NECROPOLIS (Published - Viva...

By MikMikPaM0re

825K 28.6K 2.3K

#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy B... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
FINAL CHAPTER
Special Chapter Unfold
Epilogue
Author's note
Soon to be Published Under Viva Books
UPDATE

Chapter 27

17.2K 629 44
By MikMikPaM0re

"Kung gano'n ay isa kang Clairvoyant, anak."

"Clairvoyant? Ano 'yon, Papa?" Kunot-noong tanong ko. Ni minsan ay hindi ko naisipang i-research ang tungkol sa kakayahan ko dahil sinanay ako ni Mama na i-ignore ang lahat ng kakaibang nae-experience ko.

"Clairvoyance is the ability to see clearly and, while this in an intuitive ability, it begins, grows and flourishes from the same part of the brain as your imagination." Tiningnan ako ni papa. Tinatantya kung naunawaan ko ang sinasabi niya. I'm sure I still look clueless on what he's talking about. "If you are a Clairvoyant, you experience active dreaming. Active dreaming is an experience where you are aware of and can remember vividly your dreams - a practice that you can easily develop."

"I think I slighty understand active dreaming, pero ano ang connect po no'n sa napanaginipan kong biktima na 'to?" Sabay turo sa picture na nasa screen ng iPad.

Tumayo si Papa at pinindot ang remote ng projector. May lumabas na parang research at mga pictures ng kung an-ano para sa visual interpretation ng research. "These are what can you see when you are an active dreamer. One, Spirits. You can communicate with them during dream time, they can visit you. Two, Metaphors. They can give you symbols while dreaming so you'll have a better idea of the messages being conveyed to you through your dream time. Three, Events. You can dream the past, the present and the future events. Precognition ang tawag sa mga may ability to see the future."

Napanganga ako. Ako ba ang lahat ng 'yan? Hindi ako makapaniwala. "Does that mean, possible that I am all of those?"

"Most likely, yes." Matipid pero tiyak ang sagot ni Papa sa akin.

Hindi ko pa nararanasang makita ang future pero ang past ay nagawa ko na once. Sadya ba 'yon? Sino ang nagpahatid sa akin ng panaginip na 'yon? Isa sa mga victims?

"We will try to discover more about your abilities. Kailangan mo nang bumalik sa school bukas para hindi ka mapaghinalaan, but you need to go back here on Saturday. Everyone will work on your abilities." Lumingon si Papa kay Rod. "May resulta na ba ang tests about the remains of the red stones you got from the site?" Tumingin naman si Papa sa dalawang ghosts na nakiupo sa dulo. Sinundan ko ng tingin ang dalawa. Kumaway pa ang mga 'to sa akin habang nakangiti. Ang kukulit nila.

Tumango si Rod. "Yes, sir. It's a Red Tourmaline. It's a shamanic stone, providing protection during ritual work. It can be used for scrying, and was traditionally used to point out a cause of trouble or an offender, and to indicate a good direction in which to move. So pinalibutan ng apat na binasbasang Red Tourmaline ang dalawang inspector para hindi sila makaalis do'n, para protektahan laban sa dalawang ghosts ang lahat na nasa labas ng apat na Red Tourmaline."

Tumango-tango si Papa. "So, mukhang may alam din sa paranormal ang grupo ng kulto na 'to."

"Papa, may isang Trinidad na may ability rin, si Jeremy, ang anak ng bagong may-ari ng school. I was talking to Monique nang dumating siya. Nagtago ako, then kinakausap niya si Monique. Although nakakakita lang siya pero hindi siya nakakarinig ng spirits."

"Mukhang marami pa tayong dapat malaman tungkol sa pamilya ng Trinidad." Biglang may naalala si Papa, "oo nga pala, gising na ang nasagip ninyo. Hindi siya taga CDTU. Taga-ibang school siya."

"What? Nambibiktima sila pati sa ibang school?" Maang kong sabi. They are too much!

"We are still coordinating with the group assigned do'n sa school ng biktima. Apparently, sa kabilang probinsya pa 'yon. We will know kung ano ang connection ng mga Trinidad sa school na 'yon. Narito na ang mga magulang niya. One week na raw nawawala ang anak nila. Pinakiusapan naming ilihim muna ang pagkakasagip sa anak nila. Her parents want to catch the culprit and pay for what they did to her. Ang malas nila dahil anak ng gobernador ang dinale nila. They won't stop until this will be resolved." Pinatay na ni Papa ang projector, saka lumakad patungong pinto. "Halika, bibisitahin natin ang paranormal sessions para may idea ka. Sumama kayong lahat."

Tumayo na kami at sumunod kay Papa. Nilakad namin patungong elevator, mukhang sa ibang floor ang pupuntahan namin. Ilang saglit pa ay bumukas ang elevator, naunang sumakay si Papa saka ako sumunod. Sumakay na rin ang iba pati ang dalawang multo. Umakyat ang elevator ng isang level lang.

Dumiretso kami sa unang silid sa kaliwa na malapit sa elevator. Binuksan ni Papa ang pinto at ilaw, at ipinasilip sa akin ang loob. Maraming cabinet ang naririto, at ang iba sa bawat gilid ay transparent glass na hanggang kisame, samantalang sa gitna ay ilang wood cabinets ang nakapila na hanggang dibdib ko lang ang taas. May mga nakasulat din sa bawat pinto ng cabinet. Nilapitan ko isa-isa. 'Di ko maintindihan ang nakasulat. "Ano ang mga 'to, Papa?"

Lumapit si Papa at binuksan ang isa sa mga drawer. "Ang mga narito ay ang mga ginagamit para sa paranormal activities. Narito ang iba't ibang kultura sa iba't ibang bansa kung paano nila itaboy ang spirits, paano sila tulungan, paano sila makausap at kung ano-ano pa. Narito rin ang mga gemstones, incense, witch craft materials at marami pang iba." Dinukot ni Papa ang glossy paper na nakikita ko sa Chinese temple. "I'm sure kilala mo 'to, hija. This is Joss Paper. Ito yung paper money ng Chinese tradition na sinusunog nila sa templo as offerings."

"Kaya ka ba laging wala, Papa, para mangolekta ng lahat ng 'to?" Nilinga-linga ko ang napakalaking silid. Imagine how dad spent more of his time than staying with us.

"Yes, baby. I hope you understand. Hindi lahat ng nilalang ay binigyan ng kakayahan para makatulong sa mga kaluluwang nangangailangan at naghahanap ng hustisya, o maibsan ang grudge nila. I am one of the few, at hindi ko ipagdadamot sa kanila ang bagay na 'yon. I'm sorry kung lagi akong wala, pero bahagi na ng pagkatao ko ang pagkakaroon ng ability."

"I understand, Papa. Pero sino si Milet?"

Napatawa ng malakas si Papa. "Anak, secretary ko siya. I saved her no'ng may nagtangkang mang-rape sa kanya. I saw it in my active dream, precognition. May ability rin siya, tulad ni Rod. She can see but she can't hear. Mula noon, she became my secretary. Wala siya ngayon dahil nasa misyon din siya."

"Papa, may perfect ability ka rin?"

Ginulo ni Papa ang buhok ko. "Kanino ka pa ba magmamana? Halika na." Inakay na ako ni Papa palabas ng silid. Naghihintay naman sa labas ang mga kasama namin. Si Kuya ay naroon din. Hindi siya pumasok. Hindi ko nga alam kung wala talagang ability 'to o nagpapanggap lang eh. Takot kasi sa multo si Kuya.

We walked and headed to the corner room of the hallway. Kusang bumukas ang sliding glass door na malabo. Tumambad sa akin ang isang napakaluwang na hall, at divided din ng glass panel ang smaller rooms. Tinungo namin ang unang pinto. Binuksan ni Papa ang glass door saka kami pumasok. Pumasok na rin si Kuya this time.

May dalawampung tao yata sa loob, mukhang typical classroom pero I'm sure hindi typical ang topic nila dito. Bumati ang instructor na nasa harap pati ang mga trainees niya.

"This is the beginner's class. Orientation about paranormal activities, ghosts, abilities. Anything na basic ay dito ang klase para hindi sila mabigla. Lahat ng narito ay may mga abilities. Sinasala rin silang mabuti para hindi tayo mapenetrate ng taga-labas o espiya." Introduction ni Papa.

Napaisip ako. "Paano n'yo sila nasasala, dad?" Itinanong ko na rin ang nasa isip ko.

"Clairvoyance." Tipid na sagot ni Papa. Oo nga pala. Ability to see the past and future. "At hypnosis."

"May expert na sa Clairvoyance dito, Papa? Syempre bukod sa'yo."

"Meron, pero puro kami may edad na kaya we need younger ones para i-train. Lalo na sa case ng school n'yo. We need students to penetrate them. Hindi sila naghi-hire ng teacher na outsider eh. I tried." Kumaway si Papa sa kanila bago kami lumabas. Lumakad kami patungo sa sumunod na pinto. Nagulat ako sa tumambad sa akin. Mas maluwang ito pero weird ang nasa loob. Ilang kama ang narito na may white bedsheet. May ilang machine din ang nasa tabi ng kama. Parang ginagamit sa ECG ang itsura.

"Ito ang testing area para malaman kung Clairvoyant o iba pang ability ang isang trainee, at sa simula pa lang ay kailangan ng ma-determine ang level ng isang may ability." Paliwanag ulit ni Papa.

"I see." I find it weird habang tinitingan ang paligid. Parang normal na lang sa akin ngayon na pag-usapan ang tungkol sa paranormal stuff at ability, pero it makes me feel like-- home. Ganito siguro ang nararamdaman ni Papa kaya hindi niya maiwan ang mundong 'to. Now I understand him completely.

Ilang silid pa ang pinuntahan namin bago nagtungo sa office ni Papa. "Ipahahatid ko kayo mamayang madaling araw para maaga pa lang ay nasa school na kayo. Arlene, huwag kang kakabahan. Act normal. Malamang na pagdudahan ka nila dahil wala ka sa Dorm. Wala nga pala daw kayong klase today dahil ilang Professor n'yo ang kasama sa isinugod sa hospital, meaning, huwag kang magtitiwala sa kahit kanino sa school na 'yon, maliwanag?"

Tumango ako. "Opo, hindi ako magtitiwala, lalo na at nakita ko sina Diego at Gio na myembro pala sila ng kultong 'yon. Papa, may nakuha kayong information kung sino-sino ang sinugod sa hospital?"

"Inaalam pa ng source namin. Iaabot ko kay Rod ang listahan once I already have them. Positive na members nila ng cult."

"Sige, Papa. Mag-iimbestiga rin ako ng palihim do'n sa dalawang classmates ko na members nila. I wonder kung alam ni Monique na kasapi si Gio do'n."

"Huwag mo munang kakausapin si Monique tungkol dito, anak. Hindi natin alam kung sino ang kalaban. Baka may iba pang nakakausap si Monique do'n at makwento niya ang nalalaman natin. Mahirap na."

"Sige, Papa. Naiintindihan ko po."

"Drei, bantayan mo ang kapatid mo." Mariing bilin ni Papa.

"Sure, 'Pa. Wala man akong ability, kaya ko namang protektahan ang kapatid ko physically at mentally. Mas mautak ako sa mga taong naroon." Ngumisi si Kuya.

In fairness talaga, Kuya has the same IQ level as Papa. Kaya nga hindi ako naniniwalang hindi nakakakita 'tong si Kuya eh. Between the two of us, mas malamang na namana niya ang ability ni Papa kaysa sa akin. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin kay Kuya Drei. Iimbestigahan ko rin 'tong si Kuya. "Mataas man ang IQ mo sa akin, mas mautak naman ako."

To Be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
322K 8.5K 27
Cheska has a Prince, a literal Prince that will save her from anything, do whatever she wants, and will stay with her FOREVER! If you think it's awe...
695K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)