Fatal Attraction 4: Sinful Af...

By Whroxie

15.2M 300K 28.5K

Whroxie More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chaper 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
chaper 33
Chapter 34
Chapter 35
Chaper 36
Chapter 37
Epilogue
Sinful Affair selfpub
Sneakpeek Morgan ❤ Harper
Self-published update
Harper-Morgan 1
Harper-Morgan 2
Harper-Morgan 3
Harper-Morgan 4
Harper-Morgan 5
Final

Chapter 31

297K 7.3K 1K
By Whroxie

MASAYA si Mhelanie dahil maayos na maayos na sila ng pamilya niya. Siguro ay malaki rin ang naitulong kaya napatawad siya ni Harper dahil kay Morgan. Masaya ito, lalo na ngayong magkaka-anak na ang dalawa. Nakikita niyang mahal na mahal ni Morgan ang kapatid niya. Sobra-sobra nito kung alagaan si Harper. Si Harper naman ay mukhang handang iwan ang showbiz para sa pamilya nito.

Ang nanay naman niya ay nakapag-usap na sila ng masinsinan. Ayon! Nag-iyakan at humingi ng tawad sa isa't isa. Si Falcon na lang. Gusto niya sana itong puntahan sa penthouse nito pero hindi niya talaga macontact kaya mas minabuti na lang muna niyang magpunta sa Prime Media para magreport para makapagsimula na siya sa trabaho.

Sinamahan siya ni Sheryl, ang HR manager, sa opisina ng presidente ng kompanya.

"By the way, mag-ingat ka kay Genevieve, ah. She's an accounting manager. Wala ka pa man pero mukhang may galit na sa 'yo. Matagal na kasi siya sa kompanyang 'to at in-expect talaga niyang siya ang magiging accounting department head. Tapos nalaman pa niyang isang taon ka palang na nagta-trabaho bilang accounting manager pero ang bilis daw ng promotion mo."

Alam niya 'yon at kahit siya nagulat din naman. Many employers require at least five years work experience bago maging controller. Pero pinaghirapan naman niya para marating ang posisyong ito. Ilang conference  din ang dinadaluhan niya sa California. She was  well-trained  by the best controller in Prime Media in San Francisco. Nang alukin siya bilang controller ay nagtrabaho muna siya bilang assistant controller to gain an understanding of job duties and demonstrate their abilities to advance. Iyon ang pinaka naging training niya bago siya umuwi ng Pilipinas. Puring-puri siya ng controller na isang American dahil puwedeng-puwede na raw talaga siyang maging accounting department head dahil sa bilis niyang matoto. At masasabi niyang kayang-kaya niya ang trabahong ito.

"Galit rin 'yon sa maganda kaya nga alam kong may lihim na galit ang bruhang 'yon sa 'kin. Alam mo na!" Flinip nito ang buhok na parang sinabing 'maganda ako'. Marahan siyang natawa. Ang daldal nito at mukhang mabait.

"Lalo na sa 'yo, ang ganda-ganda mo. Lumamang ka lang sa 'kin ng puti." Tinitigan nito ang mata niya habang naglalakad sila.

"Ang itim ng mata mo! Ang ganda pala ng itim na itim ang mata. Matanggal na nga lang ang contact lens ko." Huminto si Sheryl sa paglalakad nang marating nila ang isang pinto. Kinuha nito ang atensiyon ng sekretarya na busy sa ginagawa.

"Pauline, ito ang papalit sa magnanakaw na si Julio, si Ms. Mhelanie Muller."

"Kanina pa nga nagtatanong si Sir kung nandito na siya." Tumayo ang sekretarya, kumatok ito bago binuksan ang pinto at ipinaalam sa boss ang pagdating niya.

"Medyo masungit ang boss natin, hindi 'yan marunong ngumiti pero sobrang guwapo. Bali-balita na iniwan raw ng asawa kaya ganyan 'yan. Isang tao lang ang nakakapagpangiti riyan." Pagti-tsismis ni Sheryl.

"Ms. Muller, pwede ka nang pumasok." Nilakihan ni Pauline ang pinto. Nagpaalam siya at nagpasalamat kay Sheryl bago tumuloy sa opisina. Hindi niya alam kung paano kukunin ang atensiyon ng lalaking nakatayo sa harap ng malaking salaming dingding at nakatanaw sa labas habang nasa bulsa ng suit pants ang mga kamay. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"S-sir?" Bahagya nitong ipinaling ang mukha pero hindi tuluyang humarap.

"Ahm. . . I'm Mhelanie Muller, from San Francisco Prime Media accounting team." Bakit kinakabahan siya ng ganito? Parang ang sungit nga nito. Nang pumihit paharap ang lalaki ay napatitig si Mhelanie sa mukha ng lalaki. Ilang sandali niya iyong tinitigan bago napasinghap ng mapagtantong kilala niya nga ang lalaki.

"Falcon?" halos hangin lang ang lumabas sa bibig niya. The man in front of her was unshaven, his hair was tousled. Dangerously sexy! Malayo sa dating itsura nitong laging malinis ang mukha. Sa isang taon niya sa San Francisco ay hindi man lang siya nakakita ng latest picture nito.

"Tres." Humakbang siya pero nabitin iyon nang magsalita ito.

"Have a seat, Miss Muller." He gestured to the visitor's chair in front of his desk. His voice was as cold as ice. His eyes as icy as the frozen seas of the Antarctic— emotionless.

"Tres." Muli niyang usal sa pangalan nito. Nang hindi siya kumilos ay tinungo ni Falcon ang desk at umupo sa swivel chair. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa visitor's chair na hindi ito hinihiwalayan ng tingin. Ramdam niya ang panghihina ng kanyang tuhod.

"How are you?" His voice remained cold. Kumurap siya at ibinuka ang bibig para sagutin ito nang muli itong magsalita.

"You look good. You look very okay so I guess hindi ko na dapat tinatanong 'yon." Naninikip ang dibdib niya sa lamig nang pakikipag-usap ni Falcon sa kanya.

"Gusto mo na bang magsimulang magtrabaho bukas?"

"Ikaw ang bagong may-ari ng Prime Media? Did you ask Mr. Villez para magtrabaho ako sa 'yo?" Sa isipang si Falcon mismo ang may gustong kunin siya para magtrabaho dito ay ikinaluwag ng loob niya.

"No! I want the best for my company and Mr. Villez recommended you. There's no reason para tanggihan ko." Ang pag-asang umusbong sa puso ay parang apoy na naapula sa sinabi nito.

"I tried to call you, kaso hindi mo sinasagot. Hindi mo rin sinagot ang mga text messages ko."

"I'm busy. Nawala sa isip kong tawagan ka." Mataman itong nakatingin sa kanya pero hindi niya mabasa ang nasa isip nito. Emotionless! And it hurts her so much! Pero deserve naman niya ito dahil kung nasasaktan siya ngayon higit niyang nasaktan si Falcon. Iba lang ang naging expectation niya. Hindi niya inaasahan na ganito siya nito pakikitunguhan. Ano ba ang aasahan niya? Na tatanggapin siya nito na parang walang nangyari.

"Can we talk? Please, Tres, mag-usap tayo."

"Nag-uusap na tayo." He tapped his forefinger on the desk as he stared at her emotionlessly.

"I mean, let's talk about us. Can we go somewhere?"

"I'm sorry but I can't. I have an important matter to do, maybe some other time." Muli sana siyang magsasalita para makiusap nang bumukas ang pinto. Falcon's facial expression turned from emotionless into a delight expression. Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi nito na parang kanina ay ang mahal mahal.

"Hi, busy ka?" Noon niya nilingon ang pinto nang marinig ang boses na parang napakaganda ng may-ari. Bahagyang napasinghap si Mhelanie nang makita ang napakagandang babae. Not as tall as her but she has perfect frame with sun-kissed, glowing skin. Her wavy long hair framing her pixie-like face. Dark version ni Emma Watson.

"Come on in." Paanyaya ni Falcon sa babae. The woman greeted Mhelanie with her warm voice bago ito lumapit kay Falcon. Mukhang mabait at sweet.

"Busy ka yata. Maghihintay na lang ako sa labas."

"No no! Tapos na kaming mag-usap. You know that I can cancel all my appointments for you." Napakatamis ng ngiti ni Falcon. Ang mga ngiting laging ibinibigay nito sa kanya ngayon ay sa ibang babae na ibinibigay. Ito ba ang tinutukoy ni Sheryl na tanging nakakapagpangiti kay Falcon?

Matamis na ngumiti ang babae at itinuro nito ang balbas ni Falcon.

"Hindi ka pa rin nagshe-shave. Ang panget mo na!" Biro nito.

"Ako panget?" Itinuro ni Falcon ang sarili. Bumungisngis ang babae.

"Biro lang, pero mas guwapo ka kapag walang balbas."

"Okay, I will shave later." Tumayo si Falcon.

"Where do you want to go?"

"Ahm. . . puwede tayo pumunta sa Ocean Park?"

"You're the boss, let's go to Ocean Park." Binalingan siya ni Falcon.

"I'll see you tomorrow, Ms. Muller." He offered his long-sleeved clad arm to her and she slid her hand into the crook of his elbow. 

"Ang  ganda  niya,  sino  siya?" Tanong  ng  babae  habang  naglalakad  ang  dalawa  patungong  pinto.

"A   newly-hired  employee.  Mas  maganda  ka."  Hinalikan  ni  Falcon  ang  babae  sa  gilid  ng  ulo  nito.  

Lumabas ang dalawa at naiwan si Mhelanie na tulala. She slowly let out a breath she didn't realize she'd been holding. Tuluyang kumawala ang luhang buong pagpipigil niyang huwag pakawalan kanina pa.

May iba na si Falcon! May ibang babae na sa buhay nito at ang sakit sakit! Pinahid niya ang luhang bumasa sa kanyang pisngi. Tumayo si Mhelanie saka pumihit para lumabas nang malingunan niya si Falcon. Ang walang emosyong mukha nito kanina na napalitan ng saya, ngayon ay soft ang ekpresyon nito.

"Bakit ka umiiyak?" humakbang si Falcon palapit sa kanya. Itinaas nito ang kamay para abutin ang mukha ni Mhelanie pero sa bandang huli ay ikinuyom iyon at muling ibinaba.

"Don't cry. Hindi bagay sa 'yo ang umiiyak." Nagpakawala ito ng hangin mula sa bibig bago kinuha ang cell phone nito sa ibabaw ng desk na siya yatang binalikan. Muli siyang tinitigan.

"I'll See you tomorrow, MM!" Kumibot ang labi ni Mhelanie at pilit na pinigil ang humikbi. Nagmamadali si Falcon na tinungo ang pinto. Binuksan nito iyon pero ilang sandaling nakatayo lang sa bungad ng pinto. Parang nagdadalawang isip na lumabas, pero eventually ay lumabas din ito at naiwan si Mhelanie.

IYAK nang iyak si Mhelanie habang sakay ng taxi. Tinawagan niya agad si Jufred at sinabi rito ang nangyari. Sinabi niyang si Falcon ang bago niyang boss na siyang nakabili ng Prime Media.

"Hey hey, stop crying! Hindi kita maintindihan. Just calm down!"

"S-si Falcon, may iba na siya, Jufred! May iba na ang asawa ko!" Umiiyak niyang sumbong sa kaibigan.

"No! That's impossible!" Jufred exclaimed.

"I saw the girl. She's pretty at mukha siyang mabait. Nang mag-usap kami ang pormal niyang makipag-usap. He's cold! Ang sakit-sakit, Jufred!"

"Gagu, 'yon, ah! You want me to come? Ako ang sasapak diyan sa asawa mo!" Umiling-iling siya habang patuloy sa pag-iyak kahit hindi naman siya nakikita nito.

"Jufred, she's so pretty! Kamukha siya ni Emma Watson!" Lalong humaguhol si Mhelanie.

"Emma Watson? Si Belle ng Beauty And Beast?"

"Yesss!"

"Oh, kamukha mo naman si Snow White. You're prettier that Emma Watson for christ's sake, Mhelanie, don't be insecure! Kung gusto mo bumalik ka na lang dito kaysa nasasaktan ka ng ganyan. Hayaan mo siya sa Belle na 'yan. Bagay sila! Your ex-husband is a beast. Prince ang nababagay sa 'yo."

"No! Babawiin ko ang asawa ko. Ako pa rin ang may karapatan sa kanya!" Isang buntong-hininga ang narinig niya mula sa kabilang linya. Nagpaalam siya kay Jufred. Kung noon hindi niya naipaglaban si Falcon hindi na ngayon.

"Manong, sabihin mo nga po sa 'kin kung tamang ipaglaban ko ang asawa ko?" Tumingin sa kanya ang driver sa rear-view mirror.

"Mahal niyo pa po ba?"

"Mahal na mahal po!" Humihikbi pa rin siya.

"Handa kang masaktan?" tumango siya. "Opo!"

"E 'di ipaglaban niyo ho, Ma'am. Kayo ang legal na asawa kaya nasa inyo ang lahat ng karapatan." Driver tsked multiple times as he shook his head.

"Sa ganda ninyong 'yan nagawa pa kayong ipagpalit. Sira ho ang tuktok ng asawa niyo para ipagpalit pa kayo!"

CLAD in a red bardot long sleeve bodycon dress, Mhelanie walked confidently along the corridor  of the building. The sound of clicking heels echoing off of marble floors and granite walls. Her bold matte deep red lipstick totally compliments to her porcelain-like skin. Her jet  black  hair  slicked   back.  Walang  kahit  na  anumang  alahas maliban  sa  wedding  ring  nila ni  Falcon.

Bawat kurba ng katawan ni  Mhelanie   ay lalong hinubog ng hapit na hapit niyang suot na lagpas tuhod. Sexy yet classy. Innocent look? No more! She will get her man back by hook or by crook! Kung kinakailangan niyang gamitin ang alindog niya ay gagawin niya mabawi lang ang asawa niya.

She sweetly smiles at the people she passes by. Nasa mukha ng mga ito ang paghanga habang sinusundan ng tingin si Mhelanie. Dumeretso si Mhelanie sa opisina ni Falcon. Buong galang na binati ang sekretaryang halos kaedad lang niya at pinapasok naman siya nito. Sa pagpasok niya ng opisina ay naabutan niya si Falcon na nakaupo sa swivel. Nakapikit ito. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa desk nito. Bagong-ahit ito. Parang ang sarap haplusin ng panga nito. What if she would straddle him, kiss him, grind her core against his hardness. She'd have to remind him of how good it felt inside of her. She could feel the shiver ran through her spine at the thought. She missed him so much! She his kiss and touch! God, hindi niya kaya! Kailangan pa niya ng kaunti pang lakas ng loob para gawin ang nasa isip niya.

"Love." His eyes snapped open.

"Love?" Gumuhit ang ngiti sa labi ni Mhelanie. Tinawag siyang love. Umaayos mula sa pagkakaupo si Falcon at tumikhim, trying to compose himself.

"Ms. Muller." Dahan-dahang hinagod ng mata ni Falcon ang kabuan niya at nakakunot noo nitong ibinalik ang mata sa kanya. Umupo siya sa visitor's chair at ipinatong sa hita ang itim na handbag.

"Ano ang kailangan mo?" tanong nito bagamat ang mata ay nasa lantad niyang balikat. Bahagya niyang itinaas ang balikat nang sa gayon ay mas lumitaw ang sexy collarbone niya. Mukhang effective ang pa-off shoulder niya. Umawang ang labi ni Falcon at marahas na lumunok saka bahagyang iniling ang ulo.

Inilapag ni Mhelanie ang susi ng kotse sa mesa. Inihatid ng car agent ang sasakyan sa kanya kahapon sa condo na nilipatan niya na mismong kompanya rin ang nagprovide para sa kanya. Hindi siya pumasok kahapon at itinawag niya iyon sa HR. Lumipat siya ng condo kahapon. Kompleto sa gamit ang condo at ang tanging dadalhin na lang niya ay mga personal niyang gamit.

"Hindi mo ako kailangan bigyan ng kotse." Ayon sa agent ay galing iyon kay Falcon.

"Kailangan 'yon. Tanggapin mo na lang."

"But—"

"No buts! Stop arguing—"

"Kasi hindi ako mananalo sa 'yo?" putol niya sa sinasabi ni Falcon habang nakangiti. Bumuntong-hininga si Falcon.

"Mhelanie, tinatapatan ko lang kung ano ang ibinibigay sa 'yo ng dati mong kompanya. Iyan lang ba ang ipinunta mo rito?"

Mas lalo niyang nilaparan ang pagkakangiti.

"Excuse ko lang 'to. Gusto talaga kitang makita." Nag-isang linya ang kilay ni Falcon. Itiniim nito ang bagang. Mukha naman itong hindi galit.

"Why?" Mhelanie cocked her head to the right side at marahan niyang hinaplos ang mahabang leeg sa pinakaseksing paraan. Isa sa pinanggigigilan ni Falcon ang leeg niya noon.

"Gusto kitang makita para naman maganda ang simula ng araw ko." Jesus Christ! She seems like a desperate bitch who's trying to grab man's attention by seducing him. Isinandal ni Falcon ang likod sa swivel. Pinakatitigan siya.

"Are you seducing me?"

"Kung sabihin kong oo." Kinagat niya ang pang-ibabang labi.

"Ms. Muller, alam mo bang tinatanggal ko sa trabaho ang mga lumalandi sa 'kin." Sa halip na ma-offend ay natuwa pa siya. So, hindi ito nagpapalandi. Hindi pa rin ito nagbabago.

"Okay lang. Mag-aapply ako ng ibang trabaho. . . tatanggapin mo ba ako kapag nag-apply ako bilang asawa mo?" kinagat-kagat ni Falcon ang labi at ipinikit ang mata. Ilang sandali itong nasa ganoong ayos bago muling dumilat.

"Paano kung taken na ako?" lahat ng kompiyansang meron siya ay bumulusok pababa. Pero hindi. Hindi maaari.

"You're still my husband! We're married. Kaya akin ka pa rin! Bibigyan kita ng pagpipilian, Mr. Cabral. Fire me and you'll not see me forever, pero kung hindi mo ako aalisin sa trabaho, then deal with me dahil babawiin kita sa babaeng 'yon sa kahit na ano'ng paraan." She snatched the key from the desk before she stood up and walked away in an ostentatious yet casual manner to grab attention.

"Fuck!" Falcon uttered a curse. Huminto siya at nilingon ito. Huling-huli niyang nakatingin ito sa pang-upo niya.

"'Like my ass, love?" his gaze flickered to her face.

"It's still yours. You can have it whenever you want." She winked at him and sashayed away from him, left him in a confused  yet  amused  state.

Sa pagbukas ni Mhelanie ng pinto ay kamuntikan siyang mabuwal nang banggain siya ng malaking lalaki. Mabuti na lamang at maagap ang lalaki at nasalo siya. Napahawak siya dibdib nito habang nakapaikot naman ang braso nito sa baywang niya.

"Gorgeous!" Usal nito habang walang kakurap-kurap na nakatitig sa mga mata niya. Tumuwid siya ng tayo pero hindi naman siya binitawan ng lalaki.

"Mukhang nakita ko na ang future wife ko," tila nag de-daydream nitong usal.

"Mr. Pascual!" Matigas na boses ni Falcon ang nagpakalas mula sa mahigpit na pagkakahapit ng lalaki sa kanya. Nang balingan niya si Falcon ay nakatayo na ito, madilim ang mukhang nakatingin sa kanila. Ang nakakuyom na kamao ay nasa ibabaw ng desk. Lihim siyang napangiti. Nagseselos ba si Falcon?

Nginitian niya ang lalaki bago tuluyang lumabas. Isinandal niya ang likod sa dahon ng pinto. Hindi niya akalain na kaya niyang magsalita ng ganoon. Wala namang masama sa ginawa niya. Asawa niya si Falcon at madalas na nagsasalita siya ng mga vulgar na salita noon kapag nagsisiping sila. Walang masama sa ginagawa niya dahil asawa naman niya ang nilalandi niya.

"Miss Mhelanie, okay lang po kayo?" nawi-wirduhang nakatingin sa kanya si Pauline. Matamis na lang niya itong nginitian.

Continue Reading

You'll Also Like

2K 206 13
This summer is something Camilla wants to avoid. In addition to catching up with pals in the Philippines, Camilla plans to attend a debutante celebra...
10.3M 225K 40
The relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always honored. That's Dominick "Dock" del Fierro...
13.9M 270K 38
Synopsis Matthew Del Prado is one of the most eligible bachelor in town. A man that every woman's dream and every man's nightmare. He can...
1.9M 63.6K 21
- Best friends since elementary. - Grew up and seen each other's naked body parts. - Accompanied the other in his circumcision. - Slept wasted in t...