Romancing The Ice Prince

By lostmushroom

33.4M 275K 64.7K

He's my dark past, my once happy-go-lucky ex, he's my mistake, my secret, he's the heartless jerk, he's my s... More

Prologue
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Author's Note #1
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Chapter 39.
Chapter 40.
Chapter 41.
Chapter 42.

Chapter 30.

658K 7.4K 1K
By lostmushroom

Chapter 30.

The Ex

“What? Di ka nagpaalam?!” bulalas ni Shara.

Tinignan ko lang siya saglit pagkatapos ay bumaling ako uli sa daan. Hindi ako nagsalita. She groaned.

“Ano bang iniisip mo? I thought nagpaalam ka na? Lagot tayo nito eh! I don’t wanna lose my job, Rein!” Nagpapanic ang boses niya.

“You won’t.” sabi ko sa kalmadong boses.

“Anong you won’t you won’t? Ikaw ba boss? Pano kung pagbalik natin wala na pala sa’tin yung project?” aniya. Kung hindi ko lang nakasama ‘to sa trabaho, iisipin kong hindi ‘to taga-States eh. Ang tatas magtagalog.

“Seriously, Shara? Feeling ko sa Pilipinas ka nakatira eh. Ang tatas mo magtagalog.” Sabi ko and glanced at her.

Nilingon niya ako. “Iniiba mo naman yung usapan, Maria Rein Gardencias eh. Tsaka aba, anong magagawa ko? Nasa Pilipinas tayo! Dapat lang ‘to. And excuse me, Filipino na po. Hindi Tagalog!”

“Whatever” binalik ko ang tingin sa daan.

I heard her sigh. “Filipino magsalita sa bahay, gano’n ako pinalaki. Sa labas, tsaka lang ako nagi-Ingles. They’re proud Pinoy ‘no.”

Napatango ako.

“Ah shit! Maria Rein! May kasalanan ka pa sa’kin!” aniya sa naggagalit-galitang tono.

Kumunot ang nook o at bumaling sa kanya. “What?” I asked, lihim na napangiti na nakalimutan niya ang pagtatanong tungkol sa hindi ko pagpapaalam kay Miguel. What? It’s not like nasa kontrata ang pagpapaalam sa kanya kapag may pupuntahan?

“Harry’s gay!” nahihindik na bulalas niya.

I rolled and my eyes. “Hallelujah! Sa wakas! Nalaman mo rin!”

She groaned. “Bakit-bakit di mo man lang sinabi? I-I can’t believe na may gusto ako sa isang bakla!”

I chuckled at nanunudyong tinignan siya. “So? Inamin mo na? May gusto ka sa kanya?” She was blushing already.

Tinakpan niya ng kamay niya ang mukha niya at umungol uli.

Naningkit ang aking mga mata. Sumulyap ako sa daan bago muling bumaling sa kanya. Kahit alam kong hindi niya ako nakikita dahil busy siya sa pagtakip ng mukha ay tinaasan ko pa rin siya ng kilay.

Tumingin ako uli sa daan. Papasok na kami ng Sta. Catalina, bayan na katabi ng bayan namin. Tantsa ko ay mga bente minutos pa bago kami makarating ng mansyon.

“May gusto ka bang sabihin sa’kin? Shara?” I teased.

“I didn’t know, okay? And you said naman na hindi kayo, so ayun, hindi ko alam yung ginagawa ko, I think I was drunk that time and natagpuan ko na lang ang sarili ko na papunta sa apartment mo, wearing a very sexy dress, I thought of seducing him you know, kahit one night stand lang. Pero nung nandun na ako, you see, I s----“

Tuloy-tuloy siya sa pagsasalita pero isa lang ang rumehisto sa utak ko.

“You thought of what?!” bulalas ko at sumulyap saglit sa kanya.

Mas lalo siyang namula. “Seduce him! I know! That was so stupid move!”

Napabulinghit ako ng tawa. “Gaga ka!” Tumawa uli ako. “Oh anong nangyari pagkatapos? Nasapak ka ba? masakit manapak ‘yon kahit bakla ‘yun.”

“Rein!”

I chuckled. “Okay, okay. So what happened?”

“Nang makapunta ako sa apartment nyo, unfortunately, naiwang bukas ang pinto.” Napaungol siya uli. “Urgh! My virgin eyes!”

Nanlaki ang mata ko. “Ohmygad! You saw them having sex?”

“No! My god! No! I-I just s-saw them k-kissing! Guy to guy!” aniya at aktong kinilabutan.

“Then what happened?”

“Urgh. ‘Wag na nga nating pag-usapan ‘yan. Tama na ‘yung katangahan ko, diba? Lasing ako, okay? Ang landi ko kasi eh.”

“That’s Johnny, his boyfriend. They’ve been together for a couple years now. Mind you, they’re mad” Buti pa sila.

Napailing na lamang ako. Tumingin ako sa paligid. Nabanaag ko ang malawak na lupain at maraming puno. Namunga na rin ang golden shower at nagkalat na ang bunga nito sa paligid. Alam ko na kaagad na nasa Verde Ablia na kami. Marahil ay hindi ko napansin ang signage. Kung tutuusin ay pareho lang naman iyon ng Sta. Catalina na katabing bayan, ang pinagkaiba lamang ay parang isang pribadong bayan ang Verde Ablia. Kakaunti lamang ang naninirahan ditto at karaniwan pa ay mga may sinabing tao. Puro hacienda. Ang Sta. Catalina ay matao at maraming pampublikong bilihan.

Kinabig ko pakaliwa ang kotse at tinahak ang daan patungo ng mansyon.

“Oh nagtext si Tim. Bukas na raw nila matatapos yung model. Tapos mo na yung blueprint diba?” ani ni Shara habang hawak ang cellphone.

Tumango ako.

Nang nasa tapat na kami ng mansyon ay binagalan ko ang takbo at kinabig ko pakanan sa nakasarang modern isolated kerala gate na kulay itim. Bumusina ako.

“Woah! Sa inyo ‘to? I didn’t know you were this rich!” bulalas ni Shara at binaba pa ang salamin para dumungaw.

“I’m not. It’s my parents’” sabi ko. Nakalimutan kong wala nga palang nakakaalam sa estado ng mga magulang ko. Unti-unti nang binubuksan ng katulong ang gate.

“Jeez! Pareho lang ‘yon!” aniya.

Nang mapagbuksan kami ng gate ay hindi pa man ay nakita kong tumatakbo palabas ng bahay si Alex, wearing his wide boyish grin. Napangiti ako at inihimpil ang kotse.

Nang buksan ko ang pinto ay nagtatatalon si Alex. “Mommy! Mommy! Mommy!”

Umikot ako papunta sa kanya. Lumuhod ako’t niyakap siya ng mahigpit. Nang mapunta siya sa mga bisig ko ay napapikit ako. Amoy strawberries. Ang lambot lambot din niya, parang baby. I hugged him tighter. Ngayon ko lang na-realize na ganito ko siya kamiss. Hindi pa pala sapat ang Skype at mga tawag.

He giggled.

“Hey, Alex boy!” bati ni Shara.

Kumalas ako sa yakap naming ni Alex. “Tita Ganda!” anito.

Tumabi sa akin si Shara and spread her arms. Hinalikan muna ako ni Alex sa pisngi bago pumunta kay Shara at niyakap siya.

“I miss you Tita Ganda!”

“Oh ako? Wala ba akong kiss? Si Mommy lang?” nanunudyong tanong ni Shara.

Akmang hahalikan ni Alex si Shara nang magsalita ito, “Wait, wait. Yuck ka pala. Puro pantal oh. Baka mahawak ako!” nakangiwing tanong ni Shara.

Ngumuso si Alex “Tita, it’s non-infectious, Tita!”

“Uh-huh? And how sure are you, young boy?” ani ni Shara na halatang pinipigilan ang ngiti.

“I’m sure, Tita! Sabi po ng doctor ko ‘yun and I researched it para alam kong di siya nagla-lie! It’s true! You can hug me anytime and kiss me too!” ani ni Alex na nakanguso at nakakunot ang noo.

“Oh come on, Rein! This isn’t infectious! Bakit pinagbabawalan mo akong halikan ka? Alam mo bang malaking kawalan ‘to sa’yo? Ang yakap at halik ko? Tss” nakabusangot ang mukhang tanong ni Miguel. Nasa sofa kami ng apartment ko at nasa magkabilang dulo kami.

 

“Talaga? Ayoko pa rin. Nag-iingat lang” nang-aasar na balik ko sa kanya.

 

“Urgh! Dammit!” ginulo niya ang buhok niya kahit natural na messy na iyon. Sinipa niya ang mesa. Napaigtad ako. Buti na lamang ay kahoy iyon at hindi salamin.

 

I rolled my eyes. “Ano bang problema mo? Pani mesa ko dinadamay mo!”

 

“Paki ko? Eh di bibili na lang ako uli. Tss. Kahit ilang ganyan pa eh” aniya sa naiinis na tono. He was topless, wearing only my strawberry shortcake pajama. Akala ko magmumukha siyang bakla kapag sinuot niya iyon pero kabaligtaran ang nangyari. Mas lalo siyang naging hot sa paningin ko. And damn those eight-pack abs!

 

Dito na siya natulog dahil ayaw niyang umuwi ng bahay nila dahil nakakain siya ng isda at namantal ang buong katawan niya. Wala naman daw mag-aalaga sa kanya sa bahay nila kundi mga kasambahay.

 

“Yabang talaga”

 

Biglang pumungay ang mga mata niya at nagmamaka-awang tumingin sa’kin. Muntik na akong bumigay pero tinatagan ko ang sarili ko. ‘Wag kang tumingin sa abs, Rein. Hayaan mo siyang magdusa. Napaka-possessive kasi at control-freak.

 

“Rein, please. Isang araw na kitang hindi nayayakap oh. Sabi ko naman sa’yo, these are just rashes. Kahit magsex pa ta’yo, hindi ka mahahawa”

 

Nanlaki ang mata ko. Inabot ang throw pillow at ibinato sa kanya. “Kadiri ka, Miguel!” We haven’t done “it” yet though.

 

“Tss. Hahanap-hanapin mo rin mga halik at yakap ko, kala mo, Rein? You’re going to beg for it someday, Gardencias.”

 

Tinaasan ko siya ng kilay. “Ha! Ako pa tinakot mo, Tan?” pagsisinungaling ko. Kahit ngayon ay namimiss ko agad ang mga iyon. Pero, hindi. Kailangan niyang matuto.

 

Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumayo at pumasok ng kwarto ko. Anong gagawin niya d’on? Nang mga ilang minuto ay hindi pa rin siya lumalabas ay tumayo ako. Napaigtad ako ng bumukas iyon at pabalibag na sinara. Lumabas si Miguel na suot ang damit niya kahapon.

 

“S-san ka pupunta?” tanong ko.

 

“Kahit saan.” Aniya sabay alis.

 

 

Makalipas ang dalawang araw ay hindi ko siya nakita, pati sa campus. Pati text at tawag ay wala. Hindi ako mapakali. Napasobra ba ako? Pero kasi eh.

 

Nakakainis. Namimiss ko siya.

 

Nang subukan kong tawagan siya ay naka-off. Kinabahan ako. Anong gagawin ko?

 

Pagkalipas ng ilang oras at hindi ko pa rin siya macontact ay nanlulumong napaupo ako sa sofa at niyakap ang sarili. Nagalit ba talaga siya? Para yakap lang eh. Hindi naman siya mamamatay.

 

“Si-siguro.. sa iba nag-naghanap ng halik at yakap ang lalaking ‘yon” maluha-luhang sambit ko sa sarili ko.

 

“Sinong naghanap ng iba?” biglang bungad ng isang boses na nakapagpatindig ng balahibo ko.

 

Nang tumingala ako ay nakita ko si Miguel. Nakatingin sa akin. Looking so handsome as ever kahit medyo may eye bags sa mga mata. He looked tired.

 

I bit my lips. Binato ko agad siya ng throw pillow. Nasalo niya. Tumulo na ang mga luha ko. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harap ko.

 

“Damn. Pagod ako tapos, heto daratnan ko? Umiiyak ka? Damn, angel”

 

“Ikaw kasi eh!” sisi ko sa kanya.

 

I saw him smile. “Namiss mo ko ‘no?” nanunudyo niyang tanong.

 

“Damn you! Bakit di mo sinasagot ang phone mo? Alam mo bang nag-aalala ko sa’yo?! Tapos di ka pumasok? San ka galing?!”

 

He frowned. “Tumatawag ka ba? Aw, drained yung battery ko, hindi na ako nakapagcharge. Mas iniisip ko kasing makauwi sa’yo ng maaga.” He cupped my face. He smiled knowingly. “So, namiss mo nga ako?”

 

Hinampas ko yung abs niyang matigas. “Tse! San ka ba galing? Nambabae ka ba?” akusa ko sa kanya at pinaningkitan siya ng mata.

 

“What? No! Tss. Umalis ako para sa’yo tapos tapos mapagbibintangan pa akong nambababae” naiinis ang tono ng boses niya.

 

I chuckled. “So, san ka nga galing?”

 

Inilabas niya ang isang papel mula sa bulsa niya at ibinigay sa’kin. “Papaframe ko ‘yan. Huwag mong lukutin. For future purposes”

 

“Ano ‘to?” tanong ko habang binubuksan iyon mula sa pagkakatiklop.

“Ano pa? Papel ‘yan na nagpapatunay na hindi nakakahawa ang rashes ng allergy ko. Natagalan akong makuha ‘yan kasi nakaleave nung isang araw ‘yong doktor ko kahapon ang balik kaya hinintay ko na lang. Dun ako natulog sa kotse ko. Kaya rin hindi ako nakapasok. Nung pumasok na, ayaw pa akong gawan niyan. Madugo-dugong sapilitan pa ang ginawa ko. Now, can I hug you? And kiss you too?”

Napapikit ako at iwinaksi ang masasayang alaala na iyon. Pwede ba, Rein? Hanggang dito ba?

Nang bumaling ang tingin ko sa may pinto ng bahay ay nakita ko si Mama na nakatingin at nakangiti. Naglakad ako papunta sa kanya and hugged her.

“Hi, Ma.” bati ko habang yakap siya.

“Kamusta, anak?” sabi niya pagkatapos naming magyakap.

“Okay lang.”

“Good afternoon po, Tita” bati ni Shara nang magkalapit kami. Magkakilala na sila katulad ni Alex dahil madalas ay natitiyempuhan ni Shara ang pagdalaw nila.

“Hello, Shara. Kamusta, hija? Gumaganda ka yata. May nagpapaganda ba ng araw mo?” nanunudyong tanong ni Mama.

Namula ito. “Thank you po, Tita. Kayo rin po. W-wala po. Na-enchance lang po siguro ng panahon ang ganda ko.”

I rolled my eyes while my mother laughed.

Yumakap sa hips ko si Alex. “Mommy, how about Tito Harry? Hindi po ba siya pupunta dito?”

“Hindi, baby eh. Hayaan mo, I’m sure pupunta rin ‘yon dito.”

Umaliwalas ang mukha niya at nagningning ang mga asul niyang mga mata. Making my heart constrict, remembering those eyes.

“Oh, nandito na rin lang kayo ay kayo na ang sumama dyan sa apo ko. Sa ospital. Babalik siya ngayon.”

Nang nasa ospital na kami ay niresetahan siya ng doktor para sa susunod na magka-allergy ay hindi na ganoon kalala ang mga pantal. Hindi na mawawala ang allergy niya sa isda dahil in-born na iyon at namana mula sa magulang. Tumango na lamang ako dahil totoo naman iyon.

 

Your son is a very bright kid, Mommy. You’re so lucky naalala kong pahabol ng doktor.

“Mommy! Meet Dean. Pronounced as Deyan. She’s my friend na mommy.” salubong sa akin ni Alex pagkalabas ko ng opisina ng doktor. Si Shara ay nag-CR saglit. Hawak hawak ni Alex sa kamay ang isang batang babae na parang manhika. The girl has golden curly locks na parang kay Goldilocks. She looked so cute. I wish I had one.

“Hi po” anito sa mahiyaing tinig.

“Hi” nakangiting balik ko. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang sinusulyapan ang bata.

“This is my mommy, Dean. I told you, she’s very pretty” nagmamalaking sabi ni Alex sa babae.

Napangiti ako at hindi mapigilan ang bumalot na tuwa sa puso ko.

“Y-yes, she’s pretty. My mom is pretty too.” Nahihiyang sulyap sa akin ng bata.

Alex frowned. “Bet my mom’s prettier”

Biglang parang maiiyak ang batang babae. Nanlaki ang mata ko.

“Alex! That was rude! Hindi kita tinuruan maging ganoon sa iba.” Pumantay ako kay Alex.

He frowned. “It’s a fact. No one’s prettier than you, Mommy”

“Alex” I warned.

Yumuko siya. “Sorry, Mom. Sorry, Dean” baling nito sa batang babae.

Tinitigan nito si Alex bago binitawan ang kamay niya. Tumakbo ito papalayo. Nang sundan ko ng tingin ay sinalubong siya ng babaeng nakawheel chair na kamukha niya. May bilot ito sa ulo. Siguro ay iyon ang nanay niya.

Nag-usap sila at tinuro kami ni Dean habang humihikbi. Napatingin samin ang babae. She smiled apologetically. I did the same. Tumango siya at sabay sila umalis ng bata.

Nang bumaling ako kay Alex ay malungkot ang mukha niya.

“Mommy, galit ba siya sa’kin? I’m sorry, mommy. I didn’t mean to.” He said, feeling bad.

I cupped his face. “No honey, nagtampo lang siguro siya. Huwag gano’n ha? May kanya-kanyang opinyon ang tao. Of course, for her, prettiest ang mommy niya. Like you.”

“Okay” he said na parang hindi pa rin kumbinsido na hindi galit sa kanya si Dean.

I smiled and brushed his hair. “Crush mo ba siya, baby?”

He scrunched his nose. “No. I just want someone like her.” Pinagdikit dikit niya ang hintuturo niya.

“What do you mean?”

He looked at me. “I don’t know, Mommy. I-I think I want a sister. But that won’t happen. I don’t even have a daddy.”

Napakagat ako ng labi ng mariin. Shit.

 

“Tita Ganda!” he squealed. Nang tumingin ako sa tinitignan niya ay nakita kong papalapit si Shara.

“Oh, tapos na ba? Pwede na daw bang i-hug ‘tong mamang ‘to?” natatawang tanong ni Shara.

Alex folded his arms above his chest and frowned. “Told you, Tita. Hindi ka po mahahawa dito”

Humalakhak si Shara.

“Excuse me? Have you seen a girl with a curly golden hair? Kanina pa kasi---“ nang lumingon ako sa kumalabit sa akin ay napatda ako.

Sa reaksiyon niya ay mukhang ganoon din ang naramdaman niya. Tinignan ko siyang mabuti. He was still the same. Gwapo pa rin. Mapupula ang maninipis na labi. Nandoon pa rin ang mapungay na itim niyang mga mata. Ang magandang hugis na mukha’t panga. His badboy but elegant posture. Yes, still the same. Tumanda lang ng kaunti ang kanyang hitsura. But the same.

“Carlos.” I breathe.

“Rein” he murmured. Iginala muna niya sa kabuuan ko ang mga mata niya bago muling bumalik ang tingin niya sa aking mga mata. Then he smiled. “You-you look beautiful.” Bulalas niya. “as ever”

I smiled back. “You don’t look bad yourself.”

He chuckled.

Bigla ay may umubo. “Ah, hello? May.. may hindi ba kami nalalaman dito?” nakataas ang kilay na tanong ni Shara while shaking her hands. Pero kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata niya para sa lalaking nasa tabi ko. Nang bumaba ang tingin ko kay Alex, he was eyeing Carlos with his piercing blue eyes.

“Uh-Carlos. This is Shara, katrabaho ko. And Alexander, my son”

Nakipagkamay si Shara kay Carlos at kiming ngumiti. I rolled my eyes. Nang inilahad na ni Carlos ang kamay niya kay Alex ay tinignan lang siya ng anak ko. I frowned.

“Alex?”

“Who is he, mom?” ani ni Alexander.

“This is Carlos Visamore, an old friend of mine.”

Carlos chuckled. Inakbayan niya ako. “I’m her ex-boyfriend. A proud one. And this woman, owe me big time.” He teased then laughed. Nanlaki ang mga mata ko. Nandito ang anak ko!

Tumalim ang tingin ni Alex kay Carlos. “He’s not my dad” sabi ni Alex.

Natahimik kaming lahat. I bit my lips. Kapagkuwan naman ay tumikhim ako. “Ah, Shara. Punta muna ka’yo sa baba. Bili mo ng ice cream si Alex.” binigyan ko ng nagmamakaawang tingin si Shara. Tumango siya at kapagkuwan ay tumalima. Kahit mukhang ayaw umalis ni Alex.

Binalingan ko si Carlos. Sinusundan niya ng tingin ang anak ko habang nakakunot ang noo.

Lumakad ako papunta sa kabilang direksyon at alam ko, naintindihan niyang ibig kong sumunod siya sa akin.

“So our little charade paid off? You really owe me on that one” he teased.

Huminto ako sa tapat ng floor-to-ceilling glass wall kung saan makikita ang in-door garden na may fountain ng ospital.

“We’re not together” I simply said.

“We what!?” gulat na tanong niya.

Huminga ako ng malalim. “You heard me”

“That jerk! Ano? Natorpe ba siya? Eh mahal na mahal ka ng gagong ‘yun!” he hissed.

He heart ached. He doesn’t love me anymore..

 

Napailing-iling siya. “Hindi ka man lang niya sinundan? Hinanap? And for God’s sake! May anak kayo!” galit na tanong niya.

I frowned. Bakit ganyan ang reaksyon niya? “Carlos, look, I’m sorry at nagamit pa kita noon. Pasensya na talaga. K-kailangan ko lang gawin ‘yon.”

Hinawakan niya ang panga niya at nakakunot ang noo.

Sinubukan kong ibahin ang usapan. “S-so, kamusta ka na? May pamilya ka na ba? And you’re company?” Successor siya ng family business nila na isang successful na automobile company.

Nagpakawala siya ng mabigat na buntong-hininga. “Look, Rein. You’re telling me, hindi kayo nagkatuluyan?”

My brows furrowed. He cursed. 

“Look, Rein. Maybe it's because of what we did but.. my company? Miguel Angelo Tan took it down”

Continue Reading

You'll Also Like

23M 587K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
33.1K 1.7K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
4.5M 189K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...