Ang Batang Ipinanganak sa Hau...

By GYJones

584K 24.8K 3.4K

Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Sina Hannah at Jules
Chapter 2: Si Father Markus
Chapter 3: Ang Bata
Chapter 4: Stop Over
Chapter 5: Seek Ye First
Chapter 6: Ang Pulis
Chapter 7: Check-In
Chapter 8: Pagpapakilala
Chapter 9: Game Plan
Chapter 10: Parokyang Lokal
Chapter 11: Si Mayor
Chapter 12: Proteksyon at Mga Unwelcomed Guests
Chapter 14: Gising na si Berta
Chapter 15: Ang Torture Chamber
Chapter 16: Overnight
Chapter 17: Exorcism
Chapter 18: Si Bishop Israel
Chapter 19: Magparamdam Kayo
Chapter 20: In Memory of Sister Juanita
Chapter 21: Mayor's Den
Chapter 22: The Appeal
Chapter 23: Translation
Chapter 24: Bagong Game Plan
Chapter 25: Ang Lagay ng Mga Bagay
Chapter 26: Secret Weapon
Chapter 27: Huling Hantungan
Chapter 28: Sa Mental Hospital
Chapter 29: Kilala Ka Na Namin
Chapter 30: Paghahanda
Chapter 31: +
Chapter 32: God on My Side
Chapter 33: Respite
Chapter 34: Sa Dagat ng Impiyerno
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
Acknowledgments

Chapter 13: Ang Bahay na Bato

11.6K 602 70
By GYJones

"Welcome!" bati ni Mayor Arteza.

Prinisent ng alkalde ang interior ng Anlunan Residence sa mga kakapasok pa lang na sina Jules, Hannah at Hepe.

"Ang famous Anlunan Residence ng Quezon Province! Also known as ang Bahay na Bato!"

Napatingin din ang ibang mga bisita na nauna roon: dalawang 30-something na mag-asawa na may-ari ng Honda Civic at grupo ng limang 20-year old college students, tatlong mga lalaki at dalawang mga babae, na may dala naman ng Starex. Natuwa sila nang makita si Mayor. Namukaan kasi nila ito dahil sa mga billboards ng mayor sa bayan, at mga election posters na hindi pa natatanggal sa mga pader-pader simula noong nagdaang eleksyon. Kinawayan sila ni Mayor, all smiles. Tapos ay sumenyas siya kay Karen.

Naglakad si Karen sa gitna.

"My name is Karen. I'll be your tour guide," pagpapakilala niya.

"Ang Anlunan Residence ay itinayo noong 1924," paumpisa ni Karen habang pumalibot sa kanya ang mga bisita, "Ng arkitektong si Crisanto Maranan para sa pamilya ni Santiago Anlunan, isang mayamang negosyante."

Ito ang nagbago sa loob simula noong i-acquire ni Mayor ang bahay na bato at noong huling tumuntong dito ang pamilya Trajico anim na taon na ang nakalilipas: Malinis na ang loob. Habitable. Nang matanggal ang makakapal na agiw at lumot ay kita na ang luminous na bato ng dingding at sahig, ang kahoy na kisame, beams at poste at ang hagdan tungo sa second floor na kanilang binarnisan. Ang mga kasangkapan at furnitures na naiwan pa ay minendahan at ibinalik sa dating mga puwesto. Nagdagdag lamang ng mga ekstrang upuan at sala set para sa mga bisita.

Ang iba pang idinagdag ng mayor ay mga framed pictures na may kinalaman sa bahay at panahon nito. Mga nakalap niyang black and white photos ng bahay, ng mga taong nanirahan dito, maging ng arkitektong nagdesign. May litrato rin ng mga sundalong Hapon noong giyera at mga Pilipinong bihag. Lahat ng ito'y naka-hang sa pader at may kasamang impormasyon.

May pinagawa rin si Mayor na mga souvenirs na kanyang ibinebenta. Brochure na may brief history ng bahay na bato, postcards at t-shirts. Ito'y bukod pa sa entrance fee na P100 each. Bago pumasok ay magbabayad sana sina Jules at Hannah, pero tinanggihan ito ni Mayor at sinabing "its on the house." At tumawa siya dahil double-entendre raw iyon.

"Noong Japanese occupation ng WWII, inevacuate ng mga Anlunan ang bahay at ito'y ginawang headquarters ng mga Hapon," sabi ni Karen habang paakyat ng hagdan tungo sa second floor kasunod ang mga bisita.

Naka-ready na ang mga cellphone cameras at dslr ng mga bisita at nagsisipagkuhanan na ng mga litrato. Isa na si Jules.

"Ang second floor ay may family room, limang kuwarto at dalawang bathroom."

Tumuntong sila sa family room, na malaking sala na may kahoy na mga upuang gawa sa rattan, lampshades, flower vases at nagiisang rocking chair. Ang master bedroom ay may malaking sinaunang kama na may mga poste, dresser at antigong kabinet.

"Ito ang master bedroom ng mag-asawang Santiago Anlunan," inform ni Karen. "Ito ang ginamit na kuwarto ng Japanese commander na si Taro Nakadai. Prior sa pagsiklab ng giyera, si Commander Nakadai ay isa ring surgeon."

Tatlo sa susunod na mga kuwarto ay may mga up and down na mga kama.

"Ang mga kuwartong ito ay tulugan ng iba pang mga sundalong Hapon."

Binihisan ang mga kuwartong ito sa pamamagitan ng paglagay ng mga uniporme ng Hapon na naka-hanger o nakalatag sa kama. Mayroon ding mga baril, bayonete, helmet, bota at belt at iba't-ibang paraphernalias tulad ng lumang magasin, litrato at libro. May sinaunang radyo na nakapatong sa bintana.

Dumating sila sa kahuli-hulihang kuwarto na bare ang loob maliban sa nag-iisang kama. Nagtataka ang mga bisita kung bakit.

"And lasty," sabi ni Karen, "ang kuwartong ito ay saksi sa mga karumal-dumal na mga pangyayari. Pagka't dito sa kuwarto na ito ginahasa ng mga Hapon ang mga bihag nilang babae. May mga namatay din mismo sa kuwartong ito."

Kinilabutan sila. May mga nagbulungan, at nagmura pa.

Lumapit si Jules kay Hannah.

"May nararamdaman ka?"

"So far, wala pa dito," sagot ni Hannah.

Within earshot nila si Hepe na tumango lamang.

Naglakad pababa si Karen at sinundan ng lahat. May mga bulong-bulungan galing sa grupo ng college students like Ito na ba 'yun? 'Di naman ganun nakakatakot.

Nakangiti lang si Mayor.

"May anim na section sa first floor," sabi ni Karen pagdating sa baba. "Living room, dining room, kitchen, maid's room at dalawang guest rooms.

Ang unang guest room ay may desk, mga upuan at filing cabinets. Nagdagdag sila ng mga ekstrang kagamitan para mabuo ang scenario, tulad ng lumang typewriter at flag ng Hapon.

"Ito ang naging opisina ni Doctor Nakadai," sabi ni Karen at tinuro ang litrato ng isang Hapon sa wall na naka-horned-rimmed glasses. "Si Doctor Nakadai ay isa sa mga naatasan na mag-conduct ng human experiments sa mga POWs at mga suspected na spies na karamihan ay mga Pilipino."

Nagkatinginan sina Jules at Hannah. May ideya na sila sa madilim na kasaysayan ng bahay pero nakaramdam pa rin sila ng kilabot. At si Hepe, although nakapasok na siya sa bahay na bato ay ngayon lang niya naririnig ang history nito, tulad ng ibang mga bisita.

"Human experiments?" sabi ng 30-something na lalaki katabi ang kanyang asawa.

Tumango si Karen.

"Hindi lang Nazi Germany ang nag-conduct ng human experiments noong World War II. Sa Japan, may tinatawag na Unit 731 kung saan ang mga prisoners, mostly Communist Chinese, ay pinag-experimentuhan. Amputations, dissections, vivisections. Para i-test ang epekto ng disease o germs sa kanilang mga katawan."

"BB-section? Meron din bang AA-section?" naaaliw na tanong ng isang college student, at nagtawanan pa ang grupo nila.

Sumimangot si Jules at hindi niya napigilan ang sarili. Bago pa makasagot si Karen, ay inunahan na niya.

"V as in victory," inis na sabi ni Jules sa kanila. "Vivisection. Ito 'yung idi-dissect 'yung pasyente at kukunin 'yung mga lamang loob tulad ng atay, lungs at kidney para pag-aralan. Sa kaso ng human vivisection na ginawa ng mga Hapon sa mga biktima nila, kadalasan ay walang anesthesia."

Natahimik ang mga college students, natarayan kay Jules. Inis lang si Jules sa mga aniya, kupal na tanong ng mga wala namang alam. Samantala, si Mayor ay aliw lang na nakikinig.

"Yes, right," sabi ni Karen na napangiti. "Although hindi directly connected sa Unit 731, ang mga human experiments na ginawa sa bahay na ito, at sa iba pang bahagi ng Pilipinas noong panahon ng giyera ay sa utos din ng Empire of Japan."

"Sa Mindanao ata may hospital o eskwelahan na nag-conduct din ng human experiments," singit muli ni Jules.

"Yes!" confirm ni Karen, na-impress kay Jules. "Tulad ito ng Kyushu Imperial University sa Japan. Apparently, may cannibalism pa raw na nangyari."

Napa-eww ang ilan.

"At dito naman sa kuwarto na ito..."

Naglakad si Karen sa pangalawang guest room, kasunod ng mga bisita.

Bare lang ang kuwarto. Wala itong bintana. Wall na bato at sahig. Except sa isang lumang kama na pang-ospital na nakasandal sa pader. Ang pintuan ng kuwarto ay bakal na parang sa bartolina ng piitan.

"Dito dinadala ang mga bihag after ng procedure," salaysay ni Karen. "Ikukulong nila ang bihag dito at hahayaang magdusa dahil sa pain ng pag-amputate ng kanilang mga body parts, ang pag-dissect ng kanilang mga katawan. Hahayaan ng mga Hapon na sila ay mag-slowly bleed to death. Sa opisina niya, dinig ni Nakadai ang mga daing nila. Sinulat niya sa kanyang journal, na ang mga daing daw ay music to his ears. Tawagin natin itong Dead Room."

"Grabe naman..." hindi napigilang sabi ni Hannah, at napatingin sa kanya si Jules.

"Bakit hindi nila pinatay agad?" tanong ni Hepe, na napuno na ng interes.

"Apparently, ginawan din nila ng chart kung gaano katagal mamamatay ang isang tao sa pagkaubos ng dugo," sagot ni Karen.

Napailing ang lahat. Grabe sabi nila.

"At kapag tumigil na ang mga daing, sisiguraduhin nilang patay na ang mga ito sa pamamagitan ng pag-garote," patuloy ni Karen. "At susunugin nila ang katawan sa likod ng bahay."

"Kaya pala Barangay Garote ang tawag sa lugar na ito," comment ng isang college student.

Tumango si Karen. "Yes, exactly."

"Wait," sabi ng asawa ng lalaki. "Saan nangyayari ang human experiments?"

"Ang human experiments ay ginagawa sa basement," sagot ni Karen. "If you'll follow me, papakita ko sa inyo ang basement."

Naglakad palabas ng kuwarto si Karen, kasunod ng mga by now, kinikilabutang mga bisita.

Pasunod na si Jules nang mapansin niyang parang nahihilo si Hannah.

"Hannah, bakit?" concerned niyang tanong.

Hawak ni Hannah ang kanyang ulo. May masamang vibe siyang nararamdaman sa kuwarto na tinaguriang Dead Room. Lumapit na rin si Hepe.

"Anong nangyayari?" tanong ni Hepe.

"Dito..." sabi ni Hannah.

"Dito ang alin?" nagtatakang tanong ni Jules.

Tinignan sila ni Hannah.

"Dito sa kuwartong ito ipinanganak ang bata."

NEXT CHAPTER: "Gising na si Berta"

Continue Reading

You'll Also Like

41.9K 552 7
THIS IS MY REVENGE...... HUMANDA KAUNG LHAT NA NANGLAIT,NANAKIT,AT PUMATAY SA PINAKAMAMAHAL KONG BESTFRIEND MATITIKMAN NIYO ANG BAGSIK NG PAGHIHIGAN...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
30.7K 393 11
pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana pinaramdam lang talaga ang pagmamahal sa akin Sheena Escalante Clark Gomez #HTTI
2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016