Sentry

By fbbryant

349K 15.2K 1.7K

Nang mamatay ang kinikilalang ama ni Rifka ay napilitan siyang umalis sa bayan kung saan siya lumaki ayun na... More

Foreword
1- Rifka
2- Safe Walls
3- Monster
4- Blood Sword
5- The Last of the Clan
6- SeBiAe (1)
7-SeBiAe (2)
8- Troublemaker Gaius Kühn
9- She's Found
10- Evening Activities
11- Gaius' Payment
12- The Visitors
13- Hunting Week
14- Silver Eyes
15- SA Vs Witches Vs Vampires
16- Blood and Pleasure
17- The Past Is Back
18- Party
19- Useless
20- Shoulders To Cry On
21- Friends
22- The Third Party
23- Cratus
24- Blood Moon Child
25- Rifka on Rampage
26- Villains
27- Change of Heart
28- Second Chance
29- Dinner
30- Two Poisons
31- Broken Heart and Soul
32- Bulletproof Heart
34- The Storm... Murder
35- The Storm... Regrets
36- The Storm... Courage
37- The Storm... Curse
38- Out for Blood
39- Bittersweet Victory
Epilogue
Note

33- Lull Before the Storm

7.2K 310 47
By fbbryant

"C'mon, smile for big brother. C'mon now. Be a good girl, Emma," ani Gaius na pinandidilatan ang kanyang sanggol na kapatid na nasa baby stroller nito na kulay pink.

Kanina n'ya pa ito gustong pangitiin pero ayaw talaga. Gustung-gusto na niya itong kurutin sa pisngi para umiyak na lang.

"Gaius, she's just a few weeks old. Hindi talaga 'yan ngingiti," ani Damian na umiinom ng tsaa.

Nasa salas sila nang hapong 'yun at kasalukuyang nagkukuwentuhan.

"But Reyvah said she smiled yesterday. She's so unfair!"

"That was called reflex smile. That wasn't a real one."

Gaius gave up and sat on a couch. He looked like a bum in his white loose shirt, denim shorts and slippers. Ang gulo pa ng buhok niya. He didn't even wash his face. He just brushed his teeth a few minutes ago.

"Alam mo bang ang pangit mo ngayon, son?" kaswal na tanong ng kanyang ama na pailalim siyang tinitigan.

"I don't care."

Nagkibit-balikat lang si Damian saka ipinagpatuloy ang pag-inom ng tsaa.

"S'ya nga pala, Dad, may sasabihin pala ako sa inyo. Matagal ko na itong pinaimbestigahan."

"Is it about your mother?" anito sabay lapag ng tasa sa rustic looking na center table. He didn't look surprised.

"Yes. 'Yung rason kung bakit ka umalis."

Bumuntung-hininga ito. "Have you proven our suspicion?"

Tumango siya. "I have evidence now."

"Good. Then I can have sole custody for you three."

"We are all adults. Hindi na kailangan ng custody," pagtatama niya sa ama.

"Six years ago, you were fifteen and Auberon was fourteen. Dapat dinala ko kayo rito sa Athenun pero gusto n'yong manatili sa academy kaya hinayaan ko kayong manatili sa Morland kahit ayaw ko."

"Our lives weren't that bad."

"I couldn't bring myself to trust her after what she did. Your mother, I mean."

Naiintindihan ni Gaius ang ama. Maging siya ay hindi na magawang magtiwala sa sarili siyang ina. What she did was not just awful. It was horrendously horrible.

"She should be punished, you know," ani Damian and Gaius nodded in agreement. "Dinala mo ba ang mga nakalap mong ebidensya?"

"Yeah. They're in my bag. I gave a copy to Forrest but he didn't want to talk about it. You know how he adores Mom."

"Magigising din siya sa katotohanan someday. He has forever to do that."

"Nag-aalala ako kay Auberon though."

Agad na nalungkot ang mukha ni Damian nang maisip ang anak na babae na kahit ampon lang ay minahal nito na parang totoong anak.

"She needs to know."

"Hindi ko alam kung paano sasabihin."

"Neither do I. We will wait for the right moment."

Pumasok si Reyvah sa loob ng bahay. Galing ito sa labas at nakasuot pa ito ng malaking straw hat, brown long-sleeved top, black loose jogging pants at flip flops. Sa kamay nito ay ang pruners. Gaius guessed she was cutting dead leaves from her plants outside.

"Love, may bisita tayo," nakangiting sambit nito habang nakatingin kay Damian.

"Talaga? Sino?"

"Mga kaibigan mo yata, Gaius," baling nito sa kanya.

Kumunot ang noo niya at gan'on na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang maisip kung sinu-sino ang pwedeng sumunod sa kanya rito sa Athenun.

Mabilis siyang napatayo sabay takbo sa may bintana upang sumilip.

And voila!

Una niyang nakita ay si Rifka na pababa ng van na nirentahan yata ng mga ito sa kilalang rent-a-car business malapit sa train station.

Ang ganda nito sa suot na yellow maxi dress habang ang mahaba nitong buhok ay naka-messy ponytail.

"Sina Deus pala," anang ama niyang nakatayo na sa may pintuan.

Napamura si Gaius nang makita ang repleksiyon niya sa glass na bintana.

Ang pangit n'ya!

"Tito Damian!" narinig niyang sigaw ni Malik kaya mas nataranta si Gaius.

Palapit na ang mga ito at ilang sandali na lang ay makikita na siya ni Rifka na ganito ang ayos.

"Gaius, bakit hindi mo salubungin ang mga kaibigan mo?" nakangising sabi ni Reyvah na parang tinutukso siya. Alam nito ang nasa isip niya kaya tinawanan siya nito pati ng ama niya.

"Gaius!" huli na. Pinapasok na ng ama niya ang mga ito at natuod siya sa kinatatayuan niya nang halos sabay-sabay na iniluwa ng pintuan sina Deus, Tiana, Malik, Cole at Rifka.

"Ang pangit mo," biglang sabi ni Malik at sabay-sabay na nagtawanan ang mga ito at sinugod siya ng yakap.

Maliban kay Rifka na nanatiling nakatayo at nakamasid.

"Ang baho mo pa," dagdag ni Deus habang naka-group hug sila.

"Shut up," angil niya saka tinulak ang mga ito. Si Tiana ang matagal niyang naitulak palayo dahil para itong linta sa pagkakayakap sa leeg niya.

"Suplado ka pa rin kahit wala kang paligo," komento ng babae kaya natawa ng malakas si Damian.

Pero hindi niya ito pinansin. Kay Rifka lang siya nakatingin na ngayon ay mukhang gusto nang tumakbo palabas.

Bakit ito namumutla? natanong niya sa kanyang isip.

"So, is this the famous Rifka that my son is crazy about?" biglang sambit ni Damian na nakatingin sa babae.

For the first time, gusto niyang sakalin ang ama niya.

Bakit nito sinabi iyun?

Nagbago tuloy ang kulay ng mukha ni Rifka. Mula sa pamumutla ay namula ito bigla.

Tila isang choir na nag-chorus naman ng mahabang uyyy ang kanyang mga kaibigan kaya sinamaan niya ng tingin ang mga ito.

"K-Kumusta po? Ako nga po si Rifka," magalang na sabi ni Rifka na bahagya pang yumuko sa harap ng ama niya.

"Rifka, we are so happy to finally meet you. Ang dami naming narinig tungkol sa'yo," ani Reyvah na hinawakan ang mga kamay ng dalaga. "I am Reyvah. Step-mother ni Gaius."

Dinumog ito ng mga kaibigan niya at isa-isang nagpakilala ang mga ito sa babae. They were so amazed that his father married a mortal woman.

Isang iyak ng sanggol ang narinig nila kaya nabaling ang tingin nila sa stroller. Totoong nakalimutan ni Gaius na nandoon pala ang kapatid niya. Kung hindi lang ito umiyak, na dahil siguro sa ingay ng mga bagong dating, ay hindi niya maaalala na naroon si Emma sa salas. Agad naman itong dinumog nina Tiana, Cole at Malik.

Kasalanan ito ni Rifka. She totally made him lose himself. He had to compose himself.

But he lost himself once again when he caught her smiling at his father.

"You got it bad, dude," biglang umakbay sa kanya si Deus habang nakangiting tumingin kay Rifka.

"I don't know what you're talking about," he answered.

"Deny it and I will cast a spell on you. What do you think is nicer, Deus? Make Gaius into a slimy frog or a drooling puppy?" ani Tiana.

"Puppy is cuter," sagot naman ni Deus kaya bahagyang natawa si Gaius. Inakbayan n'ya nang sabay ang kambal.

"Bakit ba kayo nandito ha?" malakas niyang tanong kaya nakuha niya ang atensyon ng iba.

"Rifka!" biglang sigaw ni Malik. "Bakit daw tayo nandito? Tanong ni Gaius."

Nakita niya ang muling pamumula ng babae nang tingnan siya. Gusto niya itong ngitian pero nag-aalala siya. Baka hindi bagay ang ngiti sa kanyang pangit na itsura ngayon. Baka mas pumangit siya sa paningin nito.

"Ah ano kasi...n-nag-aalala kami sa'yo kaya hinanap ka namin. Sabi ni Forrest nandito ka so here we are, checking on you," mahinang sabi ng babae.

Bakit mukha itong hindi komportable? Ano kaya ang pinagsasabi ng mga kaibigan niya rito? Ang dami niyang gustong itanong sa kambal. Para kasing may alam ang mga ito na hindi niya alam.

"Narinig mo 'yun, Gaius?" ani Cole na siyang may karga kay Emma. "Nag-alala sa'yo si Rifka kaya sinamahan na namin dito."

"What?" gulat na react ni Rifka saka siya tiningnan nito nang may nanlalaking mga mata. 

Alam niyang pinagti-tripan lang ni Cole si Rifka pero hindi pa rin niya mapigilan ang sariling makaramdam ng kiliti. 

Tawa ni Damian ang nakaagaw ng kanilang pansin na sinundan naman ng iba. Mukhang tuwang-tuwa ang mga ito sa kanyang lovelife na malapit nang matapos kahit hindi pa man nagsisimula. Mukha kasing hindi natutuwa si Rifka sa ginawang panunukso ng mga kasama nila.

Sa tingin ni Gaius ay nakangiwi pa ito. Loyal nga yata talaga ito kay Atira.

Ang swerte naman ng kumag na 'yun. Bisitahin ko kaya 'yun sa panaginip kapag nahanap na siya ni Rifka at bigyan ng bangungot? naisip niya.

"Rifka, welcome to our humble home," ani Damian. 

"Hindi kayo nagsabi na darating kayo hindi tuloy ako nakapaghanda ng snacks," ani Reyvah. "D'on na kayo lahat sa kwarto ni Gaius. Pasensya na kayo wala kaming ibang kwarto."

"Maganda po 'yun. Mas masaya kapag sama-sama," ani Tiana. 

At punung-puno nga ng maraming bags ang kwarto ni Gaius na hindi naman gan'on kalaki. Halos hindi na sila makakilos ng malaya dahil sa sikip nila sa loob.

"Kaming girls sa bed. Kayo sa sahig," deklara ni Tiana at walang nagawa ang mga lalaki kundi ang pumayag. 

"Ano ba ang pwede nating gawin dito sa Athenun?" tanong ni Cole na nakasalampak sa sahig at naghahanap ng tsinelas sa nakabukas nitong luggage.

"Hindi ito malaking city kaya walang interesting na pwedeng gawin dito," sagot naman ni Gaius, very aware of Rifka's every move habang nagtatanggal ito ng flat sandals nito.

"So dito lang tayo sa bahay ninyo tutunganga?" palatak ni Malik.

"Nobody invited you to come here. Magdusa kayo," sagot naman niya.

"Ang sama talaga nito. Sinundan na nga galit pa," Tiana murmured. Nakahiga ito sa kama, with her black ankle boots on. 

"Pwede kayong mag-bungee jumping sa Magnolia Bridge. It's a very big ang high bridge between Athenun and Graviville," sabi niya kaya biglang nabuhayan ang loob ng kanyang mga kasama. Pati si Rifka ay napatingin sa kanya.

"Let's go," biglang sigaw ni Malik sabay tayo. 

"Ikaw mag-drive," utos ni Deus dito at sumaludo naman ang lalaki.

Isa-isa nang lumabas ang mga ito na bigla na lamang naging excited. Mukhang hindi napagod ang mga ito sa dalawang araw na biyahe.

"You should wear pants," sabi niya kay Rifka nang sila na lang dalawa ang naiwan sa loob. Isinara pa ni Deus ang pinto nang lumabas ito kaya nagkaroon tuloy sila ng privacy. 

A very awkward privacy dahil halatang umiiwas ng tingin si Rifka sa kanya.

"M-Magpapalit ako. Lumabas ka na muna," sabi nito na sa bag nito nakatingin.

"Galit ka ba sa akin?" naisip niyang itanong kaya napatingin ito sa kanya.

"Oo," walang gatol nitong sagot kaya napakurap siya ng ilang beses. 

"Bakit?" gulat niyang tanong.

"Umalis ka na lang bigla nang hindi nagpapaalam. Nag-alala kaming lahat sa'yo. Ako pa ang huli mong nakausap kaya inisip ko na kasalanan ko kung bakit ka biglang nawala."

"Kasalanan mo naman talaga," mahina niyang sagot kaya napatitig ito sa kanya.

"Gaius, kailangan ako ni Atira."

"Alam ko," nakayuko niyang sagot. Magaganda pala ang kuko ko sa paa? 'Yun na lang ang inisip niya upang mawala sa isip niya ang sakit na nararamdaman. Si Atira pa rin kasi ang nasa isip ni Rifka.

"Hahanapin ko siya. Silang dalawa ni Beynish. Dahil pareho ko silang kaibigan at pareho ko silang mahal. I'm sure 'yun din ang gagawin mo para sa mga kaibigan mo."

Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang titig na titig ang silver nitong mga mata sa kanya kaya napalunok siya dahil sa biglaang pagkabog ng kanyang dibdib.

"Kung wala ka nang sasabihin ay pwede ka nang lumabas. Magpapalit lang ako saglit ng damit," anito saka yumuko upang buksan ang luggage nito.

Hindi na nag-isip pa si Gaius. Mabilis na humakbang ang binata at sa isang iglap lang ay nayakap na niya ito patalikod. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito pero hindi ito pumalag. Hinayaan lamang siya nitong yumakap dito kaya mas hinigpitan pa niya iyun. Isinubsob din niya ang kanyang mukha sa gilid ng leeg nito.

How he missed her. 

How he missed her natural sweet scent.

How he missed the touch of her skin on his hands.

"G-Gaius..." pabulong nitong sambit at literal na nanindig ang kanyang balahibo.

"I missed you. I'm sorry for making you worry," he whispered back and he heard her heaved a deep sigh.

"Are you okay now?"

Tumango siya habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg nito. "I'm okay now that you're here."

"Good."

Hindi na sila muling nag-usap at nanatili sa ganoong posisyon sa loob ng ilang minuto bago siya bumitaw. Pinihit niya ito paharap at nag-angat naman ito ng tingin sa kanya.

His heart melted.

Dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa mga labi nito at nalaman niyang bahagyang nakaawang ang mga iyun. They were so luscious, so inviting.

"M-Magbibihis na ako," mahina nitong sabi kaya napalunok siya.

He swallowed a big lump of desire to kiss her. To taste her that very moment. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili. Baka lumayo ito kapag binigla niya. 

Dahan-dahan niya itong binitawan. "I will just get some presentable clothes," aniya na nakangiwing dinungaw ang kanyang sarili kaya napangiti ito.

"Hindi ka pangit tulad ng sabi ni Malik," sabi nito saka tuluyan nang yumuko sa luggage nito.

Nakangiting binuksan niya ang maliit na walk-in closet kung saan naroon ang kanyang mga damit. Kumuha siya ng gray na t-shirt, maong shorts at sapatos. Sa banyo sa labas na siya magbibihis.

Nang buksan niya ang pinto ng kwarto ay nagulat na lang sila ni Rifka nang sabay-sabay na bumagsak sa paanan niya sina Malik at Cole kasama pa ang ama niya habang kaswal na nakatayo sina Tiana at Deus pero sa ibang direksyon nakatingin.

"Mga tsismoso," aniya kaya nagmamadaling tumayo ang mga ito kaya sinara na niya ang pinto.

"Okay na kayo?" excited na tanong ng kanyang ama habang papasok siya sa common bathroom. Nakabuntot ang mga ito sa kanya pero hindi siya sumagot. Binagsakan na lamang niya ang mga ito ng pinto.

---

"Wooohhh!" malakas na sigawan nina Tiana at Malik habang nakadungaw sa napakataas na tulay. Sa baba n'on ay ang malalim at malawak na ilog.

Ang daming puno sa bawat gilid ng ilog kaya napangiti si Rifka dahil naalala niya ang Faiga Mountains. Na-miss na niya ang kanyang bayan. One day, makakabalik din siya r'on. 

"Ako mauuna!" sigaw ni Cole habang nakatingin sa tatlong mortal na mga lalaki na silang in-charge sa activity na 'yun.

Tuwang-tuwa ang mga kasama ni Rifka at ang lakas tumili ng mga ito lalo na sina Malik at Cole. Si Tiana naman ay mura nang mura at tawa nang tawa. Hindi tumalon si Deus at nakamasid lang katabi si Gaius.

Kinabahan siya kanina nang dumating sila sa bahay ng ama ni Gaius. Idagdag pa ang mga panunukso ng mga kasama niya.

Mabait ang ama ng lalaki pati na rin ang asawa nito pero maging ang mga ito ay nanunukso rin. Nakakahiya.

"That was so great," sigaw ni Tiana. Nakatatlong talon na rin ito at ibang-iba ito sa mataray niyang roommate. She looked so excited now. So carefree.

"Rifka! C'mon, you have to try," bigla siyang hinila ni Malik kaya hindi na siya pumalag.

Ngunit kapwa sila napatigil nang may isa pang humawak sa kaliwa niyang kamay.

"She will jump with me," ani Gaius na sa kanya nakatitig kaya napayuko ang dalaga.

Itinaas ni Malik ang mga kamay nito saka nakangising lumayo nang paatras.

"Let's go," hinila na siya ni Gaius at nagpatianod na lang siya.

Inaamin niya sa sarili niyang bigla siyang na-excite sa isiping sabay silang tatalon ni Gaius.

Nang naikabit na sa kanila ang elastic na cord at lahat ng harnesses ay napatitig si Rifka kay Gaius. Magkayakap lang naman sila at sobrang dikit sa isa't isa.

Nakikita ni Rifka sa kanyang peripheral vision ang apat nilang mga kasama na nakangisi sa kanila habang nagchi-cheeer.

"Handa ka na?" seryosong tanong ni Gaius at tumango naman siya.

Hindi siya nag-aalala. Kinakabahan oo pero hindi siya takot.

She felt safe in his arms.

Mas humigpit ang yakap ni Gaius sa kanyang beywang kaya mas nasubsob siya sa matigas nitong dibdib.

"Here we go," bulong nito at napapikit  na lang si Rifka nang maramdaman ang mabilis nilang pagbulusok pababa.

Tila hinalukay ang kanyang internal organs kaya mariin lang siyang nakapikit hanggang sa naramdaman niyang nag-bounce sila paitaas.

Gusto niyang tumili pero walang kahit na anong ingay na lumalabas sa bibig niya.

"Open your eyes," narinig niyang malakas na sabi ni Gaius. N'ong una ay nag-alangan pa siya pero dahil ayaw niyang ma-miss ang opportunity na makita ang paligid ay nagmulat siya ng mga mata pero sa halip ay ang gwapo at nakangiting mukha ni Gaius ang kanyang nakita.

Nakatitig lang ito sa kanya habang patuloy sa pag- oscillate ang elastic cord na nakakabit sa kanila.

Si Gaius ang tipo ng nilalang na kahit na walang ginagawa o sinasabi ay bibigyan talaga ng atensyon ng kahit na sino. His breathtaking beauty demanded attention. Kahit ang napakagandang tanawin sa paligid ay walang-wala kumpara sa napakagwapong view sa harapan niya.

He was mind-boggling.

Nakakawala sa tamang pag-iisip.

Humigpit ang yakap nito sa kanya at naramdaman na lamang niya ang mainit nitong halik sa kanyang mga labi na naging dahilan upang muli niyang isara ang kanyang mga mata.

His kisses were warm, soft, sweet and compelling kaya napapikit ang dalaga. Biglang nawala ang nakakaliyong pakiramdam dahil sa pagbagsak at pag-bounce nila dahil sa elastic cord na nakakabit sa kanila pero napalitan iyun ng sensasyong tila dumuduyan sa kanya sa mga ulap.

Yumakap na rin siya rito ng mahigpit at gumanti ng kasing init na mga halik. She was flooded with euphoria as she savor the delectable kisses she and Gaius were sharing.

Kay Gaius lang niya nararamdaman ang ganitong klaseng sensasyon na para bang nasa seventh heaven siya.

Binuksan niya ang kanyang mga mata nang maramdamang tumigil si Gaius sa paghalik sa kanya at nalaman niyang titig na titig pala ito sa kanya. Tila hinihigop nito ang buo niyang pagkatao. He made her forget things she should not forget, like herself.

Pinatakan nito ng isang mabilis na halik ang kanyang mga labi bago siya nito niyakap ng mahigpit.

"I love you," bulong nito na biglang nagpayanig ng buo niyang mundo.

She tensed and couldn't find the right words to say.

He said it. He said he loved her.

At ang saya niya. Pero nalilito rin siya.

Dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot dito ay gumanti na lamang siya rito ng mas mahigpit na yakap.

---

Panay ang mahihinang hagikhikan nina Tiana, Malik at Cole habang nasa loob na sila ng malaking compartment ng tren pabalik ng Morland. Dalawang araw din silang nag-stay sa Athenun. Sa pangawalang araw ay nakuntento na sila sa loob ng bahay sabay movie marathon at food trip.

Nakatingin ang tatlong naghahagikhikan sa mga nakaupo sa harapan ng mga ito na walang iba kundi si Rifka na nakaupo sa gitna nina Gaius at Deus.

"What?" taas-kilay na tanong ni Gaius sa tatlo na para bang wala siyang pakialam sa paligid pero ang totoo ay napakalakas ng kabog ng dibdib niya.

Sa balikat niya ay nakasandal ang natutulog na si Rifka habang ang kanyang kanang braso ay protective na nakapulupot sa beywang nito.

Hindi na niya ito nilubayan pa nang tumugon ito ng halik sa kanya nang walang blood sharing, nang hindi sa panaginip.

She responded willingly!

At wala na yatang mas ikakasaya pa ang puso ni Gaius sa pagkakataong iyun.

She didn't tell him that she loves him too but he will work hard for it. He planned on earning that love. He promised himself that his love wouldn't be unrequited.

"Ang saya mo 'no?" tukso ni Tiana at mas nauna pang tumawa si Deus na sa labas ng bintana nakatingin. Alam niyang masaya rin ang mga kaibigan niya para sa kanya.

Sinulyapan niya ang tulog na dalaga. Kahit na ginawa siya nitong unan ay wala siyang pakialam. Masaya pa siya sa totoo lang.

Tama ang ama niya. Ipaglalaban niya ito. Hindi niya matatanggap na matatalo siya nang hindi lumalaban. If he lost, at least he could tell himself 'hey, at least you tried.'

Panay pa rin ang tawanan ng grupo nang makabalik sila sa academy. Isang van na minamaneho ng isang mortal ang sumundo sa kanila. Kilala ito ni Gaius na driver ng academy. Isa ito sa mga mortal na aware sa existence nilang mga bampira.

Hawak ang kamay ni Rifka ay pumasok sila sa Dormire. Hindi naman pumapalag ang babae. Ngumingiti lang ito ng mahinhin kapag nagtatama ang kanilang mga mata.

Mas nai-inlove tuloy si Gaius.

"Ihahatid na namin kayo sa kwarto n'yo," ani Deus sa kakambal at kumapit naman si Tiana rito.

Nauna na ang dalawa at sumunod sila ni Rifka habang nasa hulihan sina Malik at Cole.

"Buti naman nakabalik na kayo," napatigil silang lahat sa labas ng pinto ng kwarto ng dalawang babae.

Nakatayo r'on ay walang iba kundi si Sophia Falls. Nakasuot ito ng school uniform habang naka-krus ang mga braso sa may dibdib nito at nakataas-kilay.

Sa tabi nito ay isang matangkad na lalaki na may silver na mga mata at silver-gray na buhok na hanggang balikat.

Biglang kinutuban si Gaius.

"Rifka," mahinang sambit ng lalaki.

Naramdaman ni Gaius ang paninigas ng katawan ng kanyang katabi at gan'on na lang ang pagkawasak ng kanyang puso nang bumitaw si Rifka sa kanya at sinugod ang lalaki ng mahigpit na yakap na sinabayan nito ng malakas na hagulhol.

Tila pinipiga ang puso ni Gaius habang nakatitig sa dalawang magkayakap. Naikuyom na lamang niya ang kanyang mga kamay upang pigilan ang sariling magwala.

Tahimik din ang kanyang mga kaibigan na pati ang mga ito at tila ramdam ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Nakapikit ang lalaki habang nakayakap kay Rifka at umiiyak din ito.

Ito na ba si Atira? Ito na ba ang lalaking mahal ni Rifka? Ito na ba ang lalaking mahal ng babaeng mahal niya?

***

immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

16.7K 635 22
Pag-iibigang nabuo sa loob ng bilangguan.
8.4M 466K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
2.7M 81.5K 42
✓ | (That Nerd Is A Vampire - The New Version) Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She di...