Stalk Me Baby (completed)

By Suzi_ayah

12.2K 285 95

Umbrella only likes one person and that is Brent Gogomen. Ito ang dahilan kung bakit nagtratrabaho sya sa caf... More

Stalk Me Baby
Stalker one
Stalk three
Stalk four
Stalk five
Stalk six
Stalk Seven
Stalk eight
Stalk Nine
Stalk ten
Stalk Eleven
Stalk twelve
Stalk Thirteen
Stalk fourteen
Stalk fifteen
Stalk Sixteen
Stalk seventeen
Epilogue

Stalker two

722 21 7
By Suzi_ayah

enjoy reading

-suzi

----------------------------------

"What the insecticide! Bakit ipapa-banned itong coffee shop!" sigaw ko kay Noki.

Tinignan nya ako ng masama bago nya kinuha ang petition paper sakin.

"Ako dapat ang nagtatanong nito sayo Umbrella. Bakit ipapa banned itong coffee shop KO." pinangdiniinan nya pa ang salitang KO. Nagkabitbalikat ako at tumingin sa kanya.

"Hala, wala akong ginawa ah. Inosente ako." umayos ako ng upo at tumingin sa kisame.

After ng breakfast ko with Fretz oo breakfast ng mga abs nya, bigla akong pinatawag ni Noki dito sa office nya para sa petition na natanggap nya kaninang umaga. Si Noki Yah ang may ari ng coffee shop na ito, member din sya ng BCEC (Burn Cookies Exclusive Club) at friend ko din sya.

"Umbrella, Alam mo ba ang nakalagay sa petition?" he asked me. Umiling ako. Dinudugo ako kanina habang binabasa ang english na petition. Ayaw kung maubusan ng dugo, lalo na't kunti lang ang vocabulary ko sa english." Nakalagay dito na pinapasara ang coffee shop ko, dahil rude ang mga empleyado ko. Hindi maganda makitungo sa costumer at higit sa lahat walang modo ang mga waiter ko. So care to explaine. Dahil nakalagay dito ang pangalan mo."


"What the! Noki naman, kilala mo naman ako di ba. Ako ang pinaka mabait na cashier dito sa Subdivision, friendly din ako at pinaka maganda mong employee, napaka faithfully ko rin. Sa tingin mo itong pagmumukhang ito...." sabay turo ng mukha ko. "....gagawa ng kasamaan? Matino ako 'you know."

Bumuntong hininga si Noki at napailing. Sa tingin ko hindi sya na niniwala sakin. "Then bakit nag petition si Dose na ipasara ang coffee shop ko. Kung matino ka naman pala?"


"Dose? Ano yun? Dose, trese--binggo?"


"Umbrella wala akong oras para makipag biruan sayo. Be serious dahil hindi lang ikaw ang gustong paalisin sa club na ito, 'kundi ang coffee shop ko!" Naiinis na sabi ni Noki. Sa tingin ko na-push ko na ang limit nya.

"Sorry, relax ka lang Noki, masyado kang high blood. Wala bang binigay na option ang Dose na yan?"

"Actually, merun . Hindi ipapasara ang coffee shop ko, kung papaalisin kita dito." he said calmly.

Bigla akong napatayo. "What! Ang saklap naman nang option na yan. Noki naman, alam mo namang buhay ko ang coffee shop na ito dahil......"


".......Dahil nakikita mo si Fretz mula sa binucular mo at umagahan mo ang tanawin sya sa malayo para kunan ng litrato at ipagbili iyon sa fans nya." tuloy ni Noki sa dapat kung speech.

"Exactly. Atsaka, masaya ako sa pagiging stalker ko. Look Noki, ayaw kung umalis sa coffee shop mo. At yang petition na yan 'sino ba ang nagpa ban nyan, at dinamay pa ako."


"Si Dose. Sya ang nagpa ban ng coffee shop KO dahil sayo."

Nanlaki ang mata ko. "Ako!" sabay turo ng sarili ko. "Wala akong ginawang masama sa Dose na yan dahil matino ako. Mabait at maganda."

Bumuntong hininga si Noki at tinignan ako ng masama. "Hindi magbibigay ng petition si Dose kung wala kang ginawang masama sa kanya. Sa tingin mo Umbrella anong ginawa mong masama?"

Naupo ako sa couch at nag isip ng ginawa kung masama. "Sa abot ng naalala ko, tatlo lang ang ginawa kung masama. Una, ninakaw ko ang t-shirt ni Fretz na nasa laundry nila Emma. Pangalawa muntik na akong mag under the bakod sa bahay nila Fretz para kunan sya ng litrato, pero nakakainis kasi andun yung labrador na aso nya. At pangatlo may nabulyawan akong lalaki. Pero I think hi--"


"Wait? Nabulyawang lalaki?" Nanlalaking mata na tanong ni Noki. Tumango ako. "Baka yun si Dose! Baka sya ang nabulyuwan mo."


"Hmm ano bang mukha ng Dose na yan?" Interested kung tanong.

"He's a doctor, He's tall, masculine I think, black hair and Handsome not as handsome like me."


"Yeah he's Tall, masculine, black hair din obviously kasi pinoy sya pero handsome? Duh' mas gwapo si Fretz ko."


"That's him! You mess with a wrong guy Umbrella." pailing iling na sabi ni Noki sakin..

Mess with the wrong guy? "Anong pinagsasabi mo?"


"Dose Onse had a highest pride on earth, mabait naman si Dose kaya hindi ko maintindihan kung bakit sya nagbigay ng petition sayo, you probably say something that make him upset."


"So anong gagawin ko? Ayaw ko umalis dito sa club! Kelangan ko bang alayan ng kandila at bulaklak ang Dose na 'yun or magbigay ako ng sorry note! Tell me Noki what should I do." frustrated kung sabi.

"First of all Umbrella, hindi patay si Dose para alayan ng Kandila at bulaklak. You should talk to him. Sa tingin ko madadaan naman sa magandang usapan ito, malay mo bawiin nya ang petition sayo."


"Are you suggesting me to luhod luhod to him and say sorry?" mataray kung sagot.

Kung ang Dose nga na yun ang lalaking nag bigay ng petition dapat sa kanya ay ipabogbog! Ang kapal ng mukha nyang ipetition ako ,samantalang naginh mabuti akong mamayan ng pilipinas! Dakila akong tao na may kunting kalaswaan ang utak at normal lang yun sa isang tao.

"Umbrella, you should talk to him. Ask him why he gave you this petition, wala namang masama kausapin sya. Para maayos na din ang problemang ito, pati coffee shop ko nadadamay sa away nyo." Noki look at me pleadingly.

Kahit paaano may awa din ako kay Noki. Noki was just my employer but a very good friend. Dahil sa kanya kaya nakapasok ako sa club na ito. He's like my brother to me, kaya hindi ako gagawang masama na ikakapahamak nya. Napataas ako ng kamay.

"Oo na! Naku kung di lang para kay fafa Fretz ko 'hindi ko kakausapin ang abnormal na Dose na yan." tumayo ako at naiinis na umalis sa office ni Noki. Kinuha ko muna ang payong ko bago ako tuluyang umalis ng office.

Teka san ko naman hahanapin ang Dose na yun? Bwesit talaga. Bakit ba paimportante ang lalaking iyun, sya ba si Fretz para hanapin ko?! Ng makarating ako sa coffee shop agad akong sinalubong ni Kitkat

Maluwag ang pagkakangiti nya habang nakatingin sakin.

"Hello, Umbrella alam mo bang pumunta dito si Fretz kanina!" excited nyang sabi. Biglang nawala ng parang bula ang problema ko ng marinig ang sinabi nya. Pero agad ding nawala ang pagka excited ko ng sabihin nya iyon.

"Nandito sya KANINA! Asan sya ngayun?" ginala ko ang paningin sa shop. Asan na ang fafa Fretz ko! May ilang mga costumer na umiinom ng kape, samantalang tanghaling tapat! "Wala naman si Fretz e." dissapointed kung sabi.

"Gaga ka kasi bakit ka umalis! Alam mo bang uminom sya ng coffee sa favorite spot mo, at tumagal sya doon ng 10 mins and 30 seconds bago sya umalis." kinikilig na sabi nito.

Parang nag twinkle ang mata ko dahil! Ohmeged! Ang asawa kung si Fretz umupo sa favorite spot ko, iyun ang pinakadulong upuan ng shop kung saan tanaw ang malawak na golf curse ng club. Dun ako umuupo tuwing pinagpapantasyahan ko si Fretz. Hindi ko akalain na doon sya umupo!

"Umupo ba sya doon! Naku tadhana talagang pagtagpuin kami sa isat isa." nangangarap kung sabi.

Akalain mo! Sa damidami ng upuang pwedi nyang upuan doon pa sya naupo sa fav spot ko!

"Actually wala na kasing upuan kanina, kaya no choice syang umupo dun."


"Okey lang iyun, atleast umupo pa rin sya." parang na glue ang ngiti ko sa labi at hanggang sa umupo ako sa counter ay nakangiti pa rin ako.

"Umbrella, anong sabi ni Sir Noki, bakit daw ipapasara ang coffee shop?"


"Ayy! Muntik ko ng makalimutan!" bigla akong napatayo at pumitik sa ere.

"Nakalimutan mo na talaga. Pinaalala ko lang sayo. So ano na nga?"


"Next year ko nalang sasabihin sayo, kelangan kong hanapin ang Dose Poste na 'yun. Kelangan ko sya kausapin tungkol sa petition!" nagmamadlaing lumabas ako ng shop at dala ang payong ko naglakad ako paalis doon.

San ko naman kaya hahanapin ang lalaking iyun! Napakalawak ng subdivision na ito para mahanap ko sya! Tawagan ko kaya si Didective conan para sya ang maghanap para sakin.

Bakit ba ang init dito sa pinas. Nangingitim na ako. Hindi kasi sapat ang payong ko para hindi ako mangitim, mahirap kaya mag hilod ng kalamansi para pumuti. Wala akong pambili ng gluta o pang gamit ng kojic. All natural ang beauty ko dahil kay kalamansi. Tagaktak ang pawis ko habang naglalakad.

San ko ba unang hahanapin ang lalaking iyun?! Simulan ko kaya sa impyerno at baka nandun sya.

I should remember that Im doing this for Fretz, pag nanatili ako sa club na ito marerealized ni Fretz na ako ang tadhana para sa kanya. At darating din ang panahong iyun pag nanatili ako sa club. Nasa kasagsagan ako ng haggard look ng may tumigil na red ferarre sa kalsada. Napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa sasakyang iyun.

Bakit ba andaming mayaman dito sa club? Di man lang sila nag share ng pera sa dukhang magandang tulad ko. Biglang bumukas ang driver seat niyon at lumabas si..........

FRETZ!

Puso my beat beat na fast. Para akong na glue sa kinatatayuan ko ng lumbas si Fretz sa koste. Naka shades sya at naka suot ng simpleng Shirt at maong pants, pero shemey! Para syang model na lumabas ng magazine. He's deadly gorgeous. Kung kasalanan lang ang titigan sya kanina pa ako nakulong sa salang pagtitig sa kanya.

"Hi Umbrella." inalis nya ang shades nya at ngumiti sakin. His pearly white teeth shows, also his deep dimple in his cheek.

"H-Hello, sinong kausap mo, ako o itong payong dala ko?" ngumiti ako na parang palaka. Pisti namang buhay ito ohh! Nasabi ko ba yun? Bigla kung natoptop ang labi ko.

"Silly aren't you?" lumapit sakin si Fretz at tumayo sa harap ko.

Bwesit! Bakit hindi ko dala ang camera ko! This is my moment! Mas type ko ang shirtless na Fretz, yung nakikita ko ang nagiinit nyang abs, waahh hot cook from oven. Chos.

"He-he. Anong ginagawa mo dito?" na concious ako sa pagmumukha ko. Dahil sa init, for sure napaka oily ng mukha ko, nanlalagkit din ang pawis sa mukha ko 'at pisti sigurado akong ang baho ko. Pa simple kung inangat ang kamay ko at inamoy ang kili kili ko.


"What are you doing?" he raised his eyebrow and look at me cufusedly.

"Inaamoy ko san galing yung mabangong pabango, kili kili ko pala yunl" ngumiti ako at ibinaba ang kamay ko. Nakakahiya! "Teka, hindi mo pa sinasagot tanong ko. Why are you here?"

Susunduin mo ba ako at ipupunta sa bahay mo para makarami tayo sa kama nyo?

Nagsalita na naman ang malaswa kung isip. Well wala akong kontra kung yun man ang gagawin ni Fretz, willing akong makipag magdamagan sa kanya sa kama kung yun ang gusto nya.

"Im going to your coffee shop to talk to Noki. Nandon ba sya?"


"Akala ko, ako hinahanap mo. Oo andun si Noki."


"Actually Im also looking for you. Wala ka sa shop kanina, were have you been?"

Parang pumalakpak ang tenga ko sa sabihin nyang hinahanap nya ako. My heart napaka wild mo. Ang lakas mong tumibok baka marinig ka ni Fretz. Suway ko sa puso ko.

"Ikaw ah hinahanap mo pala ako, bakit na miss mo ba ang beauty ko?" sabi ko sabay palo ng braso nya, but I do it porpusely, gusto kung maramdaman ang matitigas nyang braso. Tumawa lang si Fretz sa ginawa ko. "At para sagutin ang tanong mo, pa kiss muna." I give him a playful pouty kiss.

Tumawa lang si Fretz sa ginawa ko. Fretz and I were friends, sa side nya. Dahil matagal na ako sa club na ito kilala ko na si Fretz. We talked sometimes and we joke many times. Pero hindi alam ni Fretz ang malandi kung pagnanasa sa kanya, naku sino ba ang aamin sa crush nya na may crush sya dito?!

"Don't do that Umbrella, I may really kiss you."


Nagningning naman ang mga mata ko. I look at him in my wide eyes.

"Kidding." he said.

Nawala ang ngiti ko. Amputcha, willing pa naman akong magpahalik sa kanya kahit torrid kiss pa iyan.

"Ikaw bakit ka nandito?" he asked.

"Ahh, kasi may problema sa coffee shop, kelangan kung kausapin si Dose Poste. Teka, kilala mo ba ang lalaking 'yun?"


"Dose Poste? I've never heard that name before. Member ba sya ng club"


"Yes it is. Sabi ni Noki sakin, doctor daw sya. So kilala mo ba sya?"


Nalilitong binalingan ako ni Fretz. Teka may masama ba akong sinabi?

"Walang Dose Poste dito Umbrella, baka Dose Onse."

Muli akong napapitik sa ere. "Yeah! Tama ka. Yun nga ang name nung lalaki. Dose Poste pala iyun." napakamot ako sa ulo. "So, 'san ko sya mahahanap?"

"Here, thats his Hospital addrees at Makati." may inabot na calling card sakin si Fretz. At sa sinasadyang kalandian ko, sinadya kung mahawakan ang kamay nya. Nagdidiwang ang balunbalunan ko dahil nahawakan ko sya, kahit na dampi lang iyun. Siguro 1 week akong di maghuhugas ng kamay! "I have to go Umbrella, see you around."

"Yeah, see 'ya." sinundan ko ng tingin ang papaalis na pigura ni Fretz. Gusto kung matunaw sa mga ngiti nya!

Shet nakaka inlove talaga si Fretz. Ng makaalis na ang sasakyan ni Fretz nagtatalon ako sa tuwa. Parang tanga man tignan, dahil nasa ere ang payong ko sa gitna ng kainitan at nagtatalon ako ng parang palaka. But who cares! Wala namang nakakakita.

"I think Im 'gonna marry you Fretz!" tili ko. Sinundan ko pa iyun ng matinis na tili habang nagtatalon.

"Hoy magpatulog ka!" nagulat ako ng may biglang natapong tubig sakin. napatigil ako sa pagtalon at napatingin sa langit. Kelan pa nagka instant tubig sa direksyon ko? Bakit dito lang may tubig?

Naiinis kung pinunasan ang basa kung mukha. Isasalvage ko talaga ng bumuhos sakin ng tubig. Napabaling ako sa isang malaking bahay, at nakatayo lang naman doon ang isang lalaki na may hawak ng hose ng tubig. He was looking at be angrly, talo nya pa ang angry birds.

I gaps in shock. The man who was staring at me, was the man I encountered last week.

"You! Your Dose Poste!" sigaw ko. Teka tama ba sinabi ko?

Lalong sumama ang tingin nya sa akin. "Im not Dose Poste, Im Dose Onse. At pwedi ba, tanghaling tapat nagtitili ka dyan na para bang ni rape ka. Walang mang rarape sayong ng ganitong oras, Someones sleeping here 'you know. Dun ka sa labas ng subdivision magtitili. Mag patulog ka kung ayaw mong ikaw patulugin ko." pagkasabi nya nun agad syang pumasok sa gate at malakas na sinara ang gate.

Biglang nag sink sa utak ko ang sinabi nya sakin at nag init ang ulo ko! Ang kapal nya! Nasaktan ang pride ng pagkababae ko! Sa ganda kung ito anong oras may magtatangkang gumahasa sakin! Kahit pa tanghaling tapat! Kahit pa oily ang mukha ko at para akong nakipag sabunutan sa unggoy! Im still beautiful.

"Matulog ka at wag ka ng gigising pa!" sigaw ko sa bahay ni Dose.

Pero all fairness ganda ng bahay nya. May mga halaman sa front porch nya, at ang bahay, bahay mayaman. Puro glass iyon, at may magagandang kotse sa garahe. Aba rich pala ang Dose na Pisteng ito.

"Dear God paano ko kakausapin ang lalaking ito kung mukhang best friend pa ata ni lucifer sa kasamaan!" I pouted and look at his house. How could I deal with him?! Kung di lang talaga sa Fretz ko hindi ako magmamakaawa sa lalaking yun. Now I really need to talk to him, kelangan kung mapabawi sa kanya ang petition. I need to stay in this club or I will lose my love of my life.

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
231K 6K 53
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mga nilalang na tanging sa imahe...
10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
516K 14.9K 13
Paano maniniwala ang isang tragic writer na may happily ever after? Pag-ibig kaya ang muling magpapatunay sa kanya na ang buhay ay hindi laging malun...