Forever is With You

By bebelurvs

9.1K 2.3K 2.2K

Naniniwala ka ba sa forever? Highest ranking in Teen Fiction #106 Started: June 14, 2017 Finished: November 4... More

Panimula
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Chapter 39.
Chapter 40.
Chapter 41.
Chapter 42.
Chapter 43.
Chapter 44.
Chapter 45
Chapter 46.
Chapter 47.
Chapter 48.
Chapter 49.
Forever Is With You

Chapter 19.

136 45 40
By bebelurvs

"Ang ingaaaay," Inis na anas ko.

Ang aga aga makabulabog. Ang lakas bumusina. Anong trip non? Ang layo pa kaya ng bagong taon.

Puyat kasi ako kagabe, anong oras na natapos yung ball, kaya anong oras na ako nakauwi. Buti nga't gising pa si tito 'nong nagtext ako kaya nasundo agad ako.

Tapos hindi pa ako nakatulog agad ng ayos gawa ng naisip ko yung sinabi ni Caesar na lalab-

"Lalabas nga pala kami! Sabi pa niya'y after lunch. Gaaahd! Anong oras na ba?"

Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng unan ko pero yung dalawang rosas ang nahawakan ko. Bakit dito ko nilagay 'tong mga 'to?! H-ck!

Sumilip ako sa baba ng kama at andon ang cellphone ko. Pinulot ko naman ito at "12:42 na?!"

Kumaripas ako ng takbo pababa. Wala na si momsicle, nakaluwas na pabalik ng Laguna. Si tito ay nasa trabaho, samantalang si tita'y nagbabantay ng tindahan nilang mag-asawa sa palengke kasama ang bunso nilang anak. Ang pangana'y naman ay nasa Maynila.

Binuksan ko ang gate at nakita ko si Caesar na prenteng nakasandal sa upuan ng kotse niya, bahagyang naka-kunot noo.  Tumingin naman ito agad sa pwesto ko at dali-daling lumabas ng sasakyan.

Nakasuot siya ng itim na v-neck tee at faded blue jeans. Suot na naman niya 'yong sun glasses na gamit niya 'nung nagpunta kami sa bahay nila tapos napag-usapan yung lig--. H-ck?! Why am I reminiscing?!

At saka ano?! Am I checking him out?!

"You just woke up and yet you're still dreaming. A penny for your thoughts?" He said, smirking

Agad naman akong napailing. Doon ko lang naalala na hindi pa ako nakakahilamos at naka-pantulog pa ako. Nakakahiya! Ni hindi pa nga ako nakasuklay!

Nag-iwas naman ako kaagd sa kaniya ng tingin ng napagtanto kong ang dugyot ko tignan kumpara sa kaniya, "Ahhh- ano, m-maligo lang ako, kung okay lang dito ka na mag-antay? K-kase ano-"

"Kasi ano, Amaris?"

"Aahh wala akong kasama don b-baka ano, ah ano.." Why am I stuttering?!

"Kanina pa ako nag-aantay dito tapos pag-aantayin mo pa ulit ako?" Nakabusangot na niyang tanong. Halata ang pagka-irita.

Agad naman akong binalot ng kahihiyan, oo nga naman kanina pa siya nag-aantay tapos pag-aantayin ko ulit.

"Oh edi sige tara na-" akmang pupunta na ako sa kabilang side ng kotse nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at pinigilan niya ako. "Fine, bilisan mo. Mag-ayos ka na, may muta ka pa." Natatawa niyang saad.

Agad naman akong napahawak sa mga mata ko at kinapa 'yon. Lokong 'to! "Wala naman ah!"

"Oh edi sige bad breath!" Ngiting ngiti niyang saad. Kahit kailan talaga Caesar!

"Bahala ka talaga dyan, antayin mo ako dito!" Inirapan ko ito bago tinalikuran at naglakad papasok ng bahay.

Agad ko namang narinig ang pag-sara ng pinto ng kotse niya, pumasok na siguro.

Pagkalagpas ko ay agad kong inamoy ang hininga ko. "Wala ngang amoy e." Pabulong kong sabi saka umirap sa kawalan. Inulit ko pa para makasigurado, pero mokong na 'yon wala naman talaga!

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto para ihanda ang gamit ko, naligo ako at nag-ayos ng sarili. Nagsuot lamang ako ng puting plain t-shirt at fitted na tokong. Tsinelas lamang ang ipinares ko dito.

"Jahe, gutom na ako. Wala pa akong kinakain."

Bakit ba kasi ako nahirapan makatulog? Napagod naman ako sa event. Tsk!

"You are the most beautiful lady here tonight... fine, lets go on a date tomorrow..."

"You are the most beautiful lady here tonight... fine, lets go on a date tonorrow..."

Para na namang sirang plaka ang mga linyang 'yon na nagpaulit-ulit sa isip ko. Kung pwede lang magkaroon ng delete option ay ginawa ko na.

Iba ang epekto ng mga 'yon sakin. Sinabihan din naman ako ni J na ang ganda ko pero hindi ko naman ginawang big deal.

Oh great! Now I'm comparing. Nice one, Isang.

Sinigurado kong lock ang buong bahay bago ako lumabas.

"Tara na. Saan ba tayo pupunta?"

Agad akong sumakay sa kotse niya.

"Daan muna tayo sa mall. Kailangan mong kumain muna. Siguradong hindi ka pa nakain. Kakagising mo lang e."

"Baka abutin tayo ng gabe pag madami pa tayong dinaanan?"

"Basta, kakain ka. Baka kainin mo ako sa sobrang gutom mo." Tudyo niya sa akin. Mahihimigan ang pagka-pilyo.

Sinabunutan ko naman ito ng bahagya. "God, Amaris! Can't you see that I'm driving?!"

Umirap ako sa kaniya.

"Ang galing mo palang kumanta? Akalain mong marunong kumanta ang pusa."

Isang pigilan mo sarili mong maging bayolente. Nagmamaneho 'yung tao baka mapahamak kayo.

Issng, kalma.

"H'wag mo na ipaalala."

"Kantahan mo 'ko." May pinindot siya sa cellohone niya at nagsimulang tumugtog ang isang pamilyar na kanta. She Will Be Loved.

"Ayaw ko. Tsaka na."

"Dali na. Ang ganda nung kanta oh."

"Pakasalan mo, maganda pala e."

"Kantahin mo na kasi."

"Ano ba? Edi ikaw kumanta? Nagugutom na ako. Sintunado ako pag gutom." Wala na akonh maisip na dahilan e.

"Edi pagkakain mo, kakantahan mo na ako?" Anito na parang bata na sabik sa isang bagay.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse. Grabe, gutom na talaga ako.

"Fine, basta bilisan mo baka mabaliw ako dito."

"Mga 30 minutes pa."

Lumipas ang ilang minuto pero malayo pa din kami sa mall. Jusko, kalam na ng kalam ang tyan ko.

Buti na lang at maganda ang paligid. Puro puno ang nasa tabi ng kalsada. Sariwang sariwa ang hangin. Kaso nga lang deretso bangin pag nahulog.

Binuksan ko ang bintana ng kotse ni Caesar. Idinukwang ko ang ulo sa labas at nilasap ang sariwang hangin.

"Hoy baka mapahamak ka dyan sa ginagawa mo!" Marahang tinampal ni Caesar ang likod ko.

Hindi ko ito pinansin.

Hindi na ako nakatiis. Tumayo ako sa kinauupuan ko at umupo sa pwesto ng bintana.

"GUTOM NA AKOOOOO!" Natatawa kong bulalas sa kapaligiran. Naging marahan ang pagpapatakbo ni Caesar kaya itinaas ko na ang mga kamay ko.

"Hooy bumaba ka dyan! Malapit ka ng kumain, tiis lang!"

Humawak ako sa bubong at iwinigayway kay Caesar ang mga paa ko.

"H'wag ka ngang baliw! Malaglag ka dyan!"

"Bilisan mo na lang." Masaya kong utos dito.

-----

Author's Note: Ieedit ko na po yung previous chapters. Para ganito na din ang itsura nila. Hehe.
P.S. Gutom talaga ako habang sinusulat ko 'to. Enjoy! Vote and comment po. Salamat!

Continue Reading

You'll Also Like

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
20.3K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
606K 15.4K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.