From Zero to Bingo (on going)

By patolacorner

1.7K 52 2

Zero ang lovelife ng dalagang nagngangalng Chariel. Isang araw, napasubok siyang maglaro ng bingo kung saan a... More

Prologue
Chapter Two - Meet the barkada
Chapter Three - Thick Face -___-"
Chapter Four - GV to BV >_____<
Chapter Five - The Stupid Agreement
Chapter Six - This is it
Chapter Seven - The Party
Chapter Eight - Him again.
Chapter Nine - A boring day
Chapter Ten - Sweet Revenge
Chapter Eleven - Bonding Part 1
Chapter Eleven - Bonding Part 2
Chapter Twelve
Chapter Thirteen - Back to Basic
Chapter Fourteen - Something's new
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen - Facts
Chapter Sixteen - Facts Part 2
Chapter Seventeen - Tagaytay Trip Part 1
Chapter Seventeen - Tagaytay Trip Part 2
Chapter Eighteen
Chapter Eighteen Part 2
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two

Chapter One - Intro

159 3 1
By patolacorner

Ipapakilala ko na muna sarili ko. Ako si Loreen Chariel Nuncho. Weird ng name ko noh? 

Madalas itawag sakin ng mga kaibigan ko ay Cha/Chari. Pag BEASTFRIEND ko naman madalas tawag sakin nun NUNCHO. Apelyido ko talaga. -.-"

Pag sa bahay naman kung ano ano. Eto madalas mga tawag sakin: Lolo ReenReen, Reene (pronounced as RI-NE), Rihanna at Chacha.

Okay na siguro yung Chacha, Eh yung TATLO?

PANGASAR EH. At lahat yun ay pauso ng Dalawang magaling kong Ate at Kuya. -.-"

Meron pa pala akong isang nickname. Chareen. Isang tao lang tumatawag sakin nun. Pero matagal na yun! Sinasabi ko lang kasi baka gusto niyo malaman ^___^

Nga pala, Fraternal Twins ang mga kapatid kong ewan. Ibig sabihin kambal na di magkamukha.

Buti nalang! Kundi matagal na akong umay na umay sa mukha nila. -.-" 

Isa nga pala akong 4th Year High School. Medyo may pagkamatalino(?) Hahaha. Top 9 lang ako sa overall. Pero okay na yun. Atleast nasa Top!

2nd Quarter na nga pala kami agad ngayon. Well, kahit papano mataas grades ko nung 1st quarter. Kaya nga top 9 diba? HAHA.

Gagalingan ko na ngayon. SOBRA. Next Quarter tignan niyo lang, TOP SIX NA AKO. Lakas ko mangarap noh? Pero walang imposible. Gusto ko kasi talagang makapagCollege sa UP! Kung papalain man sa Ateneo, edi Gora!

Pero UP talaga pangarap ko. Di kasi kaya ng budget sa Ateneo. HAHA. Pero kung gugustuhin ko talaga sa UP, kailangan ko magaral ng husto. Matatalino lang kaya nakakapasa dun at sabi pa nila ate at kuya ang hirap daw dun makapasa.

Lord, Help me ah. Magpapakabait po talaga ako. Promise! I swear po talaga lord gagawin ko lahat ng makakaya ko.

UP HERE I COME!

"Hoy NUNCHO! Tulala ka nanaman. Pinapantasya mo nanaman ang UP noh? Tigil tigilan mo yan!" At binelatan pa ako. Nasa Foodcourt nga pala kami kung nagtataka kayo.

Binelatan ko din siya. Tama kayo, siya ang BEASTFRIEND ko. Ang walang katulad na makalait at walang kakupaskupas ang kapangitan na si Ebak. Ay este Esa pala. Oo, Esa. As in Ericka SAphire Dulce. Saphire kasi september siya pinanganak.

Sossy noh? Wagas kaming maglaitan niyan. Pero mahal ko yang bruhang yan noh. BEASTFRIENDS kami niyan since birth? Ewan ko. Simula kasi pagkabata magkaibigan na kami eh.

"Eh ano ngayon? Masama ba mangarap? Gagawin ko makakaya ko makapasa lang dun noh” sabi ko

"Nakakainis ka naman. Bat sa UP pa? Di na kita mapagtitripan. Alam mo namang di ako makakapasa dun eh. Ikaw, Baka makapasa pa. BAKA lang. Kaya wag masyadong matuwa"

At nagtampo ang bruha. Tinalikuran ako. Parang yun lang?

"Psst, Eh ganun talaga pag nagcollege tayo. Try mo sa UP malay mo diba makapasa ka. Walang imposible! d^___^b" sabi ko

"walang imposible mo cheche bureche mo! Alam mo namang bobo ako. Huhuhu." nagacting pa ang loka na umiiyak.

Alam ko naman kung bakit ganyan yan eh. Una, Wala siyang mapagtitripan. At pangalawa, Takot siya magisa. Feeling niya pag magisa siya, friendless siya. ganun ganun ba.

"Hay nako. Ikaw na nga tong sinusoportahan eh. KAYA MO YAN. Panung di ka makakapasa kung di ka kasi nagsisipag magaral? isipin mo nalang na para makasama mo pa din ako" sabay wink

"Alam mo minsan nakakadiri kana. Para kang tibo alam mo yun?"

"Sorry na TOL." sabay wink ulit. Alam ko kadiri. Gusto ko lang siyang tumawa. Ang bait ko talaga! 

"Kaderders ka pre! Iba ka din! Umamin ka nga sakin, tibo kaba?"

"ito naman parang kinindatan lang tibo na agad? HAHAHAHA! Isang malaking kalokohan yan!" sabi ko

"Magkilos babae ka nga. Baka may makakitang lalake at di kana talaga magkaboyfriend. Aba, Kelan ka ba maghahanap? Daig ka pa dyan ng Gradeschool oh!" esa.

"Bahala na ang tadhana. Tsaka AYOKO pa. At BAWAL. Sorry, Strict ang Parents ko. Tsaka alam mo naman na nagiingat na ako. Ayoko na umiyak noh. Tsaka ikaw din naman ah, WALA. Damayan lang to!"

"Umiyak ka dyan. Hay nako ati. Di ka pa ba makagetover sa bugok na Ikko na yon? -.-“ P.S. Ewan ko sayo! Pinamukha pa sakin. Hay, gusto ko lang naman ng may nagmamahal sakin"  sabi ni esa sabay pout. di bagay.

"EXCUSE ME. Nakamove on na po ako sa taong yon.

P.S. din

AND DRAMA MO TEH”

at pareho kaming tumawa

Kumakain kami ng matiwasay ng biglang magsalita si Esa.

"Nuncho, Di kaba nagtataka? Wala nang ibang 4th year sa Foodcourt oh. Puro 2nd year nalang"

-.^

Tumingin tingin ako sa paligid..

O.O

OO NGA! Kami nalang 4th year dito! Nagkatinginan naman kami ni Esa at sabay sinabing..

"ALAM NA"

Saka kumaripas kami ng Takbo papunta sa room. 

OH NO. Math nga pala kami ngayon! Terror teacher namin dito eh. Huhuhu. Baka madamage ang eardrums namin pag nagsermon yun! Sumilip muna ako sa Bintana. NAGLELESSON NA. Pero madami pa ding Wala. Hala hala?

Pumasok kami ng room at ang mga mata ng kaklase namin ay nasa amin. Mukha ba kaming kriminal? Nalate lang eh!

"Esa, Chariel, Why are you late?" Matiwasay niyang sabi. Mukhang good mood ah! AYOS! Pero nakakapangilabot. Ang weird kasi ni sir!

"Sorry po sir, di po namin napansin yung oras dahil sa sobrang gutom po. SORRY PO TALAGA! SORRY SORRY SORRY PO SER! DI NA PO MAUULIT! PROMISE SER!" sabi ni Esa na muntik pa lumuhod. Hahahaha! Sarap tumawa at picturan! Napatakip nalang ako ng bibig at pinipigilan tumawa.

"Hala? Makapagsorry lang? Sige na umupo na kayo. Pasalamat kayo at Late din ako. Para Fair. Pero yang mga taong iba dyan na wala pa, panigurado nagcutting. Miss President pag dumating yung mga nagcutting pakilista ha?"

Nagnodd naman yung president namin. Tumingin naman ako kay Esa at pareho kaming nagthumbs up! 

Naglesson na si sir. Astig ni sir, BAGETS! nakikiride ngayon sa mga Jokes namin. Siguro may lovelife to? Bata pa naman kasi talaga siya. I guess 27? Bata pa pero may pagkamatanda na para hindi magkaroon ng Girlfriend.

Natapos ang period na nagtatawanan kami.

SANA LAGI NALANG SIYANG GANITO PARA MAGSINK IN SAKIN YUNG LESSONS NIYA SA MATH! Mas naiintindihan ko kasi eh. Kasi mas ineexplain niya lalo. Di tulad dati na sobrang bilis magturo.

Next class ay Physics. Keribels ko to. Aba, Favorite subject ko ata to!

Ako lang naman ang nagiisang nakakakuha ng Perfect score sa subject na to noh. Kahit top 9 lang ako, may subjects pa din na master ako. Ang yabang ba masyado? Yaan na, Minsan lang yan.

Naglelesson na kami. KADALI. Alam ko na yang lesson na yan eh. Nagaadvance reading kasi ako. Adik much ba? 

Tumingin tingin naman ako sa mga kaklase ko. Aba aba! Si Bruha nakikinig!  FIRST TIME TO AH! Sinitsitan ko naman siya. Tumingin siya at nagSHHH saakin. Aba, may balak atang sundan ako sa UP.

Nagdrawing nalang ako sa notebook ko. Tutal hindi naman mahilig magparecite si Ma'am kaya ligtas.

Nagdrawing ako ng lalake. Ideal man ko. May pagkamatangkad, Maganda ang mata, May pagkamacho na payat, Maputi, Maporma, may magandang hairstyle at may killer smile. 

OHLALA, Gwapo! Galing talaga ng kamay ko. I LOVE YOU HAND! Hand lang kasi isa lang ginamit ko pang drawing. Okay korni ko. Napatitig naman ako sa drawing ko. May ganito kayang klase ng lalake dito? 

Pilipinong mukhang Kpop? 

SANA.

Di yung mukhang ewan na feeling Kpop na iba iba kulay ng buhok katulad ng blonde ah. Sabi ko mukhang Kpop hindi amerikano. -.-"

Lord, Alam niyo na ha. Kung dumating man yung time na magkaroon na ako ng boyfriend sana ganito po ah! At sana po lord siya na talaga!

May nakita naman akong wishes sa may direksyon ko.

Wishes yung parang feather na maliit ng bulaklak? Yung bigla biglang sumusulpot at lumilipad. Sorry ang hirap idescribe eh.

Kumuha ako nun sa ere at winish tungkol sa Ideal man ko.

Hinipan ko na papalayo yung wishes. Lumapag lang sa ulo ng kaklase ko. Wow, matutupad wish ko grabe. -.-"

-----------------------

Author's Note

Okay lang ba? Wala pa masyadong kilig moments kasi di pa nadating si princecharming eh. HAHAHA. Malapit lapit lang din naman at dadating na siya :))

Thankyou po sa pagbasa. Vote, comment, SUGGEST! :)

Continue Reading