Sentry

By fbbryant

350K 15.2K 1.7K

Nang mamatay ang kinikilalang ama ni Rifka ay napilitan siyang umalis sa bayan kung saan siya lumaki ayun na... More

Foreword
1- Rifka
2- Safe Walls
3- Monster
4- Blood Sword
5- The Last of the Clan
6- SeBiAe (1)
7-SeBiAe (2)
8- Troublemaker Gaius Kühn
9- She's Found
10- Evening Activities
11- Gaius' Payment
12- The Visitors
13- Hunting Week
14- Silver Eyes
15- SA Vs Witches Vs Vampires
16- Blood and Pleasure
17- The Past Is Back
18- Party
19- Useless
20- Shoulders To Cry On
21- Friends
22- The Third Party
23- Cratus
24- Blood Moon Child
25- Rifka on Rampage
26- Villains
27- Change of Heart
28- Second Chance
29- Dinner
30- Two Poisons
31- Broken Heart and Soul
32- Bulletproof Heart
33- Lull Before the Storm
34- The Storm... Murder
35- The Storm... Regrets
37- The Storm... Curse
38- Out for Blood
39- Bittersweet Victory
Epilogue
Note

36- The Storm... Courage

6.8K 288 58
By fbbryant

Walang pagmamadaling inayos ni Gaius ang kanyang leather jacket sa harap ng life-sized mirror dito sa kwarto ni Saide.

Nasa kwarto rin ang babae at katulad niya ay inaayos din nito ang suot na garb.

Huminga ng malalim si Gaius nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon ang naka-black suit na si Forrest.

"Are you okay?" agad na sinalubong ni Saide ang lalaki.

"Yeah," tumango naman ang kapatid niya. "I just can't believe that this moment would come."

"She committed crimes. She has to pay," matigas ang boses na sabi ni Gaius pero ang totoo ay tila pinipiga ang kanyang puso.

Hindi niya inakala na darating ang araw na kailangan niyang mapanood ang pagpugot sa ulo ng kanilang ina.

"Hindi ka man lang ba naaawa kay Mom, Gaius?" masama na tingin ang ipinukol ni Forrest sa kanya kaya napatiim-bagang siya.

"Ano'ng tingin mo sa akin? Bato? Ina ko rin s'ya, Forrest. Of course, masakit sa akin 'to. Pero alam mo rin na isa akong Sentry-in-training. I need to implement the law no matter how hard it is."

"You escape from the academy every night. You break rules," nakaingos na sabi naman ni Forrest.

"Exactly. I break rules. Not laws," aniya saka binalingan si Saide. "Mauna na ako."

"Sige. Nasa courtyard na sina Dad kasama sina Tito Damian," sagot naman ng babae.

Hindi na siya sumagot at lumabas na lang. Inayos n'ya lang talaga ang sarili niya rito sa kwarto ni Saide. Hindi na siya nagulat nang madatnan doon ang kapatid niya. Nagkaayos na ang dalawa. Which was good, he thought.

Nakita n'ya agad ang kanyang ama katabi si Lorcan Gerhardt sa gilid ng courtyard. Seryosong nag-uusap ang dalawa.

Nakita n'ya rin sa isang kumpol ang mga anak ng ISOP President at ang mga asawa ng mga ito. Kasama roon ang mga magulang nina Deus na sina Savannah at T, si Max at Raye, at ang bunso nila na seven o eight years lang yata ang tanda sa kanilang magkakaibigan, si Rianah Gerhardt.

Sa kabila naman ay si Quinn kasama ang ina nitong si Yadira Kirkpatrick at hindi nagtagal ay sumali ang dalawa sa naunang kumpol.

Sa isa pang banda ay naroon ang mga miyembro ng Senate. Most of them were thousands of years in age. But they still looked young.

Sa gitna ng courtyard ay naroon ang isang tree stump, minus the roots. Napalunok siya habang nakatitig doon.

Her mother would be executed on it later.

"Hey," isang tapik sa balikat ang nagpalingon sa kanya sa likuran.

Si Deus.

Katulad niya ay nakasuot din ito ng garb. Lahat ng Sentries at estudyante ng academy ay kailangang isuot iyun sa tuwing may importanteng event silang dadaluhan katulad ng execution, their death or marriage, academy graduation ceremony at iba pa.

"You okay?" sympathetic na tanong naman ni Tiana na kasunod lang ng kakambal nito.

"Yeah," aniya.

Nakalapit na rin sina Cole at Erick sa kanila. Pinakahuling lumapit si Sophia na mukhang puyat na puyat. Ang alam niya ay binabantayan ito ni Deus.

"How are you?" pormal niyang tanong sa babae.

"What do you think?" mataray naman nitong sagot.

"I'm sorry."

"Hindi ikaw ang pumatay sa mga magulang ko. Wala kang kasalanan sa akin," anito saka ibinaling na sa ibang direksyon ang tingin.

"Nasaan si Rifka?" tanong ni Cole.

Inilibing nila si Neschume sa isang public cemetery on the same day na nagpakamatay ito. Hindi talaga sila makapaniwala sa nangyari dahil masyadong biglaan. Katulad ng nangyayari ngayon sa pamilya nila.

Actually, na-postpone ng dalawang araw ang execution ng kanyang ina dahil sa nangyaring gulo sa academy. Hiniling niya sa ama na pakiusapan ang ISOP President na gawin iyun upang madaluhan si Rifka at buti naman pumayag ito at ang buong Senate. Kailangan din kasing dumalo ni Director Brisbois sa execution dahil ito ang head ng institution ng mga Sentry, isang napakataas na position sa vampire world.

Ayaw n'ya pa sanang iwanan si Rifka two days ago pero kailangan niyang pumarito.

"Nagluluksa pa rin sa dorm room nila n'ong umalis ako," sagot niya. Sinilip n'ya kasi ito bago siya tumulak papuntang Graviville.

"Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to?" pabuntung-hiningang sabi ni Deus.

"Life is much more complicated than it already is," sagot naman ni Erick kaya inirapan ito ni Tiana.

Nakita ni Gaius ang pagdating nina Saide at Forrest. Agad na lumapit ang mga ito kina Damian at Lorcan at nakita niyang nagyakap ang kanyang ama at kapatid. Tila hinanap pa siya ng mga ito dahil inilibot ng dalawa ang paningin sa paligid.

Naramdaman niya ang pagtapik ni Deus sa kanyang balikat kaya humakbang siya papunta sa ama at kapatid.

"Are you okay?" salubong ng kanyang ama saka siya nito niyakap ng mahigpit.

"Oo," sagot niya saka tiningnan ang kapatid na walang kakilos-kilos habang nakatingin sa isang direksyon kaya napatingin na rin sila roon.

It was their mother, entering from an arch doorway of the courtyard. Sa bawat gilid nito ay may tigtatatlong Sentries na fully equipped with weapons.

Nasaktan si Gaius habang nakatingin sa ina na nakasuot ng itim na overdress. Hindi siya sanay na nakikita itong nakasuot ng damit na straight cut, walang ni anong palamuti at kulay.

But her face remained unchanged. The usual high and mighty expression of Mayor Juliana Loretha Kühn was still there. Unfaltering.

She did not look repentant. Not even a slight hint of remorse.

Dinala malapit sa tree stump si Juliana bago ito tumingin sa direksyon nila.

Lumapit si Director Brisbois sa tree stump at patulak na pinaluhod ng lalaking Sentry si Juliana paluhod at inilapat ang ulo nito sa stump.

"Forrest, anak, tulungan mo ako," sa wakas ay nagpakita na ito ng emosyon. It was fear.

Napalunok si Gaius. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang natakot ang kanyang ina.

"Gusto n'yo ba munang magpaalam?" tanong ni Lorcan sa kanila.

"H-Hindi na," sagot ni Forrest. "Goodbyes are always the worst."

Gaius swallowed the painful lump in his throat.

Pilit na pinatatag ni Forrest ang sarili nito kahit na nasasaktan ito ng sobra dahil alam nito na ito ang tamang gawin.

Isang criminal ang kanilang ina. And ISOP wouldn't tolerate such crimes lalo na at under ng jurisdiction nito ang Morland.

"Non fui, fui, non sum, non desidero," panimula ni Director Brisbois sa pag-recite sa usual nilang sinasabi kapag may ini-execute ang ISOP. "Non fui, non sum, non curo."

"Non fui, fui, non sum, non desidero. Non fui, non sum, non curo," sagot naman nilang lahat na mga Sentry.

I did not exist, I have existed, I do not exist, I feel no desire. I did not exist, I do not exist, I'm not concerned about it.

It was an epitaph from the ancient times stating that death does not exist when we do so there is nothing to worry about. And when death exists, we don't.

"Forrest, Gaius," tawag ni Juliana sa kanila nang itaas na ng lalaking Sentry na may pulang buhok ang hawak nitong executioner's sword. Sa blade n'on ay nakaukit ang epitaph na binigkas nila kanina.

"I love you, Mom," umiiyak na sabi ni Forrest.

"P-Patawarin n'yo ako sa mga nagawa ko. Ang lahat ng 'yun ay ginawa ko para sa pamilya natin. Damian, alagaan mo ang mga anak natin."

"Pangako, Juliana," sagot naman ng lalaki.

"Gaius, patawarin mo ako."

Nakita ni Gaius ang pagbaba ng espada ng executioner.

"I love you, Mom," sabi niya at nakita niya ang pagngiti ng kanyang ina bago tuluyang lumapat ang executioner's sword sa leeg nito.

Mahigpit na yumakap sa kanya sa Forrest at umiwas s'ya ng tingin. Ayaw niyang makita ang walang buhay na katawan ng kanilang ina.

Death and killing were not new to him. Lumaki siyang sanay nang kumitil ng buhay ng sinumang may dalang threat sa mapayapang vampire world.

Pero iba pa rin kapag mahal sa buhay ang involved.

Naramdaman niya ang pagyakap din sa kanila ng kanilang ama at hinayaan niya ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Everything will be alright," bulong ni Damian sa kanila.

Gumanti na lamang siya ng mahigpit na yakap sa kanyang nakakatandang kapatid at nilunod ang sarili sa pagluluksa.

Gaius slept in Deus' room afterwards. May kanya-kanyang kwarto ang mga Bloodworth sa Gerhardt manor dahil pag-aari iyun ng pamilya.

Nang nagising siya ay ang kaibigan ang una niyang nakita. Nakaupo ito sa isang couch malapit sa bintana at nagbabasa ito ng isang libro na sa tingin niya ay nobela.

"How are you feeling?" tanong nito sabay sara ng libro.

"Fine, I guess," sagot niya sabay bangon.

Tumayo si Deus at may kinuha itong folder ng mga documents mula sa study table at iniabot iyun sa kanya.

"What's this?"

"I don't know. Ang sabi lang ni Forrest kanina, ibigay ko raw sa'yo," anito saka muling umupo sa couch.

"Hindi mo man lang tiningnan?"

Kumunot ang noo ni Deus. "Why would I? It's not for me."

Binuklat niya ang folder at pinasadahan ng basa ang mga papeles.

"He opened a bank account for Sophia Falls and gave her twenty million dayals," aniya.

"Twenty million? Wow. That's a lot. She can live comfortably with that money for a very long time," gulat na komento ni Deus.

"And he gave her five percent stocks in our company," dagdag n'ya pa kaya nanlaki ang mga mata ng kaibigan n'ya.

"Nagtayo ba ng charity for Sophia si Forrest?"

"I guess this is his way of apologizing to her. It's not final though. Kakailanganin pa niya ang pirma namin ni Auberon."

"And you agree with this?"

"Our mother killed Sophia's parents just because she wanted to. They were mortals. Innocent. Kulang pa ito sa nagawa ng ina namin sa pamilya n'ya," aniya saka kumuha ng black pen mula sa ballpen stand na nasa study table ni Deus at pinirmahan ang papeles.

Tumangu-tango naman ang lalaki. "Sabagay."

"You don't need to worry about her anymore," aniya saka sinulyapan ang kaibigan habang patuloy siya sa pagpirma.

"What are you talking about?" anito na nag-iwas ng tingin.

"You can't fool me, Deus. You were worried of her."

"True. But it was because she just lost her parents. That was it."

Sa wakas ay natapos na niya ang pagpirma kaya isinara na niya ang folder at hinarap ang kaibigan.

"Why so defensive?" taas-kilay niyang tanong dito kaya hindi ito nakasagot.

Umiling na lamang siya saka humakbang palabas. Una niyang nakita ay ang balustre kung saan pwede siyang dumungaw upang makita ang courtyard. And he did.

Sa baba ay nakita niya ang ilang mga katulong na nililinis ang dugo na kumalat sa sahig.

Dugo ng kanyang ina.

Si Damian na ang nag-asikaso sa katawan ni Juliana dahil nagkulong na si Forrest sa kwarto ni Saide pagkatapos.

"Ano na ang plano mo ngayon?" sumunod sa kanya si Deus at sumandal ito sa balustre at ipinatong nito doon ang mga siko nito.

"Bibisitahin ko si Auberon maya-maya lang. I will tell her that Mom is dead. Kailangan ko siyang alagaan lalo na ngayong down na down siya."

"I will go with you," sagot nito kaya tiningnan niya ito.

"You sure? Hindi ka ba galit sa kanya?"

Nagkibit ito ng balikat. "I am. But I am not immortal like you. I don't have forever to sulk and nurture my self-pity. Kung hindi n'ya ako minahal dati, fine. If she plotted on killing me because of my money, then whatever. Hindi nauubos ang mga masasamang nilalang sa mundo. Ayaw kong magtanim ng sama ng loob laban sa kanya. She was under the influence of your mother. No offense meant."

Umiling naman si Gaius. "None taken."

"I loved her for a long time, Bro. And I hated her for more than a year now. I think it's time to forget about it and move on."

Gaius agreed. Deus didn't have the luxury of forever to be bitter and miserable. He had to live his life to the fullest.

Nang hapon ngang iyun ay magkasamang dinalaw nina Gaius at Deus si Auberon sa psychiatric hospital sa bayan. She surprisingly looked calm and composed.

Gaius informed her about Juliana's execution, while Deus watched, and Auberon didn't show any sympathy nor pain. Tinanggap lang nito ang nangyari sa kinilala nitong ina nang walang kahit na anong violent reaction.

"Kailan ako makakalabas dito?" sa halip ay tanong nito.

"When you feel better," sagot naman ni Gaius.

"I am feeling better."

"What's your plan, Auberon?" somehow, Gaius felt that Auberon was up to something.

"Kung iniisip mong may gagawin akong kalokohan, you're wrong, Gaius. Lahat ng nagawa ko dati, utos at impluwensiya ng ina mo. I want to make my own decision now. I want to take back my life."

"Then good. What is your plan?" ulit ni Gaius.

Huminga ng malalim si Auberon. "Babalik ako sa Wallhoff mansion. Pag-aari pa rin iyun ng pamilya namin hindi ba?"

Tumango si Gaius. "A caretaker is there."

"Babalik ako r'on at doon na titira. Gagamitin ko na uli ang apelyedo ng ama ko at babawiin ko ang kayamanang ninakaw sa amin ni Juliana."

Gaius nodded his head. "I will tell Forrest to take care of everything."

"I just want to get the exact amount that Juliana took eleven years ago. No interests or anything. Sa inyo na 'yun ni Forrest. Naging mabait kayo sa akin all these years. Inalagaan n'yo ako even though you and I had some setback."

"You're my sister."

"I know. And Deus," hinarap nito ang lalaking kanina pa tahimik na nakikinig habang nakasandal sa dingding hindi malayo sa kanila.

"Yup?" humakbang si Deus palapit sa kanila, sa isang maliit na visitors area na may dalawang gray na sofa at coffee table na gawa sa kahoy.

"I'm sorry sa nagawa ko sa'yo," sinserong sambit ni Auberon. "Alam kong nasaktan kita and I am very sorry. Hindi ko na maibabalik pa ang lahat and I regret it. Hindi ko alam kung paano ko itatama ang pagkakamaling nagawa ko sa'yo."

Ngumiti si Deus sa babae. "Just promise me that you will not do that again. Be the Auberon that we knew before. Iyung mabait na Auberon."

"Promise," itinaas pa ng babae ang kanan nitong kamay kaya natawa silang tatlo.

"Anyway, you can go home today if you want," ani Gaius.

"How about tomorrow? Nangako akong pakakainin ko ang lahat ng staff dito ngayong gabi. Siempre si Forrest ang magbabayad," nakangisi nitong sagot kaya ginulo ni Gaius ang buhok nito.

"Okay. Tomorrow then. Ipapasundo kita kay Forrest. Kailangan ko nang bumalik ng academy."

Umikot ang mga mata ni Auberon pero nakangisi naman. "I know, I know. Naghihintay doon ang minamahal mong si Rifka."

"Oh shut up!" gusto niya itong batukan dahil bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahiya.

"In love ka lang eh," tukso pa nito.

"Alam ng lahat," segunda naman ni Deus.

At tinawanan na lang niya ang mga ito.

Bumalik sina Gaius at Deus sa Gerhardt manor without heavy hearts. Sa wakas ay okay na si Auberon at masaya sila para rito.

Sinalubong sila nina Tiana, Sophia, Cole at Malik. Handa na ang mga gamit nila sa van na maghahatid sa kanila sa train station.

"Malik, buti naman nakabalik ka na," salubong ni Deus sa lalaking mukhang pagod na pagod.

"Yeah. Sa wakas ay naayos na rin ang problema namin kay Adamson. Muntik na siyang makapatay ng batang witch sa paaralan nila dahil nagwala ang kapangyarihan n'ya. He told her, unconsciously, to hang herself. Buti na lang nagising siya sa kanyang trance at s'ya na rin ang sumagip sa classmate n'yang batang babae."

"That's so terrible, dude. Ano'ng ginawa nina Tita Nadine?" ani Deus.

"Isolate my brother. Hindi siya pwedeng lumabas ng bahay habang tinuturuan siya nina Mom at Dad na kontrolin ang mga kapangyarihan n'ya. He will be in the house for a long time. Like a prisoner," malungkot na kwento ni Malik kaya nalungkot na rin ang magkakaibigan.

Mabait na bata si Adam. Maalalahanin, matulungin at magalang. Naaawa sila para rito.

"It's for the best not just for the people around but also for him. Kapag natuto na siya, he will realize that everything will be worth it," ani Gaius at napatango naman ang lahat.

"Are you ready? Ako ang maghahatid sa inyo sa train station," biglang lumapit sa kanila si Saide na nakasuot pa rin ng garb, her Zayin hanging on her back.

"Si Forrest?" ani Gaius.

"Kausap ni Auberon sa phone. Hindi na siya sasama sa atin," sagot naman ng babae and climbed into the driver's seat.

Dalawang araw sa train. Bagot na bagot na si Gaius dahil sa tagal ng byahe.

Sina Deus at Tiana ay panay lang ang basa. Si Sophia ay tulog nang tulog habang sina Malik at Cole ay naglaro nang naglaro ng baraha.

Nang sa wakas ay nakabalik sila sa academy ay agad na dumiretso ang grupo, maliban kay Sophia, sa dorm room nina Tiana kung saan inaasahan nilang makikita si Rifka.

But she was not there.

Hindi rin nila mahanap si Beynish.

Nilibot nila ang buong academy at pati si Sophia ay tumulong na rin.

Nang magkita-kita sila sa entrance ng Dormire ay bigo silang lahat.

Maliban kay Sophia na may dalang log book.

"Lumabas sina Rifka at Beynish kahapon. Alas-singko ng umaga," anang babae.

"At hindi pa sila nakakabalik?" malakas na sigaw ni Gaius. Gusto na niyang suntukin ang pinto ng Dormire. Nag-aalala siya ng sobra para kay Rifka. Pareho silang nawalan ng minamahal sa buhay at naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Baka gumawa ito ng impulsive na desisyon.

"Kailan daw ang balik?" tanong ni Cole.

"At saan nagpunta?" dagdag ni Tiana.

"Return, unknown. Whereabouts, unknown," basa ni Sophia sa log book kaya tuluyang sinuntok ni Gaius ang pinto.

Ilang mura ang pinakawalan niya habang hopeless na nakatingin lang sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

"She went after Atira. Isusuko niya ang sarili niya sa Triad," nanghihina niyang sabi bago pabagsak na naupo sa doorway.

Tama nga siya. She made an impulsive decision. And a stupid one at that.

"Then let's go after her," ani Deus.

"I will prepare my weapons," sabi naman ni Tiana at pumasok na sa dormitory.

Huminga na lang ng malalim si Gaius. He understood Rifka. Gusto lang nitong iligtas si Atira.

But courage without wisdom was stupidity.

Sana maabutan nila ito nang hindi pa huli ang lahat.

***

Vote, comment and share po. Thank you so much.

immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

964K 35.5K 60
Si Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay...
754K 22.2K 59
Mathson Series #1 She tried her best to keep things at its place but then he came and ruin everything. Started:October 7,2015 Finished:July 16,2016 ...
20.9K 775 18
(Dark Fantasy Series #2) Brief Synopsis of Demi: Isang panibagong misteryo ang haharapin ni Demi nang natanggap niya ang isang sobre mula kay Keith...
1.2K 57 3
Bawat tao sa mundo'y may tinatagong sikreto. At bawat tao sa mundo'y may bagay na kinatatakutan. Ngunit paano kung magkaroon ka ng takot sa isang ord...