I Found a Man

By Gelailah

926K 32.8K 1.1K

It was supposed to be an ordinary day for Krisandra as she tries to achieve her ultimate goal in life; to be... More

I found a Man
Simula
Kabanata 1
Kananata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Katapusan

Kabanata 15

19.6K 884 20
By Gelailah

Nagulat kaming dalawa ni Zec ng tumakbo ang babae at niyakap siya kaya nabitawan niya ang kamay ko na hawak niya kanina.

"Markus, son. I've missed you so much." Umiiyak na sabi ng babae. Son? Sila ang pamilya ni Zec? Tinignan ko ang mga kasama ng babae. Isang lalaking foreigner na familiar, at isang mas batang lalaki na nakasalamin. Pero ang babae halata sa kanya ang pagiging Pilipino.

Naghanap pa ako ng iba pa nilang kasama at nakahinga ng maluwag ng walang makitang babaeng may kasamang bata. Wala pa siyang asawa, anak, o kahit girlfriend. Puro mga lalaking nakasuot ng pormal na itim na nakatayo sa gilid ang nakita ko. Mukha na nga silang rebulto dahil hindi manlang gumagalaw. Ano kaya kung kilitiin ko isa sa kanila?

Nakita ko ang libro ko sa lamesa, naalala ko bigla ang lalaking foreigner na nasa harap ko.

"Dr. Markus Fidel Wright." Tumingin sakin si Dr.Wright kaya nakita kong malaki ang pagkakahawig nila ni Zec. Tanga ko talaga. Bakit hindi ko napansin yun? Mas matalino nga talaga yata sa akin sina Rhoda dahil napansin nila agad. Lumapit siya sakin ng nakangiti, alam ko na kung kanino namana ni Zec ang mata at ngiti niya.

Kaya naman pala spokening dollars ang hanep, may lahi pala.

"Hi. I'm Markus Fidel Wright. Thank you for taking care of my son." Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Woooh, halos ma nosebleed ako sa british accent. Kaya pala may accent din si Zec kapag nagsasalita ng english. Feeling ko din na starstruck ako sa kaharap ko. Inabot ko ang kamay niya. Goodness, ang lambot! Kamay mayaman!


"Ako po si Krisandra Florese." Sabi ko habang nagshe-shake hands parin kami. Nakangiti ako sa kanya, ganun din siya sakin nang bigla nalang may umagaw ng kamay ko at inilagay ako sa likod niya.

"Who are you?" Tanong ni Zec. Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang itsura ng pamilya niya. Batukan ko kaya to? Obvious naman na mga kamukha niya ang nasaharap namin.

"Son what's wrong?" Tanong ni Mrs. Wright. Pero tinignan lang sila ni Zec. Oo nga pala, may amnesia si boyfie.

"Uhm... maam, sir, yun na nga po ang gusto kong iparating sa inyo kanina bago sila dumating." Tinignan nila ng nakakunot noo si Lola Puring. "May amnesia po siya."


"WHAT?!" Sabay na sigaw ng tatlo. Taraay. Duet, ay truet? Sige choir nalang, madami sila eh. Tumingin sila kay Zec.

"You really don't know us?" Tanong ng kapatid siguro ni Zec.

"Oh, God." Sabay hagulhol ni Mrs. Wright. Lumapit naman sa kanya ang asawa niya at niyakap siya.

"What exactly happened?" Nasa sala kami ngayon. Nasa gitna ako ni Lola at ni Zec habang ang tatlong bisita naman ay nasa harap namin.

"Nakita ko po siya sa gubat na duguan at may tama ng baril." Sabi ko. Umiyak nanaman ang nanay ni Zec habang patuloy lang sa pag-aamo ang asawa.


"Tatlo po silang lalaki." Pagpapatuloy ko. "At nung akala nila patay na si Zec ay umalis na sila. Nilapitan ko si Zec-"


"Zec?" Tanong ng kapatid yata ni Zec

"Yun yung narinig kong tinawag sa kanya ng suspect. Kaya yun ang tawag namin sa kanya dito." Tumango naman ito. "Yun na nga, nilapitan ko siya at inakalang patay na siya pero bigla siyang gumalaw. Dinala ko siya dito at inalagaan namin nila lola hanggang sa magkamalay na siya."

Sa buong kwento ko ng pangyayari ay nakikinig lang sila at tumatango naman si Dr.Wright sa mga sinasabi ko. Nang madako ang tingin ko kay Mrs. Wright napansin kong masama ang tingin niya sa kamay namin ni Zec na magkahawak kaya pasimpleng bumitaw ako. Tinignan lang ako ni Zec ng nagtataka pero hindi ko pinansin.


"Sorry we haven't introduced ourselves properly," Pagsisimula ni Dr. Wright. "I'm Markus Fidel Wright, this is my wife Marga and my other son Matthew."

Tumango naman ako. "Nice to meet you po."

"Zec, batiin mo ang pamilya mo." Bulong ko. Pero nanatili parin si Zec na nakatitig sa kanila. Biglang kumunot ang noo niya.

"What's my full name? Tell me something about me." Bigla ay sabi niya. Biglang lumungkot ang mukha ng tatay niya na parang naaawa sa anak.


"You're Markus Fidel Wright the second." Napanganga kaming dalawa ni Zec. Kung ganun.. "We have the same name but different number. People call you Markus, and they call me Fidel. And some call you second, it was a joke. You hate being called second."

So yung narinig kong Zec ay para sa Second?

"You just passed the medicine board. You're 25 years old." Pagpapatuloy ni Sir Fidel. Doctor pala siya? At bakit ko ba nakalimutan na sobrang yaman ng mga Wright?


Tumingin ako kay Zec dahil parang hindi pa sa kanya nagsi-sink in ang lahat ng nangyari. Tumingin siya sa mga mata ko na parang naguguluhan. Alam ko na natatakot siya. Siguro nahihirapan siyang tanggapin dahil alam niya na simula ngayon, magbabago na ang buhay niya. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.


"And you have a girlfriend named Trina." Bigla ay sabi ni Ma'am Marga. Mabilis na napabitaw ako kay Zec. Bigla siyang humarap sa nanay niya.


"Mom!" "Marga!" Sabay na sigaw ni Sir Matthew at Dr Fidel. Kahit parang ka-edad ko lang si Matthew, feeling ko dapat tawagin ko siyang sir sa layo ng estado namin sa buhay.


"I-I have a girlfriend?" Gulat na tanong ni Zec. Tumango naman ang nanay ni Zec.


"Yes. Her name is Katrina Montereal. You've been together for 2 years and you're planning on asking her for marriage this year kung hindi lang nangyari ito." Narinig ko ang pagbuntong hininga ng dalawang lalaki at ang pag iling ni Sir Matthew.


Para akong tinusok sa pagkarinig nun. Napapikit ako ng mariin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Si lola, muntik ko pang makalimutan na nandito pa siya. Naramdaman kong nagrelax ang kamay ko. Hindi ko napansin naikuyom ko ang mga iyon.


"W-where is she?"


"She can't come. May trabaho siya sa Manila, but she's waiting for you." Sagot ni Ma'am Marga. "Son, Markus come home with us."


Umiling siya.


"No. No." mabilis na sabi ni Zec. "How did you found me anyway?"


"Someone phoned me." Sabi ni Dr. Fidel. "Sinabi niya sa akin na nandito ka sa lugar nila."


Sa lugar nila? Ibig sabihin taga dito ang nagsabi? Bakit hindi ko alam na may nakakilala kay Zec?


"Markus, umuwi ka na kasama namin. Kami ang pamilya mo." Biglang sabi ni Mrs. Wright. Parang biglang natauhan si Zec. Tinignan niya kami isa-isa, si lola, ako, pagkatapos ay sa pinto ng kwarto ni Kiko.


Sunud-sunod na umilig si Zec.


"No. Hindi ako aalis dito." Tumayo siya at naglakad palabas.


"Son–" Sigaw ng nanay niya pero hinawakn siya sa braso ng asawa. Huminga ako ng malalim at tumayo sa kinauupuan ko.


"Ako na po ang kakausap sa kanya." Tumango sila maliban kay Ma'am Marga na masama ang tingin sakin. Yumuko nalang ako at sinundan si Zec palabas. Nakita ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno. Paulit-ulit na bumubunot ng mga damo pagkatapos ay tinatapon. Huminga ako ng malalim.


"Wag mo nga idamay yang mga damo sa problema mo. Kawawa naman sila." Sabi ko habang umiiling. Tumingin siya sakin kaya nginitian ko siya, pero hindi niya binalik ang ngiti at umirap pa. Lumapit ako at tumabi sa kanya.


"I don't want to go home." Nagmamaktol at parang bata na sabi niya. Ang cute niya tignan habang naka-pout. Natawa ako ng mahina.


"Kung makapagsabi ka niyan para kang bata na naglalaro at ayaw pang umuwi." Tumingin siya sakin ng matagal, pagkatapos ay bumuntong hininga.


"How can you still laugh when you know I have a fucking girlfriend at home, pero girlfriend kita ngayon? At gusto na akong pauwiin ng mga magulang ko?" Umiwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang pisnge ko at pinaharap sa kanya. "Kausapin mo ko."


"Zec, kakausapin naman talaga kita. Bakit sa tingin mo ako nandito? Nadi-distract lang ako sa kagwapuhan mo." Tinignan niya ako ng masama, pagkatapos ay bumuntong hininga bago bumitaw at tumingin tumingin sa malayo.


"Seryoso ako Krisandra Gail." Napangiti lang ako.


"Ito naman si Markus Fidel, hindi na mabiro." Napangiwi siya ng tawagin ko siya sa totoong pangalan niya. "Problema mo? Arte mo, okay naman pangalan mo ah. Amoy mayaman." Pagbibiro ko.

"Babe.." Suway niya sakin. Napangiti ako sa pagtawag niya sakin ng babe. Mami-miss ko yun. "I know what you're thinking. Mahal na mahal kita. Hindi ako aalis. "


Pagkatapos ay yinakap niya ko. Huming ako ng malalim. Ito na yun. Kinakabahan ako, pero kailangan kong gawin to.


"Mahal din kita Zec. Kaya handa akong pakawalan ka."

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 129 23
PROMISE BOOTH "Where Every Promises are not meant to be BROKEN" -Sally
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
175K 7.4K 24
PETER SEBASTIAN - Peter raised himself as a kind of man who can chase away bullets and death's sworn enemy. He's one of the best secret agent of Stra...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...