Don't Wanna Cry • MEANIE

By Wonhwa10001

5.1K 471 170

{Al1 series #1} "When the half of me is gone how can i live as one" "Us in the different system, another form... More

00
01
02
03
04
Not An Update
06
07
08
09
10
Not An Update
11
12
Thanks! (edited)
13
14
15
16
17
MEANIE IS SAILING!!!!!!!
18
19
Ideal Cut in Manila
20
21

05

222 19 1
By Wonhwa10001

Mingyu's

Hanggang sa natapos ng mag-exam si Wonwoo di pa rin niya ko pinapansin, sinuot ko naman na yung face mask ko tsaka naka-hood na rin ako para kung may pumasok man dito sa store di ako mapapansin.

Naglakad na siya palabas kaya sumunod na ko sa likod niya "thank you for coming mga hyung" bati ni Inseong.

"Sige salamat din Inseong, aalis na ko" sabi ko habang kumakaway sa kanya.

"Feeling close" rinig kong bulong ni Wonwoo hyung.

Ano na naman kaya problema nito at mukhang mainit na naman ang ulo. "Hyung intayin mo ko!" Sigaw ko pano naman kasi ang bilis niyang mag lakad naka-tawid na agad siya.

"Good afternoon sir, mukhang tinatanghali kayo ah" bati sakin nung guard na nasa gate

"Good afternoon din po. Wala po akong pasok ngayon naisipan ko lang pumunta dito, pwede po bang pumasok? Di naman ako outsider eh sadyang wala lang akong pasok"

"Walang problema sige lang, pero syempre dumaan ka muna sa office wala kang suot na ID eh" sagot niya sakin. Napaka-higpit talaga ng school na to pero hehe napaka-lakas ko talaga palagi akong pinagbibigyan pati oy wag niyo kong isusumbong kala Wonu hyung sa sinabi kong mahigpit tong school na to ah

Bago ako tuluyang pumasok ng campus tinanong ko muna si manong guard "alam niyo po ba kung saan dumeretso yung nauna saking pumasok? Yung lalakeng mukhang masungit?"

"Si mr. Jeon? Parang lumiko ata siya papuntang parking lot" sagot niya

"Ah sige salamat po" maglalakad na sana ako nang may bigla akong maalala "ano wag niyo pong ipagsasabi na sinabihan ko siya ng mukhang masungit ah baka ipatanggal ako nun"

"Haha sige pangako di ko ipagsasabi"

Pagkatapos kong pumunta ng office dumeretso agad ako sa parking lot para mahanap yung kotse ni hyung. Nang mahanap ko na nakita kong medyo nakabukas yung bintana kaya alam kong nasa loob siya, ganun kasi yun pag nagiintay sa loob ng kotse binubuksan niya ng konti yung bintana ewan ko ba kung bakit.

Binuksan ko agad yung pinto sa passenger's seat "hi hyung" pa-upo na sana ako ng bigla siyang sumigaw "wag!" Ang lalim ng boses niya tas bigla bigla na lang siyang sumisigaw.

Napatingin ako sa passenger's seat nakita kong may naka-patong pala dun kaya pala siya sumigaw "dun ka sa likod" sabi niya

Sinunod ko na lang siya kesa ipagpilitan kong dun ako umupo. "Akin na lang to ah" sabi ko pagkadampot ko nung kinder joy, hinampas niya yung kamay ko "aray naman hyung" sabi ko habang hinihimas yung parteng hinampas niya.

"Wag mo kasing ginagalaw ang hindi sayo" sabi ni hyung habang nagbabasa ng libro

"Nagugutom ako eh tsaka kanino ba yan?"

"Bigay sakin yan ni Aki at anong nagugutom? Eh nasa convenience store ka kanina kaya siguradong naka-kain ka na" Wonwoo

"Nagutom ako ulit eh"

"Bumili ka sa canteen" Wonwoo

"Wala na kong pera, di ko dala wallet ko saktong pamasahe na lang to pa-uwi pero kung ihahatid mo ko edi sige bibili ako ng pagkain"

"Ayoko nga isang oras na byahe rin yun no alam mong sa bahay namin ako matutulog ngayon kaya di kita mahahatid, bat kasi di mo dinala kotse mo" Wonwoo

"Kawawa naman ako T.T"

Nabalot na kami ng katahimikan kasi naman pag may libro talaga siyang hawak mahirap na siyang istorbohin- "hala!" Sigaw ko saka kinapa ang bulsa ko.

Inilabas ko ang anak ko na nakalimutan kong nasa bulsa ko "hala Bongbongie anak pasensya na natakot ka ba sa dilim? Sorry talaga T.T promise mas aalagaan na kita" sabi ko kay Bongbong sabay hinalik-halikan pa to.

"Pag yan talaga nag salita ewan ko na lang sayo" Wonwoo

"Ayos nga yun eh atleast masasabi niya sakin kung gaano niya ko kamahal"

"Wag kang mag-alala mahal ka niyan" Wonwoo

Ikaw kaya kailan ko maririnig sayo na mahal mo ko?

Hindi ko na siya sinagot baka kung ano lang masabi ko eh, inayos ko na lang si Bongbong nilagay ko ulit siya sa bulsa ko pero yung kita pa rin yung mukha niya para nakakahinga siya.

Ang boring talaga pag tahimik, sinilip ko si hyung busy pa rin siya sa pagbabasa pero dahil wala akong magawa kukulitin ko na lang siya.

"Hyung alam mo ba yung mga estudyanteng lumapit sakin kanina sabi sobrang gwapo ko daw"

"Edi wow" Wonwoo

"Eto naman ayaw sumangayon. Pero eto seryoso na, kilala ka daw nila-"

"Malamang sa JK U sila nag aaral eh" Wonwoo

"Patapusin mo nga muna ako. Ayun nga kilala ka nila tas ang cool mo daw kasi naha-handle mo yung campus kahit ang bata mo pa pero medyo nakakatakot ka daw kasi walang emosyon ang mukha mo. Nung sinabi nilang nakakatakot ka pinag tanggol kita sakanila sabi ko pag mas nakilala ka nila malalaman nilang mabait ka"

"Mingyu" Lumingon siya sakin "hindi mo naman kailangan gawin yun. Kung ano man ang tingin nila sakin wala akong pake dun tsaka baka maghinala sila kung bat kilala mo ko"

"Nag ingat naman ako hyung. Sinabi ko sakanila kaya kita kilala kasi pag pinapatawag kami sa office tungkol sa mga event sa school eh nandun ka rin kaya naging ka-close kita"

Ngumiti siya "akalain mong nakakapag isip ka pala ng mga ganung palusot"

"Syempre naman hyung! Mana ako sa katalinuhan mo eh tsaka pag dating sayo kailangan palagi akong mag ingat"

"Salamat" tinago niya yung libro sa bag niya "dyan ka lang wag na wag kang lalabas"

"Saan ka pupunta?"

"Basta" lumabas na siya ng kotse

Ano na naman kaya gagawin nun



Habang iniintay siya nakita ko yung cellphone niya. Tumingin ako sa labas kung nandyan na siya, nang masigurado kong wala kinuha ko yung cellphone niya.

Pag ka-ilaw ng screen napangiti ako sa lockscreen niya hindi pa rin niya pinapaltan. Sinimulan ko ng i-unlock ang phone niya na may sandamakmak na lock.

Jeononu

Okay isa na

1996

Pangalawa

0526

Pangatlo

0214

Pang-apat

Whatabeautifulday

Pang-lima

0704

Pang-anim

Oh diba sobrang secured ng phone niya bago mo pa mabuksan eh ang dami mo pang pagdadaanan na password.

At dahil mabait ako di ko titignan ang messages niya kaya gallery na lang tinignan ko. Bago mo pa mabuksan yung gallery eh may password na naman

Jeonsan

Isa

Ithinkthereforiam

Dalawa

Jeonwonwoobokdeongeori

Tatlo

Ang dami talaga niyang mga picture, may album na puro picture namin ng mga member, mga selca niya at kasama ang kapatid niya. Nag selfie ako ng ilang beses tas yung napili kong pinaka-matino ginawa kong wallpaper niya.

Pag angat ko ng tingin nakita kong pabalik na si Wonu hyung kaya binalik ko agad yung phone niya.

Pag pasok niya sa loob may hinagis siya sakin na paperbag "ano to hyung?"

"Buksan mo kaya hindi yung puro ka tanong" Wonwoo

Sungit. Binuksan ko na lang yung paperbag "wow! Hyung para sakin ba to?"

"Obviously" Wonwoo

"Hindi ko muna papansinin yang kasungitan mo kaya thank you!" Nilabas ko yung dalawang burger, inabot ko sa kanya yung isa "sayo tong isa hyung"

"Para sayo nga yan diba bat ibibigay mo sakin?" Wonwoo

"Noodles lang kinain mo kanina eh. Kunin mo na sige ka di ko na kakainin to"

Sigh "pasaway ka talaga" kinuha na niya yung isang burger

"Haha mahal mo naman, tignan mo nga di mo natiis na nagugutom ako"

"Ewan ko sayo kumain ka na nga lang dyan" kinuha niya ulit yung libro sa bag niya tas nagsimula ng magbasa habang kumakain

Nagsimula na rin akong kumain.

Hindi talaga ako sanay kumain pag tahimik kaya kukulitin ko na lang si hyung kahit nagbabasa siya

"Hyung kay Kyuki ba yang album?" Tukoy ko dun sa album na katabi nung kinder joy niya

"Malamang" Wonwoo

Ang tipid niya sumagot 😑

"Pirmahan ko na ba?"

"Mamaya" Wonwoo

"Hyung bat dito ka nagbabasa di na uso sayo library?"

"Nakakatamad" Wonwoo

Nasa 3rd floor ng main building kasi yung library eh malayo-layo yun dito kaya siguro tinatamad to.

"Hyung"

"Hmm?" Wonwoo

"Hyung"

"Ano?" Wonwoo

"Hyungie~"

"Ano ba kasi yun?!" Wonwoo

"Wala lang gusto lang kita tawagin"

"Kumakain ka na't lahat nagagawa mo pang dumaldal" Wonwoo

"Alam mo namang di ako sanay kumain ng tahimik eh"

"Bahala ka dyan kausapin mo sarili mo" Wonwoo

Ang sama T.T

Wala talaga akong magawa "hyung"

"Ano na naman?" Wonwoo

"Ano ibigsabihin ng despacito?"

Lumingon siya sakin "gusto mong ihampas ko sayo tong libro?"

"Nagtatanong lang naman ako eh"

"Teka nga bat ka nga ba nandito? Di ka man lang nagpasabi na pupunta ka" Wonwoo

"Sasabihin ko sana sayo kanina eh in-end mo agad yung call, kung natatandaan mo tumawag ako sayo kanina"

Umayos na siya ng upo "ah! Naalala ko bigla, hyung nung tumawag ako kanina bakit mo ko tinawag na mahal?"

"Wala akong maalalang tinawag kita ng ganun" Wonwoo

"Lol wag ako hyung. Bakit nga kasi?"

"Nakakabwisit kasi yung malanding cashier dun sa mall hinihingi number ko sabi ko wala cellphone ko eh saktong tumawag ka kaya pinagtripan ko na lang siya" Wonwoo

"Ah ganun pala" umasa ako bwisit

Tumingin siya sa orasan niya "dito ka muna susunduin ko lang si Kyuki" sabi niya saka lumabas ng kotse.

Hay nako wala na naman akong magawa. akala ko talaga totoo na yung pagtawag niya sakin ng mahal.

Nakita ko na si Wonwoo kasama si Kyuki masayang nag uusap yung dalawang magkapatid. Napapangiti na lang ako habang tinitignan sila ang sarap talaga tignan ng ngiti ni hyung.

"Ano ba yung surprise mo kuya?" Sabi ni Kyuki pag bukas ni hyung ng pinto sa backseat.

"Kyuki!" Tawag ko sa kanya

Lumingon siya sakin "kuya Mingyu!" Masayang sigaw niya

"Kyuki be quite someone might hear you" sabi ni Wonwoo hyung na hawak ang pinto.

Nagtakip ng bibig si Kyuki "sorry" sabi niya ng pabulong. Haha ang cute

Pumasok na si Kyuki sa loob kaya sinara na ni hyung ang pinto at dali daling pumunta sa driver's seat.

"Kuya si kuya Mingyu po ba yung surprise mo sakin po?" Tanong ni Kyuki sa kuya niya

"No" matipid na sagot ni hyung

"Aray naman hyung"

"Just kidding. Yes baby and also this" inabot niya kay Kyuki yung album.

"Wow! Thank you kuya! I love you!" Lumapit si Kyuki sa kuya niya at hinalikan to sa pisngi.

Lumingon sakin si Kyuki "can you sign this?" Sabi niya habang nakalahad sakin yung album

"Syempre naman kailan ko ba tinangihan ang number one fan ko? Asan ang marker mo?"

Pagka-kuha niya sa bag nung marker inabot agad niya sakin yun, sinimulan ko ng pirmahan yung album

To: Kyuki

Hi baby! Thank you for always loving me and always be a good girl ok? Also don't forget to study

Love,
Kuya Mingyu

"Kuya Mingyu look" pinakita sakin ni Kyuki yung kamay niya na puro star

Inabot ko na sakanya yung album "wow very good ang dami mong stars"

"Nung pinakita ko po to kay kuya he said, he have a surprise for me. And now i know it's you! Next time i will get more stars so that i can see you again" Kyuki

Pinisil ko yung pisngi niya "ang sweet naman ng baby ko"

"Ehem" rinig kong sabi ni Wonwoo hyung

"O bakit may angal ka ha?"

"Aba't-" Wonwoo

"Baby yung kuya mo inaaway ako" sumbong ko kay Kyuki

"Kuya that's bad" sita ni Kyuki sa kuya niya

"Bakit ako?" Di makapaniwalang tanong ni hyung

"Wag ka ng umangal hyung"

Tinignan niya ko ng masama. Haha masaya talaga pag kasama ko si Kyuki kasi napagtitripan ko si hyung.

"Kyuki dahil very good ka sa school sasama muna ako sa bahay niyo ipagluluto kita ng gusto mo"

"Yehey! Sasama si kuya Mingyu sa bahay! Kuya let's go na po" Kyuki

Tinignan na naman ako ni hyung "reward ko yun sa kanya hyung kaya wag ka ng umangal"

Napa-iling na lang si hyung tas sinimulan ng mag drive

Continue Reading

You'll Also Like

380K 8.9K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
1.4M 35.1K 31
Paano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo. Akala mo lang pala. Dahil hin...
972K 43.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
545K 19.6K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"