Kasalukuyan akong kumakain sa dining room namin. Nakakapanibago nga eh. Wala kasi si mom. Si Baby Drew naman, natutulog pa. Si dad, nasa states pa rin. Kaya mag-isa lang tuloy ako.
Dati kapag wala akong makakasabay, bigla-biglang dumadating si Andrei out of nowhere. Ngayon ay wala nang dadating na Andrei. :(
Siguro ay masaya na siya ngayon dahil mas madali na niyang matutupad ang mga pangarap niya. Wala na kasing makakahadlang sa kanya na gaya ko.
I badly miss him. ='(
Tama na nga ang drama!
Sa mga gustong malaman kung ano ang nangyari kahapon pagkatapos niyang umalis. Well, ito lang naman :
=FLASHBACK=
Pagkaalis niya ay pumunta na ako sa restroom. Kailangan ko kasi munang ayusin ang sarili ko bago ako pumasok sa room.
Si bessy ay natext ko na kanina kaya tiyak nasa room na siya.
Pagkapasok ko sa room namin ay bumungad agad sakin si Bessy.
"Bessy, tapos na ba yung inutos sayo ng prof natin?"-tanong ni bessy sakin.
Wag kayong malito. Ang sinabi ko kasi kay Bessy ay inutusan ako ng prof namin kaya hindi na ako makakasabay sa kanya mag-lunch.
"Ah oo tapos na."-sagot ko naman.
"Kainis naman yung prof natin na yun! Sa dinami-dami ng uutusan, ikaw pa!"
"Haha! Ganun talaga! Ako kasi yung nakita niya eh! :)"
"Teka, napano yang mata mo? Bakit namumula yan?"-sabi niya habang nakingin sa mata ko.
Patay! Napansin na niya! Tsk. Ang linaw talaga ng mata nito! =.=
"Ah ito ba? Kanina kasi nung nagpapabango ako, hindi ko sinasadyang naisprayan ko pati yung sa may gawi ng mga mata ko sa sobrang pagmamadali ko. Kaya yun, namula. Ang hapdi pa nga niyan kanina eh."
-pagdadahilan ko naman.
Waah! Sana tumalab yung excuse ko! Kapag kasi hindi, tiyak na magagalit si Bessy sa pagsisinungaling ko! T^T
"Psh. Ikaw kasi hindi ka nag-iingat."
"Sa susunod po, magiingat na ako! Promise! :)"-ako sabay taas ng right hand ko, yung tipong nangangako talaga.
"Sige. Upo na tayo."
Yes! Tumalab siya! Ang galing ko talaga sa excuses! ^_^
Nung napatingin ako kay Renz sa likod namin, nginitian niya ako. Nginitian ko din siya pabalik. Tiyak akong narinig niya yung excuse ko kay Bessy. Natatawa-tawa kasi siya kanina nung kausap ko si Bessy eh. Tinatanong pa nga siya nila Sean kung bakit siya bigla-biglang tumatawa. Ang akala tuloy nila, nababaliw na si Renz. Haha :D ! Hindi lang kasi nila alam....
.
.
.
.
.
Na si Renz Galvez yung nag-abot sakin ng panyo kanina. :)
Kung nagtataka kayo kung pano niya narinig, well, ito kasi ang seating arrangement namin :
-- sean renz tyler allen
me louise bessy jeru carmela
vleshe john lienceyy arthur dyeryl
aira elcosh sandralyn alexis danica
genefel jake generev gerald angelica
sofia bryan madz mike yumi
Sila Renz ay nasa likod lang kasi namin.
29 nga pala kaming magkakaklase.
=END OF FLASHBACK=
Natapos na akong kumain at papunta na ako sa school namin. Nakarating naman agad ako.
Naglalakad na ako sa may hallway.
Pansin kong nagtitinginan sakin ang mga estudyante na nakakasalubong ko. Parang katulad dati, nung gf pa ako ni Andrei.
Si Andrei kasi ay sikat na varsity player dito at hearthrob ng school dati. Madami nga akong haters nun eh. Lalo na nung nalaman nilang magpapakasal na kami.
Lagi na lang akong laman ng mga tsismis nila dati. Puro masasakit na salita ang sinasabi nila. Buti na lang sa room, ang mga classmates ko ay hindi ganun. Instead, suportado pa nga nila ang Herdrei Loveteam-ang tawag nila sa loveteam namin noon. Kaya lang yung iba kong classmates na babae ay ayaw doon. May gusto kasi sila kay Andrei at ayaw daw nila na sa akin siya.
Lalo na yung grupo ni Danica. Sila ang laging nagsisimula ng lahat. Kung ano-ano nga ang ginawa nila dati para mapaghiwalay lang kami eh.
Si Andrei ang lagi kong tagapagtanggol nun. Kaya tumigil din yung mga tsismis.
Pero ngayon, wala na si Andrei. Kaya pwede na ulit nila akong pagtsismisan.
Iba nga lang ang mga tingin nila sakin. Para silang naaawa sakin na at the same time masaya.
Mukhang alam ko na kung bakit.
Kumalat na siguro yung balita tungkol sa pang-iiwan sakin ni Andrei sa mismong kasal namin. Pero hindi na ako gaanong nasasaktan ngayon. Tinatanggap ko na lang kasi totoo naman na ginawa ni Andrei yun. :(
Nakarating na ako sa room namin. Isa palang pala ang tao sa loob. Yung Allen Laveria ang name.
Nakapatong yung ulo niya sa desk kaya hindi ko gaanong kita ang mukha niya.
Nilagay ko na sa upuan ko yung bag ko at akmang lalabas na ng room nang magsalita siya.
"Ms.Hermes Daza, right?"-tanong ni allen.
Pano niya nalaman ang name ko? Natural magkaklase kami! Tungaks! -.-
"Yeah. Why?"-sagot ko naman.
Para akong baliw dito na nakikipag-usap sa lalaking nakapatong naman ang ulo sa desk niya at hindi nakatingin sakin. =.=
Hindi ko pa din kita ang mukha niya. Natatakpan kasi ng mga braso niya.
"Nothing. I just wanted to know if you still...."
-sagot niya naman.
"Still?"
"Remember me?"-kasabay niyan ang pag-angat ng ulo niya.
Kita ko na ang mukha niya. Kaya lang, nakashades siya at....
O_O
"IKAW?"-sigaw ko sa gulat.
"Yes, it's me. The one and only."-sabay grin.
A/N : Hanggang dito muna ulit para masaya! Nga pala, yung mga names po na kinuha ko bilang classmates ni Hermes at yung iba pa ay may mga roles pa o lalabas pa sa mga chapters na darating! So keep reading! ^_^v
Who's Allen Laveria?
Bakit kaya ganun na lang ang reaction ni Hermes?
Well, hulaan niyo! :p
Wag kalimutang mag-vote at magcomment sa story ko para malaman ko kung karapat-dapat ko pa bang ituloy!
Follow niyo din ako! :)
Read and find out who's Allen Laveria in the next chapter! ;)