How To Attract A Playboy

By envieve

413K 8K 707

---------------------------------------- (I revenged on a Playboy BOOK 2) I have fallen inlove in this guy... More

How To Attract A Playboy
Prologue
Chapter 1: Change
Chapter 2: Dollshoes
Chapter 3: Beware of what?
Chapter 4: Bag
Chapter 5: Flirt with Playboy
Chapter 6: Badtrip
Chapter 7: A special shirt
Chapter 8: Phone battery
Chapter 9: Shades
Chapter 10: Hairclip
Chapter 11: The Plan B
Chapter 12: Jealous? Respect?
Chapter 13: What's the payment?
Chapter 14: A night with Playboy
Chapter 15: Master Maboy
Chapter 16: Hard headed
Chapter 17: Tragedy
Chapter 18: Lipstick
Chapter 19: Can't relate
Chapter 20: The pervert and the playboy
Chapter 21: Bestfriend
Chapter 23: Mr. Stranger
Chapter 24: Hanky
Chapter 25: Tears
Chapter 26: A kiss under the rain
Chapter 27: Ice cream
Chapter 28: Cable Car
Chapter 29: Sick
Chapter 30: Will you?
EPILOGUE
Behind the story
We Are ZLovers!

Chapter 22: Ants

9.1K 203 13
By envieve

Chapter 22 

**Ants**

Sophi's POV

Pareho kaming nakatayo sa gilid ng hallway at pareho din kaming tahimik kaya naman nagsalita na ako.

"Sorry." Halos sabay na sabi namin.

Nagkatinginan kaming dalawa tapos sabay na tumawa.

"Sorry, baby, kasi hindi kita pinapansin. Alam ko namang wala kang kasalanan eh." Nakayuko kong sabi habang pinaglalaruan yung mga daliri ko.

"Naiintindihan ko naman kung bakit mo yun nagawa. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo. Sorry din atsaka sa susunod mag-iingat na talaga ako."

Pag-angat ko ng ulo ko para tignan sya, nalaman ko na sobrang lapit na pala nya sa'kin. Nakayuko sya sa'kin habang nakatingala naman ako sakanya.

"Bati na tayo, baby ko?" Malambing na tanong nya.

Naman eh~ ang cute cute talaga ng boyfriend ko. Hihi!

Tumango ako na nagdahilan ng malapad nyang ngiti tapos niyakap ako.

Yat's POV

"Labs," pangungulit sa'kin nung lalaking epal na kanina pa bunto't ng buntot sa'kin.

Kalabit pa ng kalabit -..-

"Wag mo nga akong nila-labs labs dyan!" Sabi ko sakanya habang patuloy sa paglalakad hanggang sa makapasok na ko sa room namin.

"Labs, naman eh! Paano natin 'to maayos kung hindi mo ko bibigyan ng chance na makapagpaliwanag?"

Hindi ko sya pinansin hanggang sa makapunta na ko sa upuan ko atsaka umupo.

"Oo nga, Yat. Paano nyo maayos yang LQ mo kung ayaw mong pakinggan si VJ." At talagang nakisali pa yung isa sa mga lalaki kong blockmate, ha?

Kinakampihan nya si Epal kasi palibhasa close sila. Bakit may alam ba sya? Wala naman, diba?

Pumahalumbaba ako sa desk ko at maya-maya lang ay tumabi na sa'kin yung epal na parang kulugo.

"Labs,"

"........"

Hindi ko pa rin sya pinapansin as if wala akong naririnig. Nakatingin lang ako sa white board na nasa harapan.

"Okay. Kahit ayaw mong makinig, magpapaliwanag ako. Gustong linisin yung pangalan ko sa'yo, okay? Ayokong magkaroon ako ng bad record sa babaeng nililigawan ko ng napakatagal. Kaya ganito.... ehem."

Pumeke sya ng ubo bago magsalita. Ako naman, nakatingin pa rin sa white board na kunwari hindi ako nakikinig. Ewan ko ba! Pero parang gustong-gusto ng buong ako na makinig sa paliwanag.

"Totoo yung sinabi ni Courtney na nagsi-send ako sakanya ng mga messages na gusto ko na syang bumalik." Tumingin ako sakanya at tinitigan sya ng masama. "But that was before, 3 years ago." He continued.

Inirapan ko sya tapos tumingin na ulit sa harapan.

"Hindi naman sya nagrespond sa lahat ng messages ko sakanya hanggang sa nagsawa na ko at nakalimutan ko na yung nararamdaman ko sakanya dahil nakilala.... kita."

I bit my lowerlip to keep me from smiling.

"Nagsend din ako ng message sakanya na ayoko na at itigil na namin yung relationship namin kasi wala rin naman. Again, hindi na naman sya nagrespond so I assumed na pumayag sya."

Nararamdaman ko na naman ang pangungulbit nya, "Please naman, Labs! Pansinin mo na ko. Papayag ba kong ligawan ka ng napakatagal na hindi ko naman talaga ginagawa sa ibang babae at papayag ba kong magpaalila sa'yo kung hindi ako seryoso sa'yo? Uy," tinutusok-tusok nya yung braso ko.

Humarap ako sakanya, "Oo na."

"Anong oo na? Tayo na?" He asked hopefully.

"Mangarap ka! Oo na. Naniniwala na ko sa'yo. Pero dahil dun, mas patatagalin ko pa yang panliligaw mo!"

Zai's POV

Nung dismisal na namin ni Chloe, naabutan namin si Ceejay sa tapat ng room. Nangungulit na naman. At eto namang si Chloe, masyadong pabebe. Ef na ef na hinahabol sya ni Ceejay. Haha!

Kaya eto na naman ako, mag-isang naglalakad papunta sa mini park ng DH university. Habang naglalakad, natanaw ko si Clyde na naka-civilian. Nakaupo sya at may hawak na cellphone. Mukhang nagti-text.

Biglang nag-init ang ulo ko potek! Hinding-hindi ko makakalimutan yung sinabi nya sa'kin na he really do want to bed me. Argh! Nakakabastos kaya!

Sakto, may hawak akong coke-in-can. Lumingon-lingon muna ako sa paligid. Lahat sila busy sa mga kani-kanilang chitchat. May nagsi-cellphone, naka-iPad, may group of friends na nagpi-picnic at may dalawang nilalang na nagtuturuan kung paano gumamit ng gitara. Ay teka! May nakita pa kong isang lalaking nerd na nagbabasa ng libro. Nalaman kong nerd sya kasi kita yung mata nya though natatakpan yung mukha.

Naalala ko tuloy yung blockmate kong nerd, si Joshua.

Okay, masyado na kong nawili sa pagtingin sa mga tao sa paligid. Humanda ka sa'kin, Clyde!

Inubos ko muna yung laman ng coke. Sayang eh. Nung naubos ko na, binato ko yon ng malakas papunta kay Clyde. Bago pa yun maglanding sa bunbunan nya (kung meron man) nakatago na ko sa ilalim ng sementong bench. Bilis ko noh?

Ang saklap ng pwesto ko! Para akong naglalaro ng luksong baka at ako yung taya. Oo, ganun nga! Todo yuko pa ako kasi baka maumpog ako.

Itong bench na 'to kasi ang nasa tapat ko kaya no choice ako.

*pok*

Ahahaha! Ang lakas ng tunog! Sobrang lakas siguro ng impact. Haha! Buti nga sa'yo manyakis ka!

"POTA SINO YUN?" Alam kong sya yan. Boses baluga eh.

Haha! Galit na galit si kingkong. Nyahahaha~

"TANGINA SINO SABI YUN EH!"

Di ko na napigilan yung tawa ko kaya tinakpan ko na yung bibig ko gamit ang kamay ko. Laftrip! Pinapanood ko pa sya habang nagtatago ako sa ilalim ng bench. Nasa harapan ko lang sya sa bandang ibaba tapos lumilingon-lingon habang nag-uusok yung ilong sa galit. Kulang nalang ng sungay at buntot pwede ng ipa-deliver sa hell.

Atsaka ang bopols talaga ng kingkoy na yan! Hello? Nasa tapat nyo lang ho ako! Konteng yuko lang makikita mo na ko! Tss! Napakahambog kasi eh. Kung makatingala wagas akala mo sya ang batas. Ow yeah! Galing ko magrhyme noh? Haha.

Aray!

Ay potek!

Bakit parang may kung anong sumasakit sa'kin?

"Hoy! Di ka pa ba nagtanda?" Biglang dating ni VJ. Kasama nya sila Dwaye, Sophi at Yat.

Di na ko magtataka kung bakit wala si Ceejay at Chloe.

"Oo nga. Bakit nandito ka pa?" Tanong din ni Dwayne.

Waaah~ ang kyut maging cool ni Dwayne!

Dinungaw ko yung ulo ko para makita ko sila. Nakaakbay pa sya kay Sophi. Hihi ang sweet nila--- pero ack! May kumakagat ata sa balat ko.

"Inaasikaso ko lang yung mga requirements. Lilipat na ko ng school." Mahinang sabi ni Clyde.

Ay potek! Sabay naduwag?

"Umalis ka na!" Biglang sigaw naman ni Nerd.

Sya nga yung blockmate ko na si Joshua. Ang agaw eksena nya huh!

"Sabi nyo eh." Sarcastic na sabi ni Clyde tapos umalis na.

Sinundan ko ng tingin yung paa nyang naglalakad. "Madapa ka sana." I murmured at nagkatotoo nga! Bigla syang napatid at napadapa sa sahig.

Wrong move. Nahuli nya kong nagtatago sa ilalim ng bench. Tinakpan ko tuloy yung mukha ko gamit ang kamay ko kahit alam ko naman na nakita nya ko.

"Sa babaeng nagtatago dyan pwede ka ng lumabas." Narinig kong sabi ni Yat.

Err.. nakakahiya. Besides, baka hindi ako yung sinasabihan nila. Mamaya na ko lalabas kapag wala na sila. Aasarin ako ng mga yan eh.

Pero.... pero may kung anong sakit talaga akong nararamdaman sa balat ko.

"Labas na." Sophi said between her giggles.

"Hindi ako lalabas." Mahinang sabi ko sa sarili ko. "Hindi ako lalabas. Hindi ako lalabas. Hindi ako lala----Aaaaaaaaah! Ang sakit! Ang sakit!"

Nagmamadali akong umalis sa ilalim ng bench na tinataguan ko.

Umupo ako sa sahig tapos tinitigan yung balat ko kasi may kakaiba akong nararamdaman.

Nag-arms forward ako at nanlaki sa mga nakita ko.

"WAAAAAH! ANG DAMING LANGGAM!" Nagpapanic na sigaw ko habang inaalis yung malalaking langgam sa balat ko.

Natawa sila Sophi at Yat bago ako nilapitan para tulungan sa pagtanggal ng mga langgam.

"Haluh, ang daming langgam. Pati sa tuhod meron." Sabi ni Sophi at pinagpagan yung binti at tuhod ko.

"Magtatago nalang kasi doon pa sa may maraming langgam." Panenermon sa'kin ni Yat.

"Di ko naman alam eh. Waaaah~ bisit na langgam yan! Ang sakit mangagat!" Pagrereklamo ko.

Nung naalis na yung mga langgam, tinitigan ko yung buong braso at binti ko. Ang daming langgam este pantal. Pulang-pula tapos ang kati nya at masakit. Hanubayan!

"Anong nangyari dyan?" Tanong ni Zoid.

Alam kong sya yun.

Lumingon ako para tignan sya. Natuwa naman ako kasi yung mukha nya halatang nag-aalala. Pero ang kati at ang sakit talaga ng mga pantal ko. Ang dami pa naman :(

Nagpout lang ako tapos tumingin na ulit ako sa mga pantal.

"Kinagat ng maraming langgam." Dwayne

"Patago-tago pa kasi." Natatawang sabi ni VJ.

Sinamangutan ko nga sya. Tumayo naman si Yat at hinampas sya. "Wag ka ngang tumawa! Puro pantal na nga sya eh."

"Sorry na."

"Kahit kelan ka talaga." Sabi ni Zoid tapos lumuhod. Kinuha nya yung kamay ko tapos iniakbay nya ko sa balikat nya then binuhat nya ko na parang prinsesa.

Ajuju :3

Despite sa makakating pantal ko, kinikilig ako.

"Ang kati." Sabi ko habang kinakamot isa-isa yung mga pantal ko sa braso.

"Tigilan mo yan. Magsusugat yan sige ka."

At dahil sa ayaw kong magsugat yung mga pantal ko, sinunod ko sya.

"Sa bahay tayo." Sabi nya habang binababa ako sa front seat sa loob ng kotse nya.

Pagka-start nya ng engine, napatingin sya sa'kin. Hindi kasi ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Bakit?"

"Ano..." di ako makasagot ng maayos kasi parang.. parang.... "ACK! MAY LANGGAM DIN SA LOOB NG BLOUSE KO!"

Waaah~ natataranta na ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Maski si Zoid parang namula sa sinabi ko.

Eh? Bakit sya namula?

Umiwas sya agad ng tingin tapos pinatay yung engine.

"Shit! Tanggalin mo yung blouse mo."

"H-huh?"

"Tanggalin mo yung blouse mo lalabas ako kumatok ka nalang kapag tapos ka na." Mabilis nyang sabi tapos mabilis ding lumabas ng kotse.

Di na ko nag-alinlangan pa kung susunod ba ko o hindi, inisa-isa ko ng tanggalin yung mga butones ng uniform. Salamat at tinted yung kotse ni Zoid kaya safe ako. Besides, lalo akong nakampante kasi nung sinilip ko sya sa bintana, nakatayo sya habang nakasandal sa pinto ng driver seat na parang guard na nagbabantay.

Agad kong hinubad yung blouse ko tapos pinagpagaan.

Kaasar na mga langgam 'to!

Tinignan ko rin yung chest ko, may mga langgam din kaya pinaggigilan ko sila hanggang sa mawalan ng buhay. Di ako mamamatay langgam ah! Pinagpiyestahan nila ko kaya dapat lang sakanila yan!

Pati tuloy yung chest part pababa ko may pantal na rin.

Sinuot ko na yung uniform at .... *yaaaaawn*

Inaantok yata ako.

(A/N: punta tayo sa C2. Chloe and Ceejay. Haha! Para tuloy-tuloy na. Be ready na po para sa makadamdaming plot xD)

Ceejay's POV

"Hoy, Conyo! Lingunin mo nga ako! Maganda view sa mukha ko." Sunod-sunod na sabi ko habang sinusundan syang maglakad.

Ang hirap namang suyuin ng babaeng 'to. Tch.

"Hoy! Isa!" Hindi pa rin sya huminto sa paglalakad. Lalo pa nga nyang binilisan eh. Tss. Talaga naman.

"Lakad ka ng lakad di mo napapansin isang sapatos lang ang suot mo."

Napahinto sya sa sinabi ko tapos dahan-dahang yumuko.

Pft! Nakalimutan ba nya na binato nya sa'kin kanina yung isa nyang sapatos? Haha!

Nakita kong nagsara yung mga palad nya tsaka ako hinarap.

"Where did you make tago my shoe, huh?" Lumapit pa sya sa'kin tapos hinampas ako sa balikat.

"Sa puso ko." Kinindatan ko sya.

Inirapan naman nya ko tapos nagpapadyak. "Where's my shoe sabi eh!"

"Sa puso ko nga."

"Argh!" Napasabunot nalang sya sa inis.

"Bati na kasi tayo para isoli ko yung sapatos mo."

"Duh?! I rather make bili nalang. I hate you!" Inangat nya yung paa nyang may suot na sapatos tapos hinubad yon then binato sa'kin.

"ARAY! BAKIT BA LAGI MO NALANG AKO BINABATO NG SAPATOS MO?"

"You're so ugly kasi!" Inirapan nya ulit ako bago tumalikod at magsimulang maglakad.

Teka.... tinawag ba nya kong pangit?

Aba hinding-hindi ko matatanggap yun! Tawagin na nya kong manyakis wag lang pangit.

"Anong sinabi mo?!" Sinundan ko ulit sya.

Hindi sya sumagot kaya hinigit ko sya paharap sa'kin. 

"Ano ba! Sabi ko ang pangit mo---- Argh! Let go of me!" Bigla ko kasi syang niyakap.

"Ayoko. Bati na kasi tayo. Di ko na uulitin. I won't promise but I'll try."

Naramdaman kong tumigil sya sa pagpalag at hinayaan akong yakapin sya. Nakakaagaw atensyon na kami sa mha estudyanteng dumaan pero wala akong pakialam.

"I don't care." Malamig na sabi nya.

At dahil dun, lumayo ako ng konte para tignan sya.

"I am not your girlfriend and you are not my boyfriend naman, diba? We are not in a relationship kaya----"

"Edi liligawan kita para mapunta tayo sa in a relationship."

Nanlaki ng konte yung mga mata nya. Pinipigilan pang magulat eh -...-

Nakatulala pa sya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Courting isn't really my nature. Pero para sa'yo," hinaplos ko yung pisngi nya. I grinned nung nakita kong namula yung pisngi nya. "Para maging akin ka.... liligawan kita." I kissed her forehead.

Zai's POV

"I love you."

Napangiti nalang ako nang marinig ko ang mga salitang yan na galing sakanya, galing kay Zoid.

Alam ko namang nananaginip lang ako eh. Kaya ayoko pang idilat yung mga mata ko.

"I love you." Sinabi nya na naman ang mga salitang nagpapakilig sa'kin ng husto.

There's something soft that touches my skin. Dahil nga sa nakapikit pa ako, hindi ko alam kung ano yun. Pero napaka-familiar.

Paulit-ulit na dumadampi ang bagay na "yun" sa balat ko.

Medyo nakikiliti ako kaya binukas ko na yung mga mata ko.

From (-___-)

To (O____O)

"Hi!" He greeted, smiling sweetly.

Umupo ako sa kama. Yung kamang mas malambot pa sa kama ko. Waaah~ nainggit tuloy ako.

"Gising ka na rin sa wakas. Kung hindi mo ko iniiwan sa kalagitnaan ng pagtulog ko, tinutulugan mo naman ako."

Natawa ako sa sinabi nya. Oo nga pala. Nakatulog ako kanina.

I shifted my gaze from him to what I was wearing. Naka-uniform pa rin pala ako.

What was I expected? Bibihisan ako ni Zoid?

Whut? O.o Joke lang yun ah!

Hinimas ko yung magkabila kong braso kasi nangangati na naman habang pinagmamasdan ang buong kwarto ni Zoid.

Grabeh! Ang laki-laki ng kwarto nya. Hindi naman sa pagmamayabang pero malaki din yung kwarto ko. Pero naman! Doble ata ng kwarto ko yung kanya.

Singlaki na ata ng condo yung kwarto nya. Black and red yung theme color ng kwarto nya. Bagay na bagay sa isang playboy na gaya nya. Haha!

Nabalik lang ako sa earth dahil nararamdaman ko na naman yung something soft na nararamdaman ko kanina nung nakapikit ako.

Si Zoid pala. I mean, lips pala ni Zoid yung malambot na yun. Kaya naman pala sobrang familiar eh.

Hinahalikan nya one by one yung mga pantal ko.

"Still itchy?" Tanong nya tapos hinalikan yung pantal ko bandang wrist habang nakatingin sa'kin.

>////<

Spell hot? Hihi.

Umiling-iling ako kahit na nangangati pa rin.

"Wait lang. May kukunin lang ako." Tumayo sya tapos lumabas na sa kwarto nya.

Nilibot ko yung tingin ko sa buong kwarto nya. Ang laki at ang ganda talaga. And then may isang picture frame na nakakuha ng atensyon ko.

Gumapang ako sa kama papunta sa bedside table at kinuha yung picture frame.

Yung picture na nakalagay ay yung nagpa-picture kami sa photobooth nung fourth year kami. Yung si PekengKyoot pa nga daw ang nagdesign nun. Natatandaan nyo ba? Collage photo sya then may nakasulat na "I revenged on a Playboy", meron ding "ZL" tapos may mga playboy bunnies na naka-scattered.

Napangiti naman ako dahil doon atsaka niyakap yung frame. It's really nice to know na iniingatan nya ang ganitong klaseng bagay.

Maya-maya, narinig kong tumunog yung doorknob kaya mabilis kong binalik yung picture sa table.

Nakangiti syang pumasok, I smiled back at him. My gaze went down to his hand. May kung ano kasi syang hawak.

Pagkalapit nya, umupo sya sa kama then kinuha yung braso ko. Binuksan nya yung ointment na ayun pala ang hawak nya tapos pinahiran lahat ng pantal ko.

Tahimik lang kami habang ginagawa nya yun. Ewan ko sakanya kung bakit sya tahimik. Basta ako, kinikilig, hahahaha!

Pagkatapos nyang pahiran ng ointment lahat ng pantal ko sa braso, binti at tuhod, he looked up to me and said, "Pahiran mo yung nasa loob ng blouse mo. Pupunta lang ako saglit sa baba. Wag mo na kong tutulugan, okay? Babalik ako agad."

Natawa naman ako sa sinabi nya tapos tumango.

"Good girl." Nang-aasar na sabi nya habang pina-pat yung ulo ko.

Mukha ba kong aso? -_______-

Paglabas nya, saka ko na-realize na ang shunga talaga ng lalaking yun kahit kelan!

Hello?! May banyo naman dito sa loob ng kwarto nya ah! Bakit pa sya lumabas eh pwede ko namang gawin yun sa banyo? Tch. Bahala na nga sya. Ginusto nya yan eh. Haha!

Dahil wala namang tao, dito nalang ako sa kama. In-unbutton ko yung first 3 buttons ng blouse ko atsaka inumpisahan yung paglagay ng ointment sa mga pantal.

Nung natapos na, pinatong ko muna sa bedside table yung ointment at kinuha yung bag ko na kanina ko pa nasa tabi.

Ay teka! Yung blouse ko pa pala. Yan! Sinara ko na lahat ng butones.

Mabalik tayo sa bag ko, kinuha ko yun cellphone ko.

Enk? Dead battery.

Binalik ko nalang ulit yung cellphone sa bag ko tapos nagmuni-muni.

Ang tagal naman ni Zoid.

"Sampung mga daliri kamay at paa. Dalawang tenga dalawang mata ilong na maganda." I sang due to boredomness.

Tagal kasi ni Zoid eh!

"Oh maboy~ oh maboy~ baby!"

Argh! Ang tagal talaga ng maboy ko :( naiinip na ko eh.

I clicked my tounge. Magbibilang ako ng one to ten. Kapag hindi pa talaga sya bumalik lalabas na ko.

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

"Hmmmm... Ten!"

Okay. Naka-ten na ko. Kailangan ko na syang puntahan sa baba. Malay nyo, nagbi-bake sya ng favourite lasagna ko? Haha

Waaaah~ Lasagna (*_*)

I crawled out of the bed then immediately went out of the room.

Paglabas na paglabas ko sa kwarto ni Zoid, may dalawang tao na agad akong natanaw sa baba sa living room nila.

Babae at lalaki. Alam kong si Zoid yung lalaki. Pareho silang nakatayo at kahit na mga ulo lang nila ang nakikita ko alam kong may pinag-uusapan sila.

Curiousity kills kaya naman dahan-dahan akong naglakad forward hanggang sa nakadikit na ko sa may railings. Napahawak ako doon habang pinapanood ko silang mag-usap sa baba.

Seryoso siguro ang pinag-uusap nila kasi seryoso ang mukha ni Zoid. At ang babaeng kausap nya.... ay walang iba kundi si Chelsea. Hindi ko alam kung anong expression ang meron sya kasi nakatalikod sya saakin. Nasa second floor ako habang nasa first floor sila.

Nakita ko kung paano umangat yung kamay ni Zoid papunta sa pisngi ni Chelsea na parang may pinupunasan. Umiiyak ba sya? Siguro.

Hindi pala siguro. Oo. Sigurado akong umiiyak sya dahil nakikita kong humihikbi na sya.

And things went on. Nangyari ang bagay para masaktan at maiyak na naman ako na parang tanga.

Kitang-kita ko kung paano hilahin para yakapin ni Zoid si Chelsea ng mahigpit.

May sinasabi pa sya habang hinahaplos ang buhok ni Chelsea. Hindi ko alam kung ano yun dahil hindi ko marinig.

Tumalikod nalang ako tapos bumalik sa kwarto nya para kunin yung gamit ko.

Natagalan pa ko sa loob ng kwarto para ayusin yung sarili ko. I wiped my tears as hard as I can so that no one will notice I cried.

I let out a deep sighed before went out of the room again.

Habang pababa sa hagdan, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na..

"Wag kang magpapahalata. Wag mong ipakita na apektado ka."

Pagkarating ko sa living room, nadatnan ko silang hindi na magkayakap pero hawak ni Zoid yung dalawang kamay ni Chelsea.

So is it really means na na-misinterpret ko ang lahat?

Yung pagiging sweet and everything nya, na-misinterpret ko lang ba yun?

Mali pala ako ng akala na mahal pa nya ako dahil ginagawa nya lang sa'kin ang mga bagay na yun kapag bored sya. Kapag wala si Chelsea. Na.... na pampalipas oras lang ako sakanya.

That thought hurt me like hell.

Tinignan ko si Zoid at nahuli syang nakatingin sa'kin., Wala naman syang ginawa. Ni hindi nya binitawan yung pagkakahawak nya sa kamay ni Chelsea. And because of that, parang totoo yung naisip ko kanina na pampalipas oras nya nga lang talaga ako.

"Uwi na ko." My voice broked. Hope he didn't notice it.

Nung tumingin ako kay Chelsea, nginitian nya ko kahit na may nababasa akong lungkot sa mga mata nya.

Naaawa siguro sya sa'kin. Maski naman ako eh. Awang-awang na ko sa sarili ko. It was like I am begging for his love.

"Ingat."

That's all? That's all he could ever said?

Para kong sinampal ng malakas sa sinabi nya. At dahil sa sampal na yun, nagising ako. Nagising ako sa katotohanan.

Hindi na nga nya talaga ako mahal. Kailangan nya lang ako kapag wala si Chelsea. Kailangan nya lang ako para paglaruan.

Mabagal akong naglalakad hanggang sa makalabas na ko ng gate nila.

Binabagalan ko talaga kasi umaasa ako na hahabulin nya ako at sasabihing, "Gabi na, Louise ko. Ihahatid na kita." O kaya kahit alisin na nya yung "Louise ko" okay lang sa'kin basta habulin nya ko.

Pero wala. Umasa na naman ako sa wala. Walang Zoid na humabol sa'kin.

Dahil ba andyan na si Chelsea hindi na nya ko kailangan?

Biglang umulan ng malakas kaya hinayaan ko ng ilabas lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Ang tanga tanga ko!

Bakit ba ko naging ganito?

Bakit ako naghahabol sa lalaking hindi na naman ako mahal at higit sa lahat lagi akong sinasaktan?

Masyado syang paasa! Nakakainis!

Lumingon ako sa bahay nila. Inaantay ko na lalabas sya kasi nag-aalala sya dahil umuulan at baka mabasa ako.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin. Wala ni isa man ang lumalabas mula sa loob ng bahay nila.

He really doesn't care of me at all.

Bakit pa nya gagawin yun, diba? Eh nandyan na yung babae nya.

♥ ♥ ♥

Aww. Ang drama na naman :(

Oh by the way, I'm sooo happy! Happy birthday to me and thank you sa mga nagsend sa'kin ng sweet messages through facebook, twitter at pati na rin dito sa wattpad. Thank you soo much :*

Isa pang by the way, nararamdaman ko na po ang nalalapit na ENDING. 

May idea na ba kayo sa ending? Hihi :')

Continue Reading

You'll Also Like

171K 6.9K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
31K 1K 37
HELLO GUYS!THIS IS MY FIRST TIME TO WRITE A STORY ISANG BABAE ANG MAKIKILALA NG MGA LALAKI MARAMI SILA GANGSTER ANG IBA AT YUNG IBA HINDE MAGIGING P...
158K 3.3K 21
Blood Stained Angel She has the face of an angel, but she's cold like a devil. She may seem innocent, but she's not. She had witnessed and grasps all...