Being Tara Buenavista

By stannedbyme_

23.1K 814 104

| On-hold | She's a real bitch and He has a mission. More

Prologue: The Tara Buenavista Way
BTB 2
BTB 3
BTB 4
BTB 5
BTB 6
BTB 7
BTB 8
BTB 9

BTB 1

3.2K 99 10
By stannedbyme_

Foot steps, yan lang ang maririnig mo habang dumadaan siya sa coridor kasama ang kanyang barkada. Hindi mo aakalaing isang tao lang ang nakagagawa niyan sa buong Cloud Cross University. Sino ba naman kase ang hindi mapapatigil at mapapatingin kung siya na ang dumadaan, di ba?

Siya lang naman kase ang tinaguriang Queen B ng Cloud Cross, pero B means BITCH. She can really be a big pain in the as* if gugustuhin niya.

Kaya kung ako sayo, don't even try to mess with her, cause she's Tara Buenavista. 

Every girl dreams to be her. Hindi nga lang halata dahil halos lahat ay takot sa kanya. Pero sino ba naman ang hindi gugustuhin maging siya?

She got style, beauty, brain and even the body. But kung hindi mo siya kilala, iisipin mong dyosa siya na bumaba galing langit.

Sino bang hindi matutulala at manginginig kung makaharap mo ang isang dyosa, hindi ba?

"Jade, tissue." Utos niya sa kaibigan. That's Jade Valeriano, the kikay bestfriend of Tara. Well, kung may sasabay lang naman sa kaartehan ni Tara, swak si Jade sa pwesto. She's the perfect example of a walking cabinet.

She never leaves her house, without putting her whole cabinet inside her bag, exaggerated? Hindi naman. Sobra lang kase talaga sa kaartehan yang si Jade kaya naman kahit anong hingin mong necessities sa kanya, maibibigay niya.

Dala ba naman ang buong cabinet niya e. Kidding aside, madami lang talaga siyang dala. Kulang nalang magdala siya ng maleta araw-araw.

"Here, Tara." Sagot naman ng kaibigan. Pinunasan agad ni Tara ang handle ng pinto bago niya ito itulak.

She's entering the cafeteria for the first day dahil yun ang gusto ng lolo niya, si Don Enrico Buenavista - ang nagmamay-ari sa buong Cloud Cross.

Gusto kase ng lolo niya na makisalamuha naman siya sa buong student body tutal siya naman ang taga-pagmana ng buong Cloud Cross; kaya naman pinaalis na ng lolo niya ang tambayan nila at inutusan siyang makihalubilo sa mga estudyante by eating inside the cafeteria.

"This is ridiculous. I can't believe, Abuelo did this to me!" Iritado niyang sabi sa mga kaibigan nang mapansin niyang may isang hindi nakikinig sa kanya.

"Stop reading, bitch." Saway ni Tara sa kaibigang si Keeya. Keeya Shaine Bustamante, ang brainy chic bestfriend ni Tara. If Jade is the perfect example of a walking cabinet, she's the perfect example of a walking encyclopedia, kung may ilelevel kayo sa katalinuhan ni Tara - Keeya is perfect for the spot.

"Stop meddling with my books, bitch." Sagot naman ni Keeya sa kanya. Well, first rule kase ni Keeya ang 'never interfere with my books' kaya naman kahit naglalakad ay kaya niyang magbasa, basta wag mo siyang guguluhin, hindi ka niya papansinin. 

"Woah, easy girls! First day, okay? Don't try to make a scene. You guys stand out already!" Pasabat na litanya ni Kenneth Javier, ang playboy ng barkada. Walang pinapalagpas si Ken pagdating sa babae. Kaya naman kung easy to get ka, lapit ka na sa kanya ng ma-ikama ka na.

Oh! Sorry for the term. Wala na kase akong maisip na ibang salita para sa sex. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa kokote niyang si Ken at nahilig masyado sa babae; at kahit yata mukhang kabayo ay papatusin.

Pero sympre, joke lang ulit yun! Ken has taste, that's for sure!

"San ka nanaman galing, Ken? Ang usapan natin, 7:30!" Inis na inis si Tara kay Alex dahil late nanaman ito, ganyan kase talaga si Alex; more on pa-importante tactics yan kapag kasama niya ang barkada niya. Siya kase lagi yung late imbis na si Tara.

"It's 8:19, and you are 49 minutes 17 seconds late." Pageestima naman ni Keeya sa kanya. Yeah, Keeya likes counting every second of her wasted time when it comes to Ken. Kasabay ng pagtingin ni Keeya sa relo niya ay ang pagmamake-face naman ni Ken.

"Yeah right." Sabi ni Ken sabay gulo sa buhok ni Keeya. Umupo naman agad si Tara sa pinakagitnang table ng cafeteria.

"Damn you, Kenneth Javier!" Pagmumura naman ng dalaga. Second rule niya ang don't mess with my hair. Ganyan si Keeya, lahat ng bagay may rules - samantalang itong si Ken kahit katiting na letra walang mailagay bucket list niya.

"Love you more, Keeya!" Pagbibiro naman nito. "You guys are so sweet talaga!" Litanya naman ni Jade sa dalawa.

"I wish, Luke's sweet to me like Ken is to Keeya!" See? Sabi na sa inyo, nang magsaboy ng kaartehan ang Diyos may dalang drum yang si Jade. Saksakan ng kaartehan. Pakiramdam ko tuloy, ipinaglihi siya kay Sharpey Evans sa sobrang kaartehan - pero malamang hindi, baka naman paborito niya lang.

"Speaking of Luke, nasaan na yang dakila mong lover boy?" Tanong ni Tara kay Jade. Hindi naman lover boy, o boyfriend ni Jade si Luke; sadyang patay na patay lang talaga si Jade sa kanya. Lucas Antonio, ang good-boy ng barkada.

Five members, one name.

Elites. Medyo korny dahil may pangalan pa pero wala kayong magagawa dahil yan ang gusto nila. Actually, Elites is every generation's top group in the University. Kung baga sa kumpanya, inheritance din ang pagiging myembro nito.

The Leader should always come from the Buenavistas, followed by the other clans wherein Bustamante, Javier, Valeriano and Antonio belongs. According to Don Enrino, na lolo ni Tara, ang lolo pa mismo ng lolo niya ang nagtayo ng nasabing grupo simula ng tumuntong sila sa colegio.

"I don't know - he doesn't answer his phone e. I'm naiinis na nga e." Sabi naman ni Jade sa kaibigan. Madalas kase niyang tawagan si Luke, at oo - nakukulitan na rin sa kanya ang binata. Pakiramdam nito ay nagkaroon tuloy siya ng nobya kahit hindi naman siya nanligaw, ang kutya pa sa kanya ng ibang lalake ay si Jade mismo ang nanligaw sa kanya kaya naman hindi ito komportable kapag nariyan si Jade sa tabi.

"What took him so long then? Ken! Nasaan si Luke?" Tanong naman ni Tara kay Kenneth, na busing-busy sa pakikipaghalikan sa katabing babae.

Sa sobrang pandidiri ni Tara ay hinampas niya si Ken sa braso dahilan para mapatigil ito. "Thank you, but we don't need your grossness here." Sabi naman ni Tara sa babae kaya naman agad na itong umalis. Alam kase ng mga estudyante sa Cloud Cross na hindi mo pwedeng baliwalain ang mga sasabihin ng isang Tara Buenavista dahil kapag nagkaganon ay isang mahabang black rose ang matatanggap mo bukas ng umaga.

Black rose means war for Tara, siya ang nagpauso noon kaya naman walang basagan ng trip - ewan ko ba dyan kay Tara masyadong idol ang F4 kaya naman pati pagbibigay ng red card ginaya, the fortunate thing is... may kaibahan lang, black rose ang ginamit niya e.

Wag kayong mainggay, sa atin lang ito - mahilig si Tara sa Kdrama! Crush na crush nga niya si Lee Min Ho e.

"Badtrip ka naman, Tara. Umalis tuloy! Appetizer ko yun e!" Nanghihinayang na litanya ni Ken sa kanya. "Nakakadiri ka talaga." Kumento naman ni Keeya sabay sarado ng libro niya.

"Sus, if I know gusto mo lang din akong halikan." Over confident naman tong si Ken, pati kaibigan hindi patatawarin - talagang susunggaban pa!

"Kenneth! Magtigil ka. Baka gusto mong ipatapon kita sa labas ng cafeteria dahil sa kababuyan mo!" O dba? Kahit kaibigan kayang patahimikin dahil sa mga salita.

"Jade, call Lucas. Tell him na hindi ako natutuwa sa mga taong late, at kapag hindi pa siya dumating dito within the next 10 minutes, gagawin ko siyang dummy dahil pagprapraktisan ko siya ng kendo stick ko!" Utos niya sa kaibigan pero bago pa kunin ni Jade ang telepono niya, inihagis ni Tara ang kanya. "Use mine. He won't answer if it's yours." Point well taken.

Habang abala si Ken sa pang-aasar kay Keeya, si Jade na abala sa pagtawag kay Luke, ito namang si Tara masyadong abala naman sa pagmamasid ng mga estudyante sa buong cafeteria.

He was rating the boys. "3" Sabi niya sa sarili ng may makita siyang lalake sa bandang kaliwa niya. 3 out of 10, madalas ganyan ang score niya sa mga kalalakihang sakto lang. Kapag naman hindi niya talaga tipo, 0 ang ibinibigay niya.

Swerte ka kung makalahati mo ang rating scale ni Tara. Masyado kaseng mataas ang standards niya, sa katunayan ay isang tao palang ang nakakakuha ng 6 sa kanya besides Kenneth and Luke. 6 pa lang ang pinakamataas sa rating scale ni Tara, at wala pang nakakalampas doon.

"2" Tinignan naman ni Jade ang binigyan ng 2 ni Tara habang hinihintay niyang sagutin ni Luke ang tawag niya.

"OMG Tara, you're so mean. Gwapo naman yung guy ha!" Pagmamalaki ni Jade sa lalaking naka blue na hoodie.

"Lakas makahoodie, hindi naman malamig." Kumento niya kaya naman hindi na ito ina-ngalan ni Jade.

 "Oh my g! Thankie sumagot ka na din sa tawag ko Luke!" Tuwang tuwa si Jade habang nakikipag-usap kay Luke sa telepono. "Ano..." Sumimangot nalang bigla si Jade. "Nasaan ka ba? Tara's furious na. She don't like late people! She'll make you a dummy if you're not here within 10 minutes!" Dagdag niya pa. Pagkatapos ng ilang segundo ay humarap na ito kay Tara.

"Binaba na niya." Sabi niya, kaya naman halatang-halata ang pagkalungkot.

"Ano bang sabi?" Tanong naman ni Ken na busy pa rin sa pang-iinis kay Keeya kahit naman walang talab.

"Sabi niya, kasama niya yung kaibigan niya." Sabi naman ni Jade habang nakasimangot.

"Tigil tigilan mo ako sa kaartehan mo Jade, binabaan ka lang feeling mo katapusan na ng mundo. Umayos ka nga!" Sabi naman ni Tara.

"I'll just go to the comfort room, wag kayong aalis, mag-order na din kayo" Utos naman ni Tara tsaka na siya nagmartsa papuntang banyo.

Pero mukhang unang araw palang ay malas na si Tara.

"Sh*t!" Sigaw niya. Sa tingin niyo, sinong hindi mapapamura kung natapunan ng milkshake yung branded clothes mo and worst, one of your favorites. I stand corrected, favorite mo.

"Sorry Tara... Pasensya na talaga!" Halos maiyak na yung nakatapon ng milkshake kay Tara. Sino bang hindi maiiyak? Baka mamaya lang may black rose ka na.

"PASENSYA?! SORRY?! MABABAYARAN BA NG SORRY MO ITONG DAMIT KO!?" Bwisit na bwisit si Tara sa taong nakabunggo sa kanya kaya ng sasampalin niya sana ito ay may isang kamay namang pumigil sa kanya.

~

Slightly edited with newer names and portrayers for the cast! Don't forget to vote and comment this chapter! :)

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
7K 457 20
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
309K 21.4K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
614K 38.8K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...