A Love to Report [Fin]

By YGDara

3.6M 63.2K 2.3K

Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano... More

A Love to Report
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen [1]
Sixteen [2]
Sixteen [3]
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
HAPPY
Forty [1]
Forty [2]
Forty [3]
Epilogue

Thirty-two

70.7K 1.4K 66
By YGDara



Kasalukuyang binabagtas ni Adie ang lugar papunta sa kinaroroonan ni Marco.

Kagabi kasi habang kinakausap siya nina Colyn at Mitch para sana humingi ng tawad ay bigla nalang ding humabol si Erin sakanila at laking tuwa niya nang sabihin nito kung nasaan si Marco.


Kinulit-kulit at kinonsensya daw nito ang mga lalaki para magsalita. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil sa sobrang saya.

Dapat nga'y kagabi niya rin pupuntahan si Marco kaya lang pinayuhan siya ng mga ito na ipagpabukas na nga lang niya.

Kaya nga ngayon, hindi na siya nagsayang ng oras dahil umagang-umaga palang ay binabagtas na niya ang daan papuntang Bulacan.

Itinext sakanya ni Erin ang eksaktong address kung saan namamalagi si Marco. Masaya siya dahil nadagdagan ang mga masasabi totoong kaibigan.

Halos tatlong oras niya naring hinanap kung nasaan ang bayang kailangan niyang puntahan. Nagtanong-tanong rin siya sa mga residente roon kung saan ang address na ibinigay sakanya kaya naman magtatanghali na ng makarating siya sa eksaktong address nito.

Isang malaking puting bahay ang tumambad sakanya. Bumaba siya sa kanyang kotse ngunit hindi parin niya inaalis ang tingin sa buong bahay. Iginala rin niya ang paningin sa paligid, maganda ang garden at hula niya ay may backyard pa ito sa laki ng sakop ng lugar.


Maya-maya lang ay may isang matandang babae na lumabas mula sa gilid ng bahay at may hawak na walis tingting. Papasok na sana ito ng mapansin siya sa may gate. Ibinaba nito ang walis tingting sa gilid at pinuntahan siya nito.


"Ano ho'ng kailangan nila?" Magalang na tanong nito.

Nginitian niya ito. "Uhm, hinahanap ko po kasi si Marco. Eto po kasi yung address na ibinigay sa akin ng mga kaibigan niya. Nagbabaka-sakali lang ho sana ako kung nandiyan siya. May sasabihin lang po sana ako."


"Ay, pasensya ka na ineng, kanina pang umaga umalis si Marco pabalik ng Maynila." Hinging-paumanhin nito.

Biglang bumagsak ang balikat niya sa narinig. Bumyahe siya ng mahigit tatlong oras para lamang sa wala? Gutom na siya, at pagod pa dahil nagkanda-ligaw ligaw siya para lang mahanap ang lugar na ito. Paano ba naman, akala niya ay urbanized na ang Bulacan. Ngunit nagkamali siya dahil may mga lugar pa pala na karamihan ay pangingisda at pagsasaka parin ang hanap-buhay ng tao.


"Ah ganoon ho ba? Sige ho, salamat nalang ho." Ngumiti ulit siya sa matanda.

Tumalikod na siya at papasok na sana sa loob ng sasakyan ng biglang may isa pang sasakyan ang humimpil sa tapat niya. Isang magandang babae ang lumabas roon kasabay ang isang lalaki.

Napatingin sakanya ang babae. Kahit na nakasimpleng dress lang ito at maikli ang buhok, halatang-halata sa kilos nito ang poise at pagkasopistikada. Habang ang lalaki namang kasama nito ay walang duda na gwapo ito. Malaki rin ang pangangatawan nito na halata sa suot na isang puting tshirt at pantalon.


Nagulat siya ng lapitan siya nung babae at nginitian. "Ano'ng kailangan mo,hija?"

Pero tila tumakas ang dila niya ng mapagmasdan niya ang mukha nito. Parang may kamukha ito. At tila nasagot ang katanungan niya nang lumapit naman ang lalaki sakanila.


"H-Hinahanap ko po kasi si Marco.. p-pero nagkasalisi po ata kami. S-Sige po, mauuna na ako." Mabilis siyang lumapit sa kotse niya. Pero pinigilan siya ng Ginang.


"Halika muna sa loob. Uuwi naman rin si Marco mamaya lang. Kumain ka na ba?" Tanong nito sakanya.


Nahihiyang umiling lang siya sa mga ito.


"Tamang-tama, come and join us for lunch." Sabi naman nung lalaki.


Sunod-sunod na iling ang ginawa niya. "Hindi na ho. Nakakahiya po. Salamat nalang po."


Pero huli na ng kapitan na siya sa braso ng ginang. "Oh nonsense, halika na sa loob. I assume you're a friend of Marco at mukhang importante ang pakay mo." Nakangiting sabi nito.


"Ah, hindi naman po masyadong importante." Pagsisinungaling niya sa mga ito.


"Hindi ka naman babiyahe ng pagkalayo-layo kung hindi iyan importante." Komento naman ng lalaki.


"May ginawa ba sa'yo si Marco?" Kunot-noong tanong sakanya ng babae.


"Wala ho, katunayan nga po. Ako ang may kasalanan sakanya." Nahihiyang sabi niya.


Mukhang nagulat ata ang mga ito. Akala nga niya ay papaalisin siya ng mga ito pero kabaligtaran ang nangyari dahil narinig niya pa ang tawa ng mga ito.


"Kaya pala naglulungga dito iyang anak mo, Apollo." Natatawang sambit nung babae. Tinignan siya ng babae at tsaka nagpakilala. "Ako si Marcella and this is Apollo."


Ngumiti siya sa mga magulang ni Marco. "Hello po ma'am, sir. Ako po si Adrienne Marie Martin."


"You can call us, tito and tita Adrienne. Hindi pa naman kami ganoon katanda." Natatawang sabi ng papa ni Marco.

Ngumiti siya ng maluwag sa mga ito. Nakakatuwa ang magulang ni Marco, parang sakanya lang. "Then you can call me Adie nalang po. Masyado po kasing mahaba ang Adrienne."


"O siya siya, doon na tayo sa loob magkwentuhan at baka lumamig ang pagkain." Aya sakaniya ni Mrs. Montello.


Wala na siyang nagawa kundi sumunod sa mga ito sa loob. Sayang nga naman talaga kasi ang ipinunta niya at tsaka gutom narin naman talaga siya.



Puno ng tawanan ang hapag-kainan dahil sa papa ni Marco. Ikinekwento kasi nito kung ano ang mga kabaliwan na nagawa para lang mapa-oo ang mama ni Marco. Kesyo, nagsuot daw ito ng cupid costume para lang mapatawad ito ng mama ni Marco.


Matapos kumain ay nagpumilit siyang tumulong para iligpit ang mga pinagkainan pero pinigilan lang siya ng mag-asawa. Kaya naman nakuntento nalang siya sa paglilibot sa bahay ng mga Montello.

Naiisip niya na ang saya sigurong tumira sa ganitong klaseng lugar, ang tahimik at parang ang sarap huminga. Hindi katulad sa Maynila na parang konting lingon mo lang, maiistress ka na kaagad.


Isa-isa niyang tinignan ang mga naghihilerang mga picture frames sa isang mahabang display cabinet. Mula kabataan ng magulang ni Marco ay nandoon. Andoon pa nga yung isang picture ng ni Mrs. Montello ng manalo ito sa beauty pageant na sinalihan noon. May litrato din ng papa ni Marco na nakaharap sa isang piano at nakapikit. Kamukhang-kamukha talaga ni Marco ang papa nito noong kabataan pa nito. Kinuha niya ang isang picture frame na may litrato ni Marco. Nakangiti ito doon. Hinaplos niya ang mukha nito.



"Gwapo ba ng anak ko?" Bigla niyang ibinalik sa display cabinet ang picture frame ni Marco at nilingon ang nagsalita.


"Kamukha niyo po siya, Tito." Nahihiyang sabi niya.


"Hindi lang kamukha, parehas pa sa kinahihiligan." Proud na sabi ni Mr. Montello. Marahil, namana ni Marck ang pagkahilig sa musika. Renowned musician kasi si Mr. Montello habang beauty queen naman si Mrs. Montello.


"Oo nga po, wala pong duda na sainyo nagmana si Marco. Magaling rin po si Marco sa musika." Nakangiting sabi niya.



"You seem to know a lot about my son." Sabi ni Mr. Montello.

Kinabahan naman siya sa tanong nito. Napayuko nalang siya. "H-Hindi naman po marami." Nahihiyang sabi niya.


Nakunot naman ang noo ng papa ni Marco. Nailang naman siya sa pagkakatitig nito sakanya na tila sinusuri siya kaya naman iniba niya ang takbo ng usapan.


"Ang ganda po ng bahay at lugar niyo." Komento niya.

"At malayo sa gulo ng industriyang ginagalawan namin." Sabi ni Mrs. Montello na kalalabas lang sa kusina at may kasunod na katulong na may dalang tray. "Halika, doon tayo sa garden." Pagkasabi nun ay nauna na ito pumunta sa garden.

Sumunod nalang sila ni Mr. Montello, at akala niya wala na siyang ikakahanga sa mga nakita niya pero hindi papatalo ang garden ng mga ito.

Punong-puno ng mga iba't ibang bulaklak ang paligid tapos may mga puno rin.

Umupo sila sa isang round table at isinerve ng katulong ang isang buong cake at tea.


"Ang sarap talaga tumira sa ganitong lugar, Adie. Malayo sa magulong mundo ng kamaynilaan." Nakangiting sabi ni Mrs. Montello habang humihiwa ng cake.



"Oo nga po." tipid na sagot niya rito.


"Kaya nga siguro nandito si Marco naglalagi dahil ginugulo nanaman ng media. Iyon naman kasing anak mo na iyon Apollo ang lakas ng allergy sa mga iyon." Iiling-iling na sabi ni Mrs. Montello habang nilalagay ang mga slices ng cake sa mga platito.


Kinabahan naman siya lalo sa sinabi nito. Sabihin kaya niya kung ano talaga ang naging problema ni Marco?

Kaya lang, paano kung magalit ang mga ito sakanya?


Hindi malabo iyon, dahil si Marco nga grabe na ang magalit.



Pero hindi narin niya kayang magsinungaling.


"Dahil po sa akin." Nanginginig na sabi niya.

Napatingin naman ang mag-asawa sakanya. "What, hija?" Tanong sakanya ni Mrs. Montello.

At iyon nga, nag-umpisa na niyang ikwento ang lahat lahat simula sa umpisa hanggang sa huli. Wala siyang kinaligtaan na isang pirasong impormasyon. Karapatan ng mga ito na malaman dahil nahihiya siya sa mga magulang ni Marco. Buong maghapon naging mabuti ito sakanya at hindi niya kayang suklian iyon ng kasinungalingan.

Sandaling katahimikan ang namayani sa kanila. Sa totoo lang, nanginginig na ang kanyang mga kamay dahil sa sobrang kaba. Aalis na ba siya? Siguro dapat na siyang magpaalam. Pero natatakot at nahihiya siya.


"I'm sorry po." Nakayukong basag niya sa katahimikan. Ayan na, naiiyak nanaman siya.

Napaangat ang ulo niya ng hawakan ni Mr. Montello ang kanyang kamay at nakita niyang nakangiti ang mag-asawa sakanya na tila ba naiintindihan nila ang sitwasyon nila ng anak nila.


"We won't meddle on your problems. Kasi kayo lang din naman ang makakaresolba niyan. And we're really happy that you've been honest." Sabi ni Mr. Montello.


"But please do understand my son. He's really a difficult person to love." Malungkot na sabi ng mama ni Marco.


Nakangiting umiling siya rito. "Hindi naman po mahirap mahalin si Marco, tita."


"He really has this issue about media people. Mula pagkabata kasi niya expose na siya sa mga tao dahil samin ng papa niya. He doesn't have this normal childhood. Tuwing may family day kami lagi kaming sinusundan ng mga reporters at naiirita siya sa ganun. He's really secretive at alam mo naman na mahirap magtago lalo na sa estado niya. At sana maintindihan mo kung bakit siya lumalayo sa'yo." Malungkot na sabi ni Mrs. Montello.


Tinugon niya rin ng isang malungkot na ngiti ang mama ni Marco. "Alam ko po, tita. And I'm willing to gain his trust again. Alam ko po na marami na siyang napagdaanan sa nakaraan and I respect them."


Mahigpit na hinawakan ng mag-asawa ang magkabilang kamay niya. "Thank you." Sabi nila.

-----

"Dito ka na magpalipas ng gabi, Adie." Sabi ni Mrs. Montello sakanya.

Narito sila sa may sala at hinihintay si Marco dumating. Pero alas-otso na ng gabi ay wala parin ito. Tinawagan ito ni Mr. Montello kung nasaan na at sabi lang ay pauwi narin daw ito.

Pinakiusapan niya na huwag sabihin nandito siya, dahil alam niya na kapag nalaman ni Marco na nandito siya ay tiyak na hindi ito uuwi.


"Hindi na po tita. Nakakahiya na po masyado, siguro po babalik nalang ako bukas o sa isang araw."


"Delikado na ang daan sa labas Adie. Hindi kami mapapakali kung aalis ka ngayong gabi." Si Mr. Montello naman ang nagsalita.


Sabay-sabay silang napatingin sa may labas ng may marinig silang sasakyan na humimpil sa labas. Umusbong nanaman ang kaba sa dibdib niya.

"Si Marco na ba iyan, manang?" Tanong ni Mrs. Montello.


"Opo ma'am." Sagot nito at lumabas na para pagbuksan si Marco.


Tila nastuck ang pang-upo niya sa pagkakaupo sa couch. Biglang namawis ang noo niya. Ano ba ito! Kinakabahan siya. Natatakot siya sa maaring sabihin sakanya ni Marco.

Narinig niya ang pagbukas ng malaking pinto senyales na pumasok na si Marco.


"Kaninong kotse ang nasa labas Ma? May bisita ba kayo?" Narinig niyang tanong ni Marco.


Huminga siya ng malalim pagkatapos ay tumayo siya at hinarap ito.

Nakita niyang humahalik ito sa mama nito. Nakita niya kung paano ito nagulat ng mapadako sakanya ang tingin nito.


Marahil napansin ng mga magulang nito ang pagkakailang nila ni Marco sa isa't isa.

"We'll let you two be alone for you to talk." Sabi ng papa ni Marco. Tinapik nito ang balikat ng anak at iginiya paakyat ang asawa.


"C-Can we talk?" Lakas-loob na sabi niya rito.

Tumango lang ito at lumabas na sa may terrace ng bahay nila. Sumundo naman siya rito.

----

"What are you doing here?" Bungad nito sakanya.

Nakatayo lang si Marco at nakatingin lang sa may kabuuan ng garden nila habang nakatayo naman siya sa may likod nito. Lumapit naman siya rito.


"I'm sorry, Marco. Alam ko naririndi ka na sa paghingi ng tawad ko pero kasi, sa ngayon iyon muna ang magagawa ko. At sana mapatawad mo ako para makabawi na ako sa'yo."


"You don't have to." Mabilis na tugon nito. Hindi niya mawari ang tono ng boses nito. Hindi naman mukhang galit ito, hindi rin masaya. Parang blangko lang.


"But I want to." Giit niya rito. Nanginig ang baba niya dahil nagbabadya nanaman ang mga luha niya. Naiinis na siya sa sarili. Lagi nalang siya umiiyak. Para tuloy ang hina hina niya.

Hinarap niya sa Marco. Tumingin lang ito sakanya saglit pero nag-iwas na ito ng tingin. "I want to, Marco. Kasi nasasaktan din ako."


Tumingin sa kanya si Marco. "Ikaw pa ang nasasaktan?" Tanong nito sakanya. Hindi galit ang itsura nito, plain blank.


"Marco.."

Huminga ito ng malalim na tila ba naiirita. "Ano ba ang gusto mo? Ang patawarin kita? Adie, sa ngayon mahirap ibigay ang hinihiling mo. Mas mahirap pa sa isang pesteng interview na gustong-gusto niyo mula sa akin."


Hinawakan niya ang pisngi nito pero tinanggal lang nito ang kamay niya. "Hindi totoo iyan, Marco. Maniwala ka naman oh, matagal ko nang tinanggihan yung project na tungkol sa'yo. Lahat ng ipinakita ko sa'yo, totoo."

Umiling-iling lang ito. "Tama na, Adie. Kahit kasi ano'ng sabihin mo ngayon, hindi ko kayang paniwalaan na. Pinagkatiwalaan kasi kita. Pinapasok na kita sa buhay ko. God! I've even kissed you!"

Nagulat siya sa huling sinabi nito. Tila sinaksakn siya sa narinig. "P-Pinagsisihan mo ba?"


Huminga lang ito ng malalim at tumalikod na. "Bukas ka na umuwi, gabi na. Ipapahanda ko ang guest room."


Tumalikod na ito at papasok na sana sa loob pero mabilis siyang tumakbo at hinarap ito.


"NO! Sabihin mo sa akin na hindi mo pinagsisisihan iyon! Na sinasabi mo lang iyon para pasakitan ako! TELL ME MARCO! Magalit ka nalang sakin! Tatanggapin ko! Tell me!" Umiiyak na sabi niya habang mahigpit na hinahawakan ang damit nito.

Kinuha naman nito ang mga kamay niya at dahan-dahang ibinababa.

"No! No!" Pagtanggi niya.

"Tama na, Adie." Malungkot na sabi nito.

Nakayuko lang siya na umiiling-iling.


"Huwag mo na akong sundan sundan pa. Hindi ako galit. Totoo iyon, na.. nasaktan lang talaga ako sa mga nalaman ko. Sana ito na muna iyong huling pupuntahan mo ako."


Pagkasabi ni Marco nun ay mabilis na pumasok na ito sa loob at iniwan siya doon na umiiyak.

Wala na. Nasabi na nito ang mga ayaw niya sanang marinig mula sa bibig nito.

Ito na nagsabing lumayo na siya.

At katulad nga ng sabi niya, she will stop kung si Marco na ang magsasabi. At heto na iyon.

She will stop.

For Marco.

Kahit sobrang sakit.

Mabilis siyang umalis sa bahay ng mga Montello at tuluyan ng lumayo roon.

Malayo na sa isang Marco Dame Montello.

-------

Sorry now lang nakapag-UD.
Tinapos ko kasi yung story na A Wife's Cry. Grabe iyak ko doon. Haaay.

Vote and comment kayo guys! :)
Follow me. @kendeyss

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
800K 15.3K 43
Nang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon mo...
5.3M 136K 62
Can I be the missing piece, if he was damn broken?
14.7M 344K 78
She's still holding to their promise that they'll love each other until eternity. Can she keep that promise and stay loyal to him or indulge herself...