Heart Held Captive

By AaliyahLeeXXI

68K 2.6K 1.1K

Love... My idea of love was a mixture of tragedy and beauty. I could still remember how my true parents both... More

Heart Held Captive
Teaser
﹏๑✿ ・:*:・PROLOGUE ・:*:・✿๑﹏
~✿*1*✿~
~✿*3*✿~
~✿*4*✿~
~✿*5*✿~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT!
~✿*6*✿~
~✿*7*✿~
~✿*8*✿~
~✿*9*✿~
~✿*10*✿~
~✿*11*✿~
~✿*12*✿~
~✿*13*✿~
~✿*14*✿~
~✿*15*✿~
~✿*16*✿~
~✿*17*✿~
~✿*18*✿~
~✿*19*✿~
~✿*20*✿~
~✿*21*✿~
~✿*22*✿~
~✿*23*✿~
~✿*24*✿~
~✿*25*✿~
~✿*26*✿~
~✿*27*✿~
~✿*28*✿~
~✿*29*✿~

~✿*2*✿~

1.6K 81 41
By AaliyahLeeXXI

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

"Ate, pagka-graduate mo sa academy, dapat ikaw na ang magde-design ng mga dress namin ni Mommy ha? Para maging fashionista with K na kami," sabi ni Zean habang tinutulungan akong magtiklop ng mga damit na dadalhin ko sa Paris.

"Ate, sama mo 'to sa maleta mo ha," sabi ni Zail sabay abot sa akin ng isang photo frame.

Akala ko ay family picture namin yun pero picture lang pala niya kaya napangiti ako.

"Yuck, Kuya Zail. Ano naman ang gagawin ni Ate sa picture mo?" tanong ni Zean sa kanya habang nakatingin sa hawak ko. "Shucks! Ano ba yan, topless pa talaga. Mahiya ka nga kay Ate. Mukha kang macho dancer dito."

Napahalakhak ako. Itong dalawa na ito yung pinakamahilig mag-asaran sa aming lima kaya siguradong mami-miss ko talaga sila.

"Macho dancer ka diyan! Picture ko yan nung nanalo akong best in male swimwear nung nag-champion ako sa Mr. and Ms. AMMU."

"Ano naman ang paki ni Ate?"

"Para di niya mami-miss yung pinakagwapo niyang kapatid," sagot ni Zail at kinindatan pa si Zean.

"Yuck! Panakot sa daga lang ang purpose nito eh!" sabi ni Zean saka tumawa nang tumawa.

"Huy, tama na nga yan. Mamaya niyan nagkakapikunan na naman kayo eh," saway ko sa kanila.

"Ate, display mo palagi yang picture ko para pag nakita ng mga models sa Paris eh pwede mo akong ireto para magka-girlfriend na ulit ako."

"Ayun naman pala ang tunay na purpose kaya pinadadala sa 'yo yung picture na 'yan, Te."

"Wag ka ngang kontra nang kontra diyan, Zeanelle. De magpadala ka rin ng picture mo kung inggit ka." Tumabi si Zail sa akin saka yumakap. "But honestly, Ate, I'm really gonna miss you. Mababawasan na yung mga aasarin ko rito sa bahay," sabi niya habang nangingilid yung mga luha.

I slung my arm around his shoulders. "May Skype or Viber naman. Pwede mo pa rin akong maasar." Ngumiti ako sa kanya habang naiiyak na rin.

"Kainis naman kayong dalawa eh. Naiiyak na tuloy ako," sabi ni Zean habang nagpupunas ng mga mata.

"Maunang umiyak panget!" sabi ni Zail sa kanya.

"Ikaw lang ang panget dito, Kuya!" sabi ni Zean at yumakap na rin sa akin. "I love you, Ate. Mag-iingat ka palagi dun sa Paris ha?"

Niyakap ko na sila pareho. "Kayo rin. Mag-iingat kayong lahat dito. Always take care of each other especially Mommy and Daddy. Zail, bawas-bawasan mo na yung pagiging masyadong mapang-alaska mo kasi hindi mo alam madalas nakakasakit ka na ng feelings ng ibang tao. At ikaw naman, bunso, wag masyadong iyakin ha? Pag alam mong nasa tama ka, lumaban at manindigan ka. You should always be strong."

"Yes, Ate." She kissed my cheek. "Baka doon mo na makita yung right guy for you."

Natawa ako. "Hopefully not kasi pupunta ako dun para mag-aral at para tuparin yung isa pang pangarap ko."

﹏~✿**♡**✿~﹏

I put the four baskets of arranged flowers that I did in front of Grandma Victoria Mirabella, Grandpa Andy, Daddy Justine, and Mommy Katelynne's graves. Pero doon ako umupo sa harap sa pagitan ng kay Daddy at Mommy.

"Daddy, Mommy, kamusta na po kayong dalawa? Two days na lang po aalis na 'ko papuntang Paris para mag-aral ulit this time ng fashion designing. Medyo matatagalan na po bago ko kayo ulit madalaw. Siguro po kapag nagbakasyon na lang ako." Napahinga ako ng malalim. "Kung buhay pa po kayong dalawa, papayagan n'yo rin po kaya akong umalis just like Mommy Zanny? Or katulad lang din po kayo ni Daddy Lance na tututol sa pag-alis ko?"

Tumingin ako sa taas nang maramdaman kong tutulo na yung mga luha ko. Ibinalik ko yung tingin ko sa baba at tuluyan nang tumulo yung mga luha ko. "Ang hirap po kasi. Pumayag nga po siyang umalis ako but until now, he's still not talking to me. Ang bigat po kasi sa loob eh. Ngayon lang po nangyari yung ganito na hindi ako kinakausap ni Daddy Lance dahil masama yung loob niya sa akin. Daddy, kapatid mo naman po siya. Please touch his heart for me. I don't want to leave while Daddy's still mad at me."

I was about to sleep when I thought I wanted to drink a glass of milk first. Bumaba ako para pumunta sa kitchen. Then I heard Mommy's voice inside Daddy's office here in the mansion. May kutob ako na kinukumbinsi na siya ni Mommy para payagan akong mag-aral sa ibang bansa.

"Nagpapasalamat pa nga ako na pinayagan ako ni Nanay noon na lumuwas dito sa Manila para mag-aral dahil kung hindi, wala sa akin ang lahat ng meron ako ngayon. Hindi rin sana tayo nagkakilala."

"Zanny, don't use that experiences of yours on me para lang payagan si Katie na mag-aral sa Paris. Napakalaki ng pagkakaiba ng distansiya ng Tarlac hanggang Maynila compared sa distance ng Maynila hanggang France. Hindi natin siya masusubaybayan kung gano'n siya kalayo sa atin."

"Yun nga ang point ko, Daddy. Hayaan natin siyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa para matuto siya. Para maging independent siya. We shouldn't be sheltering her forever, Daddy, kasi ano ang matututunan niya sa buhay kung palagi na lang tayong nakaalalay sa bawat bagay na gagawin niya."

"At pag may nangyaring masama sa kanya dun?"

"Lance, wala. Alam kong mahal na mahal mo kaming lahat ng mga anak natin. Pero masyado kang paranoid na palaging may mangyayaring masama sa amin kahit wala naman. At wala na minsan sa tamang lugar yung mga paghihigpit mo lalo na sa mga bata. Ayokong dumating yung time na magrerebelde sila sa atin dahil ayaw natin silang hayaang gawin kung ano yung mga gusto nila."

"FINE! THEN LET HER GO!"

My lips parted as tears started to well up from my eyes. Dahil sa akin, pati silang dalawa nag-aaway na.

"Lance..."

"I'm sorry, Zanny. I didn't mean to yell at you," I heard Daddy said in a calmer tone.

"I know. Naiintindihan kong nahihirapan ka lang sa mga nangyayari kaya nagkakaganyan ka."

"Sige payagan mo na siya."

"Pumayag na 'ko. Ikaw na lang ang hinihintay namin."

"Sabihin mo pumayag na 'ko," I heard him say with resignation in his voice.

"Masama naman yung loob mo."

"Kahit naman masama yung loob ko, ipipilit n'yo pa rin naman kung ano yung gusto n'yo. Hindi n'yo pa rin naman ako pakikinggan kahit pigilan ko pa kayo kaya ano pa sense ng mga salita ko? Ano pa sense at nagpapaalam pa kayo sa 'kin? Kaya sige, bahala na kayo sa gusto n'yong gawin."

"Daddy naman..."

Lumayo na ako habang nagpupunas ng mga luha. Nawalan na ako ng ganang uninom ng gatas at bumalik na lang sa kwarto ko para doon umiyak.

"Isa lang naman po ang hiling ko ngayon. Na sana maging okay kami ni Daddy Lance bago po ako umalis sa Saturday, Daddy, Mommy." I turned to Grandpa Andy and Grandma Victoria's graves, "Grandpa and Grandma, gagabayan n'yo po ako habang nasa malayo ako ha? Mami-miss ko po dumalaw sa inyo rito."

Pagkagaling ko sa kanila ay dumiretso ako sa mansiyon nina Lala at Lolo. Napakarami nilang mga bilin sa akin. Kung anu-ano rin ang mga pagkain na pabaon nila sa akin.

"Wag kang basta-basta magtitiwala sa mga tao dun ha?" paalala ni Lolo sa akin habang nakaupo kami sa couch dito sa living room nila.

"Palagi ka naman namin sinasabihan kung paano kikilatis ng mga tao. Pero kahit gaano ka pa namin i-train sa mga ganyang bagay, hindi pa rin sapat iyon dahil hindi naman magkakapareho ang lahat ng mga tao. Some are really good in hiding their true intentions. Matalino ka, apo. Gamitin mo yung talino mo sa tamang pag-oobserba sa mga tao sa paligid mo," paalala naman ni Lala sa akin.

I smiled at them thankfully. Both of them were really good lawyers especially si Lolo who was a good justice. They're both retired now. At walang ng naglakas ng loob na sundan yung yapak nilang dalawa pagkatapos ng nangyari sa daddy at mommy namin ni Kuya noon. Kaya pati si Kuya Jemie ay BSBA ang kinuhang course sa college at nag-major ng business management. Gusto kasi ni Kuya na personal na matutukan yung chain of hotels na ipinamana ni Grandpa sa aming magkakapatid. Zail wanted to take up architecture next school year like Daddy.

Kahit naman sina Lolo at Lala ay nagwa-warning sa amin na napakahirap maging isang abogado lalo na ang maging isang judge dahil palaging may threat sa buhay mo. They also didn't want any of us to follow their footsteps para maging tahimik daw ang mga buhay namin at ligtas sa disgrasya.

"Opo. Wag po kayong mag-alala. I will always keep in mind all your advices to me. Mag-iingat po ako palagi."

"How about your dad? Maayos na ba kayong dalawa?"

I shook my head sadly. "Ayaw pa rin po niya akong kausapin," sagot ko habang naninikip na naman yung dibdib ko.

They smiled at me understandingly. "Hindi kasi sanay yung daddy mo na malayo kayo sa kanya. Just try to understand him. Hindi madali para sa kanya na hayaan kayong lumayo after all the things that happened to your biological parents tapos na-kidnap pa kayo noong mga bata pa kayo at nalagay sa peligro yung mga buhay n'yo. Nature na ng Daddy n'yo yung pagiging overprotective niya sa inyong lahat kaya ganyan na lang siya kung higpitan kayo," Lolo explained to me.

"Yan nga rin po yung narinig kong sinabi niya noong minsang nag-uusap sila ni Mommy."

Lala tucked some strands of my hair behind my ears. "Don't worry, darling, kakausapin ka rin nun. Nagpapalipas lang ng inis yun. Kilala ko yang daddy mo. He may be hard at times pero hindi kayang tiisin nun yung mga taong mahal niya," Lala assured me.

"Sana man lang po kausapin na niya ako bago ako umalis. Mahirap po kasi umalis na baon ko yung sama ng loob ni Daddy sa akin. Paano po ako makakapag-aral nang maayos dun kung alam kong hindi kami okay ni Daddy?"

She embraced me and caressed my back. "Kakausapin namin yung Daddy mo, okay? Wag ka nang malungkot."

﹏~✿**♡**✿~﹏

"Okay na ba yung ganito kalaking hiwa?" tanong ko kay Zend habang naghihiwa ng mga patatas. I decided to help him cook for our dinner tutal para naman daw sa huling dinner ko with them kaya magluluto siya para sa akin.

"Yeah. You know, Ate. After you graduate from that fashion school, the next thing that you should study is cooking."

Napakamot ako sa ulo ko. "Marunong naman akong magluto ah. Ang dami kayang mga putaheng itinuro si Mommy sa akin and she told me that I'm already good in cooking."

"Pero kulang pa yung cooking skills mo."

"Yabang, Zend. Palibhasa magaling kang magluto kaya kung lait-laitin mo yung cooking skills ko eh ganyan-ganyan na lang."

"Dapat ka lang laitin para ma-push ka na mas mag-aral pang magluto nang mas mabuti. You should not settle only for good. You should always strive to be the best."

"Ano ba yan? Magsalita ka para ka nang si Daddy. Sigurado kang sixteen ka lang?" Mas matured pa talaga siyang mag-isip kesa kay Zail eh.

"Because that's what Daddy's always telling us. That learning only stops when we're already dead. Kaya habang buhay pa tayo, we should always strive to acquire as many knowledge that we could get."

Napahinto ako sa paghihiwa ko at napatingin sa kanya habang naghahalo siya ng niluluto niya sa stove. Zend's IQ was beyond normal. He even exceeded very superior intelligence level and was considered genius already based on the intelligence test that Mommy asked him and Zailey to take before. According to the evaluation that they made about him and Zailey too, kahit nga raw hindi na sila mag-aral sa university ay kayang-kaya naman nilang mag-self study na lang because they didn't need someone to teach them about any knowledge anymore. Mabasa pa lang nila ay alam na agad nilang gawin. Their mental ability was so amazing. As soon as they learned something, as soon as they witnessed something, they won't forget about those things anymore.

"Hmmm... Yan naman ang gagawin ko, di ba, Zend? Pero bakit ayaw ni Daddy na umalis ako para mag-aral ulit?" tanong ko sa kanya habang naluluha na naman.

Napalingon siya sa akin. "Ang layo naman kasi ng school na pag-aaralan mo, Ate. Saka emo lang yun si Daddy kasi mami-miss ka niya nang husto pag umalis ka na."

"Ikaw ba mami-miss mo ba ako?"

"Ako pa ba tinatanong mo? Come here. Tikman mo kung ayos na itong niluluto ko."

Lumapit ako sa kanya. Kumutsara siya ng sabaw dun sa niluluto niya na nakita raw niya from the internet na nakalimutan ko na kung ano yung tawag. Hinipan niya iyon bago ipinatikim sa akin.

"Hmmm... Ang sarap naman. The best cook ka talaga, Zend. Dapat talaga culinary arts na lang ang pag-aaralan mo pagka-graduate mo eh. Kahit nga di ka na mag-aral the best na yung mga luto mo. Ang henyo mo talaga. Kakainggit."

Tumingin siya nang matagal sa akin. "Mami-miss ko yung mga pambobola mo sa akin. Number 1 fan kasi kita aside from Daddy and Mommy eh." Ngumiti siya nang tipid sa akin habang namumula yung mga mata.

"Zend naman eh. Di raw magandang umiyak sa harap ng kalan kasi sasama yung lasa ng niluluto," sabi ko habang nagpapahid ng luha.

"Galingan mo dun ha?"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at yumakap na ako sa kanya at umiyak sa dibdib niya. "Mami-miss kita, Zendong."

"Pucha, wag mo na nga akong tinatawag na Zendong, Ate. Tanda-tanda ko na eh."

Lumabi ako sa kanya. Minsan ko kasi siyang tinawag na Zendong noong bata pa kami hanggang sa nakasanayan ko na yun. "Pati pagtawag ko sa 'yo ng Zendong for sure mami-miss mo pag umalis na 'ko."

Niyakap niya ako nang mahigpit. "I'm really going to miss you, Ate."

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Hmmm...sabi ko pa naman nakakaiyak itong chapter na ito kaya lang masyadong mahaba kasi kaya hinati ko sa dalawa. Nandun sa next chapter yung scene na nagpasipon sa akin. Hehehe!

Anyway, nagulat ulit ako dahil pagbukas ko ng wattpad ko kanina, nakita kong 1k reads na agad itong HHC. I remembered Faded before when we first uploaded that story, ilang weeks pa ang inabot bago sumampa sa 1k ang reads nun. Kaya maraming salamat po sa pagtangkilik n'yo.

And on an unrelated note... Haha! Ang astig nung Lady in White sa La Luna Sangre! yzeka16 sabi sa yo, bhe, si Maricar Reyes yun eh. Pero nakakakilig sana kung si Sarah Lahbati yun. Hehe!

w◆010617-u◆082817

Continue Reading

You'll Also Like

Fate By Mani

General Fiction

367K 18.7K 99
fate : be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Often people try to navigate through life with their own plans and wonder why thi...
52K 2.7K 50
The Rajputs well known as the most powerful and devil's for the people who tries to messed up with them people got goosebumps just by listening to th...
Ice Cold By m

General Fiction

2.3M 85.7K 50
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
329K 11.7K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...