Chapter 28.

632K 6.8K 1.8K
                                    

Chapter 28.

Her and Her Part 2

Muli kong sinalinan ng alak ang baso ko pagkatapos kong maubos ang laman niyon. I took it straight. Hindi ko rin alam kung nakailang baso na ako. Wala akong pakialam kahit bukas ng umaga ay tamaan akong muli ng matinding hang-over. Baka sakaling  matabunan ng sakit na iyon ang sakit na nararamdaman ko. Makalimutan ko ang masasakit na pangyayari.

Honestly, I didn't even want to wake up. Minsan, pinagdadasal kong hindi na lang ako magising. Ano pang silbi kung magigising ako? Babalik din naman ang sakit. Ganoon pa rin naman ang mangyayari. Para na rin akong pinapatay. I wanted to just sleep forever so I won't have to feel the pain iin my heart.

I wasn't sure if I could go about my life the same way again. Ilang buwan nang ganito ang buhay ko. Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto ko at mukhang tanga na nagpapakalunod sa alak. 

Ano bang nagawa ko? Ilang beses ko nang tinatanong 'yan sa isip ko. Saan ba ako nagkulang? Ginawa ko naman ang lahat. 

"R-rein" nahihirapang sambit ko habang tutop ang noo. Punong-puno ng hinanakit at pait ang boses ko. i cursed her. I can't believe na umibig ako sa isang gold-digger. Sana pala nung una pa lang ay naniwala na ako sa Mama. That she was just another conniving bitch 

At ako naman ngayon ay isang talunan, pathetic. Dahil kahit ganoon na ang ginawa niya sa akin, siya pa rin ang laman ng isip ko. Ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

I poured another whisky at inunom uli ng straight iyon, Hindi ko alintana ang umiikot kong paningin at pamimigat ng aking ulo.

"MIguel?" 

Napahinto ako sa muling pagsalin ng alak at nanigas. Totoo ba ang naririnig ko? Marahas na napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig, umaasang nagsisi siya sa pag-iwan sa akin at binalikan ako.

"Rein?" With my blurred vision, I could see a woman sitting beside me. Ang pagkakatanda ko ay nasa bar ako ni Trey. 

Maluha-luhang napangiti ako at hinawakan siya. "Rein, I knew you'd come back. Ako ang mahal mo diba? Diba? Thank God bumalik ka. A-akala ko hindi ka na babalik.."

"M-miguel.. I-I'm not Rein.."

Bigla ay parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang dahil sinabi niya. Nang tignan ko siyang maigi ay hindi ko nasilayan ang mga abong mata at mala-anghel na mukha ni Rein. Napabuntong-hininga ako.

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon