Sentry

By fbbryant

349K 15.2K 1.7K

Nang mamatay ang kinikilalang ama ni Rifka ay napilitan siyang umalis sa bayan kung saan siya lumaki ayun na... More

Foreword
1- Rifka
2- Safe Walls
3- Monster
4- Blood Sword
5- The Last of the Clan
6- SeBiAe (1)
7-SeBiAe (2)
8- Troublemaker Gaius Kühn
9- She's Found
10- Evening Activities
11- Gaius' Payment
12- The Visitors
13- Hunting Week
14- Silver Eyes
15- SA Vs Witches Vs Vampires
16- Blood and Pleasure
17- The Past Is Back
18- Party
19- Useless
20- Shoulders To Cry On
21- Friends
22- The Third Party
23- Cratus
24- Blood Moon Child
25- Rifka on Rampage
26- Villains
27- Change of Heart
28- Second Chance
29- Dinner
30- Two Poisons
31- Broken Heart and Soul
32- Bulletproof Heart
33- Lull Before the Storm
34- The Storm... Murder
35- The Storm... Regrets
36- The Storm... Courage
38- Out for Blood
39- Bittersweet Victory
Epilogue
Note

37- The Storm... Curse

6.6K 299 31
By fbbryant

"Bakit kasi sumama ka pa, Collier? My gosh. Paano kung may mangyaring masama sa'yo?" panay ang talak ni Tiana while sharpening her two sai.

"Pwede ba, Tiana? Hindi na ako bata, okay? Ilang taon na ba akong nag-aaral dito sa academy? I am on top of my class since I was thirteen. I may not be as experienced as you are but I am good enough," nakasimangot na sagot naman ni Cole. Nakahalukipkip ito sa gilid ng upuan, malapit sa pintuan ng compartment ng tren kung saan sila nakasakay.

"Underage ka pa rin. Hindi ka pa dapat sumasama sa ganitong uri ng misyon."

"Mission? Tumakas lang tayo sa academy. Hindi official ang mission na ito."

"You two, please shut up! Naririndi na ako sa inyo. Ilang araw na kayong maingay," singhal ni Quinn na nakaupo naman sa tabi ni Cole at sa kabila nito ay si Erick na mukhang inaantok.

"I've been asking myself for days, what are you two doing in here?" dinuro pa ni Tiana ang mukha nina Quinn at Erick gamit ang sai na nasa kanang kamay nito.

"You all need a guardian. Hindi ko kayo napigilan sa pagtakas pwes bubuntot ako sa inyo," nakasimangot na sabi ni Quinn.

"Just so you know, hindi kayo welcome dito. Kayong dalawa," hindi pa rin tapos si Tiana sa panunuro gamit ang weapon nito.

"Ang ingay n'yo naman. Kita n'yong may natutulog oh," biglang sigaw ni Malik na kakagising lang. Nakabaluktot ito sa upuan nito sa tabi ni Erick, sa tabi ng bintana. Ang sama ng tingin nito sa dalawang babae.

"Ugh! Why is it so freaking noisy?" bulyaw ni Gaius to no one in particular. Pula ang mga mata nito at tila hinihingal pa.

Nagdilat na rin ng mga mata si Deus na nakaupo sa gitna nina Gaius at Tiana.

"Kasalanan mo," paninisi ni Tiana kay Malik.

"Ba't ako? Kayo ang nagsimula?" react naman agad ng lalaki.

"Shut up! Shut up!" sigaw ni Gaius saka pabagsak na sumandal.

Huminga ng malalim si Deus.

"Did you make contact with Rifka?" tanong ni Tiana sa kakambal.

Umiling naman si Deus. "Hindi namin mapasok ang subconscious ni Rifka. She is obviously unconscious but there was something wrong. Mukhang nasa loob siya ng isang barrier or something."

Gaius tried to enter Rifka's dreams and Deus used a power enhancing spell upang maabot ito ni Gaius. But there was no luck.

"We managed to enter Beynish's dream though," pagpapatuloy ni Deus.

"Nasaan sila?" tanong ni Erick.

"Surial," si Deus pa rin ang sumagot dahil walang balak na magsalita ni Gaius. Nakatitig lang ito sa bubong ng compartment na tila malalim na nag-iisip.

"Surial? Lampas Apary na 'yun ah. Di ba taga-Apary ang Triad?" komento ni Cole.

"Well, I wasn't able to ask why they're there because you woke me up," inis na sambit ni Gaius na sa bubong pa rin nakatingin.

"Not me," depensa ni Cole sa sarili.

"Apat na araw na tayo rito sa train na 'to. Limang araw pa bago tayo makakarating sa Surial. Ang haba ng byahe na 'to ha. Nakakainis na," impatient na sabi ni Quinn.

"Nobody invited you to come," sabi naman ni Tiana.

"Shut up, bitch," angil ni Quinn.

"Kayong dalawa, tigilan n'yo na 'to," saway ni Erick.

Sabay naman itong inirapan ng dalawang babae.

"What do those witches want from Rifka?" tanong ni Cole.

"It's not my secret to tell," ani Gaius na agad na napabuntung-hininga, "but I think it's better that you know."

"So, alam mo ang dahilan?" gulat na tanong ni Malik.

"Of course, I know."

"So, what is it?" mahinahong tanong ni Deus.

"Rifka is a Blood Moon child and they want her for something," deretsong sagot ni Gaius kaya agad na napasinghap ang iba.

"Blood Moon child as in a child that was born on Blood Moon?"

"May iba pa ba, Malik?" sinamaan ni Gaius ng tingin ang lalaki.

"Why didn't she tell us?" tila nagtatampong sabi ni Tiana.

"You're not someone who can be trusted easily," si Quinn ang sumagot kaya inis itong tiningnan ni Tiana.

"This is a big deal," ani Cole. "A Blood Moon child can do a lot of things. Like literally a lot of things."

"Like what?" tanong ni Gaius.

"Nabasa ko dati-."

"Nerd," mahinang bulong ni Tiana kaya sinamaan ito ng tingin ng nakababatang kapatid.

"As I was saying, maraming magagawa ang isang Blood Moon child. May kapangyarihang itong kumopya ng kapangyarihan ng isang witch."

"For a few minutes," dagdag ni Gaius kaya napatingin ang lahat dito. "What? That's all I know."

Muling lumingon ang lahat kay Cole.

"Ano pa?" ani Tiana.

"Hindi sila apektado ng Moonless Week at Blood Moon."

"Ah alam ko rin 'yan."

"Shut up, Gaius, sa mga side comments mo," Tiana glared at him.

"Go on," ani Deus kay Cole.

"She can be used as a sacrificial lamb to raise another witch from the dead," seryosong sabi ni Cole kaya gulat na napaayos ng upo si Gaius.

"What did you say?"

"Dude, sa tingin ko ay kaya nila gustong makuha si Rifka ay dahil may ire- resurrect silang witch. Maybe a very powerful dead witch."

Hindi makapaniwalang napatitig si Gaius kay Cole.

"Sigurado ka ba d'yan?" maging si Malik ay mas nadagdagan ang pag-aalala para sa kaibigan.

"Ayun 'yan sa nabasa ko."

"Kailangan nating magmadali," natatarantang sabi ni Gaius.

"Ano'ng pagmamadali pa ba ang magagawa natin?" ani Quinn.

"I think I can do something about that," ani Deus saka ito tumayo at lumabas ng compartment.

Dalawang oras ang lumipas at huminto na ang train sa Apary train station.

Tumayo si Deus at inihanda nito ang mahabang case kung saan nakatago ang mga weapons nito.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Tiana.

"Bababa tayo rito sa Apary. C'mon," anito saka nauna nang lumabas.

Kahit nagtataka ay sumunod ang iba kay Deus, bitbit ang kani-kanilang weapon cases. Kailangan nilang itago ang mga iyun upang hindi sila makakuha ng unnecessary attention.

"Saan ba tayo pupunta? Akala ko ba nasa Surial sila?" ani Malik na sumabay kay Deus palabas ng station.

"We will take a faster means of transportation," tanging sagot ni Deus.

Mabibilis ang hakbang na tinungo nila ang nakapilang mga van.

"Seryoso?" palatak ni Tiana.

"Just get inside," utos ni Deus kaya walang salita na pumasok na ang iba sa loob.

Nasa mukha ni Gaius ang pagtataka pero hindi na ito umimik. Pumasok na rin ito. Si Deus naman ay tumabi sa driver.

"Sa airport po tayo," ani Deus.

Twenty minutes lang ay nasa maliit na airport na sila. Agad naman silang nakapasok at tinakbo nila ang runway na may maliit na private jet na kulay puti at may tatak na SA.

Agad na nahulaan ng lahat na pag-aari ng academy ang jet na iyun.

"Paano napunta 'to dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Malik. Napatalon pa ito nang biglang bumaba ang plane door na may hagdanan.

"I had to make a phone call for this kaya ako lumabas kanina ng train compartment," ani Deus.

"Sumakay na kayo kung nagmamadali kayo," boses ng babae mula sa loob ng jet ang narinig nila at nang nag-angat sila nang tingin ay nagulat na lang sila nang makilala ang may-ari ng boses na 'yun.

"Sophia!" ani Cole.

"Sakay na. Itinakas ko lang itong lintik na jet na 'to dahil sabi ni Deus kailangan n'yo."

"Thank you so much," ani Deus kay Sophia nang makaakyat ito.

"I risked my life and reputation for this. Siguraduhin mo lang na worth it ang lahat ng ito," sagot ng babae saka ito tumalikod at pumasok ng cockpit.

Naiiling na sumunod na dito si Deus habang ang iba ay pumuwesto na sa kani-kanilang mga upuan. Si Malik maghalungkat pa ng maiinom.

"Aalis na tayo. Maupo na kayo," sigaw ni Sophia bago isinara ang pinto sa cockpit.

Deus decided to co-pilot the jet. Lahat ng seniors ay marunong magmaniobra ng lahat ng uri ng transportation means dahil kasama iyun sa curriculum nila. Kaya hindi mahirap ang ganitong uri ng sitwasyon.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa Surial."

Hindi na sumagot si Sophia. Busy na ito sa pagpindot ng mga buttons. Nang nakatanggap ito ng clearance mula sa control tower ng maliit na airport na 'yun ay nagsimula na silang umusad hanggang sa dahan-dahang nag-take off na ang private jet.

Dalawang oras lang ang itinagal ng kanilang byahe. Mabilis nilang narating ang bayan ng Surial.

Tahimik lang si Sophia buong byahe habang si Deus ay nag-concentrate din sa pagiging co-pilot.

Si Gaius ay muling pumasok sa panaginip ni Beynish sa tulong ni Tiana. Ito na ang nag-cast ng power enhancement spell.

Sina Quinn at Erick ay nag-aayos ng kanilang weapons.

Sina Cole at Malik naman ay kain nang kain at laro nang laro ng baraha.

"They're in an abandoned building just a few blocks away from here," seryosong sabi ni Gaius na mabilis na humahakbang palabas ng airport kaya tahimik na sumunod ang iba.

Hanggang sa narating nila ang isang lumang warehouse na may mababang fence na gawa sa wire. Sa may di kalayuan ay kanya-kanya na sila nang handa ng kanilang mga weapons. 

Tiana had her sai ready, Quinn with her Zayin, Malik with two Zayin replicas, Deus with a bow and arrow, Cole with a crossbow, Erick with a shotgun and Gaius had two glocks in each of his hands. 

"Let's go," ani Gaius, leaving his weapon case.

Walang kahirap-hirap na tumalon sila upang makalampas sa fence saka sila dumistansya sa isa't isa. Alerto at tahimik silang pumasok sa building.

Tanging ang kinakalawang na sahig na medyo may tubig pa, pabilog na pillars at alikabog ang nadatnan nila.

Wala ni isang bantay roon.

Ilang minuto rin nilang nilibot ang buong lugar pero wala silang nakita roon kundi ang kinakalawang na remnants ng dating cement factory na iyun.

Bumuga ng hangin si Gaius sabay pasok ng kanyang mga baril sa holster na nasa beywang n'ya lang, kung saan may nakakabit ding maraming mga kutsilyo.

"Nobody is here," ani Deus nang makalapit sa kaibigan.

"Baka nakaalis na," naiiling na sabi ni Cole na palapit na rin.

"Who could have tipped them off?" ani Deus.

"Dito!" biglang sumigaw si Malik mula top floor na kita kung ano ang nandoon dahil butas-butas ang sahig at wala nang mga dingding.

"What's in there?" sigaw ni Quinn na s'yang pinakanaunang umakyat sa hagdanang semento na may lumot na.

Mabilis naman silang sumunod dito at hindi nga nagtagal ay nasa top floor na sila.

Sa gitna doon ay nakatayo sina Tiana at Malik habang nakadungaw sa dalawang lalaking duguang nakahandusay sa malamig at maruming sahig.

Both men had silver-gray hair at isa roon ay si Beynish.

"This must be Atira," seryosong sabi ni Tiana habang nakatitig sa walang malay na lalaki. Inaamin ng dalaga na gwapo ito, mas lamang pa ang kagwapuhan kaysa kay Erick. Kahit na nangangayayat ito ay hindi nabawasan ang taglay nitong kakisigan. At napakatangkad nito. Maybe six feet tall or over.

"Are they alive?" ani Deus at lumapit na sa dalawang lalaki. Yumuko ito at pinulsuhan ang mga ito. "Barely. I will take care of Beynish. Kambal, ikaw kay Atira."

Mabilis namang lumuhod si Tiana and put her right palm on Atira's chest. Gan'on din ang ginawa ni Deus kay Beynish.

"What are they doing?" tanong ni Sophia.

"Sharing some of their life force to heal those two. It's a powerful spell our mother taught us," ani Cole.

Pinalibutan nila ang apat at naghintay ng mangyayari hanggang sa dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Beynish.

"Good you're awake. Where is Rifka?" impatient na lumuhod si Gaius sa tabi ng lalaki na tila disoriented pa.

"G-Gaius? Akala ko...Akala ko nakausap kita kanina," nalilitong inilibot ni Beynish ang paningin sa kanila.

"We talked, alright. In your dream. Literally. So, where is Rifka?"

"R-Rifka..."

Napatingin sila sa lalaking kasama ni Beynish nang nagsalita ito ng mahina. Gising na rin ito at titig na titig kay Tiana.

"I'm prettier. So, no, I am not Rifka," nakasimangot na sabi ng babae.

"Si Rifka!" tila tuluyan namang nagising ang dalawang lalaki kaya mabilis na nakatayo ang mga ito na para bang sinaniban bigla ng lakas.

"Nasaan si Rifka?" natataranta nang niyugyog ni Gaius si Beynish.

"Kasama ng Triad," nanlaki ang mga mata na sagot nito. "Atira, okay ka lang?"

"Y-Yeah. Sino sila?" nagtatakang tanong ni Atira.

"Mga kaibigan ni Rifka sa academy," ani Beynish.

"Nasaan s'ya? Ano'ng nangyari?" ulit ni Gaius. Nakatiim-bagang na ito dahil sa inis.

"They tortured us with crazy spells. At bago ako nawalan ng malay ay narinig kong papunta sila ng Faiga Mountains," ani Atira.

Napatitig si Gaius sa lalaki. Ito ang karibal ng binata sa puso ni Rifka. Ito ang dahilan kung bakit wala ang babae sa tabi niya ngayon.

Mabigat ang dugo ni Gaius kay Atira ngunit walang magagawa ang binata dahil sa pangakong binitawan nito kay Rifka. That he would save Atira. He may have not saved him but he should keep him safe. For her.

"They want Rifka. But Yitzhak wants Rifka too. Bakit sila papuntang Faiga Mountains?" litong komento ni Malik.

"Alam na namin ang tungkol sa pagiging Blood Moon child ni Rifka. Plano ng Triad na i-sacrifice ang kaibigan namin upang i-resurrect si Callista, ang pinakamakapangyarihang witch ng Apary coven. Kapag nabuhay na siya ulit, nanakawin ng Triad ang kanyang kapangyarihan."

"I knew it," komento ni Cole.

"That still didn't answer my question, Beynish," asik ni Malik.

"Because they have to do the ceremony kung saan mahina ang Blood Moon child. In Rifka's case, it is her exact birthplace. Doon s'ya pinaka-weak."

"Which is the Faiga Mountains?" ani Cole.

"The forest of Faiga Mountains," ani Atira. "Sabi ni Santino, 'yung exact place kung saan iniluwal si Rifka noon, doon siya pinakamahina, physically."

"At papayag si Yitzhak na gagawin ang ceremony sa teritoryo n'ya?" tanong ni Deus.

"For one condition," ani Beynish. "The Triad should lift the Faiga curse after all this. After that, pwede nang uminom ng human blood ang mga Faiga vampires."

"The Achselrod clan can murder human villages again for their blood. That will be a disaster," ani Quinn na namomroblema na.

"So, both parties will benefit from this," naiiling na komento ni Tiana at napatitig dito si Atira.

"What will happen to Rifka?" tanong ni Gaius.

"Hindi namin alam. Hindi naman binanggit ng Triad," malungkot na sagot ni Beynish.

"Rifka will die," si Cole ang sumagot.

"What did you say?"

"Relax, Gaius. Binabanggit ko lang ang nabasa ko. The ceremony would require Rifka's blood. We know she heals a lot faster than us. Pero kapag na-drain siya, katulad natin, she won't make it."

"We have to follow them as fast as we can bago pa mapahamak si Rifka," mainit na ang ulo na sabi ni Gaius.

Napatitig na lang dito si Atira. Nalilito ito kung bakit gan'on ka-concerned si Gaius sa babae.

"May isa pa tayong problema," ani Erick na kanina pa tahimik at nag-iisip.

"What is it?" ani Malik.

"We have to go inside the borders of Faiga Mountains to save Rifka."

Natahimik sila.

"Which means..." Tiana trailed off.

Naintindihan nilang lahat.

They would be cursed too. They wouldn't be able to drink human blood again. Ever.

Would they give up something that was so important in their life for someone they had just known for a few months?

Walang salita na tumalikod si Gaius at bumaba. Naiwan ang iba habang habol ng tingin ang lalaking bagsak ang mga balikat na palayo.

***

Malapit na po tayong matapos. Ilang chapters na lang at mamamaalam na tayo kina Rifka and the gang.

immrsbryant


Continue Reading

You'll Also Like

56.1K 4K 50
REALM SERIES #2 // COMPLETED Trying to find her missing husband, Rhianna Dione ended up again inside the magical kingdom of Azinbar but this time, sh...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
10.9M 319K 62
Highest Rank in Vampire Category: Rank #1 (Bloodstone Legacy #1) "Touch her, I'll choke you to death. Smile at her, I'll suck your blood until the la...
10.1K 1K 58
A villainous creep who's fond of chaos, a grumpy law student, a narcissistic pilot, and a peculiar aloof bitch miraculously crossed paths in one cata...