I Need A Girl (Completed)

By AnnoyingKimchi

386K 7.9K 207

Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel R... More

I Need A Girl
Chapter 2: Who is Who?
Chapter 3: A Gift From Unknown
Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark
Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore
Chapter 6: I Need To Get Out Of Here
Chapter 7: You're Hurting Me
Chapter 8: Let Me Die
Chapter 9: Chance Can Change?
Chapter 10: The Stalker
Chapter 11: Know Me For Who I Am
Chapter 12: I'm Here
Chapter 13: Together
Chapter 14: Just So You Know
Chapter 15: Make Me Feel Better
Chapter 16: Callie, The Pilot
Chapter 17: In Other Words, Get To Know Each Other
Chapter 18: Good In Many Things
Chapter 19: Can I?
Chapter 20: Let Me Hold You Like This
Chapter 21: You're Blushing
Chapter 22: Mr. Rivera's Order
Chapter 23: It's A Date
Chapter 24: My Girlfriend
Chapter 25: The truth is,
Chapter 26: A Nice Company
Chapter 27: What Happened?
Chapter 28: Goodnight
Chapter 29: A Dream Come True
Chapter 30: Never Happened
Chapter 31: Horror Movie
Chapter 32: They're Dating
Chapter 33: You're Back
Chapter 34: You Said What?
Chapter 35: Tell Them or I Will
Chapter 36: The Boyfriend
Chapter 37: Please Understand
Chapter 38: Masquerade Party
Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend
Chapter 40: I've Seen You Naked
Chapter 41: He's Cole
Chapter 42: Unknown Enemy
Chapter 43: Stay With Him
Chapter 44: We're Leaving
Chapter 45: Whatever It Takes
Chapter 46: Your Special Day
Chapter 47: White Gold
Chapter 48: Never
Chapter 49: Marry Me
Chapter 50: You're Safe
Chapter 51: Hold on to me
Chapter 52: Do You Still Love Me?
Epilogue
Special Chapter

Chapter 1: Something's Not Right

20.5K 234 3
By AnnoyingKimchi

 Naramdaman ko na may kung ano na tumutusok sa pisngi ko. Kasabay ng mahinang boses na nanggagaling sa kanang tenga ko.

“Venia”

Ipinilit kong iniwas ang mukha sa kung sino man ang tumatawag sa akin. Inaantok pa talaga ako. Gusto ko pang magpahinga.

“Oi Venia, gising na.”

Dahan dahan kong ibinukas yung mga mata ko ng marinig ko ang pagtawag ng isang boses sa akin. Nakita ko si Kyle. Nakangiti ito at mukhang kanina pa ako pinagmamasdan matulog. Sya rin ang tumatawag sa akin.

“Anong nginingiti mo huh?”

Ilang beses kong sinubukang ipikit ang muling buksan ang mga mata ko pero si Kyle pa rin ang nakikita ko.

“Nagugutom ka na siguro. Tara, kumain na tayo, treat kita.”

Nag-iwas sya ng tingin na para bang nagpipigil ng tawa. Samantalang ako naman ay pilit na nirerehistro sa utak ko kung ano ang nangyayari. Syet. Kanina pa kaya sya nandyan? halos magkadaugaga akong napabalikwas ng upo at narinig kong tuluyan na syang natawa sa akin. Madaling madali ako kakaayos ang buhok ko na nakakalat sa mukha ko. Parang akong tanga. Napahawak pa ako sa gilid ng labi ko dahil baka may laway na tumulo. Nakakahiya ka Venia.

“Oi, anong problema mo? Nabigla ko yata yung gising mo.”

“Huh?”

Hindi ko alam pero pakiramdam ko talaga ay wala pa ako sa sarili at di pa ako makamove on sa pagkakahuli nya sa akin ng tulog. Tumawa syang muli ng mas malakas kaya mas lalo akong nahiya.

“Ikaw tagala Venia.", Umupo sya sa tabi ko. Nang iniangat ko ang tingin ko sa kanya ay nakatingin rin ito sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Para tuloy kaming tanga. Sya naman ang nagpatuloy sa mga nakakalokong ngiti na na para bang nang-aasar.

“Wag mo ngang guluhin yung buhok ko, hindi naman ako aso.”

Mahina kong bulong habang nakayuko ng pilit nyang hawakan ang magulo kong buhok na lalo nyang ginugulo., Ayoko kasing makita nya ang pamumula ng mukha ko dahil sa nangyari at mas lalo naman ayaw kong lalong magmukhang kahiyahiya sa tabi nya. Siguro kung ikukumpara ako ngayon sa isang kamatis, hindi mo na malalaman kung sino ang tao at kung sino ang gulay.

Gulay nga ba ang kamatis? Hala, ewan.

“Sinabi ko naman sayo, you can work on my dad’s business as a part time secretary, and you’re smart enough para magtrabaho dun.”

“Correction “our” hindi “my dad”, business nyo yun at ayoko namang magtrabaho dun dahil baka isipin nila na ginagamit kita. Di ako user no?”

“Eh ano ngayon kung malakas ka sa akin and besides mas madali ang trabaho dun at hindi ka mapupuyat kagaya ngayon.” naupo naman sya sa tabi ko habang patuloy pa rin sa pagsasuggest ng pagtatrabaho ko sa daddy nya.

Tinaasan ko sya ng kilay, tong taong to, minsan di talaga nag-iisip. Kunting hiya naman siguro para sa akin diba? At isa pa, ayaw ko ng nadadagdagan ang utang na loob ko sa kanya ayos na na ako ang kumikilos para naman sa sarili ko.

“What? Come on, we’re friends.”

“Naku, oh sya, tigilan na ang usapang to. Libre mo na ako.”. Paglilihis ko sa usapan. Ayoko na rin na ipilit nya ito sa akin hanggang mamaya though araw araw naman nya tong pinipilit. Tama na para sa araw na ito ang pangungulit tungkol dyan.

Tumayo na ako para ayusin ang mga gamit ko sa mesa. Narinig ko naman napabuntong hininga at bumulong si Kyle ng kung ano kaya agad ko syang tiningnan.

“Ano? Anong binubulong bulong mo?”.

“Sabi ko matakaw ka, wala na akong magagawa kaya tara, libre na kita.”

Nagkibit balikat na lamang ako at binalewala iyon saka tumayo at niyaya na sya paalis.

“Hahaha, Sus, yun naman pala eh tara!!”, Siya naman at tatawa tawa lang na tumayo at sumunod na rin.

Hinila ko na sya papunta ng canteen. Kahit paano ay ramdam ko na pinagtitinginan kami at pinabubulungan pero sanay na ako sa ganito. Paanong hindi? Hindi naman kasi kami magkarelasyon ni Kyle. He's just being nice and friendly at alam ko naman iyon. Matagal ko na iyong isinuksok sa kokoti ko. Imagine Kyle as heartthrob, mayaman, gwapo, may pagkapilyo, matangkad, sporty type, basta para sa isang babae sya na ang matatawag na dream boy. Let's just say, I was never his dream girl.

Paano ko nga ba nakilala si Kyle, basta bago palang ako sa university na to ng makabangga ko sya and well, nabuhusan nya ako ng Coke na hawak nya. Pinagtawanan ako nun kaya akala ko sa unang araw ko sa klase ay bully na bully na agad ako. Pakiramdam ko out-of-place agad ako at ako na ang magiging sentro ng pambubully ng lahat. Nagulat nalang ako ng inabutan nya ako ng panyo pero hindi ko kinuha. Ewan ko ba, pero may pagkasuplada rin ako minsan, naiinis kasi ako dahil sya naman itong hindi tumitingin sa daan. Seryoso ko syang sinimangutan nun iba kasi ang pakiramdam ko, idagdag pa na may period ako noon kaya masama talaga ng mood ko. Nung pangalawang araw, nakita ko sya sa labas ng classroom ko. Mukha syang may hinihintay, akala ko nga girlfriend, dun ko nakita yung mukha nya ng maayos. Gwapo sya at matangkad kaya medyo nahiya ako ng konti sa sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya.

Papaalis na ako ng bigla syang lumapit, hindi ko talaga makakalimutan yung sinabi nya nun. Humingin sya ng sorry at nangulit pa sa ipinagpipilitan nyang pagpapasensya ko.  Doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin. Inaamin kong nagkamali ako sa first impression ko sa kanya at hindi sya ganoong klase ng tao.

Maraming babae ang alam kong naiinis sa akin pero wala akong magagawa kaysa naman balewalain ko ang isang taong nagmamalasakit sa kagaya ko. At isa pa hindi naman kasi ako ang lapit ng lapit, ayaw kong magmukhang ako ang naghahabol kay Kyle. He's offering non other than his friendship.

Naglalakad kami ni Kyle sa hallway ng makaramdam na naman ako ng kakaiba,

“Ayos ka lang?”, Narinig ko ang pag-aalala sa tanong ni Kyle.

“Huh? Eh, oo naman. Tara na.”,

Hinila ko na sya papunta sa pinakamalapit na bakanteng mesa habang nililingon ko ang paligid ko. Maliban sa iilang istudyante ay wala ng kakaiba bukod sa pakiramdam na ito.

Matagal na akong sanay sa ganitong pakiramdam, may third eye ba ako? At parang lagi ko nalang nararamdaman na parang may sumusunod sa akin o kaya naman ay parang laging may nakamasid sa paligid. Sa tuwing hahanapin ko naman kung saan nanggagaling yung pakiramdam na yun ay wala naman akong napapala.

“Aray!”

Nabigla ako kay Kyle, nanlaki ang mata ko ng makita yung dugo na lumalabas sa daliri nya.

“Tsk, ang hina mo naman pala eh.”,

Nasugatan sya sa pagbubukas nung canned soda naming dalawa. Kinuha ko yung kamay nya at saka pinunasan ng panyo ko. Halos mapatalon kami nang bigla nakarinig ang buong canteen ng pagtumba ng upuan. Napatingin ako sa kinaroroonan ng natumbang upuan pero tanging upuan nalang na natumba ang nakita ko. Kahit ibang istudyante ay napatingin pero hindi na nila gaanong pinansin pa pagkatapos, marahil nagulat lang din sila.

Weird.

“Tsk, sino ba yun? Ang papansin naman, kitang nagmomoment tayo eh.”,

Nakangising sabi ni Kyle. Saka ko lang napansin na hawak ko yung daliri nyang nasugatan. Diniinan ko nga yung panyo.

“Aray naman!!”

“Ikaw ang papansin, tsk, low life form, nasugatan ka agad?”

Ganyan lang kami ni Kyle, kulitan, asaran at kung anu ano pa.

“Nagsalita ang lampayatot.”

“Hindi ako lampa.”

“Iyakin.”

“Hindi nga sabi.”

“Tsk, chill. Don’t worry, anong sense na pagkakaroon ng knight in shining armor na prinispeng tulad ko, syempre para protektahan ang prinsesa ko.”, Sabi ni Kyle ng may pakindat kindat pa. Hirap sa pagkakaroon ng ganitong klase ng kaibigan, masyadong bilib sa sarili.

“Dukutin ko kaya yang mata mo. Tsk. Kumain na nga lang tayo.”

Umayos na kami ng upo at nagsimula ng kumain. Di ko mapigilan na tumingin kay Kyle habang kumakain. Knight in Shining Armor? Prinsipe? Kung sana kaya ko lang sabihin na sana ako nalang ang ituring mong prinsesa ng buhay mo kaso hindi ko alam kung kakayanin kong isugal ang pagkakaibigan natin para sa pansarli kong hangarin na mapalapit sa’yo.

“Hey, Venia, hatid na kita.”,Aya ni Kyle sa akin ng makalabas na kami ng campus. Uwian na kasi pero may kailangan pa akong gawin.

“Wag na, may dadaanan pa kasi ako. Malapit lang naman eh.”

“Come on, kahit this time.. let me get you to your work.”

Gusto ko man magpahatid ay mas minabuti ko ng tanggihan ang inaalok nya.

“Next time talaga Kyle, promise.”

Nakikita ko yung disappointment sa mukha ni Kyle, sorry Kyle pero kailangan ko talagang gawin to.

“Okay, you promise me, next time.”

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad ng marinig kong tinawag akong muli ni Kyle.

“B..bakit?”, nakita ko syang nakangiti habang nakatayo lang sa tabi ng sasakyan nya.

"uhhmm, take care.. ingat sa paglalakad.. lampa ka pa naman.”

Bahagya akong natawa. Kahit kailan, hindi talaga to pumapalya sa pag-aasar. I'm sure bago ako tumalikod I hear him say something na di ko maintindihan.

“Sige na.. tsk uwi na goodnight.”

Nakita kong ngumiti sa akin si Kyle bago tuluyang pumasok ng sasakyan nya.

Gustong gusto ko si Kyle. Masyadong mataas ang tingin ng mga tao sa kanya kumpara sa kung paano nila akong tingnan. Kyle is perfect. And he’s life will be perfect without me telling my true feelings for him. Walang magbabago, mangugulo lang ako. Naglakad na ako palayo papunta sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko.

Sumakay na ako ng jeep. Sa loob ay may iilang pasahero dahil siguro gabi na rin at di naman gaanong karamihan ang sumasakay sa lugar na ito. Pumara ang isang pasaherong may katandaan na, may bitbit syang dalawang malalaking plastik bag. Dahil nasa dulo ako ay natulungan ko naman sya ng hindi bumaba ng jeep.

"Salamat ineng."

Umayos na ako ng upo ng muling umandar ang jeep. Nagawi ang tingin ko sa isang itim na kotseng sumasabay sa takbo ng jeep. Napatingin naman ako sa unahan at napansin kong di naman trapik kaya nakakapagtaka yatang nakasabay lang ito. Maya maya naman ay nag-iba na rin ito ng direksyon. Saka naman huminto ang jeep hudyat na nakarating na ito at kailangan ng bumaba.

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 436 52
Skyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just...
127K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
1.3M 19K 41
Dice and Madisson