Stuck in the Moment (Stuck Se...

By NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... More

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Chapter 16

296K 3.4K 769
By NerdyIrel

Chapter 16



Kathryn's POV


On the road...


Napatingin ako sa side mirror ng kotse niya. Kanina ko pa napapansin na may nakasunod na dark-tinted SUV. Mayroon din SUV sa harapan.


Parang sa mga napapanuod kong movie, yung may nasunod sa kanila tapos kaaway na pala yun. Babarilin sila or papasabugin yung kotse.


Aish! Ano ba yan! Kung ano-ano na naman iniisip ko. Pero for real, natatakot na ko sa mga kotseng ito.


"Daniel, bakit may SUV na sumusunod satin?"

"Huh?" Tumingin siya rare view mirror at side mirror tapos tumawa siya.


Nasaniban lang ang peg? Bigla biglang tumatawa.

"Mga bodyguards ko lang yan" Sabi niya.


Bigla akong na-relax nung sinabi niya yun. Baliw na siguro talaga ako.


Wala lang. Tahimik lang kami pareho sa kotse. Super awkward na ako yung isinama niya para kunin yung bagay na kailangan niya sa bahay nila.


"Malaman ko lang talaga kung sino may gawa nito...nako, hindi niya magugustuhan gagawin ko"

"Malaman ko lang talaga kung sino may gawa nito...nako, hindi niya magugustuhan gagawin ko"

"Malaman ko lang talaga kung sino may gawa nito...nako, hindi niya magugustuhan gagawin ko"


Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko yung mga sinabi ni Daniel kahapon sa parking lot. Kagabi pa ako ganito. Tapos kanina sa parking lot, tinuro niya yung CCTV camera.


Alam na niya kaya? Nakakainis! Hindi ko man lang napansin yun! Hindi ko nga alam na may ganun ang school! Nakakatakot tuloy si Daniel. Especially na ilang beses siyang nagbiro tungkol sa papatayin niya ko.


"Anong iniisip mo Kath?" Tanong niya.

"Huh? Wala" Tumingin ako sa side window ng car niya.

"Ako iniisip mo noh?" Rinig na rinig ko yung pangaasar ng boses niya.


"Kahit kalian hindi ka pa pumasok sa utak ko DJ" Well, that's a full one hundred percent lie. Araw-araw na lang nasa isip kita Daniel. Not in a good way, but in a bad way. Yung tipong maisip pa lang kita, sira na araw ko.


"Ows? Wala ka naman kasing utak"

Nag fake smile ako sa kanya to show him na hindi nakakatawa pinagsasabi niya.


"Sa palagay mo ba, may pagasang maging friends tayo?" Sumeryoso bigla ang mokong.

"Ewan. I mean, we both don't like each other so why bother? Di naman natin kailangang maging magkaibigan"

"Good point pero kasi diba? Barkada kita...tapos hindi tayo magkasundo. Parang weird"

Tama siya. Weird nga naming dalawa.


"Siguro one day, kapag isa satin ang tumigil sa kakaasar. But I can't see the day na mangyayari yun. Parehas mataas pride natin" Sabi ko.


"I agree" Yun lang sinabi niya. Ganda mong kausap bro!

Na-realize ko na lang bigla na tumigil na yung car niya.


"Baba na" Utos niya.

(-_-)


Hindi talaga siya gentleman. Sana sinabi niya na lang na nandito na kami, bakit kailangang pautos lagi?


Sinunod ko naman siya. Ayaw ko ng war. Chos.


Nagulat ako nung bigla na lang siyang pumasok ng MANSION nila at iniwan ako sa labas. Take note, mansion. Hinabol ko siya at pagpasok ko sa mansion nila, laglag panga ko. Grabe ang laki. Siguro kasing laki ng campus.


Umakyat na kami ng stairs. Pumasok siya sa kwarto niya at iniwan akong magisa dito sa labas.

"Hay nako" Sumandal ako sa gilid ko.


*Blag*


"Aray ko naman" Pintuan pala yung sinandalan ko at malas pa, nakabukas yun. Ayan tuloy, natumba ako. Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili ko. Baka mamaya makita pa ko ni DJ, asarin niya pa ko.


Sumilip ako dun sa kwarto na nakabukas. Kanino kayang kwarto ito? Wala namang kapatid si Daniel ahh. Nakita ko yung picture frame niya.


0_o

Si S-sofia ba yun? Pero bakit nasa bahay ni DJ picture niya? Ibig sabihin...

Dito siya nakatira? Akala ko ba bestfriends lang sila?


"Who are you?" Nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko. Pagharap ko, nakita ko ang isang babaeng nakakunot ang noo.

"Kathryn po, friend ni Daniel"


"So..." Tumaas yung isang kilay niya. "Isa ka pala sa mga babae niya"

Nag-crossed arms siya. Sino ba ito?


"Hindi po, friends lang po kami" Well hindi pala friend, enemy lang.

"Friend? Bakit? Anong company ang pagmamay-ari ng parents mo?"

"Po? Wala po kaming kompanya"


Nung sinabi kong wala kaming kompanya, hindi ko ma-explain mukha nung babae. Para siyang nainis o nagalit na ewan. Saktong lumabas ng kwarto niya si Daniel pero hindi yata narealize nung babae.


"Babae ka ni Daniel! Walang friend ang anak ko na mahirap! Wala ka na bang kahihiyan sa sarili mo? Sumasama ka sa bahay ng isang lalake!" Galit na galit niyang sinabi.


Nanlaki mata ko sa mga sinabi niya. 

Ako? Walang kahihiyan?


"Ma, hindi ko babae si Kath! Okay?" Sabi ni DJ. Ma? Nanay niya ito?

"Explain everything to me"

"Kath wait lang" Sabi niya sakin bago sila lumayo-layo ng mama niya.


Daniel's POV


Lumayo kami ni mama kay kath. Masakit magsalita si mama sa mga babaeng dinadala ko sa bahay para lang may kakwentuhan.


"Bakit ka nagdadala ng hampas lupa sa pamamahay ko? DJ naman!"

"Ma, kaibigan ko si Kath. Barkada namin nila Zharm. Hindi siya hampas lupa okay? Tignan mo nga itsura niya!"

"Pero mahirap siya! She's not like us!"


"No ma! Mayaman si Kath! May company sila at kapag naka-graduate siya ng college, siya ang magiging owner ng company nila sa States. Hindi niya alam yun kasi ayaw ipaalam ng mama niya" Explain ko.


Nanahimik si mama.

"Pano mo nalaman?"


"Nagpa-background investigate ako. Of course kailangang kilala ko ang kakaibiganin ko. Tatlo na naidagdag sa barkada ma"


"I felt bad about Kath. Masakit kasi ang ulo ko at bigla kong nakita siya. Nagalit agad ako" Sabi niya.


"Ma wag mong sasabihin kay kath yung tungkol sa company niya PLEASE"

Tumitig siya sakin as if I'm an alien.


"It's your first time to say the word 'please' to me" Sabay ngumiti siya.

"Huh?" Pati pa ba naman yun, napapansin niya. (_ _) Nakakahiya.


"Since baby ka, hindi ka marunong magsabi ng please. Lahat kasi ibinibigay namin sayo. Kathryn must be an important person to you" Sabay kurot sa pisngi ko.


"Ma naman! Kung makapangasar"

"Totoo naman ahh" Yan ang namana ko kay mama.

"Whatever ma"


"I'll apologize to Kathryn" Bigla niyang sinabi.


Bumalik kami dun kay kath. Tumitig ako sa mata niya, halatang pinipigilan niyang umiyak. Shemay! Magagalit na naman sakin ito.


"Kathryn right?" Sabi ni Mama.

"Opo"


"I'm sorry for all the things na sinabi ko kanina. I'm just stressed and I thought you're one of Daniel's ambitious girls. I really felt bad sa mga sinabi ko. Sorry"


"Wala po yun" Sabi niya. Ang bait naman! Naku ma, kung alam mo lang ginawa niyan sa kotse ko!


"May magagawa ba ako para makabawi?" Tanong ni mama.

Sasagot sana si Kath pero inunahan ko siya.


"Ma, sabihin mo i-kiss na lang ako" Biro ko.

Binatukan ako ni Kath. Si mama tumawa.


"Nililigawan ka ba ng anak ko?" MA! SIYA? LILIGAWAN KO? Sa tingin niyo ba wala akong taste sa babae?


"Naku...hindi po, hindi talaga" Wagas maka-hindi?

"Kumain na lang kayo ng lunch dito. Babalik pa ba kayo ng school?" Tanong ni mama.

"Ahhh opo" Sabi ko.


"Kath, call me Tita Karla pala"

"Ok po" Smile ni kath.


"Mama, mauna ka na sa baba. May sasabihin lang ako kay kath"

"Sige" Yun lang sinabi ni mama. 


Si Kath hinila ko kaagad sa kwarto ko.

Ni-lock ko yung door kaya si Kath, lumaki yung mata.


"Huy! Anong ginagawa mo? Bakit mo kailangang i-lock yung pinto?" Halatang kinakabahan siya.

"Diba nga papatayin kita?"

"A-ano?" Takot agad?

"Ito naman, hindi mabiro. Joke lang, may sasabihin lang ako"


"Bakit kailangan naka-lock yung door?"

"Si mama kasi bigla biglang pumapasok ng kwarto"

"So? May nililihim ba tayo?" Tanong niya.

"Marami" Bulong ko.

"H-ha? A-ano?"


"Change topic tayo. Gusto ko lang sabihin na pasensya na dahil iniwan kita sa labas. Yan tuloy, sinabihan ka ni mama ng kung ano-ano"

"Ano bang sinabi mo dun kaya biglang nagbago?"

"Sinabi ko na friend talaga kita"

"Yun lang?"


Nag-smile ako sa kanya at nag-leaned para malapit ang mukha ko sa kanya. "Bakit? May iba pa dapat akong sabihin?"

"Wala"


Asus. Dapat kong sabihin kay mama yung ginawa mo Kath kaso ayaw ko ehh.


"Tara na, gutom na ko. Bilisan mong kumain, two hours lang tayo pwede sa labas ng school" Paalala niya sakin.


"Sir yes sir!" Biro ko. Tapos ginawa ko pa yung ginagawa namin tuwing CAT.

"Sir ka diyan! Mam ako! Mam" Sabi niya kaya tumawa kaming dalawa.

"Muka kang sir ehh"


Bumaba na rin kami ni Kath and kumain na kami. Si mama ang daming ikinuwento. After forty minutes, tumayo ako.


"Oh bakit Daniel? Tapos ka na kumain?" Tanong ni mama.

"Opo, kaw kath?" Tanong ko.

"Yup" Tumayo na rin siya. "Ano, tita karla, kailangan na po namin bumalik ng school. May class pa po kami"

"Ah ganun ba? Sige. Nice talking to you Kath, bye. Mag-ingat kayong dalawa" Tumayo din si mama.


Kinuha ko na yung kamay ni kath at naglakad na ko papalabas. Syempre hindi magko-complain si Kath, nandyan si mama ehh.


Nung nasa labas na kami, nakita ko si mama ngumiti sakin tapos tumingin sa kamay namin. Napa-smile tuloy ako at nag-wink.


Tumawa si Mama. Alam na niya ibig sabihin nun...haha.


"Bakit limousine? Nasan kotse mo?" Tanong ni Kath.

"Tinatamad akong mag-drive"


Sumakay na kami sa limousine at agad agad kong binitawan kamay niya.

Pagdating sa school, bigla ko siyang hinila papuntang canteen. Alam ko kasing nandun barkada.


"Huy! Huy! Tigil! Daniel!!" Para siyang nagwawalang bata na hinihila ako para tumigil. Pigil na pigil yung tawa ko nung tumingin ako sa kanya.


"Ano? Nakakabulabog naman sigaw mo" Sabi ko. Buti na lang at walang tao sa hallway kundi kanina pa kami pinagtinginan.


"Bitaw!" Sigaw niya ulit.

"Makulit ka? Naka-glue yan okay?"


"Aish! Trip mo talaga ako! Maghanap ka ng babaeng gustong i-glue ang kamay niya sa mabahong kamay mo"


"Ikaw maghanap" Bulong ko.

"Nakakahalata na ako sayo Daniel, kahapon mo pa minamanyak kamay ko" Sabi niya.

"Minamanyak? Kapal mo"


"Baka magalit si SOFIA MO!" Sigaw ka.

"Takot ka kay Ya?"

"Panget naman ng tawagan niyo. Ya and D. Hahaha" Asar niya. "Bitawan mo na kasi" Hinila niya kamay niya pero hindi niya matanggal kamay ko.


"Tumahimik ka nga, hahalikan talaga kita" Sabi ko.

"OMG! May gusto ka sakin noh? Aminin mo na! Nakakahalata na ko! Hawak ng kamay ko tapos sasabihin na hahalikan ako!"


(-_-) Feelingera talaga ito. Binitawan ko nga kamay niya.


"Hoy Kath, ang hilig mo talagang mangarap noh? Tara na nga" Naglakad na ko papunta ng canteen, siya naman nakasunod lang.

Wahaha. Badtrip yan for sure.


Pagdating dun, buong barkada nakatingin samin with suspicious eyes.

Pinigil ko yung ngiti ko. Kunwari hindi ko alam ang dahilan kung bakit nakangiti sila.


"Kayo ahhh! Sabi na nga ba ehh! May something na!" Asar ni Bea.


"WALA SILANG SOMETHING OKAY? Right D?" Sigaw ni Sofia.

"Right" Bulong ko.


"San kayo galing?" Tanong agad ni Diego.

"Bakit magkasama kayo?" Tanong ni Julia.


"Sa library" Sabi ni Kath.

"Sa bahay" Sabi ko at the same time na nagsalita si Kath.


Isa na yan sa plano ko. Ang sabihin sa kanila na magkasama kami. Ayaw kasi ni kath na ma-involve sa name ko. Sorry siya, gumaganti lang ako.


Lahat sila nag-crossed arms. Hahahahaha. Si Kath inirapan ako.


"May isa sa inyo nagsisinungaling" Sabi ni Zharm.

"Walang nagsisinungaling. Ganito kasi yun, hindi kami magkasama okay? Diba DJ?" Sabi ni Kath.

Tinitigan ko siya. Galing talaga magpalusot.


"Tama. Nasa library siya, nasa bahay ako"

Ang tahimik nilang lahat. Parang nagpra-process pa lang ang utak nila.


"Ahhh" Sabi naman nila.

Umupo na ko diretso sa upuan ko. Si Kath nakatayo pa rin at nakakunot ang noo.


"Upuan ko yan" Sabi niya kay Sofia. Dun kasi nakaupo si Sofia sa seat niya.


"Dito nila ako pinaupo" Sabi naman ni Sofia sabay smile kay kath. Bata talaga ito, nangaasar pa. Naku wag mo ng asarin si Kath. Bwisit na sakin yan, baka mamaya masabunutan ka na niyan.

"Sinong nila?" Tanong ng buong barkada.


Biglang tumayo si Sofia. Natawa ako, halata kasing nagsinungaling siya.

"Saan ako uupo?" Tanong niya.

"Sa tabi ko na lang" Buti na lang maluwang ang table. Kumuha siya ng seat sa kabilang table at itinabi yun sa right ko. Si Kath umupo na sa left ko.


"Kumain na kayo?" Tanong ni Khalil.

"Yup" Sabay kami ni Kath na sumagot.


"Saan ka naman kumain Kath?" Tanong ni Albie.

"Hindi pa ko kumakain, what I mean is busog ako" Galing talaga magsinungaling. Professional.


"Bakit ka ba umuwi Daniel?" Biglang nagsalita si Zharm.

"Kinuha ko lang phone ko---ouch" Si Kath tinapakan paa ko. For sure nainis yan kasi nagpasama pa ko sa kanya para lang kunin cp ko. Hahaha...


"Anyare sayo?"

"Wala" Sagot ko kay Sofia.

Tumambay lang kami dun tapos nag-alisan na rin kami.


Syempre, hindi naman forever na free time. One hour for lunch, one hour for free time lang naman ang patakaran sa school.

Dati walang free time pero nung nag-request ako, naging traditional na yun sa mga schedule namin. Hehehe.


After three hours, time na ni Ms. Maria. May time na magdaldalan ang barkada!


"Free time na lang guys!! Okay ba yun? Basta walang lalabas ng classroom" Tanong niya.

"YAY!!!! Yes mam" Sigaw ng lahat.


Ang barkada lumapit. Yung mga chairs nila pinalibutan tables namin nila Bea at Albie.

Si Sofia sumama din.


"Alam niyo, dapat mag-outing tayo" Suggest ni Zharm.

"Good idea. My beach okay lang? Libre ko lahat" Sabi ko. Bakit ba? Nasa mood ako ngayon ehh.

"May beach ka?" Tanong ni Kath.


"Of course! He's DANIEL PADILLA. Duh" Sagot ni Sofia.

"Duh mo your face. Ikaw ba kausap?" Binara naman agad ni Kath. Nanahimik tuloy si Sofia. Hahaha.


"Okay ako sa suggestion mo DJ, libre lahat ahh" Sabi ni Diego.

"Sure. Mark the date" Sabay smile sa kanila.

"The best ka talaga!" Nag-high five kami ni Albie.

"Sabihan niyo na lang si khalil" Sabi ni Julia. Si Khalil kasi hindi namin classmate sa time na ito.


"Bukas? 3 days tayo. Friday night, Saturday and Sunday evening?" Tanong ni Bea.

"I can't. Family reunion namin sa saturday" Sabi ni Albie.


"Ganito na lang. After ng Mr. and Ms. Padilla University 2012 event. Para kung mananalo ang Kathniel, may reason tayong lahat para payagan sa outing na yun ng mga parents natin" Suggest ni Julia. Talino talaga ng Ms. President ng klase!


"Kathniel?" Nagkasabay kami ni Kath.

"Yup. Kathryn + Daniel. Kathniel! Love team kaya kayo" Nag-smile pa siya.

"Bantot naman nun. Mga pauso mo" Sabi ni Sofia.

I like Kathniel...ang cute pakinggan.


"Ano gusto mo? Sofniel? Eew" Sabi ni Zharm sabay tawa ang peace sign.


(^_^)V

Ganyan itsura niya.


Si Sofia inis na inis. Itsura pa lang halata na.


"Ano agree na kayo?" Sabi ni Julia.

"YES!" Sigaw naming lahat.


Buong klase tumingin samin at nagtawanan ang tropa. Nagkwentuhan na lang kami tungkol sa mga gagawin namin sa outing. Magiging masaya ito!!!!



Kathryn's POV


For the rest of the day, hindi na ko inasar ni Daniel.

Buti naman. At least bumalik na ko sa good mood.


Pero hindi ko talaga siya maintindihan. Mayroon naman siyang SOFIA ANDRES na willing sumama sa kanya sa bahay niya, bakit kailangan ako pa ang kaladkarin? Ang masama pa, CELLPHONE lang pala kukunin niya! Ang dami niyang bodyguards!!! Kainis talaga! At yung hawakan niya kamay ko in front of his mom, GOSH! Sasabog utak ko. Ganun ba talaga siya ka-desperado awayin ako?


Kakatapos lang ng Arts, Sabay-sabay kaming lahat papunta sa parking lot. Hay, uwian na! Sa wakas!

"Kath, pupunta ako kila Bea. I'll help her with girls stuffs na, you know. Wanna go?" Tanong ni Julia.

"Huh? Ayoko"

"Ako sasama!" Todo taas kamay ni Zharm, tumawa tuloy ako.

"Sige sumama ka Z! You do my hair" Sabi ni Bea.


"Hair? Bakit anong meron?" Tanong ni Diego.

"Date" Smile ko kay Diegs. Si Bea binatukan ako. Hahaha...oo nga pala. Ayaw niyang may makaalam tungkol kay Jake.

"Date with who?" Tanong ni Albie.

"Jake Vargas" Sabi ni Julia sabay tawa. Si Bea namumula na!!


"Hoy! Sino yun? Ikaw ahh!" Sabi ni Daniel.

"Pakilala mo naman kami, barkada nga diba?" Sabi ni Khalil.

"Pag kami na okay?" Biro ni Bea. "Halika na nga Julia at Zharm, nahihiya na ko dito ehh!" Sabay hila ni Bea dun sa dalawa.


Kaming anim na naiwan, tawa lang ng tawa.


"D, ano yun? Di ko gets??" Di ko sinasadya na marinig yung bulong ni Sofia kay Daniel nung kumapit siya sa arm ni DJ.


"Pano mo magegets, wala ka naman utak" Bulong ko sa sarili ko. Si DJ tumingin sakin tapos yung mukha niya, halatang pigil na pigil ang tawa. Buti si Sofia hindi ako narinig.


"Ano, wala yun Ya" Sabi ni DJ sa kanya. Guess tinatamad siyang mag-explain.


"Kath, bakit ba nandito ka pa rin? Di ka ba nahihiya sa sarili mo? Hanging out with guys" Sabi bigla sakin ni Sofia. Tapos yung boses niya pa, pa-baby effect. Di naman bagay sa damulag niyang mukha. Ang laki ng problema nito noh? Wala naman akong ginagawa sa kanya.

Yung pagsasalita ko, ginaya ko pa kay Sofia. Yung pa-baby effect.


"Ako? Eh anong ginagawa mo? At least naman ako hanging out lang. Ikaw? Diba nakakapit ka pa sa arms ni DJ. Tapos dun ka pa nakatira sa bahay niya. Kahihiyan sakin? Sayo? Kalan---" Tinapik ako ni Diego. Okay sige. Hindi ko na itutuloy ang sasabihin ko. Ayoko ng away. Si Sofia biglang tinanggal yung pagkakapit niya sa arms ni Daniel.


Si Daniel na-gets atah sasabihin ko kasi tinakpan na niya yung bibig niya to hide his giggles. Parang ewan lang, halata namang tumatawa siya.


"what kalan?" Tanong niya. Okay, nagtanong ka. Ang rude ko naman para hindi sumagot diba?

"KALANdian" Sagot ko. Si Albie, Khalil, Diego at DJ humalakhak na. Hindi napigilan ang mga sarili.

Pasalamat ka Sofia, ganyan lang ganti ko sayo. Kung nandito ang girls, umiyak ka na.


"Kalan-what? What's that?" Tanong niya. Lahat kami tumawa na ng tumawa. Hindi ko na rin kinaya na hindi tumawa ehh..


"WHAT'S FUNNY?" Tanong ni Sofia ulit. Hahahahaha talk to yourself.

"Wala" Tapos tinawag ni DJ yung isa sa mga bodyguards niya. "Uwi nyo na si Ya please"

"huh? Eh ikaw?"

"Sunod ako" Smile ni Daniel.


Walang nagawa si Sofia kundi sumakay sa limousine ni DJ. Parang aso lang na sunod ng sunod sa utos ni DJ


Nung nakaalis na siya, dun pa lang tumigil sa kakatawa si Albie at Diego.


"Kulit mo bestfriend" Sabi ni Khalil.


"Kath, pinagtripan mo na naman yun. Ako kaaway mo diba, bakit naman pati siya?" Tanong ni DJ. 

"Shonga ka? Inaway niya ako, gaganti lang naman ako. Parang tayo, aasarin mo ko, gaganti lang ako"

"Pano mo nga pala nalaman na dun siya nakatira sa bahay?"

"Dinala mo ko dun ehh. Bukas ang kwarto niya, nasilip ko yung picture frame. I assumed na dun siya nakatira"


"WHAT? DINALA KA NI DANIEL SA BAHAY NIYA?" Nanlaki mata namin ni DJ nung sumigaw sila Albie, Khalil at Diego.


Shemay. I'm dead.

Nadulas ako dun ahh. Bwisit!!!


"Wala naman akong sinasabi ahh" Palusot ko. Gosh! Please maniwala naman kayo sakin!

"MERON!" Sabay sabay nilang sinabi tapos nag-crossed arms pa sila.


"Dinala ko siya dun kasi barkada siya. Okay?" Sabi ni Daniel. Baliw! Bakit mo inamin?? T_T

"Bakit siya lang?" Sabay ngiti ni Diego.


"Siya lang nakita ko kanina. Guys, saglit lang talaga kami dun. Sinamahan lang ako ni Kath kunin phone ko okay?" DJ! Bakit ba hindi ka marunong magsinungaling?


"Saglit? One hour kaya kayong nawala" Asar ni Albie. Si Khalil nakatingin lang sakin.

"Traffic" Palusot ko.


"Alam mo, kayong dalawa, okay lang naman kung dinala ka ni DJ sa house niya. Alam naman namin na may something going on between you two" Sabi ni Diego.

"Adik ka Diegs? Naka-drugs?" Yun ang automatic na nasabi ko.


"Asus, ikaw kath ahh. Kaya pala inaaway mo si Sofia, nagseselos ka na pala" Sabay kiliti sakin ni Albie.

"Tumigil nga kayo. Masyado niyong pinapalawak usapan. Umuwi na nga lang tayo" Sabi ni DJ sabay hila ng kamay ko.

"Huy! Huy!" Hinila ko siya para tumigil sa paglalakad.


"Privacy needed? Ayan na! Bye!" Sila Diego at Albie habang hinihila si Khalil palayo sa amin.

"Ano na naman ba? Kamay ko na naman pinagtri-tripan mo!"

"Uwi na tayo"

"May topak ka? Magkaiba ang inuuwian natin. Bakit hindi mo hantayin driver mo, at ako maglalakad na pauwi"


Naglakad na ko palayo sa kanya pero nahabol niya ko.

Tumigil ako at tumigil din siya. Naglakad ako ulit palabas ng gate, expecting DJ na tumigil na pero hindi ehh. Nasa gilid ko pa rin siya, naglalakad din.


"Bahala ka diyan. Basta ako uuwi" Sabi ko sa kanya. Siya naman nag-smile lang.

Tignan natin kung sino susuko satin dalawa.


After 8 minutes, nagtataka pa rin ako kung bakit hindi pa siya natigil maglakad. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.


"Huy, hindi ka ba uuwi sa bahay niyo? Pano mo nga pala natakasan mga bodyguards mo?" Ngayon ko lang kasi narealize na walang sumusunod samin.


"Mga adik yung mga yun. Sabihin mo lang na lumingon sa kaliwa, lilingon nga. Si Sofia ang sinamahan nila kaya walang nakasunod sakin"


"Di ka ba hahanapin ng mama mo?"

"Bakit ka ba nagaalala sakin? Ikaw ahh" He gave me his playful smile. Hindi na uubra sakin yan.

"Ewan ko sayo"


Naglakad na ulit ako, Si DJ naiwan dun. Tawa ng tawa. Buti na lang, malapit na naman bahay ko ehh.


"Whit wew" Narinig kong sabi nung tambay sa kanto.

"Psst sexy!"

"Yummy!"


Sigaw nila. Hindi ko na lang sila tinignan at nagpatuloy maglakad.

Pero bigla akong napatigil. May isa kasing lasing na lalake ang humawak ng wrist ko.


"Dito ka muna" Sabi niya.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko at tumawa silang tatlo. Ano kayang nakakatawa?

"Ano yun? Bitawan? Ayoko nga" Sabi niya ulit.

"BITAW SABI!!!" Hinila ko yung kamay ko pero mahigpit yung pagkakahawak niya.


"Tol, hindi mo ba narinig girlfriend ko, bitaw daw" Nagulat ako nung narinig ko si Daniel. Sumunod pa pala siya sakin?


"Girlfriend? Ikaw boyfriend niya? Ang payatot mo!"

"Oo. Girlfriend ko siya. May problema ka?!"


"Sorry pare pero hiramin ko muna girlfriend mo okay? Boring kasi dito" Sabi nung isang lasingero.


"Pag di mo pa siya binitawan, magigising diwa mo ng di oras o baka naman hindi ka na magising"


Binitawan nga nung lalake yung wrist ko. Shemay, ang sakit ahh! Super higpit nung hawak niya kanina.


"Tinatakot mo ba ko?" Lumapit siya kay DJ. Hinawakan ko kamay ni Daniel at hinila siya palayo "Tara na!"


Nagulat ako nung bigla siyang sinuntok nung isang lasinggero.

O_O


"Daniel!" Napaupo kasi si DJ sa lakas ng suntok nung bwisit na lalakeng yun.

"Ok ka lang?" Tanong ko. WALA BANG IBANG TAO DITO SA KANTO???


Naiiyak ako na natatakot na ewan!

Biglang tumayo si Daniel at tinitigan yung tatlo.


"Malas niyong tatlo, ako sinapak niyo" Yun lang sinabi niya tapos bigla siyang lumapit sa kanila at


*POK*

*PAW!*

*POOM!*


Natulala lang ako. Ano ito? Action movie? Si DJ laban dun sa tatlo?

I just can't believe na napapanuod ko ito.


OMG! OMG! Ano ba gagawin ko? Pano pag binugbog nila si Daniel? Sasabog atah utak ko! 

Tinakpan ko na lang kamay ko para hindi ko siya makitang mabugbog.


"Kath" Nagulat ako nung may humawak sa kamay ko. Dahan-dahan kong binaba kamay ko at nakita ko si Daniel na nakatitig sakin. Shet. Ang lapit ng mukha niya sakin...


Dug. Dug. Dug. Dug.

Anyare sa puso ko?


"Hatid na kita sa bahay mo" Bulong niya or sadyang mahina lang boses niya ngayon. Napatigin ako dun sa mga lalake kanina.


*Jaw-drop*


Huh? Ano? Pano?

Lahat sila nakahiga, tulog. Yung isa may dugo sa ilong.

Automatic involuntary thing na ginawa ko ay hinawakan ko yung pisngi niya.


"Okay ka lang?" Tanong ko. Grabe. Super worried ako!

"Uwi ka na, halika na" Hinawakan niya kamay ko at hinila ako.


Oo nga pala, nahatid na niya ko sa bahay. Alam na niya papunta dun.


Habang naglalakad, nakatitig lang ako sa kanya.

Bakit naman kasing kailangan niya pa gumanti? Aish! Napatingin ako sa kamay namin.

Hawak niya pa rin kamay ko...pero wait lang. Bakit namumula kamay niya?


"DJ" Sabi ko pero hindi siya tumigil maglakad.

Hinayaan ko na lang. Baka napagod?


Pagdating sa bahay, aalis na sana siya kaagad pero hindi ko hinayaang bitawan niya kamay ko.

"Wait lang" Sabi ko sa kanya nung napatingin siya sakin.


Kinuha ko phone ko sa bag at nag-text kay kuya at mama. PLEASE! SANA WALA SILA SA LOOB NG BAHAY!


After two minutes, sumagot na agad sila. Si Mama ang sabi nasa mall. Si kuya naman nasa bahay ni Julia.


Hay...salamat.


Basta-basta ko na lang hinila si DJ papasok ng gate namin at bahay. Di naman siya nag-react.

Pinaupo ko siya sa sofa bago ko bitawan kamay niya.


"Dito ka lang. Wag kang aalis kundi ako uupakan kita" Biro ko pero dali-dali akong umakyat papuntang CR ko. Alam ko kasi na may first-aid kit ako dito.


Tumakbo agad ako pabalik sa Sala. Buti naman nandito siya.

Umupo ako sa tabi niya at nag-start na kong gamutin yung kamay niya. Siguro dahil ito sa pananapak niya dun sa mga yun.


"Di mo naman kailangan gawin yan kath" Sabi niya.

"Huh? Ano ka ba...bayad ko ito sayo. Thank you pala"

"Wala yun. Kung ikaw nasa lugar ko, gagawin mo talaga yun"


"Sana hinayaan mo na lang yung sinapak ka. Hindi ka na sana gumanti. Ayan tuloy, namumula kamay mo. Sorry nga pala dahil nasapak ka dahil sakin"


"Kath, wala ito. Hahayaan ko bang saktan nila kabarkada ko?" Sabay smile sakin.

Napa-smile din ako dun. So considered barkada niya na pala ako?


"Wag mo na uulitin yun. Masasaktan ka lang"

"Kath, uulitin at uulitin ko yun kung kailangan. Besides pinagtanggol lang naman kita dahil ayokong masaktan ka nila"

"Huh? Ano?" Tama ba pagkakarinig ko? Ayaw niya ko masaktan?


"Oo. Ako lang ang may karapatan saktan ka...in a good way. I mean, pangaasar lang, pangbwi-bwisit pero puso mo, di ko kayang saktan---aray" Binatukan ko nga.


"Bumabanat ka pa!"

"Ang brutal mo talaga noh?"

^_^


Nawala agad ngiti ko nung nakita kong may sugat yung lower lip niya. May dugo pa nga ehh.

Siguro yan yung result nung pagkakasapak niya.


Pinunasan ko yung lower lip niya and nagulat atah siya dahil bigla niyang hinawakan kamay ko.

Napatitig tuloy ako sa mata niya.


Bakit ganun siya makatingin sakin? Ang...strange.


Tumingin siya sa lower lip ko tapos sa mata ko ulit. Tapos inulit niya yun pero this time, naiwan yung titig niya sa lips ko.


Dug...dug...dug...dug...dug...


Bakit mas lalong bumibilis tibok ng puso ko. Ano ito? May kabayo?

Tapos unti-unting lumapit yung mukha niya sakin....


"Ehem" Napatayo ako bigla nung nakita ko si Kuya neil naka-crossed arms with Julia and ate yen.


Napatingin ako kay DJ na expressionless ang face tapos kay kuya neil na ganun din. Kay Julia at Ate yen na gulat na gulat.


HHHHEEEEEEEEEEELLLLLPPPPPPPPPP!

T_T

Continue Reading

You'll Also Like

253K 17.2K 82
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.3K 228 5
Paano kung ang kapalit ng pananatili ay ang iniingatan mong kalayaan, susugal ka kaya? Started: February 14, 2023 End: July 22, 2023 Under Revision:...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...