The Gangster's Princess (COMP...

By Ellisire

125K 2.1K 85

April is a cold girl. She hates noise. She even hates her sisters because they're too loud. But deep inside s... More

The Gangster'S PRINCESS
TGP 1
TGP 2
TGP 3
TGP 4
TGP 5
TGP 6
TGP 7
TGP 8
TGP 9
TGP 10
TGP 11
TGP 12
TGP 13
TGP 14
TGP 15
TGP 16
TGP 17
TGP 18
TGP 19
TGP 20
TGP 22
TGP 23
TGP 24
TGP 25
TGP 26
TGP 27
TGP 28
TGP 29
TGP 30
TGP 31
TGP 32
TGP 33
TGP 34
TGP 35
TGP 36
TGP 37
TGP 38
TGP 39
TGP 40
TGP 41
TGP 42
TGP 43
TGP 44
TGP 45
TG5 46 (Author's Note)

TGP 21

1.8K 34 0
By Ellisire

April's POV

Monday na ngayon, siyempre usual routine gigising ng maaga, kakain, maliligo, papunta sa school, magtataray, at uuwi. Pero ngayon niyaya ako manuod ni Aira ng graduation ng Grade 12, isa dun si ate Shin at kuya Blake. Ang weird ba dahil pasukan na namin pero sila graduation pa lang? Weird din para sakin eh. Pero ang start naman kasi talaga ng classes sa college sa DVU ay September.

Kagabi pa kami nakapagpaalam kay papa at pumayag naman siya na hindi na kami pumasok. Kaya ngayon alastres pa lang at kakagising ko lang. 4 pa naman yung start ng ceremony eh.

Bumaba ako sa sala at nakitang nandito na yung tatlong lalaki.

"Grabe hindi niyo man lang kami sinabihan na manonood pala tayo ng graduation. Akala namin may nangyaring masama sa inyo kasi hindi kayo pumasok. Nag-cutting tuloy kami." Sabi ni Kysler.

"Asan sila Abby?" Tanong ko habang naghihikab.

"Nandon sa taas nagre-ready na. Ikaw ba't di ka pa ready?" Tanong sakin ni Edward at umupo naman ako sa tabi niya.

"Kakagising ko lang eh." Sagot ko sa kanya.

"Batugan." Bulong niya kaya nasapak ko siya sa sikmura. Tumayo na ko at nagpunta na sa kwarto ko. Maliligo na nga ako. Nasayang effort ko sa pagtabi sa kanya.

**

Nagsuot lang ako ng plain white crop top na tshirt at jumper tapos ay doll shoes naman sa paa at bumaba na ko.

"Tignan mo kahit siya yung pinakahuling nagready siya pinakanauna." Sabi ni Edward ng natatawa.

"Masyado ka na namang amazed sa powers kong mabilis." Sabi ko sa kanya at inirapan siya. Matagal din naman akong mag-ready. Mas matagal nga lang talaga sila Abby at Aira.

Naghintay pa kami ng ilang minuto para makababa na sila Aira at umalis na kami.

Pumasok na kami sa Event Building ng school at malapit nang magsimula. Pagkapasok namin, ang daming lumapit sakin na lalaki.

"April, pwede bang magpapicture? Baka huling pagkikita na natin to eh." Nahihiyang sabi sakin nung isang lalaki.

"Oo nga April."

"Pwede bang ako din?"

"Ako din ha?"

Sabi pa nung ibang lalaki. Bigla namang humarang si Edward sa kanila kaya napasimangot sila.

"Hindi kayo pwede magpapicture. Iphotoshop niyo na lang o kaya gumawa kayo ng collage!" Sabi ni Edward at hinila na ako paalis. Baliw talaga 'to.

Umupo na kami sa bleacher. Nasa taas kami kaya kitang-kita namin yung mga tao. Asan kaya si ate? Hindi ko siya nakikita eh. Saka kung nandito na yun dapat pinagkakaguluhan na yun ngayon. Dami ba namang kakilala dito eh. 

Nagsimula na yung ceremony. Kung hindi lang talaga dahil kay ate hindi talaga ako papunta dito eh. Ang boring kaya!! Puro speech lang naman ng magulang ko. Eh hindi din naman ako nakikinig sa kanila. 

Merong isang buong row sa harapan na walang nakaupo, tas yung teacher halatang problemado na. Nakita ko na din si Tita Steffi at tito Matt. Parents ni ate Shin. Mukha din silang tensed. Bakit ba? Anong meron?

Abutan na ng diploma at bawat section yung pila. Bigla na lang bumukas ng malakas yung malaking pinto ng Event Building at meron yatang 15 plus candidates ng Grade 22 na nananakbo papunta sa unahan. Lahat sila lalaki, pero may nag-iisang babae. Si ate Shin.

Nagpalakpakan lahat ng tao at naghiyawan tas yung mga late naman tawa sila ng tawa. Sila tita at tito naman halatang nag-relax na. San naman kaya nang galing 'tong mga 'to? 

"SHIN SAPATOS MO!!" narinig kong sigaw ng mga tao kaya napatingin ako kay ate Shin. NAKAPAA LANG SIYA WHAT THE HELL!!

Nanakbo kaagad siya kay tita Steffi at may kinuha siyang heels kay tita na mukhang 7 inch tall at naglakad ng like a boss.

Pano niya nagagawa yun? 2 inch nga lang siguro di na ko makakapaglakad eh.

Nakakuha na sila ng diploma, at mags-speech na ang valedictorian. Si ate Shin. As usual.

"Hey guys!" Bati ni ate at huminga naman siya ng malalim at natawa. Tumawa din naman yung mga candidates.

"Ganda ba ng entrance namin kanina? Hahaha. Una, gusto kong magsorry kay mama. Ma, sorry. Sa pagmamadali ko hindi na ko nakapagbaon ng heels. Ikaw pa yung pinag dala ko. Second, sorry din sa mga teachers na na-stress lalo na kay ma'am Bacani na adviser namin. MA'AM SORRY. Hahaha. Kasi kalahati ng advisory section mo wala. Pero humabol naman kami ma'am diba? Alam mo namang labs na labs ka namin ma'am." Sabi ni ate at nagtawanan din naman yung candidates. Halatang masaya sila ah?

"Okay. So here comes the real speech. Na kinabisado ko ng ilang gabi kasabay ng pagkumpleto sa clearance ko, Hahaha. Eto na guys, graduate na tayo.." Huminga si ate ng malalim at nag 'aww' naman yung students.

"Maghihiwa-hiwalay na tayo, first time 'to no? Kasi sa loob ng anim na taon natin sa highschool hindi tayo natibag. Yung kahit magkakaiba tayo ng section one big happy family tayo. Sabi nga ng mga teacher tayo yung pinaka solid na batch. Pano ba naman, as in gumawa pa tayo ng contract na dapat magkakasama sa iisang destination lahat ng grade 12. Tapos kapag exam alam na." Sabi ni ate Shin at kumindat siya. Nag-react naman dun yung mga teacher at nagtawanan kami. "Ang dami nating memories together, yung buong grade 12 student nasa gym tayo dahil hindi tayo kinaya ng guidance office kasi nag food fight tayo sa cafeteria. Naalala ko kung pano tayo magsiluhod sa mga lecturers natin last week para lang pirmahan clearance natin. Naalala ko yung mga panahon na gusto niyo nang umiyak sa sobrang stress pero dahil sobrang kapos sa oras ay kailangang kayanin. Nagkakaron man ng gulo, sandali lang ayos na kaagad. Akalain niyo yun, sa dami ng pinagdaanan natin, masisira yung pagiging solid natin dahil lang sa isang 'graduation'. Yung anim na taong hindi tayo matibag sa iisang araw watak-watak na tayo. Pero ganon talaga, kailangan nating maghiwa-hiwalay kasi walang forever. I know some of you iniisip na baboy na yung speech ko. Specifically the parents. Actually hindi ito yung speech ko eh. Kasi hinahayaan ko na lang na yung puso ko yung magsalita. Hind yung minemorize ko sa bond paper." Sabi ni ate at nagpalakpakan lahat ng tao.

"Sabi ng mga teacher natin, kailangan na nating magmature kasi college na tayo next school year. Kailangan na daw nating magreview, hindi yung puro kopya lang. Kailangan na daw nating matutunan kung pano mag manage ng time at hindi puro procrastination ang inaatupag natin. But who cares? We're Living yound and wild and free!" Kanta ni ate tas nakikanta yung candidates sa kanya.

"Nakakalungkot mang isipin pero eto na, maii-stress na tayo. Dahil sa mga prof na yan. Tss. Hahahaha. Congrats satin dahil graduate na tayo. Iiwan na natin si ma'am Bacani, yung DVU, pati si kuya Edgar na guard na lagi na lang natin tinatakasan. Iiwan na natin si ma'am De Leon na hindi nagsasawang pirmahan yung excuse slip natin dahil late tayo. Yung buong tinta ng ballpen niyang puno ubos natin ng isang araw lang. Hahaha. Sabi ng mga kuya ko eto na yung panahon na dapat nag-iiyakan tayo kasi maghihiwalay na tayo. EH SAAN BA ANG BAGSAK NATIN? DITO PA DIN NAMAN SA DVU DIBA? EH BAT PA KO NAG-DRAMA? Kasi ako aalis na. Hahaha." Sabi ni ate at nakita kong naluluha na siya. Sht. Aalis siya? Bat' di niya man lang sinabi sakin? 

"What?"

"No way."

"Alam ba yan ni Kris?"

"Asan nga pala si Kris?"

"Utot mo blue!" Sabay sabay na sigaw lahat ng candidates sa kanya. Pero nung zinoom sa mukha ni ate at nakita sa malaking screen na umiyak siya natahimik yung buong building.

"Wala kasing forever, guys. Hahaha. Kasi sa Canada na ko mag-aaral. Dun na kasi ako pinag-aaral nila mama. Para daw makasama nila ko, pero babalik naman ako dito kaya wag kayo masyadong malungkot. Meron namang skype diba? May whats app. Sana lang wag niyo kong kakalimutan. Kapag may laboy kayo sana iphotoshop niyo na lang yung picture ko. Wag niyong kakalimutan yung lawyer niyo ha? Yung laging nagtatanggol sa inyo kapag may kaaway kayo. Wag niyo kakalimutan yung notebook niyo yung teacher niyo yung nagtuturo sa inyo kapag hindi niyo maintindihan yung topic. Wag niyong kakalimutan yung bestfriend niyo. In short wag niyo kong kalimutan. Hahahaha. Kasi kahit hindi ko kayo kilalang lahat mahal na mahal ko kayo. Magkikita din tayo, thank you for making my high school life unforgattble, memorable, takasable, kabogable at?"

"TUB*LL!!" sigaw nung mga candidates. Pero madami na ding umiiyak sa kanila. What the hell.

"Congrats satin batch marijuana! Hahahaha. Mukha nakong adik dito buti na lang wala akong make up. Thank you sa lahat ng nagpasaya ng buhay ko sa loob ng anim na taon. Salamat kasi sa inyo ko nakita kung gano kaganda yung buhay. Charaught. Hahahaha. I'm Shin Iris Bautista Tuazon, signing off." Sabi ni ate at nagbow naman siya at umalis na sa stage,

Nagpalakpakan lahat ng tao dito at yung iba nag-iiyakan na.

"Grabe no? Sobrang dami na pala nilang pinagdaanan." Narinig kong sabi nung isang parent.

"Oo nga eh. Nakakatawa. Ang saya-saya nila. Para nga silang isang malaki at masayang pamilya." Sagot naman nung isa pang nanay.

"Okay, that was the most dramatic speech I heard. Hahaha." Sabi ni ma'am Bacani. English teacher din kasi siya kaya siya yung emcee.

"Thank you din mga anak at pinasaya niyo ko. Hindi ko makakalimutan yung mga surprise niyo sakin. Yung bagong taon at pasko nasa bahay ko kayo. Alam niyo namang dalagang pilipina si ma'am." Yeep. Matandang dalaga na si ma'am nasa 50+ na din siya pero malakas pa siya.

"Nakakalungkot lang at iiwan na tayo ng ating lil' monster." Sabi ni ma'am at nagtawanan sila. Si ate Shin yung lil' monster. Para daw kasing monster kapag nagagalit.

**

Natapos na yung graduation at nag-iiyakan na sila, hinintay namin sa labas si ate Shin dahil nagtext siya samin na laboy daw kami pagkatapos.

Nandito kami ngayon sa may parking lot hinihintay si ate. Nakita na namin siya at napapalibutan siya ng lalaki. Halatang one of the boys ang bruha.

Hinawakan ni Edward yung kamay ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Eh kasi ang daming tumitingin na lalaki sayo. Baka makasapak ako." Nakasimangot niyang sabi.

"Eh pano pa kaya si Kris?" Sabi ni Aira kaya napatingin kami kay Kris. Na ang sama ng tingin sa mga taong nakapalibot kay ate. Grabe.

"Hoy Kris, easyhan mo lang." Natatawang sabi ni Zack pero hindi siya pinansin ni Kris.

"Yo guys!!" Energetic na sabi samin ni ate.

"Congrats ate!!" Sigaw namin sa kanya.

"Maraming salamat. Grabe ang sakit na ng panga ko kakangiti sa pictures." Sabi ni ate habang minamasahe yung panga niya.

"Eh yung paa mo ate hindi masakit?" Natatawang tanong ni Abby.

"Sanay na ko." Sabi ni ate at saka tinanggal yung heels niya. Sobrang namumula naman yung paa niya.

"Anong sanay dyan? Eh puro sugat na nga yang paa mo." Sabi sa kanya ni Kris.

"Ano tara na? Sa mall na lang tayo gutom na ko." Sabi ni ate na hindi pinapanin si Kris at naglakad na siya. Kaya naglakad na kami sa sasakyan ng partners namin. Hahaha.

Pumasok na ako kay Silver -kotse ni Edward-. habang nagd-drive ay hinawakan niya yung kamay ko.

"Hoy rivera! Nagd-drive ka! Baka mamaya maaksidente tayo." Sabi ko sa kanya.

"Kaya ko ngang magdrive ng walang kamay eh." Sabi niya at saka ako kinindatan.

Yabang. Hinayaan ko na lang siya na ganun. Nag-cellphone ako at nakita kong puro mukha ni ate Shin yung nasa newsfeed ko. Puro nakatag lang sa kanya tas yung mga caption "with crush" ganon. Pero mga kaibigan niya naman yung nag-upload kaya alam ko na nagbibiruan lang sila. Dahil kung nagkataon? Nako, makakapatay na talaga si Kris.

Habang nag-cecellphone ako ay biglang hinalikan ni Edward yung kamay ko and it just feels so right. Arghh Rivera you're doing your job right.

Nakarating na kami sa mall at napagdesisyunan namin na kumain sa Vikings. Pero ang nakakakilig hawak pa din ni Edward yung kamay ko. Omg Hahahaha.

Nakaupo na kami at kumakain na. "Ate, totoo yung pagpunta mo ng Canada?" Tanong ni Abby kay ate kaya napatingin kami sa kanya.

"Hindi naman siguro ako iiyak sa harap kung hindi diba? Hahaha." Sabi ni ate.

"Eh kelan alis mo?" tanong ni Aira.

"Next week."

"What the hell." Sabi ko. Grabe ang bilis naman.

"Ano yun walang uwian? Straight two years ka dun sa Canada?" Tanong ni Kris.

"Oo." Sabi ni ate at nagpatuloy nang kumain. Si Kris naman lalong napasimangot.

"Grabe ate mami-miss kita." Naiiyak na sabi ni Abby.

"Ang O.A naman nito, Hahaha. Dalawang taon lang naman ako mawawala. Hindi ako mamamatay, Abby." Sabi ni ate. Pero parang siya lang yung Masaya. Siyempre kasi kahit na maski demonyo takot sa kanya nakakamiss din yung kabaliwan ni ate no.

Natapos na kaming kumain at umuwi na kami. Walang nagsasalita.

**

Days gone by, araw na ng pag-alis ni ate. Nag-special request pa siya na kami daw maghatid sa kanya. Siguro ayaw niya kila kuya Jin dahil mag-iiyakan lang sila. 

"So guys, eto na." Sabi ni ate at huminga ng malalim.

"Grabe hindi ka na talaga mapipigilan?" Tanong ni Aira.

"Yung mga kaklase ko nga hindi ako napigilan kayo pa kaya?" Nakasmirk na sabi ni ate samin.

"Eh pano na kami? Sino na magt-train samin?" sagot sa kanya ni Kysler.

"What? Train saan?" Takang tanong samin ni ate Shin. 

"We know that you're Red. Tapos nung nagkita din tayo sa mall, sabi mo sinamahan mo si Kris sa mafia niyo." Nakasmirk na sabi ni Edward. Tumango tango naman siya at natawa.

"Sila kuya. Kaya niyo na yan, malaki na kayo." Sabi ni ate at ngumiti samin tapos napatingin naman siya kay Kris na hindi nagsasalita. Yung Kris na cold. Yung Kris na una naming nakilala bago namin napaamin na may gusto siya kay ate. Feeling ko etong mokong na 'to ang pinakang makaka-miss kay ate.

"Hoy kapre! Ano hindi mo man lang ako papansinin bago ako umalis?" sabi ni ate kaya napatingin sa kanya si Kris. Sumimangot sa kanya si Kris pero bigla na lang siyang niyakap ni Kris.

"YIEEEE." Sigaw namin pero hindi pa din bumibitaw si Kris sa pagkakayakap kay ate, tapos pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Balikan mo ko, ha? I'll wait for you." Sabi ni Kris tas hinalikan niya sa noo si ate.

"Ouch." Narinig kong bulong ni Abby kaya napatawa ako. Crush niya nga pala si Kris. HAHAHAHA.

"Baby ka dyan? Hahaha. Sige na. Bye na. Baka mag-iyakan pa tayo dito." Sabi ni ate saka niya kami isa-isang niyakap tas nakipag fist bump naman siya dun sa mga lalaki.

Tinanaw namin siya hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.

"Mamimiss ko yung baliw na yun." Rinig kong sabi ni Kris.

"I'll wait for you." Pang-aasar naming sabi sa kanya at saka nagtawanan.

I will surely miss you ate.

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 1.9K 52
Wattpad ang tinataguriang 'DREAM WORLD' ng mga wattpader o wattpadian. Para makilala ang mga taong pinapangarap nila na makasama habang buhay. Some o...
268K 6K 42
[MAFIA BOSS REVENGE BOOK 2] Book cover by: purplexxii_ #118 in Action #220 in Action #207 in Action Start: September 1, 2017 End: May 8 , 2018
53.9K 881 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
139K 4K 44
(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enter...