I Need A Girl (Completed)

By AnnoyingKimchi

386K 7.9K 207

Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel R... More

I Need A Girl
Chapter 1: Something's Not Right
Chapter 2: Who is Who?
Chapter 3: A Gift From Unknown
Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark
Chapter 6: I Need To Get Out Of Here
Chapter 7: You're Hurting Me
Chapter 8: Let Me Die
Chapter 9: Chance Can Change?
Chapter 10: The Stalker
Chapter 11: Know Me For Who I Am
Chapter 12: I'm Here
Chapter 13: Together
Chapter 14: Just So You Know
Chapter 15: Make Me Feel Better
Chapter 16: Callie, The Pilot
Chapter 17: In Other Words, Get To Know Each Other
Chapter 18: Good In Many Things
Chapter 19: Can I?
Chapter 20: Let Me Hold You Like This
Chapter 21: You're Blushing
Chapter 22: Mr. Rivera's Order
Chapter 23: It's A Date
Chapter 24: My Girlfriend
Chapter 25: The truth is,
Chapter 26: A Nice Company
Chapter 27: What Happened?
Chapter 28: Goodnight
Chapter 29: A Dream Come True
Chapter 30: Never Happened
Chapter 31: Horror Movie
Chapter 32: They're Dating
Chapter 33: You're Back
Chapter 34: You Said What?
Chapter 35: Tell Them or I Will
Chapter 36: The Boyfriend
Chapter 37: Please Understand
Chapter 38: Masquerade Party
Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend
Chapter 40: I've Seen You Naked
Chapter 41: He's Cole
Chapter 42: Unknown Enemy
Chapter 43: Stay With Him
Chapter 44: We're Leaving
Chapter 45: Whatever It Takes
Chapter 46: Your Special Day
Chapter 47: White Gold
Chapter 48: Never
Chapter 49: Marry Me
Chapter 50: You're Safe
Chapter 51: Hold on to me
Chapter 52: Do You Still Love Me?
Epilogue
Special Chapter

Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore

7.8K 152 5
By AnnoyingKimchi

Dahan dahan kong ibinuka ang mga mata ko.

Nasan ako? Sa ospital?

Sinubukan kong tumayo pero agad rin akong sumuko ng maramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko.  Napahawak ako sa sumasakit kong ulo. Napansin kong nakabenda ito. Maging ang kamay ko ay may benda rin.

Ramdam ko ang pagkirot ng mga sugat, sugat na marahil natamo ko matapos ang nangyari.

Ano bang nangyari?

Hindi iyon panaginip. Nangyari ang lahat.

Unti-unting nabasa ang pisngi ko ng maalala ang naranasan ko. Nangyari ba ang kinatatakutan ko sa oras na iyon. Ginahasa ba nila ako? Binaboy ang buong pagkatao ko? Hayop sila.

Tuluyan ng kumawala ng emosyon na nararamdaman ko.

Nagagalit ako.

Naaawa sa sarili ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako sa kinaroroonan nito habang pilit na pinipigilan ang patuloy na pagbuhos ng luha ko. Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko. Nakita ko ang isang lalaki na pumasok dala ang isang tray.

Sino sya?

Nakatalikod itong nagsara ng pinto at ng madako ang tingin nito sa kama at nakita ko ang gulat nito sa mga mata. Mabilis ito lumapit at humawak sa magkabilang pisngi ko. Nagulat ako sa kinilos nito kaya pinunasan kong muli ang mukha ko at napabitiw naman ito sa pagkakahawak.

"Hey, you're okay now. You're safe.", Isang malalim na boses ng lalaki. Mahinang bulong at nakakakalma sa pakiramdam ang sinabi nya.

Tumango ako at pinilit na iniwas ang mukha kong malapit sa kanya. Tumayo naman ito ng tuwid saka muling iniabot ang tray na hawak kanina at inilapag sa harapan ko.

"Here, I brought you your food, you must be very hungry. Kahapon ka pa tulog."

Malumanay pero seryoso. Hindi ko alam kung dapat ko syang pagkatiwalaan. Matapos ang nagyari, hindi ko na alam. Lalaki sya at natatakot ako sa kanya. Pero tinulungan nya ako, dapat akong magpasalamat.

"A..Ang tagal kong nakatulog, nakakahiya, salamat."

Nanginginig ang boses ko at hindi ko magawang tumingin dito.

"Hey, calm down, you're safe now okay. I won't let that happen again, I'm here."

Siguro ay napansin nito ang panginginig ko kaya pilit nya akong pinakakalma.

Nanlaki ang mga mata ko ng muli kong maramdaman ang mainit na palad nito sa pisngi. Agad akong napaiwas.

Kung ligtas na ako, bakit ako kinakabahan ng ganito. Hindi maganda ang nararamdaman ko. Sinasabi ng utak ko na kailangan ko ng umalis.

"S.salamat sa pagtulong sa akin, nakakahiya na kaya aalis na ako."

Ramdam ko ang gutom at sakit ng katawan pero pinilit ko tumayo mula sa kama. Mas gugustuhin ko ngayon na makaalis, makatawag ng kaibigan at makauwi sa bahay. Doon lang ako makakaramdam ng kaligtasan. Hindi dito, hindi sa kanya, hindi sa kahit kanino.

Pero bago pa ako tuluyan makalayo upang lumapit sa pinto ay naramdaman ko ang kamay nya sa braso ko na pumipigil sa akin.

"You're not going anywhere. Hindi ka pa magaling at marami kang sugat."

Nilingon ko ito kaya nakita ko ang kabuuan ng mukha nya. Kinabahan ako ng mapatitig ako sa mga mata nito. May kakaiba sa mga tingin nya. Ang boses nya, hindi na kasing lumanay ng kanina.

Masyadong mapanganib.

"A..ayos lang talaga ako, masyado na akong abala kaya aalis na ako.", Pinilit ko pakalmahin ang nanginginig kong boses, nakakatakot ang taong nasa harapan ko. Iniikot ko ang braso ko sa pagkakahawak nya pero masyadong mahigpit.

"No. dito ka muna. Take a rest."

Mas lalo akong kinabahan sa ipinapakita nya.

"T..tatawag muna ako sa kaibigan ko. Nag-aalala na sila."

"I SAID YOU'RE NOT GOING ANYWHERE AND YOU'RE NOT CALLING ANYONE."

Napalundag ako ng marinig ko ang nakakatakot na sigaw nitong bumulabog sa buong kwarto. Sinasabi ko na, hindi sya mapagkakatiwalaan. Mas lalo akong naginig ng makita ko ang umaapoy sa galit na mga mata nito. Sobrang dilim ng mga mata.

"Ano ba? Bitiwan mo ko, tapos mo na akong tulungan, ano pa bang kailangan mo? Pera? Sige, ibibigay ko sayo pagkaalis ko dito.". Pinilit kong tapangan ang boses ko. Kaya ko ito, aalis ako dito.

"So you're thinking it's just all about money, can't you see? Muntik ka ng mapahamak kahapon, I'm sorry I was late, you're not safe outside. You're safe here, so stay.", Mariin nyang sabi.

Tuluyan na akong nawala sa pinagsasasabi nya.

"A..alis na ako, ligtas na ako ngayon. Kaya ko na ang sarili ko kaya bitawan mo ako."

"NO! Wag ka ng makulit, stay here.", mariin nyang sabi.

"Hindi kita kilala kaya hindi mo ako mapipilit, aalis ako."

"NO, STAY VENIA!!". Muli itong sumigaw.

 Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. Napaawang ang bibig ko dahil sa pagbanggit nito ng pangalan ko. Impossible. Paano?

"Ano ba! Sino ka? Tulad ka rin ba nila? Anong gagawin mo sa akin."

Nagulat ako ng bahagyang nag-iba ang mga tingin nya sa akin. Muling naging malumanay. Ang tingin na nangungumbinsi. Pero wala akong tiwala sa nangyayari.

"Baby, You know me, nakalimutan mo lang. You're not going anywhere without me okay, for now, just stay here with me.", nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya, hiniwakan nya na naman ang magkabilang pisngi ko kaya nasampal ko ang mga kamay nya at pilit na lumayo sa pagkakahawak nito.

Anong pinagsasasabi nya?

 Napalunok ako dahil sa kahibangang nangyayari. Kahapon muntik na akong magahasa pati ba ngayon? Hindi na ba ito matatapos?

"Sino ka ba ha? Layuan mo ako, nababaliw ka na. Hindi kita kilala."

Pilit ko syang itinulak palayo sa akin. Naramdaman ko ang sakit sa braso ko sa pagtulak pero hindi ko iyon inalintana. Sinubukan kong tapangan ang boses ko pero sa loob ay nanginginig na ang buo kong katawan sa takot. Bumabalik ang takot at kaba sa dibdib ko.

 Narinig kong syang marahas na suminghap habang tumalikod at ginulo ang buhok.

"Then what? Pupuntahan mo ang Kyle na yun, Im sick of that bastard. I can kill him anytime I want now that you're here with me."

Punong puno ng galit at hinanakit ang pagtingin na itinatapon sa muli nitong pagbaling sa akin.  Hindi ko maintindihan.

Nabanggit nya si Kyle?

Papatayin nya si Kyle?

"Pa..paanong..". Naguguluhan ako, hindi ko sya kilala pero kilala nya ang taong sa buhay ko.

"Wag na wag mong sasaktan si Kyle!", Mabilis ko syang nilapitan saka ko sya tinulak sa dibdib pero hindi man lang sya natinag at sinuklian ako ng isang nakakakilabot na ngisi.

"Ganun ba sya kaimportante sa'yo? Mas lalo ko lang napatunayan na kailangan na nyang mamatay.", Nakita ko ang pagtangis ng bagang nya.

"WAG NA WAG MONG GAGALAWIN SI KYLE. WALA KAMING KASALANAN SAYO."

"Malaki ang kailangan nyang pagbayaran sa akin, he's keeping you away from me."

"I don't even know you, paano mo nasasabi yan?"

"No baby, you know me, I love you okay? And you'll love me too right?",

Napanganga ako sa narinig ko. Baliw sya. Nasisisraan sya ng bait.

"NABABALIW KA? ANONG BALAK MONG GAWIN SAKIN? GAGASAHAIN MO AKO?", Kasabay ng sigaw na iyon ay ang di mapigilang luha ko dala ng takot sa pwedeng mangyari at sa nangyayari.

"YEAH, I'M CRAZY, I'M MAD AND IF THAT'S WHAT YOU WANT. FINE. BUT YOU'RE GOING TO STAY HERE WITH ME AND THAT’S FINAL!", Inilapit nya ang nakakatakot nyang mukha sa akin pero mabilis ko iyon sinalubong ng isang malakas ng sampal.

"BALIW KA!",

Hindi tao ang nasa harap ko. Hayop. Nakakatakot.

Nagulat ako sa paraan ng pagngisi nya. Alam mong may masama syang balak. 

"That's why I don't want you around with that bastard, he's corrupting your innocent mind. Masyado ng syang sagabal. Don't worry baby, you'll gonna be okay soon then you'll realize you love me back."

Napasinghap ako dahil sa kabaliwan na lumalabas sa bibig nya. Hindi to pwedeng mangyari. Hindi hindi ako papayag.

"CAN'T YOU UNDERSTAND? PAALISIN MO NA AKO! AYAW KO DITO! PAKAWALAN MO AKO!",

 Sandaling natahimik.

"Parang awa mo na, pakawalan mo ako. Wag mo kaming saktan.", Mahina kong bulong pero sapat na para ipaintidi sa kanya ang gusto kong mangyari.

"Sinasabi mo lang yan ngayon, iiwan muna kita para makapag-isip", nagbaba sya ng tingin kaya't di ko na muling nakita ang mukha nya. Sinubukan kang humabol sa kanya ng lumayo na sya pero nahuli ako dahil sa di ko maayos na nailakad ang paa ko sa paghabol at tuluyan ng isinara ang pinto.

"Paalisin mo na ako, parang awa mo na.", Pinalo ang pintuan, sinubukan kong pihitin yung door knob hanggang sa narinig ko ang paglock nito mula sa labas.

"Pakawalan mo ko, ayoko dito. Parang awa mo na!!"

Wala akong nagawa kundi ang  umiyak. Bakit nangyayari to sa akin? Sino sya? At bakit ako? Ano bang balak nya sa akin? Gawing sex slave? Bakit kilala nya si Kyle? Diyos ko, wag po sanang mapahamak si Kyle dahil dito.

Ako nalang, tutal nandito na ako. Saktan nyo na ako, lubusin nyo na to. Kung ito ang kabayaran sa lahat? Papayag ako. Huwag nyo lang pong hayaang may mangyari sa mga taong mahal ko.

Continue Reading

You'll Also Like

172K 3.6K 34
The deeper you fall, the blinded you get.
2.5K 119 1
Prince Zion is a dashing heir and passionate bachelor. Every girl dreamed him to catch. But when he entered in a relationship. Simply he was waived b...
10.1K 386 56
"She's a psycho and she leads me to insanity" -Duke Galdonez Imperial I MARRIED A PSYCHO [The Eligible Bachelors Series]