The Graphophiles' Joint | Vol...

بواسطة ZenRoxen_Boy

23.7K 1K 224

Isang pagsubok ngang maituturing para sa isang mula sa lower section na si Yoseff Adrian Muñoz na makapasok s... المزيد

The Graphophiles' Joint
VOLUME ONE
I- Yoseff: The Writer Wannabe
II- The Graphophile's Membership
III- Struggles to Write
IV- When Life Screams "Plot Twist!" (Part One)
IV- When Life Screams "Plot Twist!" (Part Two)
V- An Unwelcoming Welcome
VI- Write an Article, Cry... Repeat! (Part One)
VII- The Judgement Day
VIII- Let's Make a Good Start! (Part One)
VIII- Let's Make a Good Start! (Part Two)
VIII- Let's Make a Good Start! (Part Three)
IX- Freezing Confidence (Part One)
IX- Freezing Confidence (Part Two)
IX- Freezing Confidence (Part Three)
X- Enigmatic Motivations (Volume One Final Chapter)

VI- Write an Article, Cry... Repeat! (Part Two)

651 43 20
بواسطة ZenRoxen_Boy

YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

"I believe that a journalist should write only what he holds in his heart to be true."

HALOS HINGALIN na ako sa karipas ng paghakbang ko papalabas ng classroom. Para tuloy akong si Sonic the Hedgehog sa bilis kong lumabas pagka-anunsiyo ng "class dismissed" para makapunta sa sinasabing lugar ni Sir Lysandre upang kitain siya. Parang naubusan ako ng hininga pagbaba ng first floor anupa't nasa fourth floor pa ang aming silid-aralan. Kulang na lang talaga at tumalon na lang ako sa may grills para makababa lang ng building na 'to.

Kung puwede lang na hindi na pumunta, pero siyempre, nakakahiya naman kay Sir Lysandre na nagsaayos pa ng ganito.

Kahit hinahabol ang bawat paghinga ay nagpadala pa rin ako ng text message kay Sir Lysandre na nagsasabing papunta na ako sa aming tagpuan (na malapit lang naman sa school) pagkababa sa may hagdan. Lalo na at alas-kwatro ang usapan namin, pero lumabas kami nang mga quarter-to-four.

Sa main gate ng USF na lang ako lumabas, dahil dito malapit ang café na meeting place namin ni Sir Lysandre. Bibihira lang kaming magawi rito, lalo na at medyo malaki ang distansiya ng mga building ng SHS sa college. Pero kahit nasa campus pa rin ako, pakiramdam ko ay nasa iba akong mundo, dahil puro college students ang labas-pasok sa gate at mabibilang na lamang sa daliri ang mga katulad kong SHS students na nakakasalubong ko. Iba kasi ang atmospera na nararamdaman ko sa lugar na ito.

Pagtingin ko sa wristwatch ay mukhang male-late talaga na ako--ang lawak kasi ng campus ng buong USF--na para talagang maze, kung titingnan; sa kabutihang palad naman ay nakalabas pa rin naman ako nang buhay.

Habang naglalakad sa may sidewalk sa labas ng campus, halos maligaw na ako sa dami ng mga establisiyementong nakatayo at nadaraanan ko. Mula sa mga café, mga kainan, at mini-mart. Napakapalad nga ng mga college student, at ang mga tambayang ito ang mismong kusang lumalapit sa kanila (hindi rin naman kasi kami basta-basta makalalabas kapag school hours).

"Lumiko ka lang sa kaliwa, sa may banda ng mga hostel at boarding house, tapos diretsuhin mo na lang." Halos umikot ang ulo ko sa sinabi ni Kuya na napagtanungan ko sa may 7-Eleven; napakamot pa tuloy ako ng ulo habang naglalakad. Naku! Hindi pa naman ako matandain sa lugar, at baka maligaw pa ako. Hindi talaga ako laging nagagawi sa lugar na ito dati pa.

Sana pala ay nagpatulong na ako kay Wilbur. Pero, sa kabutihang palad naman (pagkatapos ng ilang taong pagkaligaw at paghahanap), ay natagpuan ko na rin ang café na nakatayo sa pagitan ng mga boarding house at hostel.

Hindi naman pala ako dadaan sa sampung bundok makarating lang sa aking pupuntahan. Bumungad sa akin ang maliit na establisiyemetong may pastel-colored signage na may nakasulat na Bean There, Done That Cafe.

Kung ikukumpara sa mga katabing kainan at café sa paligid, hindi hamak na mas malawak ang sakop na lugar nito. At mukhang rustic ang vibes ng café lalo na at maganda ang pagkaka-design dito.

Pagkabukas ng glass door ay binulaga na ako ng nakahahalinang amoy ng mga tostadong butil ng kape na para bang tinutukso ako ng amoy na iyon na ako'y bumili na sa kanila. Sa counter pa lang ay mapagmamasdan na ang sari-saring cakes at pastries na nakapaloob sa glass chiller.

"Good afternoon po, Sir!" pagbati ng isa sa mga barista na abala sa pagbibigay ng orders sa mga customer.

Isa rin sa mga nagbibigay ng rustic vibes ay iyong board na nakatayo sa tabi ng counter, na kung saan ay nakasulat ang Specialty of the Week. Isama pa ang mga makukulay na painting na nakasabit. Nakakakalma ang vibes ng buong café, lalo na at jazz music ang pinatutugtog sa speakers.

Abala sa kani-kanilang mga gawain ang mga estudyante habang iniinom ang in-order nilang drinks. May mga gumagawa ng assignments, nagba-browse sa kanilang laptop; at may iba na gusto lang mag-chill at palipasin ang oras.

Iyon nga lang, halos college students ang naririto sa mga oras na ito. Mayroon din namang mga katulad kong SHS students, pero mas marami ang populasyon ng college students.

Napagtanto ko lang hindi pala para purihin ang interior ng café ang sadya ko rito. Pinalibot ko ang sarili ko sa buong café para hanapin si Sir Lysandre. Nalimutan ko tuloy na gusto akong kausapin ng isa sa may pinakamataas na posisyon sa organisasyong kinabibilangan ko.

Magkabilaan ang lingon ko sa buong café, pero madali ko rin siyang nakita, lalo na at sa istilo pa lang ng buhok niya, sa suot na uniporme, at pati na sa suot niyang gray na blazer.

Paglapit ko sa kaniya ay itinaas niya ang binabasa niyang magasin at tinanguan ako nang may kasamang ngiti.

"Yoseff," pagbati ni Sir Lysandre habang nakaupo sa may couch sa tabi ng bintana, at naka-de quatro ang posisyon. Pansin ko rin na may newspaper at magazine stand sa tabi ng kaniyang mesa. Sa bandang harap naman ay mayroong mga librong naka-display sa may maliit na shelf na nakasabit sa dingding.

May mga estudyante rin sa likod namin ang naglalaro naman ng chess.

"Good afternoon po," kabado ngunit kalmado kong tugon sa kaniya habang nakatayo.

"Maupo ka." Nanginginig ang mga paa ko nang ako ay makaupo (muntikan na nga akong ma-out-of-balance sa kaba).

Hindi ako makapagsalita, at hindi rin mapigilan ang pagkuyakoy ko habang nakaupo sa couch; ayaw magpagapi ng aking kaba at patuloy pa rin akong natutuliro.

Ngunit, binasag din ni Sir Lysandre ang katahimikang namamayani sa amin.

"Before tayo magsimula, gusto mo ba ng maiinom? Coffee? Tea?" tanong niya sa akin sabay kuha ng menu card, kaya medyo napabuka ako ng bibig at natorete.

Napakamot na lang ako ng ulo at napailing. Mukhang nakakahiya naman ito.

"You silly, it's my treat naman," pagmamapilit pa niya. Gah! Nasaan ang kahihiyan mo, Yoseff?

"Uhm... Kahit ano na lang po," tugon ko nang may kabagalan, pero hindi ko maiwasan ang pagyuko, sabay laro ng mga hintuturo ko--iyon ang mga bagay na ginagawa ko kapag kinakabahan.

Kinuha ni Sir Lysandre ang menu card na nakalagay sa mesa. Sa totoo lang ay medyo nakakahiya, lalo na at ang mga presyo ng kape't iba pang drinks ay baon ko na sa dalawang araw noong nasa Junior High School pa lang ako.

"I'll go with their specialty of the week, Matcha Wafer Frappe," ani Sir Lysandre habang nakahawak ang baba sa pagpili. "I need to have a caffeine pause for a while, kasi baka masobrahan ako sa kape. Ikaw ba?"

Ano nga ba? "Ito na lang pong Strawberry Cream Frappe," tugon ko, resulta ng pag-i-eanie-meanie-miney-mo.

"Okay!" kalmadong sabi naman ni Sir Lysandre. "Would you like some cheesecake?" pa-follow-up question niyang muli ngunit hindi na ako tumugon pa.

"Fine, o-order ako ng tig-dalawang slice ng Oreo Cheesecake." Nagpaalam muna siya upang tumayo at para kumuha ng order.

At pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik din si Sir Lysandre na may dalang order buzzer at inilapag iyon sa mesa.

"So, Yoseff..." Bumalot ang hindi-maipaliwanag na pakiramdam sa buong paligid. Nakararamdam ako na hindi ako komportable, at namamayani ang awkwardness.

"May katanungan ka bang gustong maisagot?" Seryoso ang tanong niya, at hindi ko matakasan ang katanungang iyon sa akin--parang gusto ko nang sumabog anumang oras.

"Uhm... ah... kasi po..."

"Go ahead. Makikinig ako."

Hindi ko na napigilan pa at unti nang naupos ang pisi ng aking time bomb.

"Paano po ba magsulat ng magandang article? Hirap na hirap po talaga ako. Iyon nga po ang dahilan kaya gusto ko nang hindi na ituloy ang article ko sa Joint."

"Okay..." iyon lang ang itinugon ni Sir Lysandre--isang matipid lang na "okay."

"Do you want to go back to the basics?" Grabe! Nakakahiya ka, Yoseff! Ang sarap salpukin ng pagmumukha mo!

Umubong muli si Sir Lysandre at mas naging seryoso pa sa kaniyang pagsasalita.

"In writing an article--a newspaper article, mayroon tayong kaniya-kaniyang arrangements para maging organized ang magiging structure nila. Sino bang reader ang gustong makabasa ng sabog-sabog na article? Who wants a room that's full of mess and clutter, 'di ba?" saad niya sabay laro ng hawak niyang takip ng ballpen.

Nagtunog-teacher siya na hindi ko alam kung saan niya biglang nahugot iyon, pero nakaramdam ako na dapat akong makinig sa kaniya.

"For starters, we begin with an introduction--which is a sort-of bait sa readers. We want to hook their attention para ipagpatuloy at maengganyo sila sa pagbabasa ng isinulat natin.

"We must give questions to them, nang sa ganoon ay mauhaw sila sa kasagutan at magka-urge sila na basahin ang isang article hanggang sa dulo.

"Maraming katanungan ang gustong masagot ng mga tao out of their curiosity. Ikaw ba, Yoseff?" Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong tanungin, sabay turo sa sarili ko

"Ano ba ang mga katanungan mo sa sarili mo?" Sasagot na sana ako nang bigla pang nagsalita muli si Sir Lysandre, "...nafi-feel mo bang out-of-place ka sa Joint? We tend to have self-doubts and we often underestimate our capabilities so that's why we question ourselves." Teka, mukhang iba na iyong sinasabi niya, ah?

Napagtanto kong dalawang perspektibo ko ang nais patamaan ni Sir Lysandre. Hindi naman ako makaangal dahil totoo naman lahat ng sinasabi niya, kaya marapat lang na manahimik.

"After the introduction, we jump to the body--ang pinaka-framework ng isang article--" Biglang natigilan sa pagsasalita si Sir Lysandre nang umilaw at nagsimulang mag-vibrate ang buzzer sa mesa. Nag-excuse siya na pumunta sa counter, at bumalik na dala ang in-order niya. Inabot din niya sa akin ang biniling frappe at cheesecake.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang umiinom ng in-order na frappe gamit ang straw. "Dito natin binibigyan ng kasagutan ang mga katanungang naiungkat sa introduction. Here, we stand our own point. Itinitimbang natin. Sigurado ka na ba sa magiging desisyon mo? Hindi mo ba kayang timbangin ang sa kung ano ang desisyong mas makabubuti sa iyo?" Patuloy pa rin akong tameme habang nilalaro-laro lang ang Strawberry Cream Frappe.

Hindi si Sir Lysandre ang kumo-corner sa akin ngayon--kung hindi ang mga bagay na sa akin ay patuloy na bumabagabag.

"Hindi pinag-uusapan dito ang posisyon o katayuan mo sa lipunan. We are all entitled to be a journalist. We are entitled to voice-out our opinions." Natigilan saglit si Sir Lysandre habang pinunas ng napkin ang kaniyang bibig.

"Mukhang hindi mo pa nagagalaw 'yong pagkain mo, ah?" komento pa niya sa akin kaya kinuha ko ang tinidor at sumubo nang kaunti.

"And we end with the conclusion. Ano ang natutuhan mong aral sa mga iyon? Ano ang realizations mo? Conclusion usually ends with reflections, epiphanies, and eye-opening realizations. Natututo tayo sa ating mga pagkakamali at karanasan sa buhay. Life itself is a mistake, so it's up to you on how you defy and live with it.

"The end justifies the means, ika nga nila. Nasa huli ang pagsisisi--sa huli made-determine kung ano ba ang repercussions ng ating mga desisyon." Sa napakaraming sinabi ni Sir Lysandre, quotang-quota na ako sa dami ng mga napagtanto ko sa sarili ko. Parang binuhusan ako ng sandamakmak na realizations at sinampal ng pagkabagabag ng budhi.

"So Yoseff... is leaving defines you for who you are? Kung aalis ka at hindi mo na ipu-pursue ang pagiging writer ng Joint, how would it affects you?" iyon ang huli niyang tanong sa akin pagkatapos ng lahat.

"Hindi ko po alam, Sir," sambit ko sabay yuko at habang nakararamdam ng internal facepalm. "Feeling ko po kasi... nanliliit ako sa sarili ko--siyempre po, nandoon ang expectations, 'yong pressure."

"A diamond in the rough, when polishedand molded properly through the transcendence of time will become the most beautiful--the most precious among all the gemstones."

At sa huling patak ng frappe sa baso, nagwika pa ulit siya na ang mga kataga ay parang karit na may dalawang talim na siyang tumagos hanggang sa kalamnan.

"Kung pag-iisipan mo ang sumuko, hindi naman kami ang mawawalan ng experience--hindi rin kami ang masasayangan ng oportunidad--ikaw iyon.

"Sana maging klaro na sa iyo ang lahat. If this is already your decision, you must do so. It's fine with me. Desisyon mo iyan at hindi kita pipigilan. You choose your own path, and you also let your path choose your consequences.

Hindi ko alam kung kakailanganin ko pa ng sign sa mga hakbang na dapat kong tahakin.

---

Simula nang masali ako sa Joint, panay ang pagpo-promote nitong sina Wilbur at Lewis na bumili ng latest copy na iri-release pa lang sa mga kaklase ko, pati na sa mga taong nakakasalamuha namin. May ibang schoolmates ko ring mga taga-lower section din ang nagpaabot ng suporta sa akin, na sobrang nakaka-flatter.

"Uy! Mga repa! Bili kayo ng latest issue ng Joint. Naroon 'yong article ni Yoseff!"

Naalala ko 'yong ginawang pagpo-promote ni Wil sa teammates niya sa varsity kanina.

Na-realize kong, masiyado akong makasarili kung bibitiwan ko ang pagkakataong iyon. Selfless act man iyong maituturing, ako pa rin ang lalabas na selfish. Marapat na lang na gawin ko ang aking best.

Ilang linggo pa lang bago ang release (at wala pa nga akong naipapasa) ng latest issue, pero mas excited pa sa akin itong dalawa sa akin.

"Baka ngarag ka na naman. Gusto mo ba ng kape?" pag-aalok ni Wil habang nilapitan ako. Kasalukuyan akong nagtitipa sa aking laptop sa may mesa. Kahit may assignments pa akong dapat tapusin, inuna ko na muna itong nire-revise kong article na matagal nang nakatengga. Sa bawat takatak sa keyboard, naramdaman ko 'yong inspirasyong matagal ko nang hinahanap.

"Uy! Huwag na, Wil. Baka hindi na naman ako makatulog nito," komento ko na lang sabay lingon at pindot ng mouse upang i-Italicize ang isang salita.

"Ayos! Sumisipag na tayo ngayon, ah?"

"Nilulubos ko na lang 'yong pagkakataong ito. Matatanggal din naman ako," kalmante kong tugon sa kaniya kahit nakaharap sa laptop.

"Naku! Think like Jimmy Neutron. Wait, hindi pala Neutron... Megatron!"

"It's proton, Wilbur. Proton!" Bigla namang sumingit itong si Lewis na may dalang libro na hiniram kanina sa library. Katatapos lang naming kumain ng hapunan, at naroon na sa kabilang kwarto si Ninang Berna at nanonood na ng paborito niyang palabas sa TV.

"E 'di, kasi," saad naman nitong si Wil na may halong pagbusangot sa kaniyang pinsan. Pero sumilp naman itong si Lew na gustong tingnan ang isinusulat ko.

"Uy, Yoseff... baka naman, ha?"

"Oops! Bawal basahin." Tinakpan ko ang screen ng laptop gamit ang akong dalawang kamay.

---

Mag-a-alas-kwatro y media na, ngunit hindi muna ako umuwi, lalo na at abala ako sa pagbabasa ng iilang mga naunang issue ng Joint na ibinigay (akala ko ay ipahihiram lang) sa akin ni Sir Lysandre, sa isa sa mga paborito kong lugar na ginagawa kong tambayan para palipasin ang oras--sa may bench sa ilalim ng puno ng Acacia

"Hello, Yoseff!" pagbati sa akin ni Cassy na dumaan habang ako'y nagbabasa, at saka naman siya umisod siya umupo sa tabi ko. Mukhang katatapos lang din ng klase nila.

"Uy! Ano 'yan?" tanong pa niya, sabay hawi ng nakalugay niyang buhok. Medyo naninibago lang ako sa istilo ng buhok niya, lalo na at nasanay lang siguro ako na nakikita siyang naka-ponytail ang buhok sa lahat ng pagkakataon. Itinaas ko naman 'yong bookazine na binabasa ko, at saka naman siya tumango.

Bigla niya akong siniko at nagtanong. "Kumusta na ang article natin?"

"Wow naman! Wala na bang bago? lang beses n'yo nang naitanong sa akin iyan," medyo napailing ako habang sumasagot. Itanong ba naman sa akin ang one-million-peso question na iyan? Sa bawat pagkikita na lang namin, ang kadalasang itinatanong kung kumusta na ang article na isinusulat ko...

...bakit hindi naman nila itanong kung kumusta na ang nagsusulat ng article, lalo na kung buhay pa kaya siya?

"Wala na rin bang bago? Baka isagot mo na naman sa akin na, 'heto... wala pa ring improvements.' Sus!" Bigla tuloy humirit si Cassy kaya napasapo na lang akong mukha sa isinagot niya sa akin; napaso pa ako sa sariling apoy na nilikha ko.

"Ay, grabe. Huwag kang ano. Katatapos ko lang 'yong article ko kaninang umaga. Baka ipasa ko na nga siya bukas." Sa kabutihang palad ay natapos ko ang article na sadyang pumiga nang todo sa akin.

Pero iba pala ang pakiramdam na sa hinaba-haba pa ng lahat, iba ang feeling na tapusin sa isang 30, ###, o end of story... ang introduction na nasimulan.

"E 'di, maganda. Ikaw talaga, Yoseff, kailangan mo lang siguro ng taong sasapak sa ego mo para magising ka't matauhan," sambit pa niya sabay tingin sa akin. Pero napailing lang ako, lalo na at hindi ako sanay sa eye contact.

Gamit ang mga bagong natutunan, naging malaking tulong sa akin ang lahat--mas napaganda ko pa nga ang article ko, kahit medyo hindi ako confident dito. Pero bahala na!

"Parang inertia lang kasi iyan. An object will remain at rest without an interaction with an external force."

Tama nga si Cassy. Masiyado akong nag-overthink sa sarili ko--kinain ako ng pagiging negative kong mag-isip; may agarang conclusion na ako kahit wala pa pala akong nasisimulan. Para akong naduduwag sa survival mode ng Minecraft, kasi mas naging kampante ako sa loob ng aking comfort zone. Palagi akong naduduwag na sumisid pa. Lahat ng tao ay may itinatagong potensiyal

Mukhang magandang ideya ito para sa isang essay piece.

"Mukhang dalawa na ang ipapasa ko para sa latest issue ng Joint!" bulalas ko sa gitna ng naging realizations ko. "Pero ewan ko lang kung maihahabol ko pa, malapit na kasi ang deadline," pagbawi ko bigla. Kakayanin pa naman, pero aabot pa ba?

"Woah! Looking forward ako riyan!" sambit ni Cassy na puno ng excitement, at saka naman niya ako inalog.

---

Halos patayin na ako ng deadline na 'to, pero mabuti na lang at nakaabot pa ako nang buhay.

Bago tumungo sa next class ay dumiretso muna ako sa Joint room para ipasa ang dalawa kong articles na naisulat. Hindi ko inakalang napakabilis nga ng mga pangyayari; parang kahapon lang ay nakabuo lang ako ng concept para sa susunod na isusulat ko, pero ngayon, ipapasa ko na ang soft copy nito.

"Good afternoon po, Ma'am," pagbati ko kay Miss Kendra na siyang nadatnan ko sa EICs' room.

"Yes, Yoseff?"

"Magpa--" Natigilan ako nang mayroong isa na humabol para magpasa rin ng article niya.

Si Spencer.

Wala man siyang imik at hindi na nagsalita, ngunit nararamdaman ko ang matatalas niyang tingin sa akin, pero hindi ko na lang pinansin iyon, habang inilapag ang flash drive ko sa mesa.

"I'm wishing you all the best, Yoseff, sa magiging outcome ng lahat. Kung papalarin ka, well, that's good for you then."

Bahala na kung ano na ang mangyayari sa akin pagkatapos ng lahat ng ito. Ang mahalaga, ibinuhos ko ang buong makakaya ko. At wala akong dapat na pagsisihan, dahil ginusto ko ito.

-30-

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

9.6M 527K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
Unreachable (✓) بواسطة mab

قصص المراهقين

1.5K 245 16
Gago ang mundo. Papatawanin ka para paiyakin. Paiinumin para magkaroon ng hangover. Papaibigin para basagin. Nakilala ko si Caroline. Gago rin ang tr...
12.8K 1.5K 200
Ang kanyang kalooban ay matigas at hindi normal katulad ng sa iba. Gayunpaman, dahil ipinanganak siya sa isang maliit na sangay ng pamilya, ang kany...