Sentry

By fbbryant

351K 15.2K 1.8K

Nang mamatay ang kinikilalang ama ni Rifka ay napilitan siyang umalis sa bayan kung saan siya lumaki ayun na... More

Foreword
1- Rifka
2- Safe Walls
3- Monster
4- Blood Sword
5- The Last of the Clan
6- SeBiAe (1)
7-SeBiAe (2)
8- Troublemaker Gaius Kühn
9- She's Found
10- Evening Activities
11- Gaius' Payment
12- The Visitors
13- Hunting Week
14- Silver Eyes
15- SA Vs Witches Vs Vampires
16- Blood and Pleasure
17- The Past Is Back
18- Party
19- Useless
20- Shoulders To Cry On
21- Friends
22- The Third Party
23- Cratus
24- Blood Moon Child
25- Rifka on Rampage
26- Villains
27- Change of Heart
28- Second Chance
29- Dinner
30- Two Poisons
31- Broken Heart and Soul
32- Bulletproof Heart
33- Lull Before the Storm
34- The Storm... Murder
36- The Storm... Courage
37- The Storm... Curse
38- Out for Blood
39- Bittersweet Victory
Epilogue
Note

35- The Storm... Regrets

6.7K 304 53
By fbbryant

"We, the International Senate of Purebloods,  find the defendant, Juliana Loretha Kuhn, guilty for the charge of conspiracy to commit murder and felony murder," anunsyo ng isang babaeng Pureblood na mukhang kagalang-galang pagkatapos ng isang linggong paglilitis.

"Mrs. Kühn, you will be executed by beheading two days from now at exactly three o'clock in the afternoon in the courtyard of the Gerhardt manor," Lorcan Gerhardt struck his gavel indicating that the trial was finished and everyone stood up except Forrest, Gaius and Damian.

Nakatingin ang tatlo sa babaeng nakaupo sa gitna ng courtroom. Blangko ang mukha ni Juliana Kühn at hindi iyun kakikitaan ng kahit na anong pagsisisi.

Naramdaman ni Gaius ang pagyugyog ng balikat ng kanyang nakakatandang kapatid, palatandaan na umiiyak ito ng tahimik, kaya napayuko na rin siya. Masakit din sa kanya ang nangyayari. Kahit na anong mangyari ay ina pa rin niya ito. Baligtarin man ang mundo, hinding-hindi magbabago ang katotohanang iyun.

Pero bilang isang future Sentry, kailangan niyang patigasin ang kanyang puso. Isang capital crime ang nagawa ng kanyang ina. Dapat itong managot. At higit sa lahat, mas mabigat ang krimeng pagpatay ng mortal kumpara sa pagpatay ng mga kapwa nila bampira. Kung tutuusin, dapat apat na beses na pugutan ng ulo ang kanyang ina para sa apat na mga biktima nito.

At hindi nila alam kung 'yun lang ang mga pinatay nito. Baka may iba pa para lang makamit nito ang kapangyarihang hinangad nito. Para yumaman ito.

Nilingon ni Gaius ang kanyang ama na nakaupo sa gitna nila ni Forrest nang walang salita na niyakap nito ang nakakatanda niyang kapatid na siyang mas nasaktan kumpara sa kanya.

"Hindi ako makapaniwala," mahinang sambit ni Forrest.

Huminga ng malalim si Gaius saka sinundan ng tingin ang kanilang ina na dinala na ng mga Sentry papunta sa kulungan nito kung saan ito maghihintay ng parusa nito.

"Nasaan si Auberon?" halos pabulong na tanong ni Damian. 

Isa nanamang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Gaius. Isa pa 'yun sa mga problema niya. 

"I had to send her to a psychiatric ward for vampires here in Graviville. She tried to kill herself ten times just within this week," sagot niya sa ama. "Hindi rin niya magawang kumalma without a calming spell."

"Alagaan mo siya, Gaius. She's in a very vulnerbale state right now," ani Damian bago tiningnan si Forrest. "How about you, son? Do you need any professional help?"

Umiling naman ito agad. "Ilang linggo kong pinag-isipan ang lahat. I know I made the right decision, Dad. Ilang inosenteng buhay na ang nasira ni Mom at alam kong hindi siya titigil kung walang pipigil sa kanya."

Despite all this, masaya na rin si Gaius habang nakatingin sa kanyang ama at kapatid na nagkaayos na rin sa wakas. 

Tumayo na siya habang inaayos ang suot na jacket ng kanyang itim na suit. He was not wearing a tie pero hindi pa rin siya komportable sa suot.

"Saan ka pupunta?" nag-angat ng tingin sa kanya si Forrest.

"Pupuntahan ko lang ang mga kaibigan ko. I'm sure they're waiting for me outside," aniya saka sinulyapan ang babaeng papalapit sa kanila.

Napatingin din d'on si Forrest kaya agad itong napatayo nang namumutla.

"Saide, hija," si Damian ang unang sumalubong sa babaeng nakasuot ng garb at may nakasabit na Zayin sa likod nito.

"Ayusin mo 'yan," tinapik ni Gaius ang balikat ni Forrest bago lumabas ng courtroom.

Nadatnan niya na nakatayo malapit sa pintuan sina Tiana, Deus, Cole, Quinn at Erick. Tulad ng nakasanayan niya ay masama ang tingin ng dalawang babae sa isa't isa habang ang mga lalaki ay tila walang pakialam na nag-uusap.

Si Deus ang unang nakapansin sa kanya kaya agad itong lumapit. "Are you okay?" nag-aalala nitong tanong at tumango naman siya.

"Kulang yata kayo," komento niya.

"Ah. Bumalik nanaman si Malik sa Hellville kaninang madaling-araw. Nagkaproblema nanaman sila kaya hindi nakadalo ang mga parents namin."

Hindi si Malik ang hinahanap niya pero agad naman siyang nag-alala para sa makulit nilang kaibigan.

"Napapadalas na yata ang problema niya sa pamilya niya. Ano ba talaga ang nangyayari?"

"Well, alam mo naman na nagseselos 'yung si Malik sa kapatid niyang si Adam dahil ito ang lageng binibigyan ng atensyon ng mga magulang nila."

"Yes. I heard about that. Malik wouldn't stop whining about that issue last year. So what happened?"

"N'ong umuwi siya last time, n'ong naglasing siya pagbalik dito, saka lang niya nalaman n'on na nakuha ni Adam ang lahat ng kapangyarihan nina Tita Nadine at Tito Matteo at hindi nito kayang kontrolin ang lahat ng 'yun."

"Adamson is what, ten? Eleven?"

"Twelve," sagot ni Deus.

"He has time to control all his powers. Masyado pa siyang bata."

"Yun na nga ang problema. Masyado pa siyang bata para sa masyadong malakas na kapangyarihan. Malik blamed himself for focusing on his jealousy instead of helping his brother out."

"At ngayon ay may problema nanaman sila?"

Tumango si Deus. "Balak ni Cole na pumuntang Hellville bukas para tumulong."

"How about you and Tiana?"

"Hindi ka namin pwedeng iwanan lalo na ngayon. Isa pa, kailangan din nating tulungan si Rifka. Kailangan niya tayo."

Naramdaman ni Gaius ang biglang pagtalon ng kanyang puso nang marinig ang pangalan ng dalaga. Sa loob ng linggong iyun, hindi niya ito masyadong nakausap dahil sa problema niya sa kanyang pamilya kaya hindi siya updated sa mga nangyayari rito.

Nangako naman siya sa sarili na ito naman ang atupagin pagkatapos ng lahat ng tungkol sa kanyang problema sa ina at mga kapatid.

"Where is she anyway? Hindi siya dumalo kahit isang beses sa paglilitis," tanong niya kay Deus.

"Nasa dorm room lang nila, lageng kausap si Beynish. They're formulating a plan on how to save Atira."

Huminga ng malalim si Gaius. Ayaw niyang magkita uli sina Rifka at Atira dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag ito ang pinili ng babae. Pero nangako siyang tutulong siya na iligtas ang lalaking hindi naman niya kilala. Para sa babaeng mahal niya. Kung hindi siya pipiliin ni Rifka ay wala siyang magagawa. 

Tutuparin na lang niya ang pangako niya para sumaya ito. 

"Anyways, nakita mo ba si Sophia kanina sa courtroom?" biglang tanong ni Deus kaya tiningnan niya ang kaibigan. 

"Why are you looking for her?"

Nagkibit ito ng mga balikat. "Nag-aalala lang naman ako. Her parents just died. Mag-isa na lang siya. Baka ano pang gawin n'on. Alam mo namang may pagka-Tiana ang ugali n'on."

Gustong matawa ni Gaius sa sinabi nito pero agad niyang pinigilan ang sarili niya nang makitang nakataas-kilay na nilingon sila ni Tiana.

"FYI, kambal, hindi ko kaugali 'yung Sophia Falls na 'yun," singhal ni Tiana. 

"Bakit kaya ang dami mong kaaway, Tatiana? Gan'on ba kasama ang ugali mo?" sabad ni Quinn.

"Bakit kaya ang pangit mo, Quintina? Bakit ka nag-e-exist?" ganti naman ni Tiana.

Napailing na lang ang mga lalaki. Ang petty kasi ng dalawa. Sanay na sila sa mga ito.

"Pupuntahan ko si Rifka sa academy. Kailangan ko s'yang tulungan. I promised," ani Gaius na hindi na pinansin ang bangayan ng dalawang babae.

"Bro," hinawakan ni Deus ang kanyang kanang braso, "paano kung si Atira ang piliin niya?"

Nalaglag ang mga balikat ni Gaius. Alam naman niyang malaki ang posibilidad na iyun nga ang mangyayari. "I should accept it, shouldn't I? Besides, we're not in a relationship. She can love whoever her heart tells her to love," aniya at tinalikuran na ang kaibigan.

Helping Rifka was enough for him to be happy.

---

Parehong kabado sina Rifka at Beynish habang hinihintay ang pagdala kay Neschume sa opisina ni Director Brisbois. Sa wakas ay pumayag ito na makausap nila ang kaibigan.

Hinawakan ni Rifka ang mga kamay ng katabing kaibigan na kanina namumutla.

Nang nakarinig sila ng mahihinang katok ay sabay na napatayo ang dalawa.

"Pasok," sabi ng director at kasunod n'on ay ang pagbukas ng pinto ng opisina nito.

Unang pumasok ang isang Sentry at halos pigilan nina Rifka at Beynish ang kanilang hininga habang hinihintay ang pagpasok ng kanilang kaibigan.

Napasinghap ang lalaki nang sa wakas ay makita ang babaeng inakala nito ay pakakasalan nito balang-araw pero nauwi sa pagtataksil ang lahat.

"B-Beynish..." hindi makapaniwalang sambit ni Neschume nang makita ang lalaki. She was pale, thin and weak.

"B-Bakit mo ginawa 'yun?" 'yun ang unang lumabas sa bibig ni Beynish. Puno ng hinanakit ang boses nito habang nakatingin sa babae.

"Sana mapatawad ninyo ako. Ginawa ko lang 'yun para sa pamilya ko. Please tulungan ninyo sila. Hindi ko na magagawa 'yun," nagsimula nang tumulo ang mga luha nito.

"Your family betrayed all of us, Neschume. Dahil sa pagtatraydor ninyo, nawalan ako ng pamilya," singhal ni Beynish ngunit umiiyak na rin ito.

Maging si Rifka ay nasasaktan sa nangyayari. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya na mangyayari ito sa kanilang magkakaibigan.

Nakikita niya ang pagmamahal sa mga mata ng isa't isa pero mas nanaig ang sakit na nakikita niya kay Beynish.

"Patawarin ninyo ako. Mahal na mahal ko kayo," humahagulhol na sabi ni Neschume.

"Wag ka nang magsinungaling pa, Neschume."

"Hindi ako nagsisinungaling, Beynish. Mahal ko kayo nina Rifka at Atira."

"You're a liar," kuyom ang palad na sagot ni Beynish.

"I'm sorry," anito at bago pa man sila makakilos ay nakuha na ni Neschume ang isang wooden stake na nakasabit sa weapons belt ng Sentry na nasa gilid nito at mabilis iyung naibaon ng babae sa dibdib nito.

Sa puso nito.

Hindi nakakilos sina Rifka at Beynish. Natuod sila sa kanilang kinatatayuan na para bang bigla silang nanigas.

"Save her!"  nagising na lang sila dahil sa malakas na sigaw ni Director Brisbois na kanina lang ay nakaupo sa swivel chair nito pero ngayon ay nakaluhod na sa tabi ni Neschume na nakahiga sa sahig.

"Neschume!" biglang sigaw ni Beynish at mabilis na lumapit sa babae. "Neschume! Neschume, gumising ka!"

Hindi sumagot ang babae. Dilat na dilat ang mga mata nitong tinakasan na ng emosyon.

Dahan-dahang bumagsak paluhod si Rifka nang pumasok sa sistema niya ang nangyari.

"Neschume, bakit mo ginawa 'to?" nanghihina niyang tanong sa naghihingalong kaibigan.

A vampire with a wooden stake on its' heart was beyond repair. Ito ang pinaka-deadly na weapon para sa puso nila. Simple but lethal.

"I'm... I'm s-sorry, Rifka. Hindi na k-kita kayang harapin pagkatapos ng g-ginawa ko... Patawarin mo ako. I hate myself for what I d-did."

Napahagulhol si Rifka dahil sa narinig. Totoong nasaktan siya sa ginawa ni Neschume pero hindi nawala ang pagmamahal niya rito.

"B-Beynish," sa lalaki naman humarap si Neschume. "Patawarin mo ako. D-Dahil sa pamilya ko namatay ang mga...m-mahal mo sa buhay. I'm sor...ry..."

"Stop talking. Please save your enerygy," mahinang bulong ni Beynish sa babae saka ito niyakap.

"P-Patawarin n'yo ako. Mahal na m-mahal ko kayo. L-Lalo ka na Beynish," masaganang tumulo ang mga luha ni Neschume at dahan-dahan iniangat ang kamay upang hawakan ang pisngi ng lalaki.

Humagulhol si Beynish habang nakapikit at dinadama ang kamay ni Neschume. "Bakit mo 'to ginawa?"

"Hindi na k-kaya ng k-konsensya ko. M-Masyado ko na kayong n-nasasaktan. S-Sana mapatawad n'yo rin ang pamilya ko," pahina nang pahina ang boses ni Neschume kaya pasikip nang pasikip ang dibdib ni Rifka at alam niyang gan'on din si Beynish.

"Sshh. Be at peace now. Mahal na mahal kita," bulong ng binata sa babae na dahan-dahang ngumiti.

"S-Salamat sa inyo," huling sabi nito bago ito humugot ng isang malalim na hininga.

Her last breath.

Wala na itong buhay.

Walang nagawa sina Rifka at Beynish kundi ang humagulhol ng iyak habang nakatingin sa kanilang kababata na hindi nakayanan ang mga problema.

Naisip ni Rifka na sana ay hindi ito ginawa ni Neschume. Masyado itong duwag. Kahit na wala na ito ay hindi naman mababago ang kasalanang ginawa nito. Hindi nawawala ang kanilang problema.

Kahit kailan ay hindi sagot ang pagpapakamatay sa anumang problema, maliit man 'yan o malaki.

Isa lang ang pwedeng gawin kung may problema. Iyun ay ang harapin iyun kahit na nakakatakot at hanapan ng solusyon hanggang sa tuluyang mawala ang problemang iyun.

Hindi ang iwanan ito sa kamay ng ibang tao.

She loved Neschume like a sister but she hated her for being a coward. For not being able to face her problems.

Hinayaan na lamang niyang umiyak ang kanyang sarili dahil sa sakit na nararamdaman.

"What the...?" 

Nag-angat ng tingin si Rifka nang makita sa nakabukas na pintuan ang gulat na si Gaius at agad na hinanap nito ang kanyang mga mata.

"Rifka..." agad siya nitong nilapitan saka lumuhod ito sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit kaya mas lumala pa tuloy ang kanyang pag-iyak.

She felt like her old life was crumbling down right before her eyes and she was too inadequate to do something about it.

Can she fix all this?

***

Facebook: immrsbryant

Twitter: immrsbryant_WP

Instagram: immrsbryant_wp

immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

167K 5.7K 55
She lived a normal life for 18 years. Until one day, she discovered that she's different from everyone around her. That she's a Mermaid and she has...
166K 10.3K 54
[ WATTYS 2021 WINNER | Fantasy ] [ TALE #1 ] Noong siya ay musmos pa lamang, laging kinukuwentuhan ng kaniyang ina si Yuyami tungkol sa isang mundong...
8.4M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
52.5K 1.4K 34
Isang kakaibang babae na napadpad sa isang kakaibang mundo -paano kaya niya haharapin ang pagsubok na ito?