Mikay's POV
Gino decided to stay home para may kasama ako. Nasan si Andrea at Jason? Ayun, niyaya ni Jason si Andrea na magtour daw, pero if I know, date talaga yun.
Nakwento na din sakin lahat ni Gino. Humanda lang talaga sakin yung lalaking yun pag sinaktan nya si Lukaret. Sya masasaktan sakin.
Hindi ko pa masasabi na gusto na ni Andrea si Jason, pero may posibilidad? Ewan ko. Let's see. HAHAHAHAHAHA
"Mikay, alam mo ba kung ano pangarap ko?" eto naman pabigla-bigla.
"Tss. Alam ko yan.. maging pangarap ko noh? sus gasgas na yan." tinignan nya ko nga masama.
"Wala pa nga eh. Pektusan kita eh." natahimik naman ako dun.
"Oh sige ano?" tinaasan ko sya ng kilay
"Makasakay sa jeep ng kasama ka.. at sabay sabihin.."
“Manong, dalawang senior po” pakiramdam ko namula ako dun.
"Korni."
"Korni pero ung ngiti mo abot langit tsaka mas pula ka pa sa kamatis." tinignan ko siya ng masama at tumawa lang ang loko
"Che!" sabay irap.
"Mahal kita , Mahal mo ba ako?" aish ang korni ng lalaking to.
"Ikaw? Asa!" lumungkot ung ichura nya.
"Asa puso rin kita" sabay killer smile. nagtakip sya ng unan.
"Wag ka ngang ganyan Mikay!"
'Kinikilig ako eh.." sabay kaming tumawa.
"Yuck para tayong teenagers eh ang tanda tanda na natin! Lalo ka na!" asar ko sakanya.
"Ako? Huh! Mukang 16 lang to no! Ikaw? Mukang 28-- Aray!" kinurot ko kasi.
"Heh! Asar ka kasi ng asar!"
"Sungit mo talaga!" sabay tawa.
"I don't care.."
"Nasan na kaya yung dalawang yun?" tinanggal nya yung unan sa muka nya saka tinignan ako ng masama.
"Hayaan mo nga sila, tayo nagmomoment dito iba iniisip mo.." nagpout pa.
"Eh.. nag-aalala lang..'
"Safe si Andrea kay Jason, don't worry.." nagnod na lang ako.
Maya maya lang hinawakan nya yung tyan ko. More of, haplos.
"Ang laki na ng tiyan mo.." comment nya.
"Alam ko." tinignan nya ko ng masama.
"Ang laki ng tiyan mo tas patpatin yung katawan mo.." kinurot ko siya.
"Makapanglait ka eh no? Kala mo macho!"
"HAHA. kumpara sayo.." pinalo ko sya ng unan.
"Hindi man ako biniyayaan ng magandang katawan, biniyayaan naman ako ng pusong ikaw lang ang laman.." haha makabanat eh no? WAHAHA
"Ikaw ha..Hindi ka lang pandrama, pang comedy ka na din.." nginitian ko lang siya.
"Well, ganun talaga.. umaasenso eh.." with matching hand gestures
"Yumayabang ka na din.." sabay kurot sa ilong ko.
"HAHA. Parang ikaw?" sabay dila sakanya.
"Hindi ako mayabang no. Honest lang!"
"Che!"
Hinila nya ko papalapit sakanya at niyakap.
"Haaaaaaay. Ang hirap mo yakapin.." reklamo niya.
"Reklamo ka ng reklamo.." inis kong sagot.
"Labas ka na kasi jan Mikki.. Para makapagmoment naman kami ng Mommy mo.."natawa ko.
"Wag mong pilitin.. 7 months pa nga lang eh.."
"Hay.. Wag ka ng kilos ng kilos.. As much as possible magbed rest ka lang.."
"Ano ka ba? Kaya ko naman eh.. Masyado kang OA."
"Hindi yun OA. Nag-aalala lang.. tsaka we won't take any risks, okay?" ano pa nga ba?
"Sir yes sir!" tumawa sya.
"Haynako, tara. Kain na lang tayo.."
Lumabas na kami at ayun naghanda na sya ng pagkain. XD Seniorita eh hihih haha
-------------------------
Andrea's POV
Oo, may POV ako. Wag ng magtaka! HAHAHA Minsan lang to.
Alam niyo naman siguro na kasama ko si Jason. Syempre, papayag na ko, pano, libre nya lahat tas itotour pa ko! San ka pa diba? Sama na lang, sayang eh. Hehe.
Alam ko nagtataka kayo kung bakit ayaw ko kay Jason, hindi naman sa ayaw, medyo wrong impression siguro? Ewan.
Ok ok fine, you got me. Aaminin ko na, Jason is KINDA cute. KINDA lang. Oo, may ichura sya, pero that doesn't mean i like him na agad no! Sa lahat lahat naman kasi ng boylet na hinahanap ko, he's the last one I will date.
Eh nayayabangan nga ako.. Ayoko sa lahat eh mahangin. -___________-
Buti nga si Bruha eh, may Gino na may Mikki pa. HAHAHA pero I'm not ready to have a child no! Pero sa totoo, tanggap na tanggap ko naman si Mikki! Hindi dahil bestfriend ko si Mikay, tanggap ko dahil mahal ko si Mikay. Lahat tatanggapin mo sa taong mahal mo!
Boyfriend ang peg ni Mikay? LOL. Syempre lahat ng mahal natin tatanggapin natin diba? Kahit may pagkakamali sila, go lang ng go. Kasi hindi naman maiiwasan yun. And besides, lahat tayo nagkakamali.
Pero I'm not saying na ulit-ulitin nyo lang ung mga pagkakamaling un dahil alam nyong papatawarin din kayo sa huli, what I'm saying is, kapag nagkamali na, wag ng ulit-ulitin pa! Dapat matuto na! Mali na nga gagawin pa ulet? Ano un paulit-ulit? Unli?
Ok tama ng kakornihan ko. Pasensya, mahilig lang sa words of wisdom. May pinaghuhugutan eh.
Advice lang ha? Learn from your mistakes. :)
"Hoy.. San mo na gusto?" kanina pa to hoy ng hoy.
"Heller? May pangalan ako. Andrea, not HOY."
"Ok. Andrea, san mo gusto pumunta?"
"Bahala ka na.. Kung san maganda.." tas balik tingin na naman ako sa bintana.
Maya maya lang. Nandito na daw kami. Hindi ko alam kung nasan kami talaga pero maganda yung view. Ang peaceful..
"Wow. Ang ganda naman dito..." sabi ko habang pinipicturan ung view.
"Sobra..." napatingin ako kay Jason, nakatingin sakin tas biglang iwas ng tingin.
Hay Jason, kung napasa mo lang ung standards ko, ikaw na sana eh.. Ikaw na...