Sentry

By fbbryant

350K 15.2K 1.7K

Nang mamatay ang kinikilalang ama ni Rifka ay napilitan siyang umalis sa bayan kung saan siya lumaki ayun na... More

Foreword
1- Rifka
2- Safe Walls
3- Monster
4- Blood Sword
5- The Last of the Clan
6- SeBiAe (1)
7-SeBiAe (2)
8- Troublemaker Gaius Kühn
9- She's Found
10- Evening Activities
11- Gaius' Payment
12- The Visitors
13- Hunting Week
14- Silver Eyes
15- SA Vs Witches Vs Vampires
16- Blood and Pleasure
17- The Past Is Back
18- Party
19- Useless
20- Shoulders To Cry On
21- Friends
22- The Third Party
23- Cratus
24- Blood Moon Child
25- Rifka on Rampage
26- Villains
27- Change of Heart
28- Second Chance
30- Two Poisons
31- Broken Heart and Soul
32- Bulletproof Heart
33- Lull Before the Storm
34- The Storm... Murder
35- The Storm... Regrets
36- The Storm... Courage
37- The Storm... Curse
38- Out for Blood
39- Bittersweet Victory
Epilogue
Note

29- Dinner

6.2K 283 16
By fbbryant

Panay ang ayos ni Auberon sa kanyang buhok habang nakaupo sa loob ng isang mamahaling restaurant sa Emporium.

"Stop fixing your hair. It's irritating," marahas na utos ni Juliana Kühn saka sumimsim sa kape nito.

Agad namang tumigil si Auberon at nagsimulang kumain.

Juliana reserved the whole restaurant just for them para walang ibang customers na pumasok habang nag-uusap sila.

"Kumusta na kayo ni Gaius?" tanong nito kaya napatigil siya sa pagkain.

"Kapatid pa rin ang tingin niya sa akin," sagot niya. Masakit dahil mahal n'ya talaga ito. She wanted him back all for herself.

"Did he expose your secret? Why you hurt Deus and suddenly vanished?"

"I think so. Bigla na lang kasi siyang naging kaibigan uli ng kambal."

Juliana sliced a piece of meat with elegance at pati ang pagnguya nito ay sophisticated. Isang tingin pa lang ay makikita nang kabilang ito sa alta sociedad.

"Alam mo naman na kailangan mo siyang makumbinsi na pakasalan ka 'di ba? Pareho na kayong nasa tamang edad. Do everything to get him," pormal na utos nito kaya napatitig siya sa babaeng nagpalaki sa kanya.

Malaki ang utang na loob niya rito dahil ito ang nag-alaga sa kanya pagkatapos mamatay ng mga magulang niya. She had to leave her family's ancestral mansion and lived with the Kühns.

Pero minsan napaka- bossy nito. Kaya siguro lumayo ang loob ni Gaius dito.

"Bakit kailangan kong pakasalan si Gaius? He is supposed to be my brother," aniya kaya tiningnan siya nito gamit ang blangko nitong mga mata.

"I thought you love him."

"Mahal ko s'ya, Tita Juliana. Sobrang mahal. Pero hindi ako ang gusto niya."

"Kung gan'on, sino ang gusto n'ya?"

Huminga si Auberon ng malalim dahil naninikip ang kanyang dibdib habang iniisip na mapupunta sa ibang babae ang lalaking pinakamamahal niya.

Matagal na niyang mahal si Gaius at ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. Ang care nito.

Bilang isang nakakatandang kapatid.

At nasasaktan siya dahil dati, siya lang ang binibigyan nito ng atensyon.

Kabaliktaran na ang nangyayari ngayon.

"Sino, Auberon, ang gusto ni Gaius?" ulit ni Juliana.

"I think there is something going on between him and Rifka."

Inilapag ni Juliana ang tinidor at kutsilyo nito sa plato bago pinagsalikop ang mga kamay at ipinatong ang siko sa mesa.

"I knew that girl was trouble the moment I saw her. What makes you think that they have something?"

"Well, I heard that they slept in each other's room a few times."

"And who told you this? This sounds like a gossip."

Huminga ng malalim si Auberon saka ngumisi. "Hawak ko sa leeg ang bestfriend ni Rifka. I found out her secret and I use that to blackmail her. She serves as my spy."

Ngumisi na rin si Juliana. "You really make me proud, my Auberon. And Sophia Falls is still under your power, isn't she?"

"About that, ilang beses ko na siyang tinawagan ngayong araw. Hindi pa rin siya sumasagot. I sent her messages too. Walang reply."

"You still supply her with Cratus?"

"Last week pa siya last nanghingi. Usually, every five days siya tumatawag sa akin pero isang linggo na hindi pa rin siya humihingi ng panibagong batch ng supply."

"Kausapin mo siya mamaya at sabihin mo sa akin kung may problema para masolusyunan ko. Naiintindihan mo ba ako?"

"Opo, Tita," sagot niya.

"Kailangan ko nang umuwi. Inu-obserbahan ko ngayon si Forrest. Medyo kakaiba ang ikinikilos ng batang 'yun ngayon. Mukhang problemado."

"Baka naman gusto n'yang balikan si Saide," aniya at napatiim-bagang ang babae.

"Subukan n'ya lang at matatanggalan siya ng mana. I will disown him."

Alam ni Auberon kung gaano ka-ruthless si Juliana Kühn kaya hindi niya sinusuway ito kahit na minsan ay sumusobra na ang pangingialam nito sa buhay niya to the point of controlling her. Minsan naiisip niyang wala na siyang karapatan sa sarili niyang buhay.

Katulad ni Forrest.

Hindi nagtagal ay umalis na rin si Juliana. Tinawagan nila si Gaius pero hindi ito nakipagkita sa ina. Hindi talaga alam ni Auberon kung ano ang rason kung bakit matindi ang galit nito sa ina.

Pinuntahan niya si Sophia sa dorm room nito pero hindi niya ito nakita r'on. Wala rin ito sa opisina ng student council.

"Neschume, nakita mo ba si Sophia?" tanong ni Auberon sa babae nang makita niya ito sa cafeteria.

"Hindi ko s'ya nakita," sagot naman nito na busy sa pagkuha ng mga plato mula sa mga mesa. Ito na rin ang maghuhugas ng mga ito.

"Hindi s'ya napadpad dito?" tanong niya uli habang isa-isang tiningnan ang mga estudyanteng kumakain.

"Hindi," maikli nitong sagot saka siya tinalikuran.

Pinigilan niya ito sa kanang braso kaya kunut-noo siya nitong nilingon.

"Samahan mo ako," she wasn't asking. She was commanding.

"May trabaho ako, Auberon," nanatili ang flat na boses ni Neschume. Alam niyang ayaw nito sa ginagawa niyang pangingialam dito pero wala itong magawa dahil alam niya ang plano nito.

"Sumama ka sa akin kung ayaw mong isumbong kita."

At 'yun nga ang nangyari. Iniwan nito ang trabaho at nagalit pa ang in-charge ng cafeteria pero wala itong nagawa nang malamang si Auberon Kühn pala ang may pakana ng lahat ng inconvenience nila.

Kasama si Neschume, nilibot ni Auberon ang buong academy hanggang sa wakas ay natagpuan din niya ang hinahanap.

Kausap nito sina Rifka Strauss at Tatiana Bloodworth sa isang coffeeshop sa Emporium pero hindi na nila naabutan ang dalawa dahil nakaalis na ang mga ito nang makalapit sila.

"What do you think you're doing? Why were you talking to our enemies?" galit na tanong ni Auberon at kampante lang si Sophia na nakatitig sa kanya habang sumisimsim ito ng frap nito.

"Sinabi mo ba sa kanila ang tungkol sa kasunduan nating tatlo?" tanong naman ni Neschume na halatang kabado.

Hindi pa rin sumagot si Sophia pero naglalaro sa mga mata nito ang amusement.

Galit na ibinagsak ni Auberon ang dalawang palad sa mesa kaya lumikha iyun ng ingay. Napatingin pa sa gawi nila ang ibang customers at staff.

"Don't mess with me, Sophia. Alam mong kaya kong sirain ang buhay mo. Isang physical test lang, pwede ka nang mapatalsik mula sa academy."

Lalong nag-init ang ulo ni Auberon nang makitang ngumisi si Sophia.

"Sasabihin mo sa academy na user ako ng Cratus? Sige lang," anito. Her voice was loud enough for the students to hear them kaya napatitig siya sa babae.

Bakit bigla na lamang itong naging matapang?

May kinalaman ba ang dalawang babae sa biglaang pagbabago nito?

"Talagang isusumbong kita," nanginginig sa galit na sabi niya pero hindi man lang natinag si Sophia. Mas ngumisi pa ito.

"If I were you, I wouldn't do that. I don't want to be branded a liar," anito saka tumayo na bitbit ang frap nito sa kanang kamay. "You see, Auberon, hindi mo na ako hawak ngayon," halos pabulong na dagdag nito. "I am clean."

"What did you say?"

"Like I said, I am clean. Ipa-test mo ako ngayon, makikita mong nagsasabi ako ng totoo. And we'll see, sino ang paniniwalaan nila. Your words or mine?"

"B-But that's impossible," hindi makapaniwalang napatitig siya kay Sophia pero mukhang nagsasabi nga ito ng totoo.

Her eyes were so sure.

Paano nangyari 'yun? Cratus was not easy to get rid of.

Or more like, impossible to get rid of.

"Bakit hindi mo tanungin ang kapatid mong si Gaius? Oh wait, lover? Ex? I don't know your relationship with him. Any way, it's disgusting," anito saka nilampasan na sila.

Galit na hinawakan niya ang kaliwang kamay nito. "Ano'ng kinalaman ni Gaius dito?"

"Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang sitwasyon ko but they helped me."

"They?"

"The Bloodworths, Gaius and Rifka," sagot nito saka nakangising sinulyapan si Neschume na namumutla.

Hindi pa man nakasagot si Auberon ay nawala na si Sophia kaya inis na nagpapadyak na lang ang babae saka nito hinila si Neschume sa labas ng coffeeshop kung saan walang makakarinig sa kanila.

"Napakapakialamera ng kaibigan mo. Gawin mo na ang plano mo," nakatiim-bagang na sabi ni Auberon.

"N-Ngayon na?" kinakabahang tanong ni Neschume. Hindi pa ito handa na putulin ang buhay ng kaibigan nito. Kailanman ay hindi ito magiging handa.

Pero kailangan.

"Ngayon na. Bakit mo pa patatagalin kung d'on lang din naman mauuwi ang plano mo?" matigas na sagot ni Auberon saka iniwan si Neschume na natitigilan.

---

Sabay na pumasok sina Rifka at Tiana sa kanilang dorm room at nagtaka pa sila dahil himalang walang asungot na nadatnan sa loob. 

"Kailangan kong mag-ensayo. Pumayag na si Sophia na makipaglaban uli sa akin at ngayong malinis na siya mula sa Cratus ay wala nang rason para matalo ako," sabi ni Tiana.

Kakatapos lang nilang makipag-usap sa babae sa Emporium kanina para siguraduhing malinis na nga ito mula sa potion at handa na ito sa rematch laban kay Tiana.

"Araw-araw ka nang nagte-training, Tiana. 'Wag mong masyadong pinapagod ang katawan mo," sagot naman ni Rifka na kumukuha ng tubig mula sa refrigerator.

"Sanay na ang katawan ko. Isa pa, ano'ng silbi ng ability nating mabilis na mag-heal kung hindi natin iti-take advantage 'di ba?"

"Masama pa rin ang sobra," katwiran niya pa.

"Hindi 'yan applicable sa atin, Rifka," but Tiana was firm in her views. "S'ya nga pala, hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung paano ninyo napagaling si Sophia?"

Hindi sumagot si Rifka. 

Huminga ng malalim si Tiana. "I see that you only trust Gaius huh. And he to you. Kayo na."

"H-Hindi naman sa gan'on."

"Whatever. Anyways, kumusta na pala 'yung kaibigan mo?"

Napabuntung-hininga siya. Ilang beses na niyang dinalaw si Neschume sa dorm room nito pero walang sumasagot sa kanya. Tanging sa cafeteria lang niya ito nakikita, busy pa masyado sa trabaho nito.

"Ewan ko ba. I feel like she's drifting away from me. Ayaw man niyang aminin sa akin ay nararamdaman kong ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng pamilya niya. At totoo naman."

"So, ano'ng plano mo para makabawi sa kanya?"

"Hindi ko alam, Tiana. Ikaw ba, if you were me, ano'ng gagawin mo?"

Tiana grumbled and sat down on the couch. "Alam mong wala akong sense of compassion, Rifka. I only think of my feelings kaya ako lumakas. I am only trying recently to be compassionate with my brothers' and friends' feelings but I'm not very good at it. Not just yet. So, don't ask for my advice."

Hindi na lamang sumagot si Rifka dahil sa tingin niya ay wala nga naman siyang makukuhang useful na advice mula sa roommate. 

"Pero I can try. Sa tingin ko, it's better to be there for her always. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay 'yun pa kayang buong pamilya," muling nagsalita si Tiana. Hindi sigurado si Rifka kung namamalik-mata lang siya o hindi, pero parang nakita niya ang dumaang lungkot sa mga mata nito. Halos maiyak pa ito.

Did Tiana lose someone she loved?

Naputol si Rifka sa kanyang pag-iisip nang biglang may kumatok sa kanilang pinto. Paniguradong hindi sina Deus 'yun dahil hindi naman kumakatok ang mga 'yun.

Agad siyang lumapit sa pinto at binuksan iyun. Nagulat pa siya nang makita si Neschume na nakatayo sa labas ng kanilang dorm room. 

"Neschume, pasok ka. Na-miss kita," nakangiti niyang sabi saka ito mahigpit na niyakap at gumanti naman ito.

"Pasensya na, Rifka," nakangiti ito nang bumitaw sila sa isa't isa. Pansin niya ang pamumutla nito pero sapat na ang ngiti nito para mawala ang pag-aalala niya para sa kanyang kaibigan. 

Hindi pa lang siguro ito masyadong naka-recover mula sa trauma na dinanas nito.

"Pasok ka, Neschume," malakas na yaya ni Tiana na nakaupo pa rin sa couch pero may hawak na itong makapal na libro ngayon at nagbabasa na.

"Hindi na," nakangiting sabi ni Neschume saka hinawakan siya sa kamay.

"Bakit? May problema ba?" agad siyang nag-alala dahil sa higpit ng kapit nito sa mga kamay niya.

Umiling ito. "Sweldo ko kahapon. Gusto sana kitang ilibre ng dinner mamaya. Pwede ka ba?"

Agad na nagliwanag ang mukha niya dahil sa narinig. 

"Ako, hindi kasali?" nagsalita nanaman si Tiana pero mukhang hindi naman ito seryoso dahil nasa libro pa rin nakapako ang mga mata nito.

Napakamot ng batok si Neschume na tila biglang nahiya. "H-Hindi kasi sapat ang pera ko. Pero ikaw naman ang ililibre ko next month," sabi nito na nakatingin kay Tiana.

Nag-angat ng tingin ang kanyang roommate at wala itong kangiti-ngiti. Straight face lang itong nakatitig sa kanila. "Joke lang 'yun," anito saka muling ibinalik sa libro ang tingin.

Gustong matawa ni Rifka dahil hindi niya inaasahan 'yun mula kay Tiana. Hindi rin ito marunong magbiro. Sobrang fail nito.

Pero pinigilan niya ang paghagalpak ng tawa dahil ayaw niyang mapahiya ito. 

Napailing na lang siya saka muling tiningnan si Neschume na nagtatakang nakatingin kay Tiana.

"So, saan tayo magdi-dinner?" nakangiti niyang agaw sa atensyon nito kaya napatingin ito uli sa kanya.

"Ah sa Emporiun," agad na sagot nito.

Nagtaka si Rifka dahil mahal ang mga kainan sa Emporium. Napaisip siya kung sapat ba ang sweldo nito para bayaran ang mga pagkain d'on.

"Sigurado ka?"

Tumango ito. "Wag kang mag-alala. May pera ako."

Ngumiti na rin siya saka niyakap ang kaibigan. She would love to have dinner with her.

***

immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

964K 35.5K 60
Si Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay...
47.4K 1.7K 33
James Ledesma is an out-of-school spoiled jerk. He is so bad even his guardian angel thinks he is hopeless, and he really seems so... Until an innoce...
2.7M 81.8K 43
✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life...
229K 5.7K 47
[Taglish] [SaRoGranDi Series Book 1] Published under Pink & Purple | This story revolves around a lot of secrecy. The main girls' past is a mystery...