Don't Wanna Cry • MEANIE

By Wonhwa10001

5.1K 471 170

{Al1 series #1} "When the half of me is gone how can i live as one" "Us in the different system, another form... More

00
01
02
03
05
Not An Update
06
07
08
09
10
Not An Update
11
12
Thanks! (edited)
13
14
15
16
17
MEANIE IS SAILING!!!!!!!
18
19
Ideal Cut in Manila
20
21

04

193 17 3
By Wonhwa10001

Wonwoo's


Pagkahatid ko kala Kyuki dumeretso agad ako ng mall para bilhin yung album niya "idol mo tong mga to?" Tanong sakin nung babaeng cashier.


"Ah oo" matipid kong sagot saka inabot yung bayad sa kanya.


"Ang galing naman may lalake pa palang mahilig sa mga boyband, karamihan kasi babae o kaya eh alam mo na mga lalakeng pogi rin ang hanap" masaya niyang sabi.


"Madami rin naman sigurong lalakeng mahilig sa kpop ayaw lang pahalata kasi tinutukso sila"

"Pero alam mo tong Seventeen, nacu-curious pa rin talaga ako dito sa member na to" tinuro niya yung picture ko "bat kaya lagi siyang naka-mask no?"


"Hindi ko rin alam" gusto ko eh bakit ba

Inabot niya na sakin yung paper bag "Sigurado ako panget to kaya ayaw ipakita yung mukha" sabi niya. Hoy hindi ako panget!


Hinigpitan ko yung hawak sa paper bag "Hindi naman siguro"


Tinititigan niya yung mukha ko "sa gwapo mong yan pwede kang maging k-idol basta ngumiti ka lang. Pwedeng mahingi number mo oppa?" halatang nagpapa-cute siya sakin.

Ulol pagkatapos mong sabihan ng panget si Beanie sa tingin mo ibibigay ko sayo number ko?! Kapal mo oy!


"Pwedeng next time na lang? Na-confiscate kasi ni eomma phone ko, yaan mo babalik ako dito pag nakuha ko na"


"Sayang naman pero sige aasahan ko yan ah babalik ka dito" hinding-hindi na ko babalik dito no.


"Sige kailangan ko na umalis may pupuntahan pa ko" pagtalikod ko sa kanya sakto namang nag-ring yung phone ko, tinignan ko kung sino yung tumawag.


Mingoo calling...
Accept | Reject

"Hello mahal? Oo papunta na ko may binili lang ako intayin mo ko ah"


Nilakasan ko talaga yung pagkakasabi ko ng mahal para marinig nung cashier.


[M-mahal? Hyung ako to may iniintay ka bang tawag?]


"Mahal naman wala akong iniintay na tawag no kaya wag kang magselos dyan, ikaw lang mahal ko"

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng shop para naririnig pa rin ako nung cashier.


[H-hyung ayos ka lang ba? Ano ba yang pinagsasa-sabi mo?]


"Mamaya na lang tayo mag usap mahal palabas na ko ng mall eh. I love you"


[Teka lang-]


In-end ko na agad yung tawag, nilingon ko yung cashier nakita kong natutula siya habang naka-tingin sakin, nag-smirk ako sa kanya panget pala ha.


Nang makalabas na ko ng mall sumakay na ko sa kotse ko, nilagay ko sa passenger's seat yung album katabi nung binigay ni Aki kanina "pano ko kaya to papapirmahan kay Mingyu?" Sabi ko habang tinitignan yung album.


Hindi naman kasi on the way ang daan papunta sa tinitirhan namin ng mga member tsaka baka ma-late ako ng sundo kay Kyuki.


"Bahala na saka ko na lang papapirmahan ang mahalaga mabigay ko to kay Kyu"




Nang makarating na ko ng Jeon-Kwon University pinark ko ang kotse ko sa parking lot ng school tutal kilala naman ako dito di na ko sinita ng guard.

Napaaga yung dating ko, 1 pm pa uwian nila Kyu eh 11:40 am pa lang. Naisipan kong magpunta na lang muna sa convenience store na kaharap ng school dala ang laptop ko sakto may exam ako ngayon dun ko na lang sasagutan kesa mamaya pa.

Pag bukas ko ng pinto biglang may sumalubong na babae sakin na galing mula sa loob ng store, hindi ganong kalaki yung ginawa kong pag bukas sa pinto kaya nagkadangian kami.


"Ay! Ano ba naman yan!" Sigaw nung babae, may hawak siyang cup

Nagkatinginan kaming dalawa "ano ba?! Muntik ng matapon yung hawak ko oh!" Sabi niya sakin.

Kumunot ang noo ko sa inaasta niya "wag kang OA may takip yan oh kaya pano tatapon yan?"


Buti na lang kokonti lang ang tao dito kundi baka maging malaking issue pa to.


"Ayaw mo kasing tumingin sa dinadaanan mo kaya ka nakaka-bangga eh!" Sabi nung babae.


"Hindi ikaw ang nanay ko kaya wala kang karapatan na sigawan ako"


"Wow ha ang bastos mo rin eh no?! Di ka man lang marunong mag sorry!"


"Una sa lahat bakit ako magso-sorry sayo? Ako ang nagbukas ng pinto, ikaw ang biglang sumabay di ko yun binuksan para sayo. Self service nga pag kuha ng drinks dito eh kaya pati pag bukas ng pinto dapat self service rin at ikaw ang nagmamadaling mag lakad kaya ako ang nabangga hindi ikaw" pinapainit nito ulo ko bwisit.


"Kala mo kung sino ka kung magsalita ah!" Ha wala na siyang maisagot tama naman kasi ako


"Ako lang naman si Wonwoo" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, dun ko nakita yung suot niyang I.D "base sa I.D mo sa Jeon corporation ka nagta-trabaho siguro bago ka. Kung di mo alam anak ako ni Jeon Wonhyuk, di ko palalagpasin tong nangyaring to ayokong magaspang ang ugali ng mga magiging empleyado ko balang araw kaya asahan mo ng huling araw mo na sa trabaho ngayon"


"Sinong tinakot mo ako?! Ha hindi mo ko madadaanan sa ganyan. Pinatatagal mo pa ikaw naman talaga may kasalanan!" Ano bang meron sa mga babae ngayon at binabadtrip ako


"Actually miss tama siya, ikaw ang sumalubong sa kanya kaya kung muntik man matapon yang hawak mo kasalanan mo yun" sabi ng taong nasa likod ko


"Wag ka nga nakikisali dito! Sino ka ba?!" Sigaw nitong nakaka-iritang babae sa lalakeng nasa likod ko.


Nilingon ko yung lalake, Tinangal niya yung hood niya pati yung suot niyang face mask. Nanlaki yung mata ko sa nakita ko.


Mingyu


Bakit nandito to?! Ngumiti siya sakin sabay kindat


"I-ikaw si Mingyu d-diba?" Gulat na tanong nung babae


Tinignan ni Mingyu yung babae "ha? Ah oo ako nga" sumeryoso yung mukha niya "wag mo ng pinapalala yung sitwasyon, tignan mo nagtitinginan na sila di ka ba nahihiya?" turo niya sa mga ilang tao na nandito.


Tumingin yung babae sa paligid ng marealize niyang pinagtitinginan na kami, nagmadali na siyang lumabas.


May mga lumapit na estudyante kay Mingyu kaya umatras ako ng konti "oppa pwedeng pa-picture?" Sabi nung lumapit sa kanya.


"Haha sige lang" Mingyu.


Nagpapicture at autograph sila kay Mingyu, ako naman bumili na lang ng cup noodles wala naman kasing saysay kung tatayo pa rin ako dun. Pag bayad ko sa counter kinausap ako nung lalakeng cashier "hyung pasensya na kung wala akong nagawa kanina bago lang kasi ako kaya di ko alam gagawin sa mga ganung sitwasyon"


"Ayos lang..." Tinignan ko yung name plate niya  "Inseong kaya ko naman depensahan sarili ko eh"


Pareho kaming napalingon sa gawi ni Mingyu kasi nagtilian yung mga babae "buti na lang sinabihan ni Mingyu hyung yung babae kanina kundi baka inaaway ka pa rin" sabi ni Inseong


Sus may pagka-pakeelamero kasi yan kaya niya sinabihan yung babae "oo nga eh"


"Sana lahat ng artist katulad ni Mingyu hyung mabait hindi pakitang tao" Inseong


"Wag lang kasing abnormal at clumsy niya"


"Huh?" Inseong


"Wala. Sige kakain na ko baka lumamig pa to" inangat ko yung cup noodles.


"Ay oo nga hehe pasensya na ang daldal ko" sabi niya sabay kamot sa batok


"Hindi naman masyado. Sige maiwan na kita" sa pinaka-dulong table ako pumwesto para walang ganong dumadaan malapit sakin.


"Thank you po ulit oppa!" Masayang paalam nung mga estudyante kay Mingyu.


"Sige ingat kayo. Aral mabuti ah!" Kaway ni Mingyu sakanila, lumingon-lingon sa paligid si Mingyu at nakitang kaming tatlo na lang ni Inseong ang nasa loob "ano Inseong pwede bang patambay muna dito kahit tapos na kong kumain?" Feeling close talaga tong taong to kahit kailan.


"Ayos lang hyung" sagot ni Inseong sakanya


Sa katabing table ko umupo si Mingyu sakin pa talaga siya nakaharap pero di ko siya pinapansin.


Habang nakain nakatitig lang sakin si Mingyu, kinuha niya yung cellphone niya at nagsimulang magpipindot.


Kinuha ko agad yung phone ko ng tumunog to.


Mingoo:

Bakit naman cup noodles lang ang lunch mo hyung? Alam mong hindi healthy yang ganyan


Tinignan ko siya ng masama wag mo nga kong pinapakielaman. Pinagpatuloy ko lang ang pag kain ko ni hindi ko man lang siya nireplyan.


Hanggang sa matapos akong kumain nakatingin pa rin siya pero di ko pa rin pinapansin. Sinisimulan ko ng sagutan yung exam ko nang bigla na namang tumunog ang phone ko.


Mingoo:

Anong ginagawa mo hyung?

Wag kang magulo nag e-exam ako!

Ay ganun ba hehe pasensya na hyung sige di na kita guguluhin. Good luck sa exam Hwaiting!

Continue Reading

You'll Also Like

144K 221 21
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
4.6M 158K 48
Paano kapag pinagbigyan ni tadhana na mapalapit ka sa tao na sobra mong iniidolo?
1M 18.7K 9
" Noon pa man, dapat alam mo na iyon. Hindi ko man sabihin sa 'yo, dapat alam mo na. Hindi kita uuwian gabi gabi kung hindi kita mahal." - Keith Fran...
78K 137 49
Enjoy