rin?"

O_O


Kung ako sa kanya, naupakan ko na si Daniel. I mean, pinaniwala ka nung tao na mahal ka niya tapos hindi pala. And now, gusto niya pang maging friends pa sila. 

Adik ba ito? Nakainom? Nasaniban?


"Friends" Smile ni Daniel sa kanya.


Pinunasan na niya yung luha niya tapos hinug ulit si DJ. Landi ahh.

Tumingin siya sakin at umirap sabay walk out.


Wow. Nice! Nadagdagan na naman ang mga kaaway ko. I need Avengers para tulungan ako kapag lahat ng kaaway ko, sumugod. Hahaha.


Umupo na ko sa upuan, si Daniel din.

Nagkatitigan kami....


Biglang "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" 

Tawa kami ng tawa ni DJ. Epic yung nangyare!!!


Nung natapos na kami, napansin kong nakatitig lang samin ang barkada. Tumingin ako kay DJ, tumingin din naman siya sakin. Alam ko na iniisip niya.


LAGOT!! Todo explanation na naman yan!!!!

"Mahiya naman kayo sa langgam" Sabi ni Julia sabay tawa.


Time to get out!!! Kinuha ko agad bag ko, naramdaman ko si Daniel, kinuha niya rin bag niya.

Nagkatingin kami, tumungo siya.


"1" Bulong ko.

"2" Bulong niya.

"3" Sigaw naming dalawa sabay takbo!


Dami kong tawa. Mga one hundred.


"HUY!"

"TAKAS KAYO AHH!"

"Magtatanong pa kami!"

"Wait"

"Balik dito!"

Sigaw nila. Kami naman ni DJ, tawa ng tawa.


"Sige Kath, thanks. Quits na tayo. Wala ng gaganti ahh" Sabi niya.

"Fine! Pero kapag nangasar ka ulit, gaganti ako. Promise!"

"Ingat ka kay Adriana!" Sabi niya sabay tumakbo na paalis.


Yeah right. Baka siya ang mag-ingat.

Hehehe.


Medyo good terms kami ni Daniel today. At least, parehas kaming magkabati. Mas masaya nga yun ehh. Walang magaaway.


After three hours, CAT na. Binago kasi yung schedule namin. Yung PE every Friday, ginawang CAT. Pero hindi pa kami nakapang-CAT uniform kasi wala pa namang sinasabi.


Nung nasa gym na kami, nagtatawanan pa yung ibang students from other section. Tapos biglang tumahimik sila.


O_O

Nakakatakot yung CAT teacher namin.

As in...parang mananapak.


"I am your CAT teacher, mam Lucy" Sabi niya. Ang tahimik talaga!

Syempre mga takot kami, first time mag-CAT ehh.


"Form!" Sigaw niya. Wala namang gumalaw.

Natawa siya tapos nag-explain.


"Kapag sumigaw ako ng 'form', magfa-fall in line kayo. From biggest to smallest pa-vertical. Hiwalay ang boys sa girls. Nasa harapan ang boys. Tapos girls sa likod. Gets?" Tanong niya sabay smile.


"Mam yes, mam!" Sigaw namin. Yan daw dapat ang sinasabi. Or di kaya, mam no mam. Mga ganun...


Mukha siyang mabait pero strikto sa CAT commands. Ginawa na namin yung sinabi niya.


Nung una, pinaghiwalay hiwalay niya kami tapos kapag sumigaw siya ng form, dapat within ten seconds, ayus na. Grabe, paulit-ulit naming ginawa yun hanggang umayos kami. Nakakapagod.


Pag nandun na daw, dapat yung right hand nakapatong sa balikat nung nasa right mo. Tapos sisigaw yung pinakamatangkad ng Form tapos ibaba na namin yung hands namin. Tinuro niya rin yung tamang tindig etc. etc.


Pati pagbibilang, nakakadugo ng utak.

Sa, wa, lo, pat, ma, nim, to, lo, siyam, pu

Ang meaning daw nung mga yun ay iSA, dalaWA, tatLO, aPAT, liMA, aNIM, piTO, waLO, SIYAM, samPU.

Oh diba??? Sakit sa bangs! Kaartihan lang...


"Harap sa kanan, rap!" Sigaw niya. Tapos humarap kami sa kanan. Adik lang? Hahaha.

Tulo na yung mga pawis ng boys! As in, basang basa na yung uniform nila...EWWW!


"Look at DJ, cute pa rin kahit pawis"

"Oo nga"

"Grabe, siya lang ang hindi mabaho"

"Ang face!! I need oxygen! Nakakakilig itsura niya"


Grabe itong mga babaeng ito. Nasa CAT na nga, nagagawa pang magbulungan.

Tinignan ko si DJ, wala naman cute sa kanya. Ano sinasabi nila?


"Harap sa kaliwa, rap!" Humarap naman kami sa kaliwa.

"Tikas pahinga!" Sabi ni Mam, kapag daw naka-tikas pahinga, Imbis sa bewang, sa likod daw ang hands.


Bawal tumawa, bawal gumalaw, bawal lahat.

PAHINGA ba yun???


"Gusto kong malaman niyo na kapag CAT natin, wala akong sasantuhin. Discipline is a must! Naintindihan niyo?" Sigaw niya.


"Mam yes mam" Nagulat kaming girls nung sumigaw ang boys.

Pigil na pigil yung mga tawa namin.


"Push-ups 20" Sabi ni Ms. "Kakasabi ko lang na bawal magsalita kapag nakatikas pahinga"

Kahit pagod na pagod na ang boys, nag-push ups sila.


"Ayoko ng late, ayoko ng pasaway. Di ko na kayo pabibilhan ng CAT uniform. White t-shirt, garrison belt, jeans and rubber shoes. Dapat may white na panyo sa right back pocket ng jeans. Girls, every Friday, nakataas ang hair"


"Tiwalag!" Sigaw niya. Ibig sabihin daw nun, dismissed na.

"Mam thank you, mam!" Sigaw naming lahat.


Nakakapagod!!! T_T

Nakapang-uniform pa kami tapos nag-CAT.

Grabe!!! Tulo pawis ko teh!


Pagdating sa parking lot, nagsalita na si Daniel.


"Sino gusto sumabay pauwi? Hatid ko na" Sabi ni Daniel habang nagpupunas ng pawis.

"Kami ni Kath" Tapos nag-smile si Julia.

"Ako rin!" Pahabol ni Sofia.


"Sige guys, uwi na tayo para makatulog na! See you all sa Monday! Text text na lang" Sabi ni Bea tapos umalis na sila ni Jake.


"Alis na rin kami!" Sabi ni Albie kasama si Zharm at Diego.

"Bye!" Sabi naman ni Khalil.


Kaming apat nila Julia, pumunta na sa kotse ni DJ.

Dun kami sa likod ni Julia, si Sofia sa tabi ni Daniel.

Si Julia muna naunang ihatid ni DJ.


"Bye sis!"

"Bye!" Sabi niya tapos bumaba na siya ng kotse.


Tapos ako na. Syempre, magkasama sa bahay silang dalawa. On the way sa bahay ko, si Sofia daldal ng daldal. Pagod na daw siya dahil sa CAT. Dapat daw tanggalin na yun. Arte!


Tumigil bigla yung kotse, pagtingin ko...nasa labas ng bahay na pala kami.

"Okay. Thanks sa ride" Sabi ko tapos binuksan ko na yung door nung kotse.


"Kath" Biglang nagsalita si DJ.

"Ano?"

"Thanks ulit tungkol sa kanina, sana next time ulit. Isa na lang naman problema ko ehh" Sabi niya.


"Anong problema?" Tanong ni Sofia.


"Whatever DJ. Yan ohh, si sofia mo na lang gamitin mo. Ayoko na!" Sabi ko.

"Fine, see you on monday" Sabi niya.

"Geh"


Bumaba na ko ng kotse. Pagpasok ko ng gate, nakita kong naka-open yung mga windows ng bahay. Nasa bahay na siguro si mama.


"Ma!" Sigaw ko pag-open ko ng pintuan ng bahay.

"Dito nak!" Sigaw ni mama, nasa kitchen atah siya.


"Ma, ano pong merienda?" Tanong ko. Uminom muna ko ng tubig bago umupo sa dining chair.

"Pancit bunso. Okay lang?"

"Yup!"


Pagpatong ni mama ng pancit sa table, kumain na agad ako. Gutom ako ehh...

^_^


"Nak, may hindi ka ba sinasabi sakin?" Tanong ni mama.

"Opo" Sabi ko.

"Ano yun?"


Sasabihin ko na ba? Kailangan na ba? Sige na nga.

Sasabihin ko na.


"Ma....Ano kasi....ganito yun...uhmmm....."


*gulp*

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 51 6
William Tiongson believed that he had found the one. Just when things start to fall into place, an accident turns his whole world upside down. After...
9.3K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
36.1K 1.5K 21
always his friend, never his girl
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...