WP New Stories' One-Shot Stor...

By WPNewStories

28.5K 446 374

Sali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :) More

Admins' Note
Qualification/Requirements
How to Join?
Criteria
Judges
Prizes
ANNOUNCEMENT!
ANNOUNCEMENT II
Reminders
Entry 1: Tulong Mo Tulong Ko
Entry 2: I'll Wait For You, Forever
Entry 3: Maghihintay ako...Andrew
Entry 5: The Image
Entry 6: Supercalifragilisticexpialidocious : THE WHITE ROSE
Entry 7: Estranghero Ng Buhay Ko
Entry 8: Fixed Star
Entry 9: Missing: Ballpen
Entry 10: 1960's Promises
Entry 11: Maging Pink Man Ang Uwak
Entry 12: Bantay
Entry 13: Saint Sinner X
Entry 14: Send it to Him
Entry 15: A Promise to Felice and Felix
Entry 16: Betrayed
Entry 17: Dear Diary
Entry 18: Nang Dahil sa CAT
Entry 19: Tres Marias
Entry 20: The Sakura Man- Class Representative's SecretThe
Entry 21: Dala Mo Ba?
Entry 22: The Melody of Time
Entry 23: The Rabbit's Mask
Entry 24: Serenade of Two Hearts
Entry 25: Be My Melody
Entry 26: Bato Bato Pik
Entry 27: When Destiny Takes Hold
Entry 28: Kwentong Soundcloud
Entry 29: The Barrier
Announcement and Reminders
Judgment Period is Extended!
Announcement
Scores for the First Round
Winners of First Round
Congratulations Winners!
Mechanics for the Second Round
Genre
Admins' Note
New Prizes
Last Extension!
Round Two: Rules and the Like
Pair 1: Romance + Horror (Lola Auring)
Pair 1: Romance + Horror (The Sakura Man: The Urban Legend of Lolita Girl)
Pair 2: Romance + Comedy (Huwag kang Ngingiti)
Pair 2: Romance + Comedy (Love Catcher)
Pair 3: Romance + Paranormal (Weird)
Pair 4: Romance + Fantasy (Sana)
Pair 4: Romance + Fantasy (Into Your World)
Pair 5: Romance + Action (The King's Rosary)
Pair 5: Romance + Action (Not a Gangster Story)
Pair 7: Romance + Adventure (Escaping Realm)
Pair 7: Romance + Adventure (To You My Future)
Scores for the Second Round
Winners for the Second Round
Wild Card Scores and Winners
Mechanics for the Third Round
Keep Writing
Criteria for the Final Round
Entry 1: Save Me
Entry 2: The Sakura Man's Identity
Entry 3: Amicia
Entry 4: Royally His
Entry 5: Unpublished
Entry 6: What Makes a Man
Entry 7: Tatlong Araw
Extended!
Clarification
Scores for the Final Round
Winners of WP New Stories' One-Shot Story Contest
A Message from Admin Simplyextraordinary
Announcement!

Entry 4: Lollipop

463 8 6
By WPNewStories

Nagmamadali akong sumakay ng taxi. Kailangan kong makaabot sa audition. Aish. Kung bakit naman kasi tinanghali ako ng gising? Sa lahat ng araw, bakit ngayon pa? Naku naman. Nagpapanic na ako. Hindi na din ako mapakali sa upuan ko, lingon din ako ng lingon.

“Manong, pakibilisan naman oh.” Naiirita kong sabi. Napa-iling naman yung driver sa inasal ko pero wala na akong pakialam. Basta kailangan naming makarating agad sa audition ko.

Pero parang pinaglalaruan ako ng tadhana dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay nang traffic. Hindi na maipinta yung mukha ko sa sobrang inis.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko agad ito sa bulsa ko.

“Oh?” Nakatingin ako sa labas. Ang lakas pa nang ulan at mukhang hindi na ako makakaalis sa traffic na ito. “What? Tapos na yung audition? ARGH!” Napamura pa ako. “Sige sige.” Agad ko nang pinatay yung phone ko.

Para akong nawalan ng buhay dahil sa nangyari. Ang malas ko naman. Yung audition na yun na lang ang pag-asa ko para maka-alis ako sa pesteng buhay ko. Yun na lang ang rason ko para patunayan sa mga magulang ko ang sarili ko. Pero yung opportunity na yun, nawala pa dahil lang sa tinanghali ako ng gising.

“Manong, balik na ho tayo sa Village.” Sabi ko at tumingin sa bintana.

Papaandarin na sana ni manong yung taxi nang biglang bumukas yung pinto at pumasok ang isang lalaking basang-basa na sa ulan.

Pinanlakihan ko siya ng mata kasi tumabi siya sa akin e basang-basa siya. Nararamdaman ko sa may bandang balikat ko ang pagtulo ng tubig mula sa buhok niya.

“Ano ba kuya, tumutulo o.” Pagsusungit ko. Ngayong masama ang timpla ko e talagang masungit ako.

Hindi ito nagsalita, tinignan lang ako na parang wala lang. Napamaang ako kasi hindi man lang siya nagsorry e nababasa niya na ako. Magsasalita sana ako nang bigla itong lumapit kay manong driver at may binigay na papel. Agad namang tumango si manong saka pina-andar na yung taxi.

Dahil mabigat parin ang trapiko ay minabuti ko na lang na ilabas ang mp3 ko. Ilalagay ko na yung headset ko nang biglang bumigat yung balikat ko. Napatingin ako sa katabi ko at nakitang nakapatong na ang ulo nito sa balikat ko.

“Aish! Hoy Kuya! Sinuswerte ka ah!” Sabi ko at tinulak siya. Napalakas ata ang tulak ko dahil muntik pa siyang mauntog. Unti-unti nitong minulat ang mata at alanganing tumingin sa akin.

“Tss. Huwag kang lalapit sa akin ah!” Nakakainis. Nakakabadtrip. Basa na tuloy yung damit ko. Ang malas ko talaga ngayong araw na to!

Nandito ako sa may park ngayon. Malapit lang ito sa bahay namin. Naka-upo ako sa isang bato sa ilalim ng puno ng acacia. Nagmumukmok ako. Dahil hindi ako nakapasa sa audition dahil hindi naman ako nakarating, wala nang dahilan pa para suwayin ko ang utos nila. Gusto nila akong mag-aral ng kolehiyo at kumuha ng kursong edukasyon.

Parehong teacher ang mga magulang ko. Mga kapatid ko, ganun din. Pero iba ang gusto ko, gusto kong maging singer. Kaya nga ako nag-audition e. Gusto kong pumasok sa isang art school. Ayaw kong maging teacher. Pero wala na e. They gave me a chance and I blew it away. Ang laki nang panghihinayang ko. Tama nga sila, nasa huli lagi ang pagsisisi.

Inis na pinagsisipa ko yung mga damo sa lupa. Nabubungkal na yung lupa dahil sa ginagawa ko. Dito ko binubuhos yung inis ko sa sarili ko. Kung sana.. nagising ako ng maaga, kung sana hindi traffic nang araw na yun, kung sana hindi umulan. Ang daming sana..

“Hah?” May lollipop sa harap ko. Napa-angat ako ng tingin at tinignan kung sino ang nag-aabot sa akin ng lollipop. “Ikaw na naman?” Napatayo pa ako.

Imbis na magsalita ay ngumiti lang ito at inabot sa akin ang lollipop. Pagkatapos ay hinawakan niya ang buhok ko at masuyong hinaplos-haplos iyon.

Nagulat ako sa ginawa niya pero at the same time, gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa ginagawa niya o dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Napaka-sincere kasi. Unti-unting nawawala ang inis ko at kasabay nun ang pagsilay ng isang ngiti sa labi ko.

Simula nang araw na yun ay lagi na kaming nagkikita sa may park. Sa ilalim ng puno ng acacia, at may dalawang bato na. Upuan naming dalawa. Ginawa na naming tambayan ito.

“Hayy. Ang sarap ng hangin dito no?” Sabi ko sa kaniya. Tumango naman ito at pumikit. Huminga ito nang malalim, nilalanghap ang simoy ng hangin.

“Oh tama na, magtira ka naman sa akin.” Biro ko sa kaniya.

Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko.

“Aish. Huwag mong guluhin ang buhok ko.” Reklamo ko.

Ngumiti na naman ito at tumango. Nakangiti lang ito habang pinagmamasdan ang paggalaw ng mga dahon ng acacia na parang sumasayaw tuwing humahangin. Ang saya niya pagmasdan. Parang kuntentong-kuntento na ito sa buhay nito. Parang wala itong problema.

Nakakatuwa nga kasi lagi kaming nagkikita dito pero hindi namin alam ang pangalan ng isa’t isa. Sinabi ko kasi sa kaniya na huwag na lang namin alamin ang buhay nang isa’t isa. Mas okay na yung ganito. We’re strangers but friends.

“Alam mo bang nung araw na pumasok ka sa taxi e yung araw na hindi ako nakapunta sa audition ko. Sayang nga e. Magiging singer na sana ako. Tss. Naudlot pa.”

Tumingin siya sa akin.

“Tapos pina-enroll na ako ni mama sa isang university. At take note ah, education ang course ko. Kainis. Ayaw kong maging teacher e. Gusto ko talagang maging singer.” Nakasimangot ko pang sabi.

Lumapit naman siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.

“Aww. Masakit yun ah.” Sabi ko. Ngumiti lang ito nang nakakaloko at tumayo. “Ganyanan pala ah.” Tumayo na din ako at hinabol ko siya. Gaganti ako e. Pero ang loko ang bilis tumakbo. Hindi ko siya mahabol-habol. Nakangiti pa siyang nang-aasar sa akin.

“Akala mo ah.” Sabi ko at tumakbo ulit sa kaniya. This time, nahuli ko siya. Kinurot ko din yung pisngi niya. Hindi na maipinta yung mukha nito sa sobrang sakit kaya pinakawalan ko na. Tinawanan ko na lang siya kasi sobrang namumula yung kanang parte ng pisngi niya.

“Oh ano? Hahahaha.” Pero laking gulat ko nang bigla na lang niya akong hawakan sa kamay ko at hinila papunta sa kaniya.

Nagkatitigan kami.

Tug Dug Tug Dug Tug Dug

Hindi ko alam kung kaninong heartbeat ang naririnig ko. Kung sa akin ba o sa kaniya? Pero isa lang ang alam ko, gusto ko ang nararamdaman ko ngayon. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin, mas lalo kong nararamdaman ang papalakas at papabilis na tibok nang puso ko. Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko.

Lumipas ang ilang Segundo, wala akong naramdaman. Iminulat ko ang mata ko. Napatingin ako sa kaniya, naguguluhan ang itsura niya.

“Ahm..” It was awkward. “Sige. Mauna na muna ako ah.” Sabi ko at patakbong umalis.

Nakarating ako sa kwarto ko. Pabagsak na humiga sa kama. Hindi ko mapigilang madismaya. Hahalikan niya ako diba? Bakit hindi niya itinuloy? Bad breath ba ako? Hindi naman ah. Mabaho ba ako? Hindi naman ah. Argh! E bakit hindi niya ako hinalikan?

Wait! Bakit ba gusto ko na halikan niya ako? May gusto na ba ako sa kaniya? No. Mali yun. Ni hindi nga namin alam ang pangalan ng isa’t isa e. Hindi pa namin kilala yung isa’t isa. Pero.. Bakit ganun yung naramdaman ko? ARGH!

Tumayo ako at patakbong lumabas. Babalik ako sa park. Dali-dali akong lumabas ng bahay at dumeretso sa park. Pero wala na siya doon. Pumunta ako sa punong Acacia. Uupo na sana ako nang makita ko ang isang lollipop na nakapatong sa bato. Kinuha ko iyon at hindi ko mapigilang hindi ngumiti.

Lumipas ang mga araw pero hindi na siya nagbalik pa. Hindi na ito pumupunta sa tambayan namin. Wala na ding nagbibigay sa akin ng lollipop. Hindi ko alam kung anong nangyari at hindi na siya muling nagparamdam. Nalulungkot ako. Namimiss ko siya. Sa sandaling nagkasama kami, natutunan ko siyang mahalin. Oo, minahal ko siya kahit hindi ko siya masyadong kilala.

At nandito ulit ako sa ilalim ng punong acacia, hinihintay siya. Na sana magpakita na siya sa akin, may dalang lollipop at nakangiti.

“Iha?”

Napalingon ako.

“Po?” Isang may edad na babae ang nakita ko. Malungkot na nakangiti ito. “May kailangan po kayo sa akin?”

“May gusto lang akong ibigay sayo.” Sabi nito at binigay sa akin ang isang lollipop at isang nakafold na papel.

Kinuha ko iyon at tinignan. “Para saan po ito?” Tanong ko pero nakalayo na yung babae. Umupo na lang ako at tinignan ulit yung papel. “Para kay Shiela.” Basa ko sa nakasulat. Kanino galing to? Bakit may pangalan ko? Uso pa ba ang sulat? Wala bang facebook?

Ini-unfold ko ang papel. At binasa ang mga nakasulat doon.

“Dear Shiela, Alam kong nagtataka ka kung bakit alam ko ang pangalan mo. Huwag kang mag-alala, nalaman ko lang naman ng hindi sinasadya. Narinig kong tinawag kang Shiela ng isa sa mga kaibigan mo. Shiela, ang ganda ng pangalan mo. Pasensya ka na ah, hindi na ako nakakapunta sa tambayan nating dalawa. At hindi na din ako makakapunta pa. Dahil habang binabasa mo ito, wala na ako.” Unti-unting nanlalabo ang mata ko habang binabasa ang sulat.

“May sakit ako. Nung araw na magkita tayo sa taxi, yun ang araw na nalaman kong may taning na ang buhay ko. Tinanong mo ako noon kung bakit hindi ako nagsasalita, kung pipi ba ako o hindi. Well, I was diagnosed with throat cancer. Akala ko noong maoperahan ako gagaling na ako, kahit hindi na ako magsalita pa basta okay na ako but I was wrong. Kumalat na sa buong katawan ko ang mga cancer cells at hindi na kaya ng chemotherapy lang.” Umiiyak na ako. Natatandaan ko pa ang araw na yun. Tinanong ko siya kung bakit ayaw niyang magsalita pero ngumiti lang siya sa akin kaya hindi na din ako nagtanong sa kaniya.

“Noong araw na muntik na kitang halikan, hindi ko tinuloy yun dahil ayaw kong may maramdaman ka sa akin. Ayaw kong mahalin mo ako kahit minamahal na kita. Ayaw kitang saktan. May taning na ang buhay ko, sinabi ko sa sarili ko na iiwasan na kita pero hindi ko kaya. Lagi kitang hinahanap. Gusto kong makita ang ngiti mo. Gusto kong magkwento ka pa sa akin tungkol sayo. But it was a selfish thing to do kaya habang maaga pa ay lumayo na ako sayo.” Hindi ko na naiwasang panghumgulgol. Nababasa na nang luha ko ang papel.

“Tarantado ka!” Sigaw ko. Kahit na alam kong hindi niya na ako maririnig. “Huli na e. Mahal na kita e. Ang sama mo!” Sabi ko habang patuloy na umiiyak.

“Shiela, Alam mo bang gusto kong maging singer? Pero hindi na ako makakakanta pa. Alam kong pangarap mong maging singer, please.. Follow your dreams. Lahat gawin mo para maabot mo ang pangarap mo. Huwag kang tumigil. Huwag kang sumuko agad. Naniniwala akong makakayanan mo yang lahat. At tandaan mo na nandito lang ako lagi at nakasuporta sayo. Itsi-cheer kita sa langit. Nagmamahal, Lollipop.”

“Kainis ka! Hindi mo parin sinabi yung pangalan mo. Now, I will always remember you because of this lollipop.” Sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko. Masakit na malaman ang lahat nang ito ngayon. Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan mahal na kita?

Napatingin ako sa langit.

“Hoy Lollipop! Nangangako ako sayo na magiging singer ako! Makikita mo magiging singer ako. The best singer! Hintayin mo lang.” Pinunasan ko ang pisngi ko. “At mahal din kita.” Hinawakan ko ang lollipop.. Naalala ko ang ngiti niya, kung paano niya ako tignan at kung paano niya pinasaya ang buhay ko…

Kahit sandali lang..

Continue Reading