Alamat ng Bitter

Od angrybored

17.6K 483 92

Babasahin mo ba to kung hindi badboy o playboy o mayamang mayaman ang leading man? Kung ang bida at kontrabid... Více

Alamat ng Bitter
Prolouge
Bitter 1
Bitter 2
Bitter 3
Bitter 4
Bitter 5
Bitter 6
Bitter 7
Bitter 8
Bitter 9
Bitter 10
Bitter 12
Bitter 13
Bitter 14
Bitter 15
Bitter 16
Bitter 17
Bitter 18
Bitter 19
Bitter 20
Bitter 21
Bitter 22
Bitter 23
Bitter 24
Bitter 25
Bitter 26
Bitter 27
Bitter 28
Bitter 29
Bitter 30
Bitter 31
Bitter 32
Bitter 33
Bitter 34
Bitter 35
Bitter 36
Bitter or Better

Bitter 11

409 14 6
Od angrybored

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA……..ATEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!”

Hindi na ako nagtataka na sumisigaw ng ganun si Crey. Sure kasi akong magwawala siya once na makita ang ginawa ni Edward sa kwarto niya.

Kagabi, dumating ito at humingi ng pictures ni Dustin.

Nung wala akong mabigay, kumuha siya sa facebook. Tapos nagpa-print. Pagbalik niya, may dala nang super daming papel na puro may mukha ni DK. Photocopies lang naman. Tapos tahimik na dinikit sa pader ng kwarto ni Crey.

Nagmistulang collage ng mukha ni Dustin ang pader ni Crey.

Naririnig ko na ang pabadog niyang pagbaba.

“Ano yun?! Sino gumawa non? Arggg!!!! Bakit pa ba ako nagtanong!!!????”

Padabog niyang kiunha ang phone at muntik ng mabasag sa sobrang diin niya magtype.

“Anong ginawa mo sa kwarto ko? Bakit tumatawa ka pa dyan?”

Pati ako natatawa sa kanila. Nasabi ko kasi kay Edward na ayaw makita ni Crey ang kahit anong bagay na makakapagpaalala kay Dustin. 

“Kailangan matuto siyang harapin ang kinatatakutan niya. That way, pag nasanay na siya, hindi na siya makakaramdam ng takot o kahit anong sakit. Pero experiment pa lang naman yun,” sabi ni Edward kagabi.

“Hindi ka pa ba papasok?” tanong ko nang umupo na si Crey sa upuan. 

“Ewan. Ayoko siyang makita.”

“Wow, andami mo namang ayaw makita. Gusto mo mukha naman ni Edward ang ilagay namin sa kwarto mo?”

Nagkamot ito ng ulo at dumiretso sa banyo. Wala naman nagawa ito kundi pumasok.

CREY:

Sige na nga, ako na ang magkukwento since wala ang intrimitida kong kapatid dito sa office.

Hindi ko pinapansin si Edward. Wala kong pake kung medyo nag-enjoy ako sa company niya kahapon. Badtrip siya.

“Crey,” tawag ng ungas. Bahala siya.

Kaso wala naman akong choice dahil boss ko siya.

“Bakit?” maangas kong tanong. Wahaha.

Nakangiti siya. Sarap sapakin talaga nito eh. Parang walang problema sa buhay kaya pinoproblema ang problema ng iba. Umupo siya ng maayos.

“Wag mong aalisin ang pictures na yun sa kwarto mo kahit one week lang. Just get used to it. Mananawa ka rin.”

“Ah, okay,” matabang kong sagot. 

Matabang ha! 

Hindi mapait!

“Tapos hindi rin kita bibigyan ng dates this week-“

“Thank God.”

“Dahil kailangang kalimutan mo muna si DK bago ka makipag-mingle sa iba. Alam mo ba kung bakit palpak ang dates mo?”

“Dahil walang wenta mga nireto mo.”

“No. Wala kasing matinong lalaki na mag-eenjoy makipag-date sa isang babae na walang ibang bukambibig kundi ang hopeless true love niyang taken na dating patay na patay sa bestfriend niya na halos gawin siyang doormat at san Francisco bridge para lang makuha ang gusto nito. At isang babaeng papayag nag awing epoxy clay ng isang worthless na lalaki.”

“Hindi mo siya kilala.”

“Pero kilala kita. You deserve better than you could imagine, Crey. I want you to learn from these experiences.”

“Ano? Tuturuan mo kong lumandi sa pamamagitan ng blind dates mo?”

“No. Try to think of it. Ang buhay ay isang malaking blind date. Hindi mo sigurado kung sino ang makakasalamuha mo but you have to take the risk. Kung magustuhan mo siya, good. Kung hindi, at least may bago kang nakilala. Palawakin mo naman yang mundo mo. This is Earth. Not DK’s world.”

Nganga na lang.

FELI:

“Ang mundo ay isang malaking blind date… blah blah blah…”

Pinakikinggan kong mabuti yung sinabi ni Crey na sinabi sa kanya ni Edward. May point ito pero parang ayaw tanggapin ni Crey.

“…This is Earth, not DK’s world.” Paikot-ikot pa siyang naglalakad.

“Eh totoo naman eh.”

“Hindi naman ako ganun eh.”

“Talaga?”

“Ate…”

“Alam mo, mas kilala ka pa namin kesa kilala mo ang sarili mo. Alam mo pa ba ang favorite song mo? Favorite color? Favorite food? Kasi last time I checked, lahat ng favorites mo ay photo copy lang ng favotires ni DK. At kelan pa kayo huling nagkita?”

“Two years, three months, five days and one…”

“Stop! You’re pathetic. Maiintindihan ko pa kung ex mo yan eh.”

Sumalampak ito sa sofa. “Sana nga.” Hinampas ko siya ng unan. “Eh anong gagawin ko?”

“Sundin mo si Edward. One week lang naman eh. Hayaan mo siya.”

 _____________________________________________________________

Halos magdadalawang linggo na ang collage ni Dustin sa kwarto ni Crey pero hindi pa rin nito inaalis. Nung mga unang araw, tahimik lang niya itong tinititigan. Lumipat muna ako sa kwarto ni Mencio para solohin ni Crey ang pagmumukha ng irog niya.

Ngayon, parang normal na lang kay Crey ang mukha ni Dustin. Hindi na niya tinititigan, hindi na namin siya naririnig umiyak at hindi na rin sila nag-aaway ni Edward. Siguro nga effective to.

“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya nung makitang bihis na bihis siya.

“May date ako.”

“Wow ha. Sino daw?”

“Ewan ko kay Jerry. May nireto sa akin eh.”

“Alam ba ni Edward?”

Lumingon siya sa akin. “Hindi. Dapat ba alam lahat ng mokong na yun lahat ng plano ko?”

“Hindi naman. Nagtaka lang ako. Sige, enjoy.”

Umalis na nga ang maganda kong kapatid. Ako naman, ang dakilang housewife, naglinis na muna at nagpakain ng bata.

After an hour, may tumawag sa akin.

“Hello? Ate…” Si Crey, umiiyak. “Andito siya…”

Naku. Akala ko pa naman okay na. 

Buti na lang nakatulog si Nash kanina. Binilin ko muna kay Mencio ang bahay. High school naman na siya, kaya na niya yun. Para maranasan niya maging nanay. Haha.

Pagdating ko sa mall, nasa Jobillee sila. Kasama niya si Jerry.

So ito pala ang ka-date niya.

“Anong nangyari?”

Nakatulala na si Crey. Hindi umiimik at tuyo na ang luha.

“May nakita kaming lalaki eh. Yun yata yung DK. Basta okay naman siya kanina pero biglang humagulgol nung umalis yung lalaki,” paliwanag ni Jerry.

Tinawagan ko si Edward kaso may ginagawa daw. Nagstay muna kami dun ng ilang minute bago naglakad-lakad. Ayaw pa yata umuwi ni Crey dahil sa collage. Akala ko pa naman okay na.

Mukhang disappointed si Jerry. Sabi na nga ba type nito si Crey eh.

“Guys!” tawag ni Edward na humahangos. Kumaway pa. “Anong nangyari?” Kinuwento ko naman. “Sinong ka-date mo?”

“A-ako po boss.”

Bigla itong ngumiti. “Nice. Ayos ah Jerry. Sige, ganito. Ayaw mo pa rin bang umuwi?” Umiling si Crey. “Tara. Maglabas ka ng sama ng loob.”

Nagtataka man ay sumunod na lang kami sa kanya. “Three hours lang ang break time ko kaya bilisan natin.”

Pumunta kami sa Quantum, parang Timezone pero Quantum. Hehe.

Meron doong stage na pwedeng doon kumanta. Pero meron ding mga rooms na may videoke sa loob. Bumili na ng tokens si Edward. “Anong gagawin natin dito?” tanong ni Crey at last.

“Kakanta ka,” nakangiting sagot ni Edward.

“Gusto mo nang sapak?”

“Hindi. Dali na, naghihintay na ang audience mo oh.” Umupo kami sa isang pahabang upuan. Ang-cool ng lugar kasi para ka talagang magko-concert.

Umiling lang si Crey at umupo.

“Hmp! Sige, ako muna. Ikaw ang magbabayad nito ah, utang,” sabi ni Edward sabay pindot sa videoke machine at umakyat na sa stage. “I dedicate this to all the bitters out there,” sabi pa nito na nakatitig kay Crey.

Hey girl, you know, you drive me crazy

One look puts the rhythm in my hand

Still I'll never understand why you hang around

I see what's goin' down

Huwaw! At may boses si pogi.

Do you feel like a man, when you push her around?

Do you feel better now as she falls to the ground?

Well, I'll tell you my friend, one day this world's going to end

As your lies crumble down, a new life she has found

Hala! Nagwawala na si kuya. Tuwang-tuwa naman ang audience. Syempre, pogi na, magaling pa kumanta di ba?

I see the way you go and say you're right again

Say you're right again, heed my lecture

Kinakanta niya nang malinaw ang lyrics. Ewan kung anong version yun basta hindi masakit sa tenga.

Face down in the dirt she said, ?This doesn't hurt?

She said, ?I finally had enough?

Face down in the dirt she said, ?This doesn't hurt?

She said, ?I finally had enough?

One day she will tell you that she has had enough

It's coming round again…….

Matapos ang kanta nito ay nagpalakpakan ang mga tao. Tumayo si Crey at lumapit sa kanya sa stage. “Ikaw ang mamili ng kanta.”

Pumindot naman ng nakangiti si Edward.

Lumaki ang mata ni Crey nang makita ang pinili nito pero wala na rin palag kay Edward. Magkatabi na sila sa stage, magdu-duet yata sila.

How can you see into my eyes like open doors?

Leading you down into my core where I've become so numb

Without a soul, my spirit sleeping somewhere cold

Until you find it there and lead it back home…

Parang ako ang nahihirapan sa sobrang taas. Pero alam kong carry ni kapatid yan.

Wake me up

(Wake me up inside)

I can't wake up

(Wake me up inside)

Save me

(Call my name and save me from the dark)

Nagduet nga sila, iisang mic. Tagasigaw lang si Edward. Maya-maya, nagrap na…

All this time, I can't believe I couldn't see

Kept in the dark but you were there in front of me

I've been sleeping a thousand years it seems

Got to open my eyes to everything

Without thought, without voice, without a soul

Don't let me die here

There must be something more

Bring me to life

Ang-cute nila, nagtatawanan na sila sa stage. Pati ang mga audience nakikisabay sa kanta. Halos sumisigaw na nga lang sila eh.

Pinakialaman ko na yung camera na dala ni Edward at pinicturean sila.

So cute!

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
204K 3.8K 21
Dice and Madisson