The Beast Prince(COMPLETED)

By Wild_Amber

580K 21.6K 3.1K

Siya na ang pinaka mabait na anak kapag kaharap niya ang mommy at daddy niya. Ngunit kung nakatalikod na ang... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Part II
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 10

15.5K 606 89
By Wild_Amber

Note:Wag lang kayong magpagulong-gulong ha....enjoy reading.
.
.
.
KINAKABAHAN si Asher Jade na hirap niya ang tito Andrie niya. First time niyang gagawin ang bagay na sadya kaya panay hinga niya ng malalim.

"Goodluck bro." Ang nakangising ani Shawn sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo. "Nasa opisina niya si Dad." Dagdag pa nito. Kaya huminga na naman siya ng malalim bago umakyat para puntahan ang opisina ng tito Andrie niya sa loob ng bahay nila.

"B-bakulaw." Halos magkagulatan pa sila ni Christine ng makaayat siya sa ikalawang palapag ng bahay ng mga Dela Rosa. "Hey! Kakausapin ko lang ang daddy mo." Paliwanag nito agad dito.

"Oh! Bakit?" Nagtataka naman ito kung bakit ito makikipag-usap sa daddy niya. Sa halip na sagotin ito ni Asher Jade ay isang kindat lang ang tinugon niya dito. Nahihiwagaan naman si Christine kung ano ang pag-uusapan ng mga ito.

Bahagyang kinatok ni Asher Jade ang pinto bago niya ito itinulak. "Pwede pumasok tito?" Anitong nakasungaw ang ulo mula sa labas ng pinto. "Sure. Come in kiddo." Nakangiti namang pagbibigay pahintulot dito ni Andrie. "Have a sit." Agad naman siyang naupo sa upoang nasa harap ng mesa ng ginoo.

"Thanks tito." Ang mga kamay niya ay pinagpapawisan na sa nerbyos. Pero hindi siya nagpahalata sa kaharap.

"Um. So, ano ang maipaglilingkod ko sayo?" Tanong ng kaharap niyang napakaseryoso ng mukha. "Nandito po ako tito para po makausap kayo. Lalaki sa lalaki." Anitong nakatingin ng tuwid sa kaharap.

"Okay. Tungkol saan?" Agad na naupo ng tuwid si Andrie at pinakatitigan  nito si Asher Jade. "Gusto ko pong magpaalam sa inyo na ligawan si Christine. I know hindi pa kami tapus ng pag-aaral. Pero, gusto ko po siyang ligawan. At kapag binigyan niyo ang pahintulot ay I'll do my best just for her." Kabado nitong aniya.

"Sabi mo nga hindi pa kayo nakapagtapus ng pag-aaral. Paano ako makaksiguro na hindi niyo pababayaan ang pag-aaral?" Tanong sa kanya nito. "Hindi po ako mangangako sa inyo tito. Pero, trust me hindi po masisira ang pag-aaral namin. Mag-aaral pa kami ng Oxford or Harvard. Kahit saan niyo po gusto. At kung hindi niyo po ako bibigyan ng chance ay susundan at susundan ko parin si Christine kahit saan niyo po siya ipadala makasama ko lang po siya." Sa naging sagot nito ay lihim na napangiti si Andrie.

"Okay. I trust you kiddo. Siguraduhin mo lang na pag-aaral ang uunahin niyo. Ayaw kung mapaaga ang paglaki ng tiyan ng anak ko." Babala dito ni Andrie na kinangiti ni Asher Jade. "Thank you, tito. Makakaasa po kayo." Masaya nitong aniya.

"Go, take here out kung gusto mo." Utos niya dito. Mabilis naman itong tumango sabay tayo niya. Nakipagkamay muna ito sa tito Andrie niya bago siya lumabas.

Nang madaanan niya ang kwarto ni Christine ay bahagya niya itong kinatok. Agad naman iyon bumukas. Kaya agad siyang pumasok dito. Pagkapasok niya ay agad niyang niyakap ng mahigpit ang naguguluhang si Christine.

"A-anong meron?" Nagtataka nitong tanong habang yakap-yakap siya ng binata. "Wala masaya lang ako. By the way be ready, susunduin kita dito ng mga 7:00 pm." Anitong kinakunot ng noo ni Christine.

"Saan tayo pupunta?" Puno ng pagtataka ito. Wala siyang maintindihan sa sinasabi ni Asher Jade sa kanya. "It's a date." Anito sabay halik niya sa pisngi ni Christine. Dahil sa ginawa ni Asher Jade ay napanganga ito. Tila tumigil ang pag-ikot ng oras dahil sa ginawa nito.

"Baby, I have to go. 7:00 pm." Sabay turo niya ng orasang pambisig bago ito lumabas ng kwarto ni Christine na hindi pa nahihimasmasan.

"Ate." Untag sa kanya ni Shiloh. "Ate anong nangyari sayo?" Sabay kalabit nito sa ate niya.

"Huh?" Tila gulat itong napatingin sa mukha ni Shiloh. "Sabi ko anong nangyari sayo. Bakit na-istatwa kana sa kinatatayuan mo?" Tanong sa kanya nito.

"S-si B-bakulaw." Parang wala ito sa tamang hwesyo habang nagsasalita. "Anong meron kay kuya Asher Jade. Anong sinabi niya sayo?" Feeling ni Christine ay nananaginip lang siya sa nangyari.

"G-galing siya dito, right?" Natawa naman sa naging tanong niya si Shiloh. "Oo, galing dito si bakulaw mo ate." Pagkumperma nito. Dahil sa naging sagot ni Shiloh ay agad niya itong hinila palabas ng kwarto niya.

Sa opisina agad ng kanilang ama niya dinala ang kapatid niya. "Dad." Tawag nito agad sa kanyang ama. "Yes Princess?"

"Ano po ang sinabi ni Asher Jade sa inyo?" Lakas loob nitong tanong. "Bakit wala ba siyang sinabi sayo?" Tanong ng kanyang ama.

"Sabi po niya ay susunduin niya ako dito ng 7:00 pm." Kagat labi nitong sagot. Maging ang mommy nila ay dumating din ito. "Dad. Aprob ba?" Si Shawn na nakasandal sa hamba ng pintuan.

"Yes Son." Sagot lang dito ni Andrie. "Dad, dapat pinahirapan mo muna." Ang natatawang anito.

"Bakit kung ikaw ba meron nililigawan ay gusto mo bang pahirapan ka ng ama nang liligawan mo?" Tanong nito kay Shawn na napakamot ng ulo.

"Oh! My God. Dad, nagpaalam sayo si kuya Asher Jade?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shiloh sa kanyang ama. "Yes Princess." Nakangiti nitong sagot.

"Oh! My God. Mum, dapat magpaganda si ate." Mas excited pa si Shiloh kesa kay Christine na tila hindi parin maka get over sa nangyayari. "I think pwede ng gamitin ng ate mo ang damit na binili ko para sa kanya." Excited rin na anang kanilang ina. Bumili kasi ito ng damit para kay Christine. Ipapasuot daw niya ito sa panganay nila sa first date nito.

"Ayieehhh! Mum, I'm excited. Let's go." Sabay hila nito sa ate niyang lutang parin. Agad na kinuha ng kanilang ina ang binili nitong kulay black na dress at ipinakita nito sa dalawa.

"Oh! My God. Mum. Perfect." Kumento ni Shiloh habang nangingislap ang mga mata nitong nakatingin sa damit na dala ng kanilang ina.

"Mum. Makikipagdate ba talaga si Asher Jade sa akin?" Sabay turo nito sa sarili. Kaya nakangiting hinalikan siya ng ina sa pisngi. "Yes. Kaya dapat magpaganda ka anak. Dahil first date mo ito." Sagot nito. Tila nahimasmasan naman ito kaya biglang namula ang mukha niya. Mahigpit itong yumakap sa kanyang ina.

"Oh! My God. Mum. Kinakabahan ako." Kagat labi nitong aniya. "Ate. Ano ka ba. Si kuya Asher Jade naman ang kadate mo. Isipin muna lang na gaya ng dati na lumalabas kayong dalawa." Pampalakas loob ni Shiloh kay Christine. Kaya bahagya itong pumikit ng mga mata bago siya huminga ng malalim.

"I can do it." Pampalakas loob nito sa sarili. "That's my daughter." Anang kanyang ina sabay thumbs up nito.

SAMANTALA matapus magbihis ni Asher Jade ay makailang sipat din ang ginawa niya sa harap ng salamin. At makailang practice din ang ginawa niyang sasabihin kapag kaharap na niya mamaya si Christine.

"Bro, tama na yan. Baka mabasag ang salamin sa ginagawa mo." Bigla siyang napalingon sa nagsalita. "What the hell are you doing here?" Gulat nitong tanong. Paano ba naman nadoon ang tatlong kaibigan niyang tinatawag ni Christine na tatlong engkanto. At mawawala ba naman sina Dalton, Zeus, Sylvan, Josh, Blaze, Angelo, Leone at Zach. Agad niyang natampal ang noo dahil sa mga ito. Nakangisi kasi ang mga itong nakatingin sa kanya.

"Kayong dalawa ang nagsabi sa mga 'to." Sabay turo ni Asher Jade sa pinsan niyang si Zeus at Dalton. "Hindi ako ah!" Kaila agad ni Zeus.

"Bro, goodluck. You need to go. Masamang paghintayin ang kadate mo. Dapat ikaw ang maghintay hindi siya." Ani Thunder sa kanya.

Kaya muli nitong sinipat ang sarili bago siya lumabas ng kwarto niya. Nakabuntot naman sa kanya ang mga ito. At pagbaba niya ay bumungad agad sa kanya ang mukha ng mga ninong niya.

"That's my boy." May pagmamalaking ani Jeb sa kanila. "Relax lang kiddo." Saad naman sa kanya ng ninong Rain niya.

"Geez. Paano ako hindi kabahan e first time kung manligaw. At kayong lahat kasi wala man lang tips na maibigay. Puro kayo santong paspasan e." Nakasimangot nitong aniya. Napakamot naman ang mga ninong at tito niya.

"Kiddo, nasubukan kung mag-igib ng tubig at magsibak ng kahoy sa ninang Raids mo." May pagmamalaki namang ani Rain.

"Magsantong paspasan kana lang kiddo." Ani Kurt na binato agad ni Frank. "Tangina mo Monte Silva. Pamangkin at inaanak ko ang pinag-uusapan dito." Ani Frank na kinangisi ni Kurt.

"Bawal ang santong paspasan. Magtatapus muna kami ng pag-aaral namin." Sagot nito. "That's good, son." Sang ayun ng kanyang ama.

"I have to go. Wish me luck guys." Paalam nito. Ng makatalikod siya ay hindi na niya nilingon ang mga ito. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad patungo sa kotse niya.

Agad siyang bumalik sa bahay nila Christine. Agad naman siyang pinapasok ng security guard sabay saludo pa nito sa kanya. At dahil nakabukas naman ang pinto papasok sa bahay nila Christine ay pumasok na lang siya.

"Iba talaga ang tama ng pag-ibig." Ang mapanuksong ani Shawn sa kanya. "Take care of my daughter, Vergara." Seryoso namang saad sa kanya ng tito Andrie niya.

"Yes tito. No worries, she is safe with me." Sagot nito. Maya't maya ay bumaba si Shiloh kasama ang ina nilang si Gemalyn.

Mga limang minuto lang ang lumipas ng marinig nila ang yapak na pababa sa hagdan. Kaya panabay ang mga itong napatingin dito. Halos hindi maikurap ni Asher Jade ang mga mata sa nakikita. Tila isang diwata ang pababa sa hagdan.

"Ehmmm," tikim ni Christine na kinabalik ng mga ito sa realidad. "Hindi ako alien." Pabiro nitong aniya sa mga ito.

"Um. Flowers for you." Ani Asher Jade sabay abot nito ng bulaklak kay Christine. "Thanks." Agad naman niya itong tinanggap.

"Oh! Siya, lumakad na kayo. At mag-iingat kayo. Enjoy your night." Ani Gemalyn. Agad naman humalik si Christine sa kanyang ama't ina. Si Shawn at Shiloh naman ay nagthumbs up lang ang dalawa.

Matapus nga nilang magpaalam ay agad din silang umalis. At habang nasa sasakyan sila ay hindi nila alam kung saan sila magsisimula ng sasabihin at kung sino ang mauunang magsalita.

"You look more beautiful." Pagbasag ni Asher Jade ng namumuong katahimikan sa pagitan nila. "Thank you." Tipid nitong sagot.

Sa isang hotel dinala ni Asher Jade si Christine. At ang naturang hotel ay pag-aari ng pamilya nila Asher Jade. Agad niyang inalalayan si Christine na makababa ng sasakyan. Ng tuluyan na itong makababa ng sasakyan ay agad na ipinulupot ni Asher Jade ang isa niyang kamay sa baywang niya.

"This way sir, ma'am." Anang sumalubong sa kanila.

"A-asher J-jade." Puno ng paghanga ang makikita mo sa mga mata ni Christine habang naglalakad sila patungo sa isang mesa. Ang buong paligid nila kasi ay puno ng candle ligth. Ng marating nila ang nakahandang mesa ay agad ipinaghila ni Asher Jade ng upoan si Christine bago ito gumawi sa upoang nakalaan para sa kanya.

Agad naman silang sinalinan ng waiter ng maiinom nila bago sila iniwan nito. Ng mapag-isa na lang sila ay halos hindi makatingin ng tuwid si Christine sa kaharap. Di naman kasi siya sanay ng ganito.

"Ehmmm," bahagyang tumikim si Asher Jade upang agawin ang atensyon ng kasama. "I hope you like the place." Tila nahihiya nitong aniya.

"I like it. Ang ganda." Sagot nito sabay ngiti niya ng tipid. "Christine Ammarah Dela Rosa, calm down. Hindi ka naman kakainin ng kaharap mo." Pampakalma nito sa sarili na parang nanginginig na sa nerbyos na hindi niya alam.

"Baby, are you okay?" May pag-aalalang tanong dito ni Asher Jade ng mapansin niyang tila hindi kumportable ang kasama. "Huh! Ano kasi." Hindi nito alam kung paano sasabihin kay Asher Jade ang nararamdaman.

"Are you scared with me?" Tanong nitong kinaigtad ni Christine ng bahagya. Hindi niya kasi namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya na puno ng pag-aalala ang mukha. "H-hindi ganun. Hindi lang kasi ako sanay ng ganito. Alam mong first time kung maranasan ang ganito sa tanang buhay ko." Matapat nitong sagot sa binata. Bahagya naman hinaplos ni Asher Jade ang pisngi ni Christine bago niya ito inalalayan makatayo.

Bahagya lang ikinumpas ni Asher Jade ang isa niyang kamay na agad naunawaan ng waiter na nasa malapit lang. Ng pumailanlang ang awitin ay agad na iniya ni Asher Jade ang dalaga na sumayaw. Alam niyang sa paraang iyon ay mapapakalma niya ito.

Maingat silang gumalaw sa saliw ng musika. "Okay ka na?" Nakagiting tanong ng binata ng maramdaman niyang nawala na ang panlalamig ng mga kamay ni Christine. "Um. Thanks. At sorry na rin. Alam mo naman kasing hindi ako sanay. Ginugulat mo kasi ako e." Nakapuot na nitong aniya na kinangiti ni Asher Jade.

"I'm sorry baby. Wala rin kasi akong idea. Kinakabahan rin ako. Pero kung paiiralin ko ang takot ko ay baka mawala sa akin ang isa sa pinaka special na tao sa buhay ko." Seryoso nitong aniya na ipinagtaka naman ng dalaga.

"Alam ko, you know me since we are a little kid," bahagya naman itong tumango na nagsasabing tama ito. "Pero hindi ko alam kung ano ako sa buhay mo. Kaya gusto kung malaman ngayon. Para alam ko kung saan ako lulugar." Anitong hindi naman maintindihan ni Christine.

"I don't know whether you like me or not, but I want you to know that I like you more than a friend. Kung hindi kita nakikita ay lagi kang hinahanap ng mga mata ko. Kaya nakapagdisisyon akong sundan ka kahit saan ka magpunta. Kung nasa kapahamakan ka ay agad nararamdaman ng puso ko na hindi ka ligtas na kailangan kitang puntahan. At hindi nga ito nagkakamali." Sa narinig ni Christine ay bahagyang napaawang ang kanyang mga labi.

"Gusto kitang ipagdamot sa lahat kahit wala akong pinanghahawakan para ipagdamot ka. Kaya ngayon sinasabi ko ito para malaman mo kung bakit ganun na lang kita pahalagaan. Dahil itong puso ko ay baliw na baliw sayo. Hindi ko alam kung may katugon ba ito. Pero nagbabakasakali parin ako. Natatakot man akong baka after this ay magbago ka at layuan mo ako ay ipaglalaban ko parin ang nararamdaman ko para sayo hanggang sa tanggapin mo ako." Matamang pinakatitigan ni Christine ang kaharap niya kung si Asher Jade ba talaga ito. Pero agad din niyang napagtanto na ang binata nga ang kaharap niya.

"Um. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sayo ngayon. Sana mahihintay mo ang araw na handa na kitang sagotin sa lahat ng sinabi mo ngayon." Anito.

"Of course baby, take your time." Tangi nitong sagot. "Um. Gusto kung rin malaman mo na you have a right para ipagdamot ako. Dahil handa rin akong ipagdamot ka sa iba." Sa naging sagot nito ay napangiti si Asher Jade. Sapat na yun para sa kanya. Tama na yun para panghawakan niyang may gusto rin ito sa kanya, hindi nga lang ito handa.

TBC.

Huminga muna tayo.....till next chapter again....hahaha!!! Pasensya na rin sa mga wrong typo. Pumipikit na kasi isang mata ko habang tinatapus kung tipain. Thank you for reading and God Bless.

Continue Reading

You'll Also Like

101K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
800K 20K 24
One of Vergara Siblings, the son of Aljhon Vergara. His a kind of playboy for short. Kaliwat kanan kung magkaroon ng fling girlfriend. But everything...
1M 31.6K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
533K 16.1K 24
JULIAN ELIJAH HO(GSB-6)->Ang tinaguriang mangungutong ng magkakaibigan na GSB. Pero kahit na lagi niyang kinukutungan ang mga kaibigan niya ay lagi p...