The Virgin Lies (Published un...

By Celestine_Jade

7.7M 163K 18.7K

Warning : R18 Sa panahon ngayon, rare nalang ang mga virgin sa edad na 18. Based on statistics, the average a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Published under LIB
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Special Chapter
The Good Bitch
Book Covers
Book Covers 2
Book Covers 3 and Question

Chapter 16

144K 2.8K 237
By Celestine_Jade

I was decided to give it to Dylan today but guess what? Naibigay ko sa kapatid niya 'yon.

Stupid! Stupid, Iara.

Seriously? Bakit kasi magka kulay at pareho sila ng tela? I need to have it back pero pa'no?

You messed up big time, Iara. Big time!

"Mamaya ko na titignan yung mga pictures na kinuha mo. Aakyat ako sa taas. Pupunta ako sa gitna para makakuha ako ng magandang shot at buong lugat ang makunan. Ang main focus mo ay ung nga players."

Isa pa 'to sa problema ko. Si Xavier na parang nag-iba ang pakikitungo sa'kin. It's like he's treating me like a colleague and not a friend. Akala ko close na kami pero anong nangyari?

Balak ko pa naman na tanungin siya kung bakit hindi niya sinabi na si Dylan talaga ang nakahanap ng recorder ko pero parang 'wag nalang. Kung ganyan niya ko pakitunguhan, bahala siya. Nakakainis din siya eh.

Ginawa ko ang sinabi ni Xavier. Kinuhanan ko ng mga pictures and bawat kalahok na nasa gitna ng basketball covered court. Malawak itong arena. Sobrang dami ng tao. May mga balloons tapos mga banners na hawak ng mga tao na nakaupo sa taas.

Some of them even brought drums and shouting their chants and jingles. Ang nakakatawa ay may mga condom na ginawang lobo at ngayo'y pinagpapasa pasahan na sa taas.

Pumunta ako sa gitna. Malapit sa announcer. I took shot of each team after they're being called and marched to the center. Hindi lang basketball team ito. Pati volleyball, badminton, track and field, tennis—pati chess team kasama. Pangalawa na ang tinawag at huminto sila sa tabi ng pang-una. They were all lined up perfectly with their banners being held up with two of their teams and muse between them.

Sumunod ang school namin. Syempre, unang makikita si Chloe na suot ang red and blue fitted sando at maikling shorts. Napapagitnaan siya ng head ng sports team namin at assistant nito na parehong nakasuot ng university jackets. She was all smiles and waves.

Hawak ng head ng sports team ang isang dulo ng banner namin at ang assistant sa kabila. It was a head of a dragon with part of gears around it.


Nag-ingay muli ang mga tao. Pati ako ay nakisigaw bago kumuha ng litato gamit ang Nikon camera na pagmamay-ari ng Papyrus. Nasa likod lamang ni Chloe ang basketball team. All teams were wearing their uniforms. Kulay blue ang tema at may logo namin sa likod pati pangalan ng university. There's also a mini logo on the left chest area.

Kuha ako ng kuha ng pictures hanggang makita ako mismo ni Chloe.

"Iara! Take some pic!" So ano 'tong kanina ko pa ginagawa? Jackstone?

I rolled my eyes but then signaled them to compress. I saw Chloe grabbed Dylan's arm and moved him beside her through the lense. Tumaas ang kilay ko bago sila kuhanan. Lumuhod pa ko para makakuha ng magandang angulo. Medyo nahirapan nga lang ako dahil sa heels at mababang neckline ko pero buti nalang naka-vest ako na may logo ng school at papyrus.

Nang makatayo ako ay ngumiti ako sa kanila at kumaway. Chloe, who was all so happy with what's happening continued to wave around the place. She pointed something to me.

"Sila Kathy ando'n." She mouthed. True to her words, I saw Shiela and Kathy on one of the benches waving and shouting to out team. Kumaway din ako pabalik.

Paglingon ko ay nagtama ang paningin namin ni Dylan. He looked at me from head to toe. Nakakailang ang mga tinging 'yon. It was lingering and leaving tingled on it's trails.

I bit my lips and took another photo. Nang tinawag ang sumunod na school ay umalis na 'ko para makuhanan ito ng litrato. Throughout that, I could still feel that someone was looking at me. I remember how I despised the way he looked at me. Now, the tables had turned and I was liking it more and more. It's drilling and I had the urge to look back but I didn't.

Nang matapos na ang pag papakilala ng bawat unibersidad, the teams started to exit in an organized way. The coaches remained for huddle. Patuloy parin ang mga pagsigaw ng mga tao lalo na't ang susunod na programa ay ang cheerleading competition.

Imbes na lumapit ako kayla Kathy at Shiela ay tinahak ko ang nilabasan ng mga kalahok. Pwede akong kumuha pa ng mga litrato ng mga team ng kani kanilang laro.

Magulo at medyo maingay ang naabutan ko. Nasa pasilyo lamang kasi silang lahat. Ang iba ay nakaupo ay ang iba ay nakatayo habang nagpapasahan ng mga bola. Iniiwasan ko ang mga 'yon. May nadaanan pa kong mga chess team mula sa ibang school na nakaupo sa sahig habang nagkalatag sa sahig ang chess mat at naglalaro.

Nang makita ko ang kulay ng university namin at naglakad takbo ako.

"Hi, guys!" I chirped to our tennis team. "I need to take pictures so pose for me please."

Para silang mga batang naghiyawan ay mabilis na nagkumpulan. Panay ang sabi nila ng 'isa pa'. Syempre ako naman kuha lang ng kuha.

Of course after that, they rushed to my side to look at the pictures I took. Napailing na lamang ako dahil lahat naman ng kuha ko maganda. Gusto lang nila makita kung maganda sila mismo don sa larawan. Hindi man aminin ng iba pero lahat naman ay may narcissistic side.

Sumunod ang chess team. Nagsisimula palang sila sa paglalatag ng chess mat pero hininto na muna nila ito para sa picture. Naghintay muna ako saglit na malatag nilang lahat ung board para makuhanan sila habang naglalaro.

"Ms. Varsity Catcher, kami naman!" I tore my eyes from the screen of the camera and looked up.

Napangiti ako at lumapit sa badminton team. Nagpupunas ako ng pawis habang lumalapit sa kanila.

"Artie, ikaw na magpunas ng pawis ni Iara." Nabigla ako sa joke nilang 'yon pero buti nalang sanay na 'ko.

I composed myself and threw them a sweet smile before landing my gaze to Artie who's cheeks were flushing red. Siya ung dating tumatambay sa tapat ng locker ko. Naghiyawan sila ay tinulak tulak pa si Artie palapit sa'kin. I looked at the wristbands he's wearing in both wrists. Hopefully hindi niya ibigay ang isa.

"Hi, I-Iara..." Aww. How cute. Nahihiya talaga siya.

"Hi, Artie."

"Iara, may laro kami sa lunes. Punta ka para swertihin naman kami lalo na si Artie." Someone from their team said. It was a woman. Mas lalong namula ang mukha niya at mas naghiyawan ang mga kasama nila.

"Sure! Why not?"

Artie looked at me in shocked. "Talaga?"

"Oo naman. Basta galingan mo para manalo tayo ah."

Mabilis siyang tumango tango. "O-Oo."

"Alam mo, Iara..." May biglang umakbay kay Artie. Malaki at mapaglarong ngiti ang suot niya. "Mas gagaling 'tong kaibigan ko kapag nakatanggap ng advance good luck kiss mula kay Ms. Varsity Catcher."

Tinulak ni Artie ang kaibigan niya na napa-aray pero hindi nawawala ang ngiti. I giggled at how embarrassed he was. Kawawa naman siya at ayokong mapahiya ito sa kanyang mga kasama kaya sinapo ko ang pisngi niya at binigyan ito ng halik sa pisngi.

He was a little bit sweaty but it's not disgusting. Medyo nailang lang ako sa contact pero agad din itong nawala.

Parang naging baliw ang nga kasama niyang naghiyawan at nagpalakpakan pa. Hindi ko nakiyang masyado ang reaksyon ni Artie dahil hinila siya noong umakbay sa kanya kanina at pinagtutulak pa.

"Hooo! Parang lips to lips na rin 'yon, bro. Swerte mo!" May kung sinong sumigaw.

"Tama na, hui! Picture time na!" Natatawa ako sa kabaliwan nila. Ni hindi nga nila narinig ang saway ko. Isa pa, nakakakuha na ng atensyon ng iba ang kaingayan nila.

Sa gitna ng kalokohan nila ay nakita ko ang paglapit ni Chloe.

May inis at pandidiri sa mukha niya habang iniiwasan ang pagkamaligalig ng badminton team.

Nang makalapit siya sa'kin ay hinila niya agad ako. "Dito ka naman sa'min. Ano bayan, ang ligalig naman!"

She hissed while she dragged me passed them and the volleyball team.

Of course pagdating ko do'n ay naghiyawan sila ng papuri para sa'kin. May narinig pa kong pumito.

"Wow naman! Ang ganda mo talaga, Iara!" Sabi ni Bryce.

Gustuhin ko namang gantihan ang panlalandi nila ay hindi ko magawa. Lalo na't nararamdaman ko ang mga tingin niya. Because of that, I just said thanks and simply smiled.

Pasimple akong tumingin kay Dylan. Katabi at kausap niya ang pinsang si Avios na may sinasabi sa kanya ngunit ang mga tingin ni Dylan ay nanatili lamang sa'kin. Dumilim ang tingin niya nang makita ang aking suot. Nakaramdam ako ng hiya na hindi ko naramdaman kanina at inayos ang vest ko para matakpan ang cleavage ko ngunit walang tulong itong nagawa.

"Maganda talaga ang friend ko. Though she dressed like a slut today, she's still beautiful."

My blood suddenly boiled upon Chloe's comment. She plastered an innocent and playful smile at me and I smiled back.

Ang mga tao sa paligid ay nagtawanan dahil inaakalang biro pero alam ko, malinaw pa sa sikat ng araw ang panlalait niya.

"Ikaw din, Chloe, maganda ka. You look like a bitch queen bee wanna be in elementary but hey, kami na nag-adjust para magmukhang mature ka."

Nawala ang ngiti niya saglit pero agad din siyang tumawa ng mahina. Ako at ang ilang basketball team ay tumawa rin. Akala talaga nila nagbibiruan kaming dalawa pero hindi.

We both giggled while looking straight to each other, hands holding each other and then we both stopped giggling the same time and looked at the basketball team.

"So..." I started. "Picture time!"

Nagdikit dikit sila habang nilagay ko muna ang panyo ko sa bag at naghanda. Palihim akong umismid nang mabilis na pumulupot ang braso ni Chloe kay Dylan. Tumaas ang inis ko nang makitang suot na ni Chloe ang jacket ni Dylan. Ang mas nakakainis ay walang ginawa si Dylan.

Minadali ko na lamang ang pagkuha ng litrato at umalis na dahil sa inis ko kay Dylan at ang kagustuhang kalbuhin si Chloe.

I left and texted Kathy. Ando'n daw sila malapit sa entrance para bumili ng pagkain. Tinungo ko agad 'yon. Medyo nahirapan akong makita sila dahil sa sobrang dami ng tao.

Nag-ring ang phone ko at agad ko itong sinagot. It was Shiela. I answered it immediately and she told me their specific whereabouts. Nasa tapat nga sila ng chooks to go.

"Anong problema nito?" Tanong ko kay Shiela habang tumutuhog ng fishball.

Pansin ko kasing parang matamlay si Kathy at problemado. Hindi ko naman binulong kaya narinig ito ni Kathy. She sighed stressfully before stabbing her poor squid ball for the nth time.

"Love life." Sagot ni Shiela.

Kumunot ang noo ko. "LQ kayo ni Jasper, Kathy?"

Umiling ito. "Si Xen."

I nodded when I got what she meant. "Nag-usap kayo? Nakita ko siya two weeks ago. Anong sabi mo?"

Si Xen kasi ang ka-MU ni Kathy bago niya naging boyfriend si Jasper. Kabilang din siya dati sa basketball team ang kaso nga lang, naaksidente at hindi na pwedeng maglaro.

Kathy groaned. "He approached me kanina tapos nag-usap kami. Alam mo na, to catch up with each other tapos sinabi kong boyfriend ko na si Jasper. You should've seen his face, Iara. Nawala ang ngiti niya tapos sobrang lungkot niya. Ugh! Nakaka-guilty."

"Ikaw kasi pinaasa mo, eh. Ilang linggo lang nawala tapos napalitan mo na agad."

Napatango nalang ako sa komento ni Shiela. Kung sa bagay, akala talaga namin si Xen ang magiging boyfriend niya eh.

"May gusto ka pa ba kay Xen?" I queried. Dati kasi puro bukang bibig niya ito. Hindi siya sumagot at kumain nalang.

Mukang torn between two lovers ang peg nitong si Kathy. Kami kaya ni Dylan? MU ba kami?

"Well, think about it, Kathy. Kawawa naman si Xen kapag patuloy na umasa at kawawa din si Jasper kung si Xen pala ang gusto mo tapos boyfriend mo pa siya."

"Pagsabayin mo nalang." Natawa si Shiela sa sariling komento at pinaningkitan naman siya ng mata ni Kathy.

"Bahala nga kayo dyan. Bibili ako sa 7-11 ng tubig. Text text nalang."

Tinapon ko ung plastic cup na pinaglagyan ng fishball ko. I paid first before leaving them, still eating. I preferred water than juice and I badly needed it now.

I got a couple of glances and 'hi' from men I did not know. Hindi ko nalang sila pinansin dahil uhaw na uhaw na ko at ang init pa.

Dumiretso agad ako sa likurang bahagi ng 7-11 para sa inumin. I used the fridge's glass door first to check on my appearance. I licked my lips. Kailangan ko ng lip gloss.

While I was re-applying, someone's arm passed from behind, opened the fridge and took two bottled water. I was ready to give him a piece of my mind with his rudeness but when I realized who it was, my annoyance turned into surprise then glad.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa pila sa counter. Lumingon pa ko sa paligid para i-check kung may taga school na pwedeng makakita sa'min. Maraming tao pero wala.

Nang masigurado kong wala ay lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso. I pushed my hair back before leaning to him. I just wanna take advantage of this moment. I missed him kahit na kaninang umaga lang ay magkasama kami. Isa pa, ung mga babae dito tingin ng tingin sa kanya. I wanna show then that he's already mine.

He was still wearing his matching blue and white basketball shorts. May jacket brown jacket na nakasabit sa balikat niya.

"I missed you." I whispered truthfully. Dinungaw niya ko at mabilis na hinalikan sa pisngi.

I frowned before I felt that there was something wrong. Mukha siyang badtrip dahil sa dilim ng tingin niya.

"Dylan, may problema ba?" I worriedly asked.

Muli niya kong nilingon at tinitigan. I saw his eyes linger to my neck and collarbone before his eyes turned darker.

"You are not helping, damn!"

My frowned deepened. "Bakit? Anong ginawa ko?"

Bumuga siya ng hininga bago ilahad sa'kin ang jacket na dala niya.

"Wear this."

"Ha?" I hesitantly took it. "Anong gagawin ko dito? Ang init."

"I said wear it!" He seethed between his teeth. "Your clothes are too revealing. Alam mo ba kung ilan na ang gusto kong gulpihin dahil dyan?"

"Fine." I huffed. "In one condition."

Gumalaw ang pila kaya humakbang kami. Now it's his turn to frown.

"Block Chloe's number and I'll wear this. Deal?"

His lips curved into a grin. "Dealing is my game, baby. You're playing with fire."

"I can play any kind fire with you."

He leaned down to whisper. "I saw you give a kiss to a wimpy kid too. I'll give you punishment for that."

He nibbled my earlobe and I bit my lips to prevent a smile from showing but I miserably failed.

Nilapag niya ang dalawang bote ng tubig sa counter nang kami na ang magbabayad. Kumuha narin siya ng Pica na nasa gilid ng counter tapos binunot niya ang wallet nakalagay pala sa bulsa ng jacket kasama ang cellphone. He did that and paid without letting my hand go.

After niyang magbayad ay pumunta muna kami sa isang lamesang ando'n sa loob. Kinalikot niya ang kanyang cellphone while I chug water.

Sinuot ko na rin ang jacket niya dahil hindi ko na kinaya ang lamig dito sa loob.

"Here." He showed me his phone. "Number blocked. Anything else?" He smirked and I took his phone.

"Thanks, baby." I leaned forward and kissed him. Imbes na ibalik ay kinalikot ko ang laman ng kanyang phone habang nakamasid siya.

"I don't want you wearing that kind of clothes again."

I rolled my eyes. "Why? Do you find Chloe's clothes more exciting? Kung sa bagay, suot niya ang jacket mo."

"Stop that."

"Stop what!?" I played innocent.

"I already told you what happened with that damn jacket." Naiinis niyang sabi.

I scowled and put his phone down. "Oo nga pero iba na ung hinahayaan mo siyang suotin 'yon sa harap ng mga ka-team mo! It's okay for you to decide on what I should wear pero kapag ako nang nakialam sa mga damit mo, hindi na pwede? Geez. Bahala ka na nga!"

Kinuha ko ung tubig ko at nag walk-out. Alam ko namang na kay Chloe na 'yon pero iba na pala kapag nakita mong suot suot niya 'yon mismo sa harap ko.

Ugh! Ano bang pakialam ko kung sino magsuot ng damit niya?

I know I'm acting like a control freak girlfriend pero kasi MU kami diba? O baka ako lang ang nag-iisip no'n?

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 137 17
Sixteen year old lamang si Arsie Del Fiero, noong isuko ang pagkababae kay Ibarra Miguel, ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya na may sampong t...
2.7M 47K 73
[COMPLETED - RATED SPG] Hunter Robson, a gorgeous celebrity by day and a sexy cold blooded assassin by night. My world became complicated when I ask...
572K 2.2K 5
Sometimes, the person that you are truly meant to fall in love with will come into your life in the strangest, most unexpected way - like saving a su...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...