Chapter 25

11.7K 473 39
                                    

SUMAPIT ang araw ng birthday ni Christine. Pinaghandaan na naman ito ng mommy at daddy niya. Ganun silang magkakapatid tuwing birthday nila ay meron malaking party na nangyayari.

"Bakit ba kasi hindi na lang isasayaw si Ten-Ten?" Nakasimangot na tanong ni Kai sa mga kasama niya. "Gusto mong putulan kita ng kamay?" Tanong naman sa kanya ni Asher Jade.

"Nagbibiro lang ako bro," mabilis nitong sagot. "Magpinsan tayo diba." Dagdag pa nitong nakangisi.

Makalipas ang ilang minuto ay sinabi ng organizer na maghanda silang lahat dahil paparating na ang birthday celebrant. Hindi nga nagtagal ay dumating si Christine. Suot nito ang mala prinsesa niyang gown na sinadya pang gawin ni Sheryn Lleu para sa kanya. Isa ito sa pinakasikat na designer sa bansa at siya rin ang ina ng isa sa mga kaibigan nilang si Reid Stephen.

"Bro, baka pasukan ng bangaw yang bunganga mo?" Untag ni Zeus kay Asher Jade na natulala na ata ng makita niya ang nobya. Sa halip na sagotin niya ito ay huminga lang siya ng malalim.

"Are you ready boys?" Tanong sa kanila ng organizer. "I'm ready." Mabilis namang tanong ni Kai sabay hawi niya ng buhok. "Tangina mo talaga." Tila nasusukang ani Zeus na sinang ayunan rin ni Reid at Blaze.

"Ang gwapo ko talaga." Pang aasar niya sa mga ito. "Amputcha nito. Manahimik ka. Dahil mas gwapo ako sayo." Sagot dito ni Yuri na kinatawa nila.

Maya't maya lang ay pumailang-lang ang awiting napili nila para sa number nila. Agad na sumayaw ang mga ito at feel na feel nila ang ginagawa nilang pagsayaw. Ang mga girls naman ay natatawa sa mga ito. Si Christine na nakaupo sa nakalaang upoan para sa kanya ay kay lapad ng pagkakangiti niya.

Matapus ang dance number nila ay biglang nagbago ang ilaw sa paligid at pumailanglang ang malamyos na tugtugin.

"Hi! My beautiful sister. Can I have this dance?" Sabay lahad ni Shawn ng kamay. Agad naman itong pinaunlakan ni Christine. "Happy sweet 16th ate. Stay who you are. At kahit na anong mangyari ay mananatili kang ate ko. And if you need my help. You know I'm always here for you. You know how I love you. And I'm lucky to have you as my sister." Ani Shawn sa kanya habang nagsasayaw sila ng ate niya.

"Thank you. Mananatili ka rin na kapatid ko. At kahit saan man ako makarating ay nag-iisang brother lang kita. I love you too." Sagot niya dito. Matapus makipagsayaw ni Shawn kay Christine ay muli niya itong inalalayang makaupo ulit sa kinauupoan niya bago niya ibinigay dito ang isang tangkay ng kulay pink na rose.

"Hey! Birthday girl. Happy sweet 16th to you. I'm sorry. Hindi kami pweding makipag sayaw sayo kundi baka putulan kami ng boyfriend mo ng kamay. So here is your flower. Enjoy your birthday." Saad naman dito ni CM na siyang sumunod na nagbigay ng bulaklak kay Christine. Nakangiti naman niyang inabot ang binigay na bulaklak ni CM.

"Hey! Happy birthday. Here is your flower. Binalaan kaming wag kang isayaw ng prince charming mo e. Enjoy your day." Saad naman sa kanya ng natatawang si Sylvan. Napailing na lang si Christine.

"Happy sweet 16th. Sana maabot mo pa ang mga pangarap mo sa buhay sa susunod pang mga taon. No matter what happened I'll be here as your good friend. Kaya kung kailangan mo ng help may isang kaibigan ka ditong handa kang tulungan." Saad naman sa kanya ni Adam bago nito ibinigay ang bulaklak kay Christine.

"Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday," nakangiting si Leone. "Hey! Happy birthday. Happy sweet 16th. Enjoy your birthday." Anito sabay abot ng bulaklak kay Christine. "Thank you JL." Sagot naman niya dito.

"Happy birthday Ten. Thank you for bieng my friend. Kahit na meron kang annoying bestfriend." Saad naman sa kanya ni Isaac na kinatawa lang niya. "Gusto mo naman." Sagot niya dito. Bago niya inabot ang bulaklak na ibinigay sa kanya ni Isaac.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now