Chapter 13
Bloody Acquaintance
I paste a smile on my face while i am gracefully walking in the red carpet going to the grand stage wearing the red dress given by someone i dont know and it gives me creeps. Though, nakakakaba man ay hindi ko iyon ipinakita, nakakatakot pero ayaw kong matakot, nakakapanghina pero ayaw kong panghinaan ng loob dahil alam kong nasa paligid ko lang sila, nasa harap at pwedeng nasa likuran ko lang din. Hindi pwedeng magmukha akong mahina sa paningin nila, hindi ko sila pwedeng bigyan ng dahilan para matuwa, hinding hindi ko pwedeng ipakitang napuntohan nila ako, hindi ako maaaring matalo.
Naupo lang ako sa isang table habang palinga linga sa paligid, hinahanap ko si Grey kasi nauna na siyang pumunta dito pero hindi ko pa siya nakikita. "Sanay na sanay ka talagang magisa." Wika ng isang tinig na kilalang kilala ko na. Si Red.
"Sanay na sanay ka talagang nangingialam sa buhay ng may buhay. Hays." Surang sura kong sabi saka ko ito inirapan. Somehow, kahit na gan'to palagi ang conversation namin ni Red, kahit na sa tuwing magkikita kami puros mga arguement ang nangyayari sa pagitan namin ay i dont feel like im in danger when im with him, when he is around me.
"So asan kasama mo?" Tanong niya pero napayuko lang ako. Kasi nga wala akong kasama pero sa kabilang banda mas okay na iyon dahil inaamin kong kakaiba ang nararamdaman ko sa paligid, para bang may mangyayaring hindi maganda, mas hindi kanais nais kaysa sa inaakala ko.
"Ah, wanna drink?" Pangiiba nito ng usapan dahil siguro napansin niyang hindi ako sumagot, na ayaw ko itong pagusapan. Tumango lang ako sa alok niya at nakita kong naglakad ito paalis para siguro kumuha ng maiinom.
*
Napabalikwas ako ng biglang namatay ang ilaw kaya naman biglang binalot ng kadiliman ang kabuuan ng paligid at ang malakas na tugtog ay namatay din, napalitan ito ng naglalakasang sigaw ng mga iba kong schoolmates. Madaling gumapang sa loob ko ang takot at pinagpawisan ako ng malamig, ito na ba?
Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang ilaw, maayos padin ang lahat. Nakuha ang atensyon ng lahat ng may magsalita sa harap. Hindi ko ito kilala, but his face is so familiar. Para bang nakita ko na siya noon, hindi ko lang alam kung kailan at saan.
"Let's just enjoy the party." Masayang sigaw nito dahilan para maghiyawan ang lahat. Sila lang ang natuwa dahil ramdam kong may kakaiba sa ngiti niya. Im pretty sure they will enjoy, pero alam kong hindi sila magkatulad ng pagkakaintindi. I must say, something is going fishy here.
Tumunog na ulit ang naglalakihang speaker na nakapalibot sa paligid at ang ilaw ay napalitan ng disco lights kaya naman medyo dumilim ang paligid pero natanaw ko pa kung saan nagtungo ang lalaki kanina kaya naman palihim ko itong sinundan. Itinaas ko ng bahagya ang laylayan ng gown ko dahil medyo nahihirapan akong maglakad, nasa madamong parte kami ng Philippine High idagdag mo pa ang may kataasan ang heels na sout ko.
"Alam kong may tao diyan kaya lumabas ka." Hindi ito masquerade ball pero nagdala padin ako ng maskara dahil alam kong ganito ang mga mangyayari, na unti unti na silang magpapakita, na makikilala ko na sila at hindi ako maaaring magkamali na isa siya sa mga makakalaban ko, at hindi ako pwedeng magpatalo.
Isinuot ko ang kulay itim at puting maskarang dala ko at saka lumabas sa likod ng may kalakihang puno na pinagtataguan ko. Madilim pero kitang kita ko ang malawak na ngisi nito. "Sino ka?" Natawa ito ng mahina.
"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? Ikaw ang sumusunod ng walang dahilan sa akin kaya, bakit? Sino ka ba?" Pagbabalik nito ng tanong. Hindi pa ako nakapagsasalita ay muli itong nagsalita.
"Pero hindi mo na pala kailangang magpakilala, kilalang kilala na kita." Napasinghap ako sa narinig. Totoo nga ang hinala ko, isa siya sa mga papatay sa akin pero hindi yun pwede, mauuna muna siya.
Sa kabila ng pagkagulat ko ay idinaan ko nalang ito sa paghalakhak, "Kilala mo ko? That's cute."
Madali pa sa kidlat akong umilag nang makita ang paglipad ng isang patalim patungo sa akin. Sanay na sanay na din ako sa mga ganito dahil sa mga napagdaanan ko sa Desiree. Ramdam ko nga lumakas din ang night vision ko dahil nasanay din akong makipaghabulan kay kamatayan tuwing gabi. Masasabi kong mas bihasa akong makipaglaban sa dilim, sa gabi.
"Pinapahanga moko, labis mo akong pinapahanga Dada." Mas tumalim ang titig ko dito. Biglang uminit ang loob ko, hindi ko maipaliwanag ang init ng nagraramdaman ko, kumukulo ang dugo ko lalo pat naaalala kong nasa kanila pala si Deyanira.
"Anong kailangan mo sakin? Anong kailangan niyosa akin?!" Nagngingigngit kong sigaw pero natawa lang ito ng mahina.
"Wala akong kailangan sayo, pero baka ikaw may kailangan sa akin." Ngumisi siya dahilan para mas magngitngit ako, isinara ko ang aking kamao dahil konting konti nalang ay mapupuno na ako.
"Wala akong kailangan sayo." Ako.
"Wala nga ba? O baka naman hindi mo lang matanggap na nasa amin ang kailangan mo?" Siya.
"Kung ganon ay nasaan si Deyanira? Nasaan ang kapatid ko?" Ako.
"Alamin mo." Alam kong anuman ang mangyari ay wala akong matatanggap na impormasyon dito. Alam kong kahit ano ang gawin ko ay hindi niya ituturo sa akin kung nasaan ang kailangan ko.
"Alam kong kayang kaya mo akong patayin ngayon din dito pero binabalaan kita na madaming nakamasid dito sa atin ngayon." Ramdam ko ang presensiya ng iba pa niyang kasama sa paligid, iyan ang dahilan kung bakit hindi ako maaaring gumawa ng hakbang dito lalo pat,
"One wrong move ang you'll die." Siya. Ilang saglit lang ay nawala na ito sa paningin ko, hindi ko na ito maaninag na para bang nagpakain ito sa dilim, naramdaman ko ding gumaan na ang awra sa paligid dahil umalis nadin ang mga kasama niya. Nanghina ang mga tuhod ko ay pinabayaan ko na lamang na mapasalampak ako sa damuhan.
"Paano ba maging malakas? Paano ba ang lumaban? Paano ba ang kalabanin ka, Deyanira?" Hindi ko napigilan ang pagbugso ng aking damdamin, bumuhos ang walang patid na pagtulo ng aking mga luha.
"Nawala ka nga ba sa amin? Namatay kana ba noon?" Tanong ko pa kahit na wala namang nakakarinig at sumasagot sa akin. "Sana ako nalang ang namatay, sana ako nalang ang nawala kung ganito din lang naman pala ang sitwasyon na haharapin ko."
Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Red, hindi ko alam kung bakit niya ako hinahanap pero madali akong tumayo at pinampag ang suot ko saka tinanggal ang maskarang suot ko. "Nakita kasi kitang pumunta dito ng pabalik na ako sa table natin,may dala na nga din akong alak eh, I wouldn't care pero kasi may sumunod sayong mga kalalakihang hindi ko kilala kaya sumunod nalang din ako. Okay ka lang ba?" Tanong nito at nginitian ko lang siya. How i wish na sana si Grey ang nandito, kailangan ko siya. I badly need him now.
Nilapitan ko ito saka niyakap ng mahigpit. "Ngayon ko lang to sasabihin pero maraming salamat." Napangiti nalang ako kahit na hindi niya naman nakikita.
"Tara, balik na tayo sa iba." Tumango nalang ako at saka siya sinundan. Concern din pala sa akin tong ugok na to' kahit na puros katarayan at pagmamaldita ang ginagawa ko sa kanya.
"Why are you doing this?" Tinignan lang ako nito at nagkibit balikat.
"Hindi pwedeng wala. Bakit nga?" Ako.
"Wala naman. Feel ko lang. I-i dont know." Sabi nito saka na binilisan ang paglalakad.
Sa may di kalayuan natanaw ko si Grey na papalapit dito sa kinatatayuan ko. Nakanguso itong humarap sa akin. "How are you related to that man?" Kinunotan ko ito ng noo.
"Sino?" Balik kong tanong at napailing nalang ito, pinalo ko siya sa balikat saka inirapan.
"Nagtatanong ka pero ayaw mo namang ipasagot. How nice is that?" Sasagot pa sana ito pero hindi niya na naituloy ng bigla kaming ginimbal ng isang pagsabog, napayuko ang lahat dahil doon at naglipana ang magkabilang sigawan. Magkakasabay pumutok ang mga ilaw sa paligid dahilan para bumalik ang matinding takot na kanina ko pa iwinawaksi.
"W-wag lang matakot, nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Ramdam ko ang panginginig ng kanyang nanlalamig na kamay ng hawakan niya din ang kamay ko. Ito na yon, ito na ang kanina ko pang inaakala. Pero sana naman hindi dito dahil maraming mdadamay, wag dito.
Nagtakbuhan ang karamihan sa amin patungo sa kani-kanilang dorm at dahil sa matinding kaguluhan ay aksidente kong mabitawan ang pagkakahawak ko kay Grey. Narinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko, isinigaw ko din ang pangalan nito pero tanging ang paghingi niya na lang ng tulong ang naririnig ko. Ilang ulit ko pa itong tinawag ngunit tanging ang sigawan na lang ng mga tao ang bumabalot sa buong paligid at hindi na ito sumagot
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa matinding kabang nararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil sa mga nangyayari, humupa na ang ingay sa buong paligid at bumukas ang kaisa isang ilaw.
Napasinghap ako sa mga nakita, ngayon ko lang napansin na puno na pala ng dugo ang mga kamay ko, dumanak ang dugo sa buong party venue at nagkalat ang mga katawang walang buhay. Napasalampak ako sa sahig dahil mukhang hindi ko na kakayanin ang mga nangyayari, ang daming nadamay dahil lang sa nakaraan ko, dahil lang sa akin at ngayon ay nawawala si Grey at hindi ko alam kung saan at paano siya hahanapin, hindi ko na din alam kung saan magsisimula. Paano na?