EZH #2: Timothy Samaniego [CO...

By rosieia

564K 15.7K 3.2K

He is Timothy Samaniego. A man of few words. "Papatayin ka muna bago ka hahayaang magpaliwanag." Ideal man ng... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Lesson 101
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Montellado Boys

Chapter 1

19.8K 441 129
By rosieia

Chapter 1

-----

"How many times do I have to tell you Demi, control your temper. Your dad and I cannot keep on bribing your school like this. Ang laki na ng nagagastos natin sa school mo para hindi ka nila i-kick out." Victoria, my mom, said.

I rolled my eyes at her.

"My temper's not the issue here, mom. That Jasmine girl was a total bitch. Akala nya siguro nasa teleserye kami. Do you know what she told me, mom? She told me to stoop down my throne and give up being  the queen of our school because I'm not prim and proper enough to be one. Hindi raw ako magandang halimbawa sa kapwa ko. Like what the actual fuck mommy? Ano klaseng school ang may queen? Pati ako dinadamay nila dyan sa walang kwenta nilang imaginary hierarchy sa school." Naiinis kong sabi.

Totoo naman. Pakana nila yang pagbibigay sakin ng title na queen bee ng St. Gertrude school for girls. Ni hindi ko nga alam bakit. Tapos ako yung aawayin nila dahil don? Aba mga luka luka sila! Para silang mga elementary mag-isip! Ni wala nga akong trono doon! Buti sana kung meron ako pati korona at mga alila. Baka matuwa pa ako sa kanila.

"Still baby, hindi mo dapat ginupit ng ganun kaiksi ang buhok ni Jasmine. You know how much she cares about her hair. Shampoo commercial model sya Demi! Her hair was her puhunan sa pagmo-model!" My mom argued.

"If she cares about her hair that much, she shouldn't have started acting bitchy on me in the first place. You know how much I hate it when people tells me what to do! Hindi ako tanga mommy! Alam ko mga ginagawa ko! Sino sya para diktahan ako? Maliit na bagay pinalaki nya. Bagay lang yon sa kanya!" I said.

"My god! Okay fine anak! Tapusin mo na yang ginagawa mo para makapag dinner ka na. Maaga ka pa bukas." Sabi ni mommy bago sya lumabas ng kwarto ko. Finally!

Pagkauwi ko galing school ay sinermunan ako kaagad ni mommy. Ipinatawag kasi silang dalawa ni daddy sa school. As usual, hindi sila nagpunta. Instead, ang secretary ni daddy na si Alex ang nagpunta on my behalf. May dala syang tseke na may nakalagay na generous amount of money para donasyon sa school. Binayaran nya rin ang management na nagha-handle kay Jasmine. Ang bruha kasi, bawal pala magpagupit dahil model nga ng shampoo. Nasa kontrata yon. Kailangan nya magbayad ng fine para sa hindi pagsunod dahil ginupit ko lang naman ang buhok nya. Apple cut. Galing ko nga eh.

Hanggang sa magsimula na akong gumawa ng homework ko ay hindi nya ako tinantanan. But I'm glad she already got my point. Hindi naman ako pinaparusahan ni mommy kapag alam nyang hindi ako yung nagsimula. As a Saavedra, my mom also knows how to stand up for herself. We can say na, mini me talaga ako ni mommy. My lola told me na ganito din naman dati si mommy nung high school pa sya. Ang kaibahan lang, ako kahit college na ganito pa rin.

They cannot blame me, though. I have low tolerance when it comes to bullshit at nanggigigil talaga ako sa mga bumabalahura sa akin. I have a reputation at school. No one gets away with messing with me.

I was studying at St. Gertrude. Exclusive school for girls ang lugar na iyon. Gusto na nga akong ilipat nina mommy ng school pero hindi ako pumapayag. Maganda ang turo sa St. Gertrude kahit pa tangina yung mga tao doon minsan lalo na ang pinsan kong pinaglihi yata kay satanas.

Napatigil ako sa pagsasagot ng homework ko nang tumunog ang aking phone. Kinuha ko ito sa ibabaw ng kama bago ko sinagot yung tawag.

"Hello?"

"Hello babe! How about we go to Dianna's party tonight?" Sabi ng lalaki mula sa kabilang linya.

"I'm sorry Frey. I have homework to do." I told him. Hindi pwede na pati grades ko ay maapektuhan. Madumi ang records ko sa school but my grades compensate for them all. Kaya naman kahit anong pilit nina mommy na ilipat ako ng school ay ayaw ko talaga. Pinaghirapan ko ang grades ko. Sayang kung matitigil.

Frey Stevenson was my boyfriend for four years now. Second year high school ako nung naging kami. Sa lahat ng lalaki na nagtangkang manligaw sakin, si Frey lang ang pinansin ko. Hindi lang dahil gwapo sya kundi dahil matalino rin. Captain ball sya sa university basketball​ team nila. He was taking up medicine. Pangarap nya maging doktor.

"Aww. Don't be such a party pooper Dems! I miss you. Almost one week na tayo di nagkikita." May halong tampo na sabi ng boyfriend ko mula sa kabilang linya.

"Sorry baby. Sobrang busy ko lang talaga. I will make it up to you. Promise." I said.

"That was easy babe. Makita lang kita okay na ko. But how are you going to make it up to Dianna? You know how much she likes you being around." Sabi ni Frey. Pinsan nya si Dianna. Sa bahay nito nakikitira si Frey since both parents nilang magpinsan ay nasa states kaya medyo close din kami. Pero di gaano. Ni hindi ko nga alam kung bakit sya nagpa-party eh hindi nya naman birthday.

"Ako na bahala don. Enjoy ka sa party, okay?" I heard him sigh on the other line.

"Okay babe."

"I love you Frey."

"I love you more Dems."

Doon na natapos ang tawag namin. Ibinaba ko na ulit yung phone ko para sana maituloy ko yung paggawa ko ng homework kaso yung malungkot na boaes ni Frey hindi na mabura sa isip ko.

What he said was true. Two weeks na lang kasi, twenty first birthday ko na. Hindi ko alam bakit bongga pa yung party na hinahanda ni mommy para sakin. Wala na akong time makasama si Frey. Siguro sinasadya talaga ni mommy na gawin akong busy para hindi ko makasama si Frey.

I was not a secret that my mom doesn't like Frey for me. Halata yon sa kilos nya. Everytime na pupunta dito si Frey sa bahay, hindi sya nage-effort na kausapin si Frey. Ewan ko talaga don kay mommy.

Frey was super nice. Gentleman. Smart. Total boyfriend material. Kaya hindi ko maintindihan bakit ayaw sa kanya ni mommy. Maybe its because Nia was into him, too. Walang hiya na ipinaglalandakan ni Nia kina mommy at daddy na gusto nya si Frey. Naawa naman sa kanya ang mga magulang ko at alam nya yon kaya sya nagpapa-awa lagi.

Everytime Frey will come to our house for dinner, parati rin syang sumusulpot. Harap harapan nyang nilalandi si Frey. Confident naman ako na mahal ako ng boyfriend ko kaya hindi ako threatened sa kanya.

Isinara ko na ang text book ko since wala na naman akong gana tapusin yung homework. Kokopya na lang siguro ako kay Selene bukas. Matalino naman yon. Sya lang yung pinapansin ko sa school eh. Well, ako lang talaga ang pumapansin sa kanya.

Transferee kasi si Selene sa school namin and there's a rumor going around na may anak na sya. She got pregnant when she was seventeen daw, first year college. Nagstop sya for a year bago sya pumasok ulit. Hindi ko naman alam kung totoo yon. Tsaka wala naman akong pake. Getting pregnant at a young age doesn't make Selene a less of a person. Besides, she's super nice rin. Sa school namin sya nagdecide magenroll ngayong school year para ka-age nya mga classmates nya. Sa pinapasukan nya raw kasi, normal curriculum yung gamit kaya mas matanda sya kesa sa mga classmates nya. At least sa St. Gertrude, magkaka-age kami.

Bumaba na lang ako para magdinner. It was almost ten in the evening na rin kasi. Good thing the maids were still in the kitchen. May nagserve pa ng pagkain para sakin.

After ko magdinner ay nakapagdesisyon na ako. Hindi na ako nagpaalam kay mommy na aalis ako. Sanay naman na yan. Tsaka panigurado hindi ako nyan papayagan. Si daddy naman, wala pa. Hindi lang kasi yung company namin ang inaasikaso nya. Pati ang mga naiwang kompanya ng mga namatay kong tita ay sinu-supervise nya rin. Dalawa sila ng daddy ni Winter since sila na lang naman ang natira sa kanilang magkakapatid.

Sumakay ako sa Avanza ni daddy. Isa lang to sa mga sasakyan nya na nasa garahe namin. Wala rin naman akong choice kung hindi ito dahil bukod sa ginagamit ni daddy na kotse for work, puro sports car na ang sasakyan nya. Hindi nya naman ginagamit. Aksaya pangbili lang. Tinuruan ako ni Frey magdrive kaya marunong ako. Ayaw pa sana ako palabasin nung guard kasi baka raw mapahamak ako lalo't gabi na. Alam kasi nyan na simula ng mangyari yung massacre sa mga Montellado, parati na kaming naliligo sa kidnaping threats magpipinsan.

But those threats won't stop me from seeing Frey tonight kaya tinakot ko na lang yung guard. Binuksan nya naman ang gate at hinayaan na ako sa buhay ko.

Kung tutuusin, pwede naman na magpasundo na lang ako sa kanya. Just one call from me and Frey would drop anything he was doing just to attend to my needs. Ganyan nya ako kamahal. And I love him just as much. Okay lang sa kanya magising ng alas dos ng madaling araw para ipagtake out ako ng pizza dahil nagke-crave ako. Okay lang sa kanya na sya ang magsintas ng sapatos ko tuwing P.E. Kapag galit ako, hindi nya sinasabayan. Hinahayaan nya lang akong sigawan sya tapos lalambingin nya na ako para mawala ang galit ko na hindi namin alam pareho kung saan nagsimula. Lagi nya akong iniintindi. Minsan nga sya yung pumupunta kapag pinapatawag ang mga magulang ko sa school. Ganun kalaki na ang role nya sa buhay ko.

Nakangiti ako habang nagdadrive papunta sa subdivision nina Dianna. Malapit lang naman yon sa subdivision namin. Nagmumuka lang malayo kasi malalaki yung mga bahay tsaka malawak yung dalawang subdivision na kung tutuusin ay magkatabi lang naman.

Nakarating ako kina Dianna. Bukas ang gate kaya hindi ako nahirapan makapasok. Tuloy tuloy ako hanggang sa loob.

"Who is she?"

"She's so pretty!"

"Maganda pero ang taray tingnan. Pero maganda talaga."

"Kasing ganda nung mga girlfriend ng magpipinsang Delafuente."

"Sino kaya yan?"

Karamihan ng mga tao sa party ay mga galing BTS University kaya siguro hindi ako pamilyar sa kanila. Teritoryo ng mga Delafuente ang school na yon. Kilala ko sila dahil kaibigan ng lola ko ang donyang Delafuente. Doon din kasi pumapasok sina Dianna at Frey. Pati ang mga pinsan ko ay doon din. Some of the reasons why ayako doon mag-aral. Baka kung doon ako pumasok, imbis na mag-aral ay lumandi lang ako ay Frey at baka mapatay ko mga pinsan ko. I hate them all. Well, maliban kay Winter. Pero di naman sya BTS Uni pumapasok. Ang alam ko, parehas sila ni Storm ng school. Senior high na sya sa Empire University. Hindi naman pang super mayayaman yung school kaya nagtataka ako bakit doon pumapasok si Storm, yung asawa ni Winter, eh sobrang yaman din non. Bahala sila sa mga buhay nila.

"Demi! I thought you wouldn't make it?" Salubong sa akin ni Dianna nang nasa sala na ako ng mansion nila.

"Well I can't miss your party for the world, can I?" Nakangiti kong sabi kay Dianna bago kami nagbeso. Natutuwa ako dahil pansin na pansin ako ng mga tao. Ang ganda ko talaga. "Have you seen Frey?" Tanong ko.

"I'm not sure where he is. Hindi nya ba alam na pupunta ka?" Tanong nya. Umiling ako. "Really? Pumunta ka na lang muna sa kwarto nya. Hahanapin ko sya tapos papasunurin ko na lang sayo. You know him, Dems. He doesn't like it when people stare at his property."

Ngumisi ako dahil sa sinabi ni Dianna. She's right. Ayaw ni Frey na tinititigan ako ng ibang lalaki. He gets jealous easily. Sobrang possessive non sakin.

Naghiwalay na kami ni Dianna. Hinanap nya si Frey habang ako naman ay pumunta sa kwarto nya sa second floor.

Hanggang dito sa taas ay rinig ko pa rin ang malakas na tugtog mula sa baba. The party's on full blast na kasi. Nang makalapit ako sa pinto ng kwarto ni Frey ay agad kong binuksan ang pinto.

I went here to surprise him, but looks like he's the one who'll surprise me.

Sa gitna ng kama ng boyfriend ko, nakahiga sya katabi ng pinsan ko habang nababalutan sila ng kumot.

I don't know what has gotten into me, but before I knew it, hawak ko na ang buhok ni Nia at sinasabunutan sya. Pinipilit naman akong pigilan ni Frey. Pinipilit dahil, well, he looks dead wasted. Para ngang wala syang lakas kumilos eh.

Sobrang napagod siguro dahil sa ginawa nila ni Nia.

Dahil sa naisip ko ay lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ko. Lalo kong hinigpitan ang pagkakasabunot ko kay Nia.

"Ouch! Demi! Let go!" Naiiyak na sigaw nya.

"Let go? You want me to let go? Fine!" Sabi ko bago ko kinaladkad si Nia.

Nahulog sya sa sahig mula sa kama habang hawak ko pa rin ang buhok nya. She tried to wiggle for her to be able to escape from my grasp but I was having none of it. Mas nilakasan ko ang paghila sa kanya.

Kinaladkad ko sya hanggang sa labas ng kwarto ni Frey. Gusto ko syang ihagis sana sa bintana pero may naisip akong mas magandang alternative. Yung mas mararamdaman nya ang sakit.

I will make sure she'll suffer the same pain I'm feeling at the moment. I can't hurt her emotionally that's why I'm going to hurt her physically.

Nia's only wearing her underwear. Better. Mas magsusugat sya. Hinila ko sya gamit ang buhok nya hangang sa taas ng hagdan. Hindi sya makatayo dahil higit higit ko pa rin sya. Napansin kong nakakakuha na kami ng atensyon. Even the blaring music stopped. Tumahimik bigla sa paligid.

Curiosity was evident on our spectator's eyes. Curiosity na napalitan ng gulat at takot nang hilahin ko si Nia pababa ng hagdan. Nagsisigaw sya sa sakit dahil tumatama ang likod nya sa bawat step ng hagdan. Maybe it was the adrenaline, pero pakiramdam ko sobrang lakas ko ngayon.

"Demi! What's happening?!" Dianna shrieked. Nasa gitna na kami ng hagdan habang hinihigit ko pa rin si Nia. Sinundan naman ng tingin ni Dianna ang trail ng dugo ni Nia sa marble staircase nila. "Dems, you're literally screaming bloody murder in my house!"

Hindi ko sya pinansin. Pati ang mga taong halatang gusto akong pigilan ay walang magawa. Subukan nila kung gusto nilang sila ang kaladkarin ko.

"Oh my gods! Where's my cousin?" Tanong sa akin ni Dianna habang sumasabay sa paglalakad ko.

"He can go to hell for all I care!" Malakas na sigaw ko. Napamura naman si Dianna at agad nagtatakbo papunta sa second floor. Iniiwasan nya pa yung mga bakas ng dugo ni Nia habang naakyat sa hagdan.

Hinila ko si Nia hanggang sa likod bahay nina Dianna. I dragged her to the pathway to the swimming pool.

"You want me to let you go? Fine!" Inihagis ko si Nia sa pool. How I made it possible, I don't know. Basta ang alam ko ay galit na galit ako. I see black and red. I want to hurt someone.

"Demi! Babe, what did you do?" Nanlalaki ang mga mata ni Frey na ngayon ay nakaboxer at white shirt na. Nakatingin sya sa pool kung saan kumakawag si Nia.

"Somebody take her out of the water! Oh my god! Nagiging red na yung kulay ng tubig!" Dianna shouted.

May isa namang unipormadong body guard ang tumalon sa pool para iligtas si Nia. My cousin knows how to swim but because of the pain I've inflicted on her, I bet she can't.

May lumapit na isa pang lalaki na may dalang towel sa kanila. Tatlo silang lahat na pumalibot kay Nia na nawalan na ng malay. Fear was in their eyes. Bakit hindi? Eh napahamak si Nia. Pupusta akong security escorts ni Nia ang mga ito.

"Babe swear! Nothing happened! I'm sure---"

Hindi na naituloy ni Frey kung ano man ang sasabihin nya dahil sinampal ko sya. I slapped him real hard that I felt my hand stung. Napabaling sa side ang muka ni Frey dahil sa impact.

"Asshole! Don't you dare show yourself to me again!" Sigaw ko sa kanya bago ako nagmartsa palabas ng bahay nina Dianna. No one dared to stop me. Nahawi ang kumpol ng mga tao sa daraanan ko.

"Wow."

"Did you see what she did? That's probably her boyfriend and his other woman."

"Damn, that girl can kill."

"Sobrang hot nya lalo sa paningin ko pre!"

"Parang gusto ko tuloy malaman kung ano kaya mangyayari kung yung girlfriend ni Rapmon na si Celina ang maka-away ng babaeng yan."

Tuloy lang sa bulung bulungan yung mga tao hanggang sa makalabas ako sa gate ng mansion.

Pagkarating ko sa pinagparadahan ko ng avanza ay may naghihintay ng mga security escorts ko doon. Hindi na ako nagtaka kung paano nila ako nasundan dito. Tahimik akong sumakay. Nag-drive naman agad ang driver ko at inilayo ako sa lugar na yon.

The whole ride home, pinilit kong wag umiyak. Parang ngayon lang nag-sink in sakin lahat. I almost killed Nia. I don't feel regret though. She deserved it. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako naiiyak.

Nasasaktan ako. Mahal na mahal ko si Frey. Isinugal ko sa kanya ang puso ko tapos ito lang igaganti nya sakin? Akala ko ba hindi mahalaga sa kanya ang physical aspect ng relasyon namin? Akala ko ba makakapaghintay sya? Bakit ganito? Bakit naabutan ko sila ng pinsan ko na kapwa walang suot na damit habang magkayakap sa kama nya? So he's been lying? Hindi na sya makaintay? Sobrang kati na kaya naghanap sya ng kakamot. At dahil desperada ang pinsan ko sa kanya, pinatulan nya.

Bullshit! Bullshit silang dalawa! Mga hayop!

Pero ang sakit pa rin. Ang sakit pa rin talaga.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

15.3K 882 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.5M 29.8K 68
[Imperfect Girls Series #1] Getting married to a random stranger just because of a single mistake? That is what happened to Amaia Imogen Muñoz when...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
147K 4.6K 41
Jewel Aeon Tabusares, a young high school student from the lowest section, decides to confess her feelings to Zachiro Montague on the heart's day. Un...