Retired Playboy

By JFstories

13.4M 384K 136K

Macario Karangalan Sandoval More

Prologue
MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20.1
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 4

419K 11.7K 2.5K
By JFstories

"MAY pera ka ba, anak? Naubos na kasi iyong pera namin ng papa mo na galing sa pension." Ani Mama habang kumakain kami.


Nakayuko lang si Papa at walang imik.


"Sorry, Ma. Wala pa po, e. Hindi pa po nag-start iyong project ko." Ang huling modeling job ko kasi ay pumalpak. Ito namang bago ko ay hindi pa nag-i-start. Iyong kinita ko naman sa online encoding job ko ay naibayad ko na sa bills namin. Saka nagbayad din ako sa inutangan ko noong naospital si Macky dahil sa UTI noong nakaraan.


Napapikit na lang si Mama.


"Puwede po siguro tayong manghiram muna kay Ate Nita? Babayaran ko na lang po sa next cut off ng salary ko trabaho. O kung mauna man ang modeling project ko."


Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Papa. Kapag ganitong namo-mroblema kami sa pera ay nadi-depress ito lalo.


Napakamot ako. "Hayaan nyo po. Gagawa po ako ng paraan."


Nilapitan ako ni Mama. "Kailan ba kayo magpapakasal ni Donald?"


Napayuko na lang ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong narinig sa kanila. "Hinihintay ko lang pong magpropose siya."


"Pss. Gusto ka ng pakasalan, pero hindi pa nagpopropose? Ikaw na kaya ang magpropose."


"Po?"


Humawak sa kamay ko si Mama. "Ikaw na kaya ang magpropose, anak?"


"Ha?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila. Hindi ko yata kaya iyon.


Tumunog ang aking cellphone. Sinagot ko ang tawag nang makita ko sa screen ang pangalan ni Ate Nita. "Hello?"


"Kumusta dyan, Pamela?"


Inagaw ni Mama ang cellphone sa akin. "Ate mo ba ito?"

"Opo." Tumango ako.


"Hello, anak?" Malambing na nagsalita sa Mama sa cellphone. "Kumusta ka dyan? Kumain ka na ba? Maayos ba ang kalagayan niyo dyan? Mabuti naman at mukhang napapadalas ka na diyan sa bahay ng asawa mo. Mukhang mahal na mahal ka na niya."


Nakipag-agawan si Papa ng cellphone kay Mama. "Hello, mahal kong anak. Si Papa mo ito. Mag-iingat ka palagi dyan, ha? Kailan ka makakauwi dito?"


Ganito sila kapag tumatawag si Ate. Aakalaing ilang taon nang nawala. Eh palagi naman dumadalaw dito iyon sa bahay. Dumadalaw para alamin kung ano na ang status namin ng manok niyang si Donald.


Madalas pa nga ay dito si Ate sa bahay. Halos dito pa rin nakatira.


Kahit walang okasyon, parang meron kapag nandyan na si Ate. Samantalang ako, noong nagkaroon ako ng project sa Tarlac para magmodel ng planggana at tabo, isang linggo ako dun, pag-uwi ko ay parang wala lang. Nautusan pa akong magsaing.


Inabot ko iyon. Hindi na ako umimik.


"At ano iyong nababalitaan namin na may kaibigan ka raw na lalaki?" Pinandilatan ako ni Mama.


Si Macoy pihado ang tinutukoy nila. "Ah, barkada ko lang po yun. Kaklase nong high school"


"Wag mo na ulit kakausapin ang lalaking iyon, ha? Paano kung si Donald ang makakita sa inyo? Ano na lang ang iisiping ng mapapangasawa mo?"


Malungkot akong sumagot. "Opo."


Paano kaya ito. Kapitbahay pa naman namin si Macoy. Dyan lang nangungupahan sa tapat namin. Dapat ko na talagang maidispatsa ang lalaking iyon.


Biglang sumulpot ang isang marungis na batang maliit— si Macky. "Pampam, Pampam!"


Sa akin siya nakatingin habang nakabungisngis ang bungi-bungi niyang bibig. Kahit sawayin ko siya ay 'Pampam' na talaga ang tawag niya sa akin.


"Ano iyon, Macky?"


"Tingnan nyo po, naglinis ako ng banyo." May ipinapakita siya sa aking basahan.


"Ang galing naman ng apo ko!" puri ni Mama na napa-palakpak pa. "O hala, gusto mo na bang kumain? Ano'ng gusto mong ulam? Ipagluluto ka ni lola!"


"Wow, very good" tuwa ring puri ni Papa sa bata.


Babalewalain ko na lang sana ang batang ito nang matitigan ko ang pinanlinis niya. Bakit ba pamilyar sa akin iyon? Basahan ba talaga iyon?


Namilog ang aking mga mata nang luminaw sa paningin ko iyon.


Ito iyong panyo na ibinigay sa akin ni Donald na may brand ng Sandoval, ah!


Umusok ang ilong ko sa galit. "Mackyyy!!!"


Pero bago ko pa mahabol ang paslit at nakatakbo na ito palayo.


...


"KANINA ka pa?" Donald asked me pagdating na pagdating niya. Nagkita lang kami sa isang café.


Sinikap ko siyang ngitian. "Hindi, kararating ko lang din." Pero ang totoo ay dalawang oras na akong naghihintay. Nagpa-late na nga ako nang lagay na iyon.


"Good. Can we talk now? Let's go to my car."


Napatayo agad ako. "Sure." Mukhang magpopropose na siya.


Naglakad siya palabas ng café kaya sumundo ako sa kanya. Pumunta kami sa kanyang kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang makaupo ako sa passenger's seat ay saka siya naupo sa dirver's seat. Napatitig muna siya sa kanyang manibela bago siya nagsalita.


"Pamela..." Napahilot siya sa kanyang noo gamit ang hintuturo at hinlalaking daliri.


"May problema ba?" Ngiti ko sa kanya. Hinihintay ko siyang humugot sa bulsa. Baka kasi maglabas na siya ng singsing.


Bumuga siya ng hangin. "What the hell is wrong with you?"


Bumagsak ang balikat ko. Bakit ganito ang mood niya?


Bigla niyang sinuntok ang manibela. "Tell me everything, Pamela!"


"Ha? Di kita maintindihan–"


Sinakal niya ang braso ko nang mahigpit. 
Ito ang unang beses na nakita ko siyang nagkaganito.


"Nanlalaki ka. Sino ang lalaking iyon?! Sabi ng papa at mama mo, may lalaki ka raw na kausap. Sino siya?!"


"D-Donald, hindi mo naiintindihan. B-barkada ko lang–" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sampalin niya ako nang malakas.


Nahawakan ko ang aking pisngi. Tigagal ako at hindi makapaniwala. Without even knowing the real story, sinaktan niya ako? Ang tagal na namin at oo nasisigawan niya ako, ngunit ito ang unang beses na napagbuhatan niya ako ng kamay.


I know he was jealous. Ngunit hindi yata tamang dahilan ang selos para saktan niya ako.


Kahit gago si Macoy, never akong pinagbuhatan ng kamay ng ungas na iyon noong kami pa!


Ngunit itong si Donald, mag-boyfriend palang kami, nasampal na agad ako. I hate him. Hindi ko akalain na ganito siya. Hindi pa nga kami mag-asawa ay sinaktan na niya ako, lalo pa kaya kapag nakatira na kami sa iisang bubong.


"Look..." Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya. Ngunit mula sa pagiging demonyo ay naging anghel na naman ang kanyang aura.


Ilang beses siyang napabuntong-hininga saka siya ngumiti sa akin na para bang hindi niya ako nasaktan kanina.


"I'm sorry, okay? Nabigla lang ako..." Biglang umamo ang kanyang boses. "Sorry na... ikaw naman kasi, e. Hindi mo ako dapat ginagalit. Sorry na, ha? I love you..."


Sorry? Sinampal mo ako, tapos sorry lang?! Tanga ba you?


Padabog kong binuksan ang pinto ng kotse, at mabilis akong bumaba ng sasakyan. Agad namang binaklas ni Donald ang kanyang seatbelt at hinabol ako. Bago pa niya ako maawat ay nakakita na ako ng taxi para sakyan. Pinara ko agad iyon at mabilis na sumakay roon.


"Wait, Pamela!" Kinalampag ni Donald ang pinto ng taxi.


"Manong, paandarin niyo na po," utos ko sa driver.


Walang nagawa si Donald nang paandarin na ng driver ang kotse. Sinilip ko siya sa side mirror. Nakita kong ilang beses siyang napasuntok sa hangin.


Ano'ng gagawin ko? Tama ba itong ginagawa ko? Ano'ng sasabihin ni Ate Nita sa nangyaring ito?


Ano'ng sasabihin sa akin ng parents ko? Pera na magiging bato pa. Ngunit aanhin ko ang pera kung hindi naman ako masaya? Maintindihan kaya nila ako?


JF

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
23M 587K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
45M 757K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
9.8M 384K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...