Agartha | Published Under KM...

By dustlesswriter

18.6K 1.2K 90

Agartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdo... More

Agartha History and References
Prologue
Chapter One- Dejavu
Chapter Two- Mystery
Chapter Three- Alcoriza's room
Chapter Four- The Group Research
Chapter Five- The Truth and Mysteries
Chapter Six- The world of Agartha
Chapter 7- The Girl with a warrior attire
Chapter 8- Kingdom of Agartha
Chapter 9- The Three Muskeeters
Chapter 10- The Truth will reveal
Chapter 11- The Long Lost Teenagers
Chapter 12- Encounter
Chapter 13- The Start
Chapter 14- The Woman in Red
Chapter 15-Flashback Memories
Chapter 16- Alcoriza in Danger
Chapter 17 The Upcoming Feast
Chapter 18- The Occurance of the Blue Moon
Chapter 19- War Between The Two Empire
Chapter 20- Walls
Chapter 21-Message Behind the Walls
Chapter 22- King Goli Into Stone
Chapter 24- The Riddles and Potion
Chapter 25- The Final Battle
Chapter 26- Goodbye Agartha
EPILOGUE

Chapter 23- Lucia The Witch

266 23 0
By dustlesswriter

***

"Idiot. Akala ng Pixie Dust na iyon maniniwala ang lahat sa bulok nyang Agartha. Nobody will. Isa syang malaking sinungaling." Matigas na sambit ni Beverly sabay kagat sa kinakain niyang sandwich.

"So paano mo nga mapapatunayan na di totoo ang Agartha?" Giit ng kausap nya na si Menchi.

"Konting oras pa. Mapatutunayan ko na sinungaling ang Pixie Dust na iyon." May ngiti sa labi na sagot ng dalaga habang nilalaro sa utak niya ang masamang balak.

***

"Isa kang hangal Red. Hindi mo alam ang ginagawa mo." Sambit ni Hershey sa kalmadong tinig.

"Haha. At sa tingin mo papayag akong maligtas mo ang mga taga-ibabaw na iyan?" Nakangising saad ni Red at binigyan ng nakakalokong tingin sina Alcoriza at Roselle. Namutla naman ang dalawa.

"Nagkakamali ka." Dagdag pa nito.

"Kung ganun ay daanin natin ito sa isang dwelo." Hamon ni Hershey. Agad niyang hinanda ang hawak na espada saktong dating naman ng dalawa pang Muskeeters na sina JhunaMae at Neva. Nabaling rito ang masamang tingin ni Red.

"What's up Red? Nahuli ba kami?" Nakataas ang kilay na bungad ni Neva sabay tingin sa dalagang may pulang buhok.

"Mukhang sakto lang." Sambit naman ng seryosong si JhunaMae at inihanda na ang sandata niya. Lihim naman na napangiti si Hershey.

"Mukhang tinawag mo pa ang dalawang yan. Napaka-inutil ninyo. Mga mahihina at duwag!!" Bulyaw ni Red na nanggagalaiti na sa galit.

"Tumakas na kayo Alcoriza. Kami na ang bahala rito." Utos ni Neva kaya walang nagawa ang magkapatid kundi unti-unti nang umatras.

Pagkaalis ng dalawang babae ay nabalot ng tensyon ang buong paligid. Inihagis ni Neva ang isang tossed coin. Inihanda agad nina Hershey at JhunaMae ang kanilang mga sandata. Kumalansing ang barya nang malaglag ito sa sahig. Matapos ang ilang segundo, sumugod na ang dalagang si Red sa tatlong Muskeeters.

Umpisa na ng labanan.

***


Paliko liko sina Alcoriza at Roselle sa mahabang pasilyo para lang takasan ang mga humahabol sa kanilang kawal.

Mayamaya pa ay nakarinig sila ng atungal ng malaking dragon kaya't napatigil sila sa pagtakbo. Lumanding sa harapan nila ang isa sa mga ito sakay si Emm. Sumenyas ang binata sa dalawa senyales na sumakay na rin sila dito.

"Bilis Roselle!" Hinatak agad ni Alcoriza ang kapatid palapit kay Emm. Halos malaglag naman ang panga ni Roselle nang makita ang dragon sa harap niya. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong nilalang na nababasa lamang niya sa libro ngunit ngayon ay nasa harapan na niya.

"Tayo na. Bilis!" Nasundan pa ng isa pang dragon ang naaninaw niya di kalayuan sa kanila. Naningkit ang mata ni Alcoriza para aninawin kung sino ang sakay nito.

"Archdave..." Mahinang bulong ni Emm na di maiwasang makaramdam ng saya dahil nakasunod lang pala ito sa kanya kanina pa.

Parang liliparin ang tatlo sa lakas ng impact ng paglanding ng dragon ni Archdave malapit lang sa kanila. Di na nag-atubili pa ang binata at nagsalita.

"Umalis na tayo. Nanganganib ang Agartha. Kailangan nang makuha ang potion ngayon din!" Sa narinig ay agad nagsikilos sina Emm at Alcoriza.

Sakay na pabalik ng palasyo sina Archdave at Roselle upang tulungan ang hari at reyna. Samantalang ang magkaibigang sina Emm at Alcoriza ang nag-volunteer na kuhanin ang potion mula sa mambabarang na si Lucia.

"Sigurado ka ba sa pupuntahan natin?" May pangangamba sa tinig ng dalaga.

"Sa tingin ko?" Hindi siguradong sagot ng kausap. Pinalipad agad ni Emm ang sinasakyang dragon papalapit sa bundok. Hindi pa sila nakakalapag nang kusa itong umatras na tila mawawalan ng balanse.

"Lagot na. Huwag kang titingin sa baba." Kinakabahang sambit ni Emm nang makita ang napakalalim na ilog na babagsakan nila. Hindi pa sila nakakatiyak kung may naninirahan bang buwaya rito o wala kung sakaling mahulog sila sa mula sa taas.

"UWAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

Umalingawngaw ang tili ni Alcoriza nang tuluyan na silang mahulog sa napakalalim na ilog. Sisinghap-singhap si Alcoriza nang magawang maiangat ang ulo sa tubig. Medyo malakas ang alon at hirap siyang hanapin kung asan na si Emm.

"Emm!"

"Andito ako!" Nakita niya ang humahangos na binata palapit na sa pampang. Walang paligoy ligoy na sumisid na rin ang dalaga papunta sa kaibigan. Habol ang hiningang gumapang ang dalawa sa pampang. Lupaypay at lumalawit na ang dila.

"Phew!"

"Uhuhu. Akala ko malulunod na ako." Himutok ng nanlulumong si Emm. Basang basa ang damit nila. Agad tumayo si Alcoriza at tinanaw ang maliit na bahay sa medyo taas ng puno. Tingin niya ay may naninirahan rito.

"M-malapit na tayo." Tinuro niya iyon kay Emm.

"P-papasok na ba tayo?" Nag-aalinlangang tanong ni Emm sa dalaga. Inilibot pa nito ang paningin sa maliit na tree house. Napapalibutan ito ng malalaking baging at matataas na damo. May kadiliman rin ang paligid at hind gusto ng dalawa ang atmosphere na sa paligid nila.

Nakakatakot.

"Nimrod. Syempre kakatok muna tayo." Sarkastikong sambit naman ni Alcoriza bilang pambara sa sinabi ng kaibigan. Ang totoo ay sinabi lang niya iyon para alisin ang nararamdamang kaba.

"Sabi ko nga--" Di pa nila nagagawang kumatok sa pinto ay kusa na itong bumukas. Nagkanda-luwa luwa ang mga mata nila sa sobrang takot at gulat nang tumambad ang isang nakakatakot na pigura ng babae.

Mahaba ang itim na buhok nito, may matulis na baba, kulubot ang balat at may hawak na tungkod. Nakangisi ito sa kanila habang bitbit pa ang dala niyang walis.

"Oh Diyos ko.." Napangiwi si Emm sa sobrang nerbyos na nararamdaman. Tila nanghihina na ang mga tuhod niya at gusto nang manginig dahil sa takot.

"Mga nilalang na taga-ibabaw?" Tanong ng bruha gamit ang matinis na boses. Lalo lang nahintakutan ang dalawa. Lumunok si Alcoriza bago nagsalita.

"Kami nga. Ikaw ba ang mambabarang na si Lucia?" Kinakabahan nyang tanong. Naningkit ang matatalas na mata ng bruha at tinitigan silang mabuti.

"N-nandito kami para sa isang potion. Nanganganib ang Agartha. Kailangan namin ng tulong mo." Tiningnan sila ng bruhang si Lucy na parang naninindak. Napatago tuloy si Emm sa likuran ni Alcoriza dahil sa takot.

"Ang potion ay sagrado. Wala pang naglakas loob na lumapit sakin para hingin ang bagay na iyon. Kundi kayo lang." Napatango tango si Lucy at inalis ang itim na hood niya.

"Sumunod kayo sa akin." Aya nito nang tuluyang pumasok sa loob ng tree house. Susunod na sana si Alcoriza nang pigilan sya ni Emm.

"Huwag. Base sa mga nababasa ko sa mga libro, tuso ang mga bruha. Hindi natin alam ang mangyayari kapag pumasok tayo sa loob." Giit ni Emm pero di nagpaawat ang dalaga. Agad niyang iwinakli ang kamay nito.

"Para to sa Agartha." Pagkasabi nun ay dire-diretso siyang pumasok. Napasunod na lamang ang di mapakaling si Emm kahit labag sa kanyang kalooban.

***

Napangiwi si Neva nang mapalo siya ni Red sa bandang hita. Dahil sa nangyari, napaupo na lamang sya at di makagalaw. Tila naparalisa ang katawan niya sa ginawang paghampas sa kanya ng dalaga.

Nanlaki pa ang mata niya nang makita ang sunod sunod na patalim na tatama sa kanya. Pinilit niyang makagalaw pero di nya talaga kaya. Naisangga na lamang niya ang hawak na arnis. Saktong sinalag ni JhunaMae ang mga paparating na patalim upang protektahan ang kaibigan.

"Ayos ka lang?" Tanong ni JhunaMae at agad nagpalipad ng mga pana papunta kay Red.

"JhunaMae yuko!" Umalingawngaw ang sigaw ni Hershey. Agad napalingon si JhunaMae sa dalaga nang bigla na lang siyang matamaan ng isang patalim.

Bumaon ang talim nito sa hita niya. Umaagos ang dugo na napaupo ang dalaga sa sulok habang tawa lamang ng tawa si Red. Ramdam na ni JhunaMae ang unti-unti niyang panghihina dahil sa sakit.

"You bitch." Mura ni Hershey kay Red nang makita ang kalunos lunos na kalagayan ng dalawang Muskeeters.

"Paano ba yan? Ikaw na lang ang natitira." Nilaro laro ni Red ang dulo ng pula nyang buhok at ngumisi ng nakakaloko.




***

Continue Reading

You'll Also Like

516K 19.1K 55
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 Mint Academy Series #2 Have you ever tried to kill someone? have you o...
315K 12.6K 64
Dahil hindi matanggap ni Jiwon Natividad ang unjust death ng kanyang ina, sikreto niyang inimbestigahan ang cold serial murder case. Nangalap siya ng...
4.9M 227K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
1.6K 73 12
Bandits? Criminals? Martial Artists? Vagabonds? That's the normal citizens of Agrona. Kahit saang kanto ng lugar ay may away at patayan, nakawan at s...