The Beast Prince(COMPLETED)

By Wild_Amber

580K 21.6K 3.1K

Siya na ang pinaka mabait na anak kapag kaharap niya ang mommy at daddy niya. Ngunit kung nakatalikod na ang... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Part II
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 2

19.6K 715 68
By Wild_Amber

KINABUKASAN ng magsimula ang activity nila ay kanya-kanya ang mga ito ng team. At syempre hindi hinayaan ni Asher Jade na mahiwalay sa grupo nilang magkakaibigan si Christine.

"Okay. Everybody, listen. Ang first activity natin ay tug of rope." Anang isa sa mga teacher na sumama sa kanila. Agad nitong ipinaliwanag sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin.

"Mga dude, wag kayong papatay-patay ha. Dapat manalo tayo, sayang yung candy at juice na prize." Ani Yuri sa kanila. "Tangina mo, nagpapahalata kang kuripot Moretti." Supalpal sa kanya ni Isaac.

"Tigilan mo ako Demir Isaac Yildirim kung ayaw mong ipapitik ko kay lolo mong Erdogan yang itlog mo." Bwelta naman dito ni Yuri. "Amputcha. Hindi ko lolo yun." Anitong tila nakakain ng maasim.

"Ang ingay niyo. Paano tayo mananalo kung nagbabangayan kayo. Diba team mate tayo?" Singit ni Christine sa dalawa. "Hambalosin mo nga yang dalawa ten-ten. Parang mga bata kasi." Kunwari ay seryoso namang ani Thunder.

Nang magsimula ang laro nila ay panay tawanan ng mga ito. "Okay. Ang last group ay kung maaari ay pumunta kayo ngayon dito." Agad naman silang pumunta kung saan ang tug of rope.

"Ako ang sa unahan." Mabilis na ani Thunder. Sumunod naman dito si Yuri, Isaac, Asher Jade at last si Christine.

"Wag mong diinan ang paghawak ng tali baka masugatan ang kamay mo." Paalala ni Asher Jade kay Christine na mabilis naman tumango.

Pagbilang ng tatlo ay hilaan ang dalawang team ng tali. At dahil mas malakas ang team nila Asher Jade ay sila ang nanalo.

"Let me see your hand." Ani Asher Jade sabay tingin niya sa kamay ni Christine. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Sinabi ko nang wag mong diinan sa paghawak yung tali. Pero hindi ka nakinig. Tingnan mo, namumula ang kamay mo." Sita niya dito.

"Mawawala din yan mamaya." Sagot naman nito. "At sinong pinagluluko mo." Naiiling nitong saad. "Just stay here, kukunin ko lang yung gamot para dyan sa kamay mo." Utos niya dito bago niya ito iniwan.

"Tsk! Pabebe talaga ang babaeng yan. Ang arte-arte tapus sumama dito." Narinig ni Asher Jade na usapan ng ilang studyanteng kasama nila sa campaign.

"Sinabi mo pa. Sumama lang para maalagaan siya dito ni Asher Jade. Sana nagdala na lang siya ng yaya niya." Lalampasan na lang sana ang mga ito ni Asher Jade ngunit ng mapagsino niya ang pinag-usapan ng mga ito ay biglang nag-init ang tainga niya.

"You.....what are you talking about?" Bigla naman nahintakutan ang mga ito ng makita nila si Asher Jade sa kanilang likod.

"H-huh! Wala?" Mabilis na kaila ng mga ito.

"Next time na marinig ko kayong may sinasabing hindi maganda kay Christine ay ihanda niyo na ang mga sarili niyo palabas ng school." Pagbabanta niya sa mga itong napayuko. Agad rin naman niyang nilampasan ang mga ito matapus niyang pagsabihan ang mga ito.

"Akin na ang mga kamay mo." Agad naman itong sinunod ni Christine. "Hindi mo pala yan itinapon." Anito ng may ipahid si Asher Jade sa mga kamay niya.

"Hindi. Dahil alam kung matigas ang ulo mo. Hindi ka nakikinig." Napangiti naman ito dahil sa tinuran ni Asher Jade. Minsan kasi ay hinila niya ang isang upoan at dahil sensetive ang mga kamay niya ay bigla itong namula. At sa takot ni Asher Jade ay dinala niya ito sa clinic at binigyan naman sila ng cream para ipahid sa kamay niya kung maulit ang nangyari sa kanya.

"Thanks." Pasalamat nito ng matapus pahiran ni Asher Jade ang kamay niya.

"Mahapdi ba Ten?" Tanong naman sa kanya ni Yuri na kanina pa nakatingin. "Medyo, pero mawawala rin naman ito dahil nilagyan na ni Bakulaw ng gamot." Sagot nito.

"Ten, curious lang ako. Bakit bakulaw ang tawag mo kay Vergara at kami naman ay engkanto. Ang gwapo kaya namin tapus ganun ang tawag mo sa amin." Si Thunder na nakakunot ang noo.

"Ewan ko, iyon ang unang lumabas sa bibig ko e. Noong elementary kasi tayo ay mukha kayong tatlong engkanto." Natatawa nitong sagot na kinakamot ng tatlo.

"Hindi pa ako binata nun e." Tila diring-diri sa sariling si Yuri. "Oo, totoy ka pa nun." Mabilis na ani Christine. Agad naman nila itong pinagtawanan.

Lumipas ang oras. At marami pang mga laro ang ginawa nila. Pero hindi na nila pinasali si Christine kung mahirap dahil ayaw ni Asher Jade na namamaga ang kamay niya.

"Ano yan?" Puno ng pagtatakang tanong ni Christine ng makita niya ang nasa harapan nilang pagkain pagsapit ng tanghali. "Inihaw na isda." Proud namang sagot ni Yuri.

"Isda ba ito o uling?" Nakangiwing tanong ulit ni Christine. "Inihaw na isda nga." Sagot parin nito. Agad naman itong hinawakan ni Christine sabay lapit niya sa kanyang mukha at tiningnan niya ito ng mabuti. Maya't maya ay natawa ito.

"Sa tingin mo Yuri Chen Moretti, may kakain ng inihaw mong isda. Kapag ang kapatid kung si Shiloh ang pakainin mo ng ganito ay baka tamaan ka agad sa kanya ng flying kick." Anitong kinakamot ni Yuri ng ulo.

"Tangina mo, bro." Natatawang anang mga ito kay Yuri na napasimangot. Mabuti na lang at isang isda lang ang ibinigay nila dito. Kundi baka wala silang uulamin.

Maya't maya ay si Thunder naman ang naghaing sa harapan nila. Gamit ang pinagpatong-patong niyang dahon ng saging ay binuksan niya ito sa harapan nila. Napahanga naman ang mga ito sa nakita nila. Hindi makapaniwala ang mga itong gamit lang ang dahon ng saging ay naluto ng maayos ang isdang niluto ni Thunder.

"Wow! Bro, paano mo niluto ang isda ng ganito. My God. Smell good." Puno ng paghangang ani Isaac na sinang ayunan nila.

"Boys scout ako. Kaya magpasalamat kayo at meron kayong kasamang gwapo." Anito. Hindi na nila ito kinuntra pa sa sinabi nito sa takot nilang hindi sila bigyan ng ulam nito.

Dahil sa niluto ni Thunder na maayos ang pagkakaluto ay napasarap ang pagkain nila kahit nagkamay lang silang lima na magkakasama. Kahit hirap ang mga kasama ni Thunder kumain dahil hindi sila sanay magkamay ay hindi na sila nag-inarte pa.

PAGSAPIT ng dapit hapon ay agad silang napatingin sa bagong dating na sasakyan. Hindi pa man lumalabas ang sakay ng dalawang sasakyan ay kilala na ni Asher Jade ang mga ito. Natawa na lang siya. Dahil isa pang mga luko-luko ang mga bagong dating. Hindi kasi nakasama ang mga ito kahapon sa campaign nila dahil mga junior level ang mga ito at sila naman ay nasa senior level. Pero dahil matitigas ang mga ulo nila kaya ito sila sumunod.

Agad na lumabas sa isang sasakyan sina Zeus, Blaze, Sylvan at Josh Vernon. Sa isa namang sasakyan ay magkakasama sina Dalton, Zach, Leon at Angelo. Cool na cool lang ang mga itong lumapit sa kanila.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong agad sa kanila ni Asher Jade. "Manghuhuli ng tikbalang, bro." Sagot naman ni Zeus.

"Langya kayo oh!" Naiiling nitong aniya.

"Hey! Mga bro, anong dala niyo?" Usisa naman sa mga ito ni Yuri na agad inakbayan ni Leon. "Meron kaming dalang can of beer, bro." Mahina nitong aniya. Kaya agad itong nakipaghigh five.

"Princess, for you." Sabay abot naman ni Blaze ng dala niya kay Christine ng buksan niya ito ay agad siyang napangiti. Dinalhan kasi siya ng pinsan niya ng Doritos. "Handsome cousin of mine, thank you." Pasalamat nito.

"May dala rin kaming take out galing Jollibee." Saad naman ni Angelo. "Mabuti naman at nagdala kayo mga bro, mahirap na kasi ang kumain na naman ng dinner na susunugin lang ni Moretti ang ulam na isda." Sabat naman ni Thunder.

"Tangina mo." Nakasimangot nitong aniya kay Thunder.

Dahil nga sa may dalang pagkain ang mga bagong dating ay hindi na sila nagluto pa. Ang dala na lang ng mga ito ang kinain nila.

Nang sumapit ang gabi matapus nilang maghaponang lahat ay gumawa agad sila ng bonfire. Tatlong bonfire ang ginawa nila. At dahil dinala ni Josh Vernon ang guitara nito ay inungutan nila itong kumanta.

Kaya naman pinagbigyan niya ang mga ito. Agad niyang kinalabit ang guitara niya at ng marinig nila kung ano ang kakantahin nito ay agad tumayo ang mga luko.

Bawat kalabit ni Josh Vernon ng guitara niya na sinasabayan rin niya ng pagkanta ay siya rin naman pag-indak ng mga kaibigan.

"Oh! Bakit hindi ka sumali sa kanilang sumayaw bakulaw. Depacito despacito." Anitong sabay kaway niya ng dalawang kamay.

"Nha. Ayaw ko. Bahala silang magsayawan dyan kahit magdamag pa silang dilat ngayong gabi." Anito sabay sindi niya ng yosi na agad inagaw ni Christine. Itinapon niya ito sa bonfire na nasa harapan nila.

"Wag ka nga manigarilyo. Not good for the health." Nagdudumilat nitong aniya na kinakamot ni Asher Jade ng ulo. "Kapag nakita ulit kitang humihithit ng yosi ay hindi talaga kita papansinin." Panakot niya dito.

Kaya naman agad niyang kinuha ang packets ng cigarettes sa bulsa niya at itinapon ni Asher Jade iyon sa bonfire na ipinagtaka ni Christine.

"Oh! Bakit mo itinapon?" Kunot noo nitong tanong. "Wala lang. Makakaya kung hindi magyosi pero ang hindi mo papansinin. Ibang usapan na yun." Saad nito. Napangiti naman si Christine dahil sa tinuran nito.

"Bakit ba gustong-gusto nila ang kantang despacito?" Pag-iiba ni Christine ng usapan. "I don't know?" Kibit balikat nitong sagot.

"Inaantok kana?" Maya ay tanong dito ni Asher Jade ng makita niyang panay hikab ni Christine. Tumango naman ito bilang sagot. "Okay. Let's go." At nauna na itong tumayo sabay abot niya ng kamay ni Christine at inalalayan niya itong makatayo.

Iniwan nila ang mga kasama nila at dinala ni Asher Jade sa tent nila si Christine. Agad naman itong nahiga. Halatang napagud ito kaya gusto niyang matulog.

"Good night bakulaw." Mahina na nitong aniya sa binata. "Good night," anito. "baby." Dagdag nito pero sa isip na lang niya.

Mataman pinagmasdan ni Asher Jade ang nakapikit na ang mga matang si Christine. Agad naman itinakip ni Christine ang dalawa niyang mga kamay sa kanyang mukha.

"Wag mo ako titigan ng ganyan, di ako makatulog." Anitong kinatawa ni Asher Jade. "Why?" Tanong naman nito. Kaya bahagya itong sinilip ni Christine. At ang lapit lang pala ng mukha nito sa kanya.

"Hindi ko alam. Basta hindi ako makatulog." Anito sabay takip niya ulit ng mukha.

"Sampo-sampo, ano yang nasa likod mo?" At dahil matatakutin ito ay agad itong napausog kay Asher Jade. "S-saan?" Takot nitong tanong.

Sa halip na sagutin siya nito ay hinapit lang siya nito lalo. "Sleep." Anito.

"Pinagluluko mo lang ako e." Nakapuot nitong aniya. "Hindi ah." Sagot naman nito.

"Gusto mo lang makachansing e." Anito. Kaya pinitik ni Asher Jade ng mahina ang noo niya. "Aray naman e." Kunwari ay nasaktan ito. Kaya agad naman siyang hinalikan ni Asher Jade sa noo.

"Bakulaw, nakita ko yung ex mo." Maya ay ani Christine. "Wala akong ex." Mabilis nitong sagot.

"Eeeeiiiihhh.....wag ka nga magsinungaling kadate mo yun palagi nung second year tayo." Nakasimangot nitong aniya. "Magkaiba ang girlfriend sa dini-date." Katwiran nito.

"Ang gulo mo." Nakasimangot paring ani Christine. "Matulog kana. Kung ano-ano na naman papasok dyan sa tuktuk ng ulo mo." Sabay pisil nito ng ilong ni Christine.

"Aray ko. Nakakasakit kana e." Sabay tampal nito ng mahina sa balikat ni Asher Jade. Kaya naman hinalikan agad ni Asher Jade ang tuktuk ng ilong ni Christine bago ito pumikit.

"Bakit ka ba nanghahalik?" Subrang inosente lang nito at tila wala itong kamuwang-muwang. "Dahil mabisang pampaalis ng sakit ang kiss ko." Sagot dito ni Asher Jade.

"Ganun ba yun." Tila naniwala naman ito. Pero ang binata gusto niyang suntukin ang sarili sa ginawa niya. Natakot itong baka magagalit sa kanya ang kababata niya. At dahil mukhang kumbensido sa sagot niya si Christine ay nakahinga naman siya ng maluwag.

Nang yumakap sa kanya si Christine ay napangiti na lang siya. "Thanks God. Muntik na tayo doon." Anito sa isip na natatawa ng lihim sa kabaliwan niya. Ng maramdaman niyang tila tulog na ang kasama ay maingat niyang hinaplos ang buhok nito. Maraming bagay siyang kinakatakutan. Ang akala ng iba ay kung sino-sino lang ang kinakama niya sa mga naging kadate niya. Pero ang totoo ay wala ni isa siyang ginalaw sa mga ito. Ayaw niyang ibigay ang verginity niya sa taong hindi naman niya makakasama panghabang buhay. He's waiting for someone in a right time.

TBC.

➡Thank you po sa mga comments niyo. I'm sorry po kung hindi ko kayo narereplyan. Sa mga nagtatanong....about Blake and Flake story....ay wala pa po silang story.

Sa nagtatanong po kung anak ni Axel Clyn Vergara si AJ....Yes! Anak po siya ni Axel at Jasmine.

Sa naghahanap ng story ni JB Samonte.....hindi ko po muna siya gagalawin. Pagsisipagan ko po kapag nasa Pilipinas na ako. Paisa-isang story muna po ako ngayon na inuupdates. Mahina po ang kalaban.....lalo pa kung abnormal si boss....hahaha!!! I know relate sa work ko ang may mga alaga ditong matanda. Lalo pa po kung tumatanda ng paurong ang alaga mo.

Yun lang po.....thank you for reading and God Bless.

Continue Reading

You'll Also Like

618K 16.1K 29
AMBERS CLAN SERIES-3 BRENT IÑIGO AREVALO "I miss you so, here around me, so many people, but yet so alone. I miss your lips, your lovely smile, I mis...
993K 34.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
84.8K 6K 30
A MayWard Fanfic Story
1.2M 33.3K 33
Andrie Dela Rosa➡Certified Playboy. "She's mine. And don't dare to touch her. I swear I will kill you."