경쟁 | Me And My Rival

By Mr_JaeTee_

18 4 3

A story about a schoolboy, Park Ji Sung, who struggles with his feelings of inadequacy and tries to rationali... More

경쟁 | Me and My Rival - 소개
경쟁 | Me and My Rival - 프롤로그

경쟁 | Me and My Rival - 1장

5 1 1
By Mr_JaeTee_

경쟁 | Me and My Rival  - 1장

Park Ji Sung's POV✏

May ilang oras din kaming nagbyahe ni Papa para makarating sa bago naming titirahan. Isang simpleng lugar dito sa may Seoul.

Maraming mga gaya namin dito na simple lang ang pamumuhay. Sa totoo lang kapag tinignan mo ang lugar at mga kapitbahay dito ay puro simple lang sila. Walang mansyon walang magagarang kotse o kung ano pa man.

Mababait naman lahat ng kapitbahay namin at wala naman banta sa seguridad. Sa di kalayuan ay may police station kaya siguradong maayos ang lugar na ito.

Bike lang ang ginagamit ng mga tao dito na paraan ng transportasyon papunta sa market at sa kung saan paman.

Maganda rin ang tanawin kasi nasa 3rd floor kami nakatira. Kinuha iyon ni Papa kasi libre ang renta sa balkunahe kaya mas maayos ito kumpara sa dati naming tinirahan.

Malinis ang paligid at nagkakamustahan ang mga tao dito. Para bang welcome na welcome ka dito. Di mo mararamdaman na may kani kaniyang pamilya ang mga nakatira dito kasi parang magkakapamilya ang lahat ng mga tiga rito.

Paglipat namin ay sinalubong kami ng mga kapitbahay namin at naghanda sila ng simpleng mga pagkain para sa house warming daw at house blessing.

Sa isip isip ko eh as if naman na tatagal kami dito.

Kung ako lang ang tatanungin ay gusto ko na magstay dito pero di naman sakin nakasalalay ang mga desisyon. Alam nyo na si Papa ang nagdedeaisyon samin.

"Anak dalawa ang kwarto sa apartment na ito kaya dun ka sa isa ako naman dun sa isa" si Papa yan matapos nyang itambak ang mga gamit ko sa magiging kwarto ko

"Ganun po ba? Ayos lang naman po sakin kahit sa sofa na lang ako"

Di naman sa gusto kong matulog sa sofa, binibiro ko lang si Papa

"Mamaya na tayo magayos at lumabas muna tayo. Nakakahiya sa mga kapitbahay natin kasi ipinaghanda tayo ng pagkain" sabi ni Papa

"Pa, sigurado kang di mo sila sinabihan na ipaghanda tayo?" Tanong ko

Minsan kasi si Papa feeling close sa mga tao. Madami na din syang nauto dahil sa bait baitan nya.

"Di ko rin inaasahan yan anak. Nagulat na lang ako at may pakain si Mayor"

"Pakain si Mayor? Pa, ang Mayor ng lungsod na iti ang nagpakain?"

"Biro lang. Expression nila yan dito. Kaya masanay ka na. Madalas kasi sila magsalo salo dito. Magaambag sila tapos ayun. Ganun sila kabait dito kaya anak dito na tayo titira"

"Pa..narinig ko na yan. Di naman ako umaasa na magtatagal tayo dito"

"Ah basta maniwala ka na lang sa Papa mo"

At yun nga napailing na lang ako kasi alam ko naman na di totoo yung sinabi nya. Pero ano pa nga ba ang pwede kong gawin bukod sa ipagkibit balikat na lang yung sinabi nya? Wala.. kaya oo na lang.

Matapos namin magpalit ng damit ay lumabas na kami para sa salo salo. May lugar kasi dito sa building na tinitiran namin na parang function hall. Kaya pwedeng maghanda o magsalo salo yung mga tao.

Pagdatin namin sa function hall nakita ko na ang mga bagi naming kapitbahay. Iba iba ang itsura nila at napakaingay dito.

Madaming kwentuhan at may music pa.

Sabi nga nila.. may pa music si Mayor.

Unang pumasok si Papa at sumunod ako sa kanya. Nasa likuran lang nya ako kaai nahihiya ako sa mga bagong kapitbahah namin.

Ang totoo ay mahiyain talaga ako kaya di ako madalas sumama sa mga party. Mas okey pa sakin ang magkulong sa bahay kesa makipagparty.

Ang lahat ay nagpakilala samin. Kinamayan din nila si Papa tanda ng pagwelcome sa amin.

Damang dama ko ang warm welcome nila sa amin.

"Anak mo ba ang gwapong batang ito Mi Sung?" Tanong ng isang kapitbahay kay Papa

"Oo anak ko yan. Bukod sa gwapo na matalino pa yan" buong pagmamalaki akong ipinapakilala ni Papa sa kanila

"Nako naman bukod sa gwapo ka na ay matalino ka pa. Buti ka pa. Yung anak ko kasi gwapo lang" sabi nung bagong kapitbahay

Kailangan ikumpara nya yung anak nya sakin? Di naman yata kailangan gawin na yun. Pero aaminin ko mejo lumalaki ang ulo ko dahil sa mga sinabi nya. Sabi nya kasi gwapo daw ako at matalino.

"Bakit Mrs. Kim? Ilang taon na ba yung anak mo?" Si Papa yan mukang naging interesado sya sa anak ni Mrs. Kim. Parang naiisip ko na ang tumatakbo sa isip nya ngayon sakaling malaman nya na magka edad lang kami ng anak ni Mrs. Kim.

Hulaan ko, sasabihin nya na makipagkaibigan ako sa anak ni Mrs. Kim para magkaroon ako ng social life.

"Seventeen na sya. Mag-e-eighteen na sya next next month" - Mrs. Lim

"Aba akalain mo yun. Parehas sila ng edad nitong si Ji Sung ko. Nagaaral pa ba sya?" - si Papa yan

"Oo naman. Kaya lang di sya magaling sa klase at lagi akong pinapatawag sa school kasi nagbubulakbol sya madalas" - Mrs. Kim

"Nako ganun ba? Saan ba sya pumapasok na school?" - Papa

"Sa Seoul University. Kahit bulakbol yun nakapasa naman sya sa entrance exam" - Mrs. Kim

"Oh pagkakataon nga naman. Dun din papasok itong si Ji Sung ko" - Papa

Sa mga oras na ito mukhang tama talaga ako ng hinala. Antayin natin ang magiging usapan nila. (-___-)

"Nako..nako.. magandang pagkakataon ito. Ji Sungahhh.. pwede ba kaibiganin mo ang anak ko tapos tulungan mo sya sa school? Akong bahala sa baon mo araw araw. Pwede nga ituring mo na akong tunay mong Mama. Kung gusto mo samin ka na tumira at iwan mo na yang Papa mo. Haha.. biro lang" -Mrs. Kim

"Anak, ayos lang yan. Para kapag nasa trabaho ako ay kila Mrs. Kim ka muna tumuloy para di ka magisa sa bahay. Tutal nasa kabilang pinto lang naman ang bahay nila Mrs. Lim" si Papa yan. Matapos nyang sabihin yan eh may beautiful eyes effect ang mga mata nya.

Kung tutuusin pabor din naman sakin ang lahat ng sinabi ni Mrs. Lim. Una, libreng baon araw araw. Pangalawa, magkakaroon ako ng kaibigan. Pangatlo, makakaramdam ako ng kalinga ng isang ina.

Ang sabi ni Mrs. Kim ay isa lang syang magpalaki sa anak nya. Baliktad kami nung anak nya. Kung ako si Papa ang kasama ko, sya naman ay ang Mama nya ang kasama nya.

"Wag kang mag-alala Ji Sung. Kahit laging tumatakas ang anak ko sa school ay mabait naman yun at palakaibigan. Sigurado akong magkakasundo kayo nun." Dagdag pa ni Mrs. Kim

"Wala naman pong problema sa akin Mrs. Kim. Sa totoo nga po nyan ay sobra sobrang pabor ang ibinibigay nyo. Kaya sino po ba ako para tumangi?" Sabi ko

"Nako bukod sa gwapo ka na at matalino, magaling ka pa magsalita. Sigurado akong marami kang mapapaiyak nyan" - Mrs. Kim

"Nako wala po yan sa isip ko. Gusto ko po maging milyunaryo. Yung girlfriend girlfriend wala po yan sa isip ko" paliwanag ko

Totoo naman kaai na wala sa isip ko ang mga ganung bagay. Di ko lang siguro nakikita ang sarili ko na may isang pamilya. Saka di ko pa din kasi nararanasan yung slow mo effect kapag may dumadaan na mga babae. Kaya wala akong interes sa mga ganun.

[A|N]
Talaga lang ha Ji Sung.. well di kita masisi. May kanya kanya tayong priorities sa buhay. Tama ka naman dapat unahin ang magpayaman kesa kung ano paman. Hehe..

"Ay ganun ba? Ayos yan matalino ka talaga. Pero deal na tayo ah?" - Mrs. Kim

"Opo" maigsi kong sagot

"Yan anak di na ako mamomroblema kapag nasa trabaho ako. May magbabantay na sa iyo" si Papa

"Di naman po ako kailangan bantayan" sagot ko

"Ano ka bang hindi.. basta kundi sa bahay natin eh sa bahay ka lang ni Mrs. Kim maglalagi" utos ni Papa

"Opo" sagot ko

"Good boy ka talaga. Kaya naman love na love kita eh" si Papa

"Masusuka na ba ako Papa?" Pangaasar ko

"Eto minsan lang ako naging korny anak eh binasag mo pa" si Papa

"Ang saya nyo namang mag-ama. Parang kami lang ng anak ko" Mrs. Kim

"Teka Mrs. Kim nasan na pi ba ang anak nyo?" Si Papa

"Pumasok eh mamaya pa ang dating. Buti nga napilit kong pumasok kanina kundi magbubulakbol nanaman yun" Mrs. Kim

"Ah.. Mrs. Kim ano po ang pangalan ng anak nyo?" Tanong ko

"Ahh wag mo na akong tawaging Mrs. Kim masyadong pormal. Tita na lang. Saka ang pangalan ng anak ko ay si Kim Chan Yeol." Mrs. Kim

"Ahh Kim Chan Yeol.. Chan Yeol.. teka? Classmate po kami. Narinig ko po kasi yang pangalan na yan na tinatawag ng home room teacher ng papasukan kong school. Minsan po kasi pumunta kami ni Papa sa school na yun para asikasuhin yung pagtransfer ko" sabi ko

"Nako.. nako.. mukhang itinadhana talaga na maging close ang pamilya natin. Tignan mo yan magclassmate pala kayo ni Chan Yeol ko.." sabi ni Mrs. Kim sabay ngiti

"Aba akalain mo nga naman. Ang galing talaga. Tara na at kumain baka maubusan pa tayo" si Papa yan

Wala pa kaso kaming kain kaninang umaga simula ng maglipat kami dito kaya naiintindihan ko sya. Kahit ako din naman ay gutom na. Kaya kumain kami at nakipagkwentuhan sa kanila hangang maubos namin ang mga pagkain at inumin na inihanda nila.

Sobrang saya lang dito sa lugar na ito. Sana talaga manatili na kami dito at wag ng umalis pa.

Kim Chan Yeol's POV✏

"Hays.. kaya ayoko magtagal dito sa school eh. Lagi na lang ako pinagtitinginan ng mga babae. Di ko naman kasalanan maging gwapo pero dapat minsan tigilan nila ako. Kulang na lang kasi malusaw ako sa mga tingin nila."

Nasa school ako ngayon at inaantay na maguwian. Lagi na lang ganito ang sinasapit ko. Kundi may magbibigay ng chocolate sa akin o kaya ay stuff toys eh may magcoconfess sakin na crush daw nila ako.

Dapat kasi di na lang ako sumali sa Teen King competition eh para di ko dinadanas ang ganitong atensyon ngayon.

Di naman sa ayoko ng atensyon pero masyado kasing malaking atensyon ang nakukuha ko. Idagdag mo pa dyan yung mga pictures ko na nagkalat sa buong school kasi ako yung napiling ambasador ng school namin. Pilit ko yung tinangihan pero wala din akong nagawa.

Kaya eto ako ngayon magulo ang buhay middle school.

Ako nga pala ai Kim Chan Yeol. Mabait, matulungin, at may pagka Mama's boy. Simula bata kasi si mama na ang nagpalaki sa akin kaya naman naging mama's boy ako. Aminado naman ako dun pero yung nasa tamang level lang ng pagkamama's boy. 

Sa totoo lang tingin ko di naman ako mama's boy kaai nakakapagdesisyon naman ako. Sa tingin ko ay mahal ko lang talaga ang mama ko.

Bukod sa mabait at matulungin at mama's boy, syempre biniyayaan din ako ng looks. Matangkad ako at maputi. Sabi nila sing puti ako ako asukal. Sing puti lang pero di sing tamis.

Ayoko ng mga sweets. Ayoko kasing masira ang almost perfect kong ngipin kaya iniiwasan ko na kumain ng mga sweets. Wag mo akong hushagan kasi paano na lang kung nagkasira ako sa ngipin? Pano ko na lang ibibigay ang killer smile ko? Di ba? May punto ako dun?

[A|N]
May aircon ako sa room ko pero di nakapaandar pero parang sobrang hangin yata nagyon? Ramdam nyo rin ba? ^__^

Pero hindi lahat ay ibibigay sa atin ng Diyos. Sigurado ako diyan kasi may looks nga ako pero average IQ lang ang meron ako. Minsan sa frustration ko sabi ko sa sarili ko sana naging matalino na lang ako at hindi gwapo. Mahirap kasi maging gwapo. Hehe biro lang..

Maya maya pa ay natapos na ang pagtuturo nung korean language teacher namin. Kahit korean kami ay hirap pa din kami sa Hangul alam nyo ba yun? Bigla na lang umingay at may kani kaniya na silang pinaguusapan.

Ako naman ay ayokong makipagusap ngayon kasi wala ako sa mood at gusto ko na talaga umuwi. Pero may ilan kasi akong kaklase na malalakas makipagusap. Ayun naririnig ko tuloy sila magchosmisan.

"Yah! Narinig mo na ba ang chismis?" Kalase ko yan. Ang number one chismosa sa year level namin. Walang di sya alam sa mga chismis. Sa makatuwid lagi syang updated sa mga trending chismis sa school.

"Alin yung tungkol sa dalwang transferee?" Kaibigan nya yang nagsasalita. Isa pa ding chismosa

"Oo. Yung isa sobrang talino daw. Tapos yung isa bukod sa sobrang talino na, gwapo na at mayaman pa" kaklase ko pa din yan

"Ohh.. mas gwapo pa kay Oppa chan Yeol? " kaklse ko yan na member ng fan club ko.

Oo meron akong fan club sa school. Nagulat na nga lang ako bigla na lang lumitaw yung fan club na yun at meron silang website kung saan nandun lahat ng update ko mapa social media or school matters.

"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa din nakita. Pero ang sabi magkasing gwapo sila"

"Ay ganun ba? Sana lahat ng kaklase nating boys ay gwapo. Kaso hindi eh. Paano ka gaganahan magaral nun di ba?"

Dalawa lang silang naguusap nyan pero halos lahat ng classmates namin ay naririnig silang magusap at magchismisan.

"Ah basta kay Chan Yeol pa din ako"

"Basta kapag mas gwapo yun wag kang lilipat ng bias mo ah"

"Oo naman"

Aba akalain mo nga naman. Loyal fan pala sya oh.. di ko ineexpect yung sagot nya ah. Yung iba kasi makakita lang ng mas gwapo sa lalaki ipagpapalit na nila yung bias nila.

Tuloy pa din sila sa pagchichismisan ng biglang tumayo ang class representative namin at may inanusyo sya.

"Classmates makinig kayong lahat. Sandali lang ito. Napagutusan lang ako ng adviser natin para sabihin ito sa inyong lahat. Una, may dalwa tayong bagong classmate na sasamahan tayo simula bukas hangang sa matapos ang school year. Magpapakilala sila bukas sa atin. Pangalawa, dismissed na tayo kask naka leave ang susunod nating prof. Pumirma na lang tayo ng attendace tapos pwede na tayong makauwi. Yun lang at salamat" class representative namin yan. Sya si Min Byeol.

"Wooh!!" Sigawan sila. Mas lalong umingay ngayon dahil sa announcement na pwede na kaming umuwi.

Matapos naming pumirma ng attendance ay nagpasya na akong umuwi. Wala akong masyadong sinasamahan na mga classmates kasi baka isipin ng fan club ko ay may favoritism ako. Kaya mas minabuti ko na lang na wag ng makipagkaibigan.

[A|N]
Don't you worry my dear chan yeol. Papararing na yung mga bago nyong kaklase kaya sa ayaw mo at sa gusto makikipagkaibigan ka sa isa sa kanila. Saka naka plano na ang Mama mo pati si Ji Sung...hahaha


Continue Reading

You'll Also Like

63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
473K 15.7K 44
Rival Series 1 -Completed-