Lockheart Series 5- His Heart...

By micheilockz

878K 19.2K 1.8K

Rated SPG. Kids Beware! Josh Hendrix Lockheart, a man who is not good to be loved dahil natatali sya sa pagma... More

Teaser
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28.01
28.02
29
30
31
32
33
34
35
Epilogue
Sneak Peek
Authors Note

21

19.3K 429 29
By micheilockz

Hello sa lahat ng member ng Naughty Lockheartz. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

PINAGMAMASDAN nya ang papalayong bulto ni Josh, sa totoo lang ay gustong gusto nya na itong sundan. Pero iniisip nya na kahit sundan naman nya ito ay hindi nya rin alam kung ano ba ang sasabihin? O kung ano ba ang tamang salita na pwede nyang sabihin dito?

"You want to talk to him?" he looked at her husband who's standing beside her. "follow him hon, It's ok with me."

But, instead of doing what he said, she went to his side and hugged him. "Please let us not talked about it."

"Ok, if you say so."

Ipinag papasalamat nya na naiintindihan sya ng asawa.

"Are you ok?" she felt his hand wrapped around her waist from the back. He kissed her cheeks and rested his head on her shoulder.

"Yeah, si Zena tulog na?"

"Hmm-mm. She's already snoring." He chuckled and hug her tighter. "Are you ok?"

"Yeah." She sighs.

"That's not what I feel." Hinawakan nito ang kanyang magkabilang balikat. "Hon, look at me."

"Hmm."

"You want to talk about it?" iginiya sya nito pa-upo sa kama. "I am willing to listen. Kanina ko pa napapansin sa ospital na hindi ka ok at ayokong matulog tayo na mabigat parin yang pakiramdam mo. So please, tell me."

She sigh again. "I'm ok. I was just shocked. I never thought I will see him this soon."

"Do you feel hurt?"

"Honestly, no!" nakita nya ang pagginhawa ng mukha ng kanyang asawa. "And I find it weird."

"Dahil?"

"Akala ko kasi iiyak ako ulit pag nakita ko sya. I mean, you know how much I used to love him. at kung gaano kalalim yung sugat na iniwan non dito." she touched her chest. "I thought there is no way I will be healed. Pero kanina, naramdaman ko wala na talaga."

"Even a little?"

"Yeah. All I felt was- pity."

"Awa nalang? Poor Josh."

"Hon, I'm serious." She pouted. "Masama na ba ako dahil yun nalang yung nararamdaman ko para sa kanya?"

"No of course not. You just moved on. Walang masama sa ginawa mo."

"But, I feel like one."

"Hon, listen to me. Kahit kailan hindi naging kasalanan ng tao na bumitiw sya isang bagay dahil sobra na syang nasasaktan. That's what we called courage hon. Hindi mo kasalanan na mas pinili mong kalimutan lahat ng bagay na nag pahirap sayo, hindi mo kasalanan na nakita mo ang halaga mo, at hindi mo kasalanan na mas pinahalagahan mo yon. You deserve what you have now."

"Pero pakiramdam ko nakasakit ako."

"Nasaktan ka rin naman. I saw how broken you are, but, you manage to fix yourself. You were so shattered but you make it whole again and made a better version out from those debris. Kung sa tingin mo nasasaktan sya, isipin mo nalang na mas nasaktan ka dati. Pero nagawa mong bumangon, and he should do the same." hinawakan nito ang kanyang mukha. Naramdaman nya ang pagdampi ng labi ng kanyang asawa sa kanyang noo at nagbigay iyon sa kanya ng ginhawa.

"Thank you hon. Ang swerte swerte ko sayo."

"No honey, ang SWERTE namin sayo. All of us. I never saw someone who have pure heart like you. Ang dali mong masaktan pero ang bilis mong magpatawad. Akala mo mahirap kang mahalin pero ang bilis mong magmahal. At ang sarap mong magmahal. You are the purest person I've ever met we talked about love. Ang buti ng puso mo, and that heart don't deserve to be broke. It is worth to be kept and pampered, forever."

"Nakakainis ka naman eh. Bakit lagi ka nalang may magandang sagot sa mga nararamdaman ko." Pabiro nya itong pinalo sa balikat.

"Of course, I am not your husband slash your doctor slash best friend for nothing." He grinned that make her smile.

"Mommy, pupuntahan po natin si tita rean now?"

"Yes baby, so behave there ok?" tiningnan nya ang cute na anak sa rear-view mirror.

"I am behaving mommy." She saw her pouting. "Kaya nga po dapat sa tabi mo na po ako nakaupo kasi wala namang nakaupo dyan."

"Baby, we already talked about this right? Mommy explained to you why you have be there."

"Yes po, pero mommy malaki na po ako. Hindi na po ako baby. I can even talk straight, both Filipino and English."

"Zena, you are still a baby. Mag te-three ka palang. Your fluent speaking doesn't make you an old one. It makes you a bright kid but, never my old baby."

"Hmmp." Sagot nalang nito na ibig sabihin ay sumusuko na ito sa kanya.

Nang makarating sila sa restaurant na napag-usapan nila ni Rean ay agad nyang hinanap ang kaibigan. Sabik na syang makita ito lalo na ang kanyang makulit na anak.

"Tita-ninang Rean." Sigaw ni Zena ng makita ang kanyang kaibigan. Bumitiw agad ito sa pagkakahawak sa kanya at tumakbo papunta sa ninang.

"Hi Baby." Sinalubong ng kanyang kaibigan ang kanyang anak at niyakap ito ng mahigpit. "Ang ganda ganda mo." komento nito ng pakawalan ang bata.

"Of course, tita." Zena even flipped her hair that made them laughed.

"May pinag manahan."

"Sinabi mo pa." lumapit sya kay Rean at niyakap ito ng mahigpit. "I missed you babe." Pinalo nya pa ang pang-upo ng kaibigan.

"Van!" kumalas ito ng yakap sa kanya. "Hindi ka parin nag babago-"

"Maganda parin ako? I know!"

Umiiling iling itong bumaling sa kanyang anak. "Baby, alam mo pinapanalangin ko na sana wag mong makuha yung kahanginan ng mommy mo. But, seems like you have it already."

Nagtawana silang magkaibigan sa sinabi nito. Pero si Zena ay nakakunot lang ang noong nakatingin sa kanila.

Sa buong maghapon ay wala silang ibang ginawa ni Rean kundi ang magkwentuhan. Pinag-usapan nila ang mga bagay na nangyari sa kani-kanilang mga buhay sa nakalipas na mga taon. Sa tagal nga ng pag-uusap nila ay nakatulog na ang kanyang anak. Buti nalang at pagmamay-ari pala ng kaibigan ni Rean ang restaurant at meron itong VIP room kung saan may malaking sofa at doon nila pinahiga ang bata. Nag patuloy sa pa sila sa pag-uusap hangang sa hindi nila namalayan na mag aalas singko na. nalaman lang nila iyon dahil sabay silang nakatangap ng tawag mula sa kanilang mga asawa.

"Oo na po uuwi na. Nicholas ka talaga!" nakita nyang namumula si Rean pagkababa nito ng tawag. Katatapos lang nyang makausap ang kanyang asawa at sinabihan din sya nito na umuwi na sila ng anak.

"Pinag bantaan ka no?"

"Huh?"

"Si Nick, I can see your blushing so I assumed Nick threaten you a wild-." Iminuwestra nya ang kanyang kamay sa gustong sabihin. Sumenyas sya ng bilog at ipinasok nya ang isang daliri doon gamit ang isa pang kamay.

"Vanessa!" naeeskandalong sigaw ni Rean sa kanya. Pulang pula ang mukha nito.

"Ano?"

"Ang dumi talaga nang utak mo. nakakainis ka!" tawa lang sya ng tawa sa reaksyon nito.

Tamang tama naman na nagising na ang kanyang anak kaya nag asikaso na silang tatlo upang lumabas ng restaurant.

Ihinatid nila si Rean sa sasakyan nito at pinasakay. "Bye Tita-Ninang Rean. Take care."

"Thank you, baby, Ingat din kayo." Hinalikan nito ang pisngi ng anak bago bumaling sa kanya. "Van, Ingat sa pagdidrive ok?"

"Opo nanay." Pabiro nyang sagot. Humalik sya sa pisngi ng kaibigan. "Ingat ka din. "Beep me when you got home."

"Ok! Bye Girls."

Nang makaalis na ang kaibigan ay saka sila sumakay sa sariling sasakyan. Pero hindi pa sya nakakapasok ng makadama sya ng kakaibang kaba. Pakiramdam nya ay may mga matang nagmamasid sa kanila ng kanyang anak. Pero nang ilibot nya ang paningin ay wala naman syang nakita.

"Baby, bilisan na natin." Binuhat nya nalang ang anak upang mas mabilis silang makarating sa kotse.

Inayos nya agad ang anak sa likod ng sasakyan at isinoot ang seatbelt nito. Mabilis din ang ginawa nyang pagkilos upang sumakay at pinaandar na ang sasakyan.

Nasa daan na sila pero hindi parin mawala sa kanya ang kaba. Pakiramdam parin nya ay para bang may sumusunod sa kanila. Gusto nya na sanang tawagan ang asawa pero naalala nyang sinabi nitong meron itong operasyon pagkatapos ng kanilang pag-uusap.

"Momy."

Nabalik lang sa wisyo ang kanyang utak ng marinig ang anak. Pansamantalang nakatigil ang kanilang sasakyan dahil sa traffic.

"Yes baby?"

"Na feel mo po kanina? Kasi po nung hinatid natin si tita Rean may nafeel po ako."

Sinilip nya ang anak mula sa rear-view mirror at nakita ang kaseryosohan sa mukha nito. "Ano yung nafeel mo baby?"

"Para pong may nakatingin satin. Tapos po nung tumingin ako sa kotse na nasa tabi ng kotse mo mommy parang nakita ko po yung guy na nakatingin."

Kinabahan sya sa sinabi ng anak. pati pala ito ay naramdaman din iyon. "Sino yung nakita mo baby, natatandaan ko ba yung mukha?"

"Hmm. Hindi ko po sya nakita ng clear mommy. Pero po parang kilala po natin sya."

"What do you mean?" mas lumalakas ang kaba na kanyang nararamdaman. "Kilala natin sya?"

"opo, familiar po kasi yung hair nya. Para pong isa sa friend ni daddy. Si----I forgot his name mommy."

Sa narinig sa anak ay binalot ng husto ng takot ang kanyang buong pagkatao. Paano nalang kung tama ang kanyang anak? kakilala nila ang taong nakatitig sa kanila. Paano nalang kung ang taong ito ay walang iba kundi ang rason kung bakit sila nandito ngayon sa bansa. Paano kung natunton na sila nito? At paano nalang kung meron itong gawing masama sa kanilang pamilya gaya nalang ng ginawa nito noon nasa amerika pa sila?

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 303 22
He is quiet and serious among his friends. The type that will only listen to complaints and speak up when necessary. Filipino, Russian fintech mogul...
6.6K 169 38
[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] Limang taong nakapiit si Trinity sa lugar na hindi tukoy kung saan ang pagdurusa ay walang hanggan. Dahil...
2.5K 236 19
Morgon Montalban & Shiloh Fuentes HIM SERIES 2 ••••• Three years nang hiwalay sina Morgon at Shiloh. Pero sa loob ng mga taong iyon, umaasa pa rin si...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy