I Thought I'd Love You Never

By CallaLilywriter

12.2K 417 17

Clarisse's world turned upside down when her father sent her to San Sebastian. Hindi niya aakalaing sa ganoon... More

I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 1
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 2
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 3
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 4
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 5
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 6
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 7
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 8
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 9
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 10
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 11
I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 12
I Thought I'd Love You Never - FINAL CHAPTER

I Thought I'd Love You Never - EPILOGUE

1.1K 49 4
By CallaLilywriter

"Just be there." Iyon lang ang sinabi ni Paco. She never thought marriage can be this easy. Tiyak na luluwa ang mata ng mga kaibigan niya kapag nalaman ng mga ito na wala siyang ginawa sa kasal niya kundi ang pumunta sa mismong araw ng kasal niya. May project pa siyang tinapos kaya't nauna na si Paco na umuwi para ihanda ang kasal nila.

May kumurot sa dibdib niya nang matanaw ang hacienda. After yearning for so long and suppressing herself, she is finally back... Finally home...

Napatingin siya kay Tita Fe nang ginagap nito ang kamay niya at marahang pinisil. Nang lingunin niya ang Daddy niya ay nakatanaw rin ito sa malayo. Napansin niyang sementado na ang daan patungo sa hacienda. Hindi na masyadong maalikabok. Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala kung gaano niya kinasusuklaman ang lugar na ito noong unang pagdating niya. It's amazing how feelings change. Dahil mahal na mahal niya ang hacienda.

Sumikdo ang dibdib niya nang makita ang mansiyon. Napaawang ang bibig niya. Punong-puno ng bulaklak ang paligid ng mansiyon. Sa malawak na bakuran naka-set ang dining reception. She thought it is going to be a simple wedding. Ngunit tila inimbitahan ni Paco ang lahat ng taga-hacienda sa laki ng nakahandang reception. Tantiya niya'y para sa humigit kumulang isandaang tao iyon. Mahahalikan niya si Paco sa tuwa. It was a rustic theme. The draperies were of old rose. It made the place so relaxing, elegant and cozy.

The mansion looked almost the same as it was when she left, only more beautiful. Halatang pinaayos ni Paco ang kabuuan niyon dahil bago ang bubong at wala na ang mga dating sira sa dingding. Ngunit hindi nito binago ang structure ng mansiyon. Which she preferred because it stored memories of people she loves.

Pagbaba niya ng sasakyan ay kaagad siyang sinalubong ng babaing nagpakilalang si Loisa, ang wedding coordinator niya. Hindi niya maiwasang mapangiti ng maluwang. Pinaghandaan talaga ni Paco ang lahat. Iginiya siya ni Loisa sa silid niya dati. Nagpalingon-lingon siya, umaasang makita ang binata.

"Where's Paco?" tanong niya.

"Nasa simbahan na po, Ma'am."

Umangat ang kilay niya saka napatingin sa wrist watch. Alas otso pa lang. Alas diyes ang nakalagay sa wedding invitation. "Hindi ba masyado pang maaga para maghintay siya roon?"

Narinig niyang tumawa ang Daddy niya. Nagtatakang napatingin siya rito.

"He's just excited. Hayaan mo na."

"Ay naku, sinabi mo pa, Sir. Parang trumpo iyon kanina. I assured him everything is taken cared of, but he really wants everything to be perfect. Nang makita niyang okay ba rito'y kaagad nang nagpunta ng simbahan."

May humaplos sa puso niya. Babawi siya pagkatapos ng kasal. She will love him with every beat of her heart in every day of her life. She will make him happy for the rest of their lives together.

Namasa ang gilid ng mata niya. Who would've thought they will still be together? She had long given up on him and the possibility of them together but she can't deny the fact that she had been longing for him with her every breath. Dahil wala naman siyang ibang minahal ng ganito katindi. Si Paco lang.

Napasinghap siya pagpasok sa silid nang makitang naghihintay sa kanya ang wedding gown niya. Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Loisa. How did he knew she wanted this wedding dress?

"When did he plan this wedding?" takang tanong niya.

"About two weeks ago, Ma'am. He was very precise on the kind of wedding he wanted for you. So I did my research and luckily, one of my clients is your bestfriend."

"This gown..." aniyang hindi makapaniwala. It is very expensive!

Napangiti si Loisa. "It is meant for you." Iginiya siya nito para magpalit ng roba. Ilang sandali pa'y sinimulan na ang pagmake-up sa kanya. The room was packed with make up artists, stylist and photographer.

Her heart is filled with emotions. She is just so happy. She can't wait to see Paco and hug him tight. All the pain she felt within those three years were nothing compared to the happiness she feels right now. Pakiramdam niya'y sasabog ang dibdib niya sa sobrang saya.

Ilang sandali pa'y natapos ang make-up niya. Nagulat siya nang biglang pumasok si Yvonne, ang bestfriend niya, naka-gown na rin ito.

"Wow! Gurl! You are super beautiful!"

"My God, Yvonne, how did you manage to get here?" Napatingin siya sa umbok ng tiyan nito.

"Don't you worry, tapos na ako sa maselan period. And today is your wedding! Palalampasin ko ba namang maging maid of honor?"

Niyakap niya ito. "Thank you, gurl!"

"Ooops, no dramas yet. Kasi sasamain tayo ng make up artists mo," anito na ikinatawa ng mag tao roon.

"Bongga ng wedding mo, gurl! At super guwapo naman ni Paco. Kaya ka pala naloka for 3 years."

Palihim niyang kinurot ang kaibigan. Tawa ito ng tawa. Lalo pa siyang nagulat nang paglabas niya, naghihintay ang mga bridesmaid niya. Mga kabarkada niya sa college at high school.

May flower girls din siya. Napangiti siya nang makita si Buboy na siyang ring bearer nila.

I love you, Paco... Bulong niya. Gusto na niyang takbuhin ang simbahan, mayakap lang ito. She suddenly missed him so much. She is so happy that she wanted him to be there to share that happiness. She is done with those days she gets so happy for something and gets upset because she wanted to tell Paco but she just can't. And it made her realize one painful truth, that she can't be fully happy without him in her life.

Ilang sandali pa'y lulan na sila ng kotse papunta sa simbahan. Puno na ang maliit na simbahan pagdating niya. Tila hinintay talaga siya ng mga tauhan ng hacienda na abot tenga ang ngiti. She missed them too. Gusto niyang maiyak sa init ng pagbati ng mga ito. Ngunit pinigilan niya dahil ayaw niyang masira ang make up niya.

Pagbaba niya ng sasakyan isang tao lang ang hinanap ng mga mata niya. Maliit lang ang simbahan kaya kita niya ito mula sa labas. Napangiti siya nang tila alumpihit ito at hindi mapakali. Gusto niya itong sugurin ng yakap at pupugin ng halik.

Nagpahid ito ng pawis sa noo at natigilan nang makita siya. Relief showed his handsome face. Nang unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha nito'y napahawak siya sa dibdib dahil pakiramdam niya'y nalaglag iyon.

I love you, Paco... bulong niya.

Sumikdo ang dibdib niya nang mabasa niya ang labi nito.

I love you, Senyorita... And he smiled with that heartbreaking smile. Iyong ngiti na tila naiiyak sa sobrang saya. Ayaw pa niyang umiyak ngunit nagsimulang humapdi ang gilid ng mata niya at unti-unting lumambong ang paningin.

Nagsimula ang wedding march. And their song played. The sound of the violin was so beautiful it makes her want to cry. Her head was mentally singing the song.

"You're just too good to be true
Can't take my eyes off you
You'd be like heaven to touch

Oh I wanna hold you so much
At long last love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you..."

Nakita niyang inabutan ng microphone si Paco ng babaing naka-tuxedo rin. Napakunot ang noo niya, hindi siya maaring magkamali. Si Rosario iyon. Saka lang niya naalala na nabanggit ni Paco na kasali si Rosario sa entourage. Hindi niya alam na bilang bestman pala nito. Pinakiramdaman niya ang dibdib, wala siyang maapuhap na sakit. It is all in the past now. Her heart is just overflowing with joy and so much love.

"I love you, baby
If it's quite alright
I need you, baby
To warm my lonely nights
I need you, baby
Trust in me when I say..."
Paco looked at her like he's afraid to lose her and his voice is trembling like he is about to cry.

"Oh pretty baby,
Don't bring me down I pray
Oh, pretty baby
Now that I've found you, stay
And let me love you, baby
Let me love you."

Napahawak siya ng mahigpit sa Daddy at Tita Fe niya dahil hindi na niya maaninag ang dinaraanan.

Nang tuluyan na siyang ibinigay ng ama'y niyakap siya ng mahigpit rito pati ng Tita Fe niya dahilan para tuluyang malaglag ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

"I hope those are tears of joy," ani Paco nang kunin ang kamay niya. Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap ito ng mahigpit.

"Thank you, Paco. You don't know how happy I am. I love you, love you, love you more than words could ever say. And I promise to show you how much, every single day."

There were giggling and muffled laughters from the crowd. Saka lang niya napagtantong matagal siyang nakayakap rito.

Nakangiti ang pari pagkaharap niya. Namumula ang pisnging tinungo nila ang altar.

"Medyo nauna ang wedding vow, pero okay lang iyan, hija, kasi itong binata namin, walang tulog halos para maibigay sa iyo ang araw na ito."

Tumawa ang mga tao. Ginagap ni Paco ang kamay niya. Ang saya-saya niya.

And when the priest announced then, husband and wife, niyakap niya ng mahigpit si Paco at pinupog ng halik ang buong mukha.

Tumawa ito, kasabay kinikilig na tawa ng mga nanonood.

"Salamat at hindi nagbago ang isip mo. Muntik na akong atakihin sa puso sa kahihintay."

"I had to meet my deadline kaya ngayon lang ako nakarating." Hinaplos niya ang mukha nito. "You just made me the happiest bride."

"I'll make you the happiest wife, too."

Ngumiti siya. "I love you so much, Paco."

"I love you more, Senyorita." He looked at her with so much longing and claimed her lips. The cameras flashed but Paco didn't seem to mind. Mahina niyang kinurot ang tagiliran nito dahilan para tumawa ito.

"I'm sorry, I just can't help it. I was deprived for three years."

"Later," aniya sabay kindat.

Lumakas ang tawa nito sabay hapit sa bewang niya at bumulong. "Can't we just skip the reception?"

Ngumiti siya sa kabila ng pamumumula ng pisngi. "I would love to but, tradition is tradition. Let's celebrate with them first," aniyang inginuso ang mga taong tila kinikilig na nakamasid sa kanila.

As part of the wedding tradition, they wrote their name on the cactus garden, too. Magkahawak-kamay silang lumabas ng simbahan.

"I have one more surprise," ani Paco.

Napaawang ang bibig niya nang makitang naghihintay sa kanila ang isang puting kabayo na may nakasabit na garland sa leeg. How can she ever forget Athena? Noo'y nag-alala siyang baka hindi nito nakayanan ang pagbubuntis.

"She made it!" masayang bulalas niya.

Hinubad ni Paco ang suot na tuxedo at ini-rolyo ang puting polo hanggang sa siko. Lihim na napangiti si Clarisse. Paco looked like his old self. Rugged and handsome. Naliligalig na naman ang hormones niya. Sumampa ito sa kabayo saka inilahad ang kamay sa kanya.

She looked at him with admiration and gave her hands. Walang hirap na naisakay siya nito sa kabayo. She missed this, too. His nearness that makes her feel safe and secured. That makes her feel she will never be alone.

"I have one more thing to say," ani Clarisse.

"I would love to hear it, Senyorita," ani Paco sa tenga niya.

"I will still love you kahit na wala ang lahat ng ito. I mean, I appreciate all your effort in giving me an access to the life I have. But even without these things, I will still marry you. And I still want to be with you, simply because I love you."

Naramdaman niyang yumakap ito ng mahigpit sa kanya.

"Thank you, Senyorita. All those days na magakahiwalay tayo, minahal kita kahit nasa malayo ka. And I will never stop loving you and giving you the best that you can have. Because seeing you happy makes me happy. Ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganitong klaseng saya. And I intend to keep you and make you happy from this day onwards. Ganyan kita kamahal."

Nang lingunin niya ito'y kaagad na inangkin ng asawa ang mga labi niya.

"Can't we skip the reception?" aniya pagkatapos ng halik. Ganoon na lang ang tawa nito sabay bulong.

"Later, Senyorita," saka nito pinatakbo ng mabilis si Athena. And she found herself flying again with Paco. This time, it is going to last forever.

Author's Note:

This is especially dedicated to @jopepot.

Thanks to all of you who makes a writer's life worthwhile. Pasensiya na kung mabagal ang updates. ;-)

I love you all!

Cheers!

Calla Lily

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 798 39
"It's Bia from Scotland to London, with love and hate." Bakasyon, iyon ang pakay ni Bia sa London kasama ang boyfriend na si Ryker. Ngunit may pangya...
1.1K 71 19
[Santa Lucena Series #1] Keeping herself together in place. Celine Suarez is hesitant to set a new chapter of her life in a new place with unfamiliar...
953K 32.7K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.