Buntis Ako... Sino ang Ina...

By aianananalalala

181K 2.3K 563

Si Princess Emarie Munoz o si Emem. 4 years na siyang may pagka pusong lalake, nagsimula ang lahat noong 1st... More

Prologue
Chapter 1: Ang Lalakeng May Matres
Chapter 2: Em-Em Milagrosa
Chapter 3: Kabilugan ng Buwan, Buwan ng Kabilugan
Chapter 4: Yes Kami Na! Mina Eh Eh Waka Waka Eh Eh!
Chapter 5: Ang Mga Babaeng Bruha
Chapter 6: Ikakasal Ka Na... Iiwan Mo Akong Nag-iisa :((
Chapter 7: Gabi Ng Lagim Bwahahahaha
Chapter 8: Zoo Ka Ba? (baket?) Kazi... Zooper Zoongit Mo Eh! X(
Chapter 9: Hater #300, Pang Ilang Ka?
Chapter 10: Gudetamanaaaaa
chapter 11: May Martilyo May Pako Ano Tunog?
Chapter 12: Tugs Tugs Tugs
Chapter 13: Banat Banat, Babanatan kita!
Chapter 14: Bakemac ala Em
Chapter 15: Lucky In Love With My Bestfriend
Author's Note
Chapter 16: It Is HER
Chapter 17: Ako Legal Wife. Ako Pa Buday.
Chapter 18: Abssss... @.@
Chapter 19: Unggoy Ka Ba?
Chapter 20: No, It's Coatsaver
Chapter 21: Em On Heels
Chapter 22: Signs Of Aging
Chapter 23: Em... (huhuhu) Hindi Ka Namin Malilimutan :(((
Chapter 24: The Swimming Galaxy
Chapter 25: Matandang Bata
Chapter 26: TroLOLOlolololol
Chapter 27: Sa'yo Ang Pagkain, Kami Ang Kakain
Chapter 29: O Nagkakabistuhan Na Ba't Umeetching Pa?!
Chapter 30: The Lamest Escape
Chapter 31: Paano Magpabango ang Ta*ga??
Chapter 32: RIP Aubrey
Chapter 33: The Shower
Chapter 34: Parang Sa Movie Lang
Chapter 35: Tiwala Lang Yan ;)
Chapter 36: I'm Not That Innocent
Chapter 37: Em Em Di Sarapen
Chapter 38: Announcement- Artista na si Gab
Chapter 39: Joke?
Chapter 40: JOOOOOOOKE!
Chapter 41: Baby Emriel
Chapter 42: Hi Felix's Haters =))
Chapter 43: Tentenen... Tentententententen... (Graduation March Theme)
Chapter 44: 18 Lang Ang Peg??
Chapter 45: Childhood Dream ni Gab
Chapter 46: My Precious Hands
Epilogue
Thank You Message:

Chapter 28: Washing Machine With Aroma Therapy

2.4K 31 10
By aianananalalala

@toonsly salamat sa pagkikilig haha. God Bless

===========================================================

Gab's POV:

December 1. Napag-usapan namin na pumunta sa puntod.

Namatay ang lolo ni Emarie just 3 days after my birthday. Akala ko magiging masaya na kami pero nalungkot na naman siya, although parang unti-unti niyang pinipilit mag move-on.

Pagdating namin dun nandun na si nanay, tatay, Stan at Felix, badtrip -.-. Nakakainis lang kasi nagalit nun sa'kin si Emarie pero sa kanya hindi. Nagmano kami kina itay at inay.

"Felix, bat nandito ka? :)))", with a super big smile on her face.

"Malamang dinadalaw niya rin si lolo, alangan namang ikaw."

"Sungit mo naman, ang ibig ko sabihin bakit niya dinadalaw si lolo."

"Haha. ayaw mo ba ako makita? Parang gusto mo na akong palayasin eh.", ganun na nga -.-

"Hindi ah, nakakatuwa nga eh kasi nakita kita, ang tagal na nung huli tayo magkita, bakit hindi ka nagpunta nung birthday ni Gab?"

"Hindi siya invited -.-", haha deretchahan na toh!

"A--ano? Sira ka talaga Gab!"

"Totoo naman eh..."

"Eh friends kayo diba?"

Nakakatawa yung reaksyon ni Felix,napahiya siya sakin eh.

"Friends friends ka diyan, tara na nga, dun tayo umupo sa likod."

Pag-upo namin kinantyawan ko siya.

"Bakit ba panay bati ka kay Felix?"

"Ano naman ba sa'yo? Nagseselos ka ba?"

"Psh -.-"

"Nagseselos ka nga???"

"Masama ba? Malamang"

"Insecure ka lang kasi mas cute siya sa'yo... alam mo sa tingin ko nga siya yung pinaglilihian ko eh."

"Pag yan naging kamuka ng anak natin."

"Eh ano? Choosy ka pa?!!! Mas gusto ko naman siya kesa kay JB."

"Oo na!"

Kumain muna kami, ang sarap ng fried chicken haha. Maya-maya eh lumapit na naman si Felix. Dala yung TV niya na maliit. Nalaman ko rin na ininvite din siya nina nanay since si Felix naman ang naging way para matagpuan si lolo. Hay. Fair enough.

"Tingnan niyo oh."

"Ano gagawin ko diyan? Meron din kaming TV, LCD, 32 inches"

"32 ba yun?", sabat talaga si Emarie.

"Hindi, sabi kasi sa Pinoy Henyo mag audition daw yung mga mag-asawang teenager nang magpakasal"

"Ayoko."

"Gab.... please?!!! Gusto ko... :((("

"Ha? Eh hindi ka naman henyo noh!"

"Che! Napakakapal mo! Sige na, gusto ko lang maexperience noh."

"Haaay... di na tayo aabot sa audition noh."

"Why not? Kaya niyo pa yan, 100 lang ang tatanggapin nila na mag audition, sayang talaga."

"Felix, hindi namin kaya..."

"Minamaliit mo ba ako?"

"Ha? Hindi ah...", wehhh? haha

"Hindi ako naniniwala -.-, ganyan ka naman eh."

"Haay, dapat nga dito ka lang diba miss mo na ang lolo mo?"

"Di na naman babangon yan eh."

"Salbahe?!"

"Alam niyo imbis na magtalo kayo magdrive ka na Gab papuntang broadway then dun na kayo magpraktis."

"Teka nga... alam mo nakakahalata na ako sa'yo ha, bakit ba panay ang pilit mo? Feeling mo naman papapasukin yan? Buntis yan, hindi pinapapasok ng studio yung mga buntis?"

"Pano mo nalaman nabuntis ka na ba?", malapit-lapit na ito sa akin eh, nagjo-joke ba siya? Pwes, corny! Feeling close masyado.

"Sayang naman... gusto ko pa namang magpunta ng Eat Bulaga matagal na..."

"Hayaan mo, pagkapanganak mo,dadalhin kita dun kahit ilang beses"

"Weh? Eh baka wala na akong maalala sa panahong yun."

"Grabe naman."

"Ano ba yang Eat Bulaga na sinasabi niyo?", tanong ni itay.

"Ako po tay, gusto ko po sana magpunta sa Eat Bulaga."

"Ah... yun ba? Aba, walang problema dahil sila mismo ang pupunta sa atin", wehh? Joker din pala siya, haha.

"Haha... ayan, narinig mo si itay?"

"Nagsasabi ako ng totoo, yung barangay natin yung kasali bukas dun sa Juan For All."

"Talaga po???!!!", tuwang-tuwa si Emarie.

"Oo nga."

"Ate, dun kaya kayo ngayon samin tumuloy mamaya? Dun na kayo matulog total wala ka na namang pasok eh, saka malay mo tayo pa mabunot, swerte daw ang buntis eh."

"Gab... please?"

"Emarie... kahit di ka na magplease, bakit hindi? :)))"

"Yehey! Uhm, ikaw Felix gusto mo magpunta bukas? O kaya dun naka rin matu--"

"Kulang kwarto niyo diba? Pero kung gusto niya dun sa shop ni itay :)"

"Huh? Next time na lang", next time daw??? "Parang di naman bukal sa loob mo yung pang-iinvite eh."

"Ha? Si Em naman ang nag-invite eh hindi ako", di na siya nakapagsalita, lumayo na lang siya ng tingin.

EmEm's POV:

Hindi ako makapaniwalang makikita ko bukas sina Jose, Wally at higit sa lahat ang poging-poging si Paolo... sana si Bossing din :/.

Dahil sa excited ako, pinauwi ko muna si Gab sa amin para kunin yung gamit namin, ayaw pa nga sumunod eh, pero napilit ko din.

Katabi ko ngayon si Felix.

"Bakit pinipilit mo kami kaninang isali sa Pinoy Henyo?"

"Wala lang, para makalapit ako sa'yo", mahinang reply niya.

"Huh? Labo mo naman."

"Ang tagal na kasi nating hindi nagkakausap, sa totoo lang hindi naman talaga ako nanunuod ng Eat Bulaga eh, naghanap lang ako ng way para makausap kita na hindi nagagalit si Gab."

"Huh?"

"I don't know but this is weird, gusto ko lang marinig sana yung boses mo kaya ko nagawa yun."

Ang weird nga, nacoconfuse ako sa kanya ://, ano ba ibig niya sabihin? Nakakakilabot, pabulong pa niya sinasabi yun, I mean halos pabulong. Mabuti pa mag-iiba na lang ako ng topic.

"Ah... ah, nay, nagpunta na po ba si Jackson dito?"

"Oo kanina pa may kasama nga eh akala ko girlfriend kung maka kapit kasi sa kanya eh, mukang maarte pero ang hinhin magsalita halatang pilit, kilala mo ba yun?"

"Nay, sabi ko sa inyo yun yung nagpunta sa atin nung time na nagpropose si bro at Jackson, yung kasama ata ni bro yun."

"Ah baka po si Jean, bestfriend po si Gab, maarte po talaga yun."

Gab's POV:

Nandito ako sa amin ngayon, nagpapakalma. Nakakainis talaga yung Felix na yun! Pero I'm a fool dahil iniwan ko si Emarie sa sementeryo.

Pagpunta ko dun wala man lang akong nadatnan ni isang lona. Grr, nasaan na sila?

*love me love me, say that you love me...*, akala ko ba ayaw ni Emarie kay Bieber? Eh bakit eto yung ringback tone niya?

"Hello, Gab!"

"Ano?! Nasaan kayo?"

"Nasa bahay hehe"

"Bahay?"

"Namin"

"Bakit kayo nandiyan?"

"Helloooo, umuwi na kami, hinatid kami ni Fe--", ihahagis ko sana yung phone ko eh kaso ayoko na, nakakailan na akong sirang cellphone. Pinatayan ko na lang siya.

Kainis eh! Kainis talaga si Felix, masyado nang mapapel!

Pag-uwi ko, nagluluto na sila, si Emarie nasa kwarto, si Stan naglalaptop.

"Bakit umalis kayo nang hindi ako kasama?"

"Eh ang tagal mo kaya.", nakaupo lang siya. Tinabihan ko siya pero di ko siya tinitingnan. "Ano'ng problema?"

"Bakit nagpahatid pa kayo kay Felix? Kaya ko naman kayo isakay sa kotse ko eh, kahit nga si lolo kaya ko pa isakay eh."

"Ha ha ha, nagpapatawa ka ba?-.-"

"Hindi nagseselos lang.", nakakahiya -.-, ako pa yung nagkakaganito, simula nung birthday ko naging pranka na kami sa isa't isa, I mean pranka na kami dati pero in another way.

"Sus, ikaw talaga :)), alam mo wala ka dapat na pinagseselosan kasi kahit ano pa man ang mangyari eh ikaw na nga yung asawa ko, ikaw na yung forever ko na makakasama.", naghug siya sa akin and of course I hug her back.

"Uhm... sana lumayo ka na kay felix."

"Huh? Bakit?"

"Kasi type ka niya?"

"Ano? Hindi ha.", tinanggal niya yung pagkakayakap niya, tapos nagkuyakoy siya.

"Oo nga, kaya ganun yun eh."

"Weh? Tingin mo lang siguro yun."

"Kaya nga pinuntahan tayo nun, feeling mo naman nanunuod talaga ng Pinoy Henyo yun? Busy yun sa buhay not like you, dahilan niya lang yun para makausap ka niya."

"Tara, kain na tayo.", walang pagbabago, kausap ko bigla akong iniwan, sira talaga.

-----------------------------------------------

Kinabukasan, ang dami nang tao sa labas, lahat nagkakagulo dahil nandidito na sina Jose, Wally at Paolo. Inuna muna nila yung Pambato ng Videoke daw yun, hindi ko alam basta, nanuod na lang kami sa bahay dahil hingalin si Inay at itay tapos si Emarie syempre bawal. Si Stan nakiusyoso sa labas kahit pinipigilan na nina inay, baka daw kasi madiscover siya X).

Maya-maya lang, Juan For All All For Juan na. Natawagan si Itay. Akala pa niya manloloko, nasa shop kasi kami nung tumawag si Bossing kaya di namin alam na siya yung tumatawag.

"Hello? Sino toh"

"Hello? Sino ka?", nakaloud speaker si Itay.

"Ano'ng sino ako? Eh ikaw yung tumawag diyan! Niloloko mo ba ako?!!! Mamaya ka na nga tumawag at baka tumawag ang Eat Bulaga, abala ka!", bago pa patayin ni tatay yung cellphone niya parang napansin ko na may background ng mga nagtatawanan yung kausap niya... teka, baka Eat Bulaga na yun.

"Tay, baka po Eat Bulaga yun."

"Hindi manloloko yun."

"Tay... tay!!! Tinawagan kayo.", sugod ni Emarie. "Kayo yun! Bakit niyo binaba?! Napanuod namin sa tv!"

*riiiiiiiiiing*

"Hello?"

"Hello po? Sino kayo?"

"Bossing? Ikaw ba ito?"

"Hindi si tukmol to...", tukmol???

"BOSIIIIIIIING!!!"

"Teka, ano pangalan niyo??"

"Tay, pangalan daw po", naeexcite si Emarie, baka mapaanak ito ha?

"Ah... David ho, David Muñoz."

"Hindi po ito si Bossing, Meralco po 'to, 3 buwan na po kasi kayo hindi nagbabayad.", haha loko yun ah.

"Bossing!!! I love you!", sigaw ni Em.

Pagkatapos nun sinabi ni Bossing na salubungin sina Jose sa labas kaya pati ako nakisali, syempre lalabas ako sa TV.

"Ayun! Ayun siguro si Mang David.", nakikita na namin yung tatlo. Si Jose yung nagsalita. Ang lakas ng sound system dito, hehe.

"Hello ikaw si mang David?", tanong sa akin ni Paolo, inamoy pa yung balikat ko. haha.

"Ha? Hindi po ako siya."

"Ay sorry, haha."

"Ikaw talaga Paolo, you ha.", parang beki din si Wally.

Aubrey's POV:

Nakakarelax talaga ang magpaint. This is my dream job since ipinanganak ako dito sa super hot like me na Philippines. This is my passion ever, ang sarap magpaint especially kung tahimik ako dito sa room ko, walang nanggugulo, walang ibang bagay na pumapasok sa isip ko walang katulong na kakatukin ka sa pin--

"MA'AM SI SIR GAB PO NASA TV!!!!", WHAT THE HELLLLLL!!! X(((((( >.<

"ALAM MO BA KUNG ANO ANG GINAWA MO?! SINIRA MO ANG CONCENTRATION KO, ANG FOCUS KO SA GINAGAWA KO... LOOK,KAHIT YUNG MISMONG GINAGAWA KO SINIRA MO!!!",sinasabi ko yan habang palapit ako sa katulong namin na biglang binukas ang pinto ng art room ko. The moment na nagkaharap kami sinabunutan ko siya! I hate her so much, pero hindi naman super sabunot, may konting alalay pa rin. So far kasi, siya pa lang ang nagtatagal sa mga katulong ko and I don't want to lose her agad-agad.

"So-sorry po ma'am kasi naexcite lang po ako-- aray!-- kasi nga po-- aw-- si sir Gab po nasa TV", hininto ko muna yung pagsabunot ko sa kanya.

"What? Bakit?"

"Sa Eat Bulaga po.", lumabas ako and I proceed to our salas. Nakabukas yung TV, nasa Eat Bulaga. Nandun nga si Gab, eew! Naka head band siya and Jersey lang, ano ba yan? Sino ba yung may phone? Teka, he looks familiar.

"Ano yan?"

"Juan for All po, yung sugod bahay."

"Ah ok.", still... no idea about what she's talking about.

"Mang David, pwede po ba kami pumasok sa loob ng bahay niyo?", sabi nung guy na butas butas yung muka. Ew ha! Di ba siya nagpapaderma?

"Ah sige po, tuloy po kayo.", sabi nung contestant, parang alam ko na kung sino siya. Si Gab naman nakasunod, yung cute na host eh nakasabit sa kanya. Is he gay? Sayang naman.

Pumasok na sila sa bahay. Sabi na eh, nakita ko si Emarie finocus ng camera.

"Wow, ang presko naman sa bahay niyo tatay.", sabi nung kalbo,parang may pagka ano rin siya.

"Paolo, ano ba ginagawa mo?", sabi ni Vic Sotto. Ang kilala ko lang sa Eat Bulaga si Vic Sotto, syempre, si Joey de Leon dahil artist siya and isa siya sa pinag-aralan namin nun, Tito Sotto, he's a senator kaya kilala ko. Yung iba kilala ko pa dahil nanunuod naman ako niyan nung bata ako. Si Jimmy yung higante na kamuka ni Hagrid ng Harry Potter, si Allan K na may tomato-like na ilong, si Ruby, yung isa pang malaki, yung iba bago di ko kilala, kahit nga yung host sa barangay.

"Po? Bossing, wala po.", sabi nung Paolo yata.

"Kinuha niya yung FB Bossing.", si Kalbo.

"Anak ba siya ni Tay David? Tanong mo Wally kung nag-aaral."

"Ah ok Bossing. Ahm nag-aaral ka pa ba?", inakbayan pa niya si Gab, yung kalbo, si Wally pala.

"Po? Hindi na."

"Hindi na? Bakit? Gusto mo mag-aral?"

"Ho? haha. Uhm, basta po."

"Anak ka ba ni Tay David?"

"Hindi po, manugang. :)))"

"MANUGANG?!", sabay-sabay nung tatlong hosts, OA much?

"Opo."

"Ay, sino naman ang maswerteng babae?", sabi ni Paolo.

"Siya po.", may tinuro siya sa bandang kanan. Finocus ng camera... si Em.

"Ay. Buntis.", biglang bitaw ni Paolo sa kanya.

"Tara dito", lumapit si Em, kasora. "Buntis ka?", tanong nung bako yung muka.

"Huh?! Hindi ah, kumain lang ako ng baby."

*POWENG*

"Hahaha, nagpapatawa si mommy.:)))", sabi ni Paolo.

"Ilang months na yan?", bukbok

"Ahm... ... ..."

"Ah! Malapit na pala!", si bukbok ulit. Wala pa'ng sinasabi malapit na? Weird -.-

Madami pa silang tinanong sa tatay ni Em, mga basic na information, maya-maya nagsalita si Allan K. from the studio.

"Ahm,Jose?"

"Allan?", Jose pala pangalan ni bukbok.

"Alam mo familiar yung buntis"

"Hindi ko alam."

"Tanong mo nga pangalan?"

"Iha, ano pangalan mo?"

"Princess Emarie po."

"Palayaw niya kamo."

"Em po, EmEm."

"Alam mo bossing kung naaalala mo mga June or July yun, naaalala mo ba si EmEm Milagrosa?", muntik ko na makalimutan, twice or more nang nabroadcast si Em sa TV for telling people na nabuntis siya kahit capital V pa siya.

"Ha? Seriously Allan?", tanong ni Paolo.

"Ewan, tanong mo."

"Ako nga po yun.", nahihiya siguro siya, nawala kasi yung kaangasan niya kanina saka nayuko siya bigka.

"Ha? Eh eto bang asawa mo, siya talaga ama niyang kinain mong bata?", tanong ni Jose.

"Ho?haha, opo."

Hindi naman siya yung nanalo pero siya yung panay iniinterview. Pagkatapos nilang mag interview nagsalita na si Paolo, pinasok yung pagkain mula sa Coca-Cola plus 5 thousand daw. Pagkatapos nun sa Hanabishi naman.

"Eto na ang Stand Fan with Anti-RH Bill!", ano?! Pano yun? Ano ba sinasabi Paolo?

"Eto pa... eto ang Washing Machine with Bieber Fever!", BIEBER FEVER???!!!

"Ahahaha Bieber Fever!", tawa ni Paolo. "Jose ano pa."

"Eto ang Airpot with Death Sentence!", pucha! ayoko na manalo sa ganyan di bale na!

HAHAHAHA.

Ang daming tumatawa sa studio. ???.

Pagkatapos nun nag interview pa sila. Malaki daw pala yung bakuran nila at may nakita ring shop dun sa likod bahay.

"Tay, bakit ho yung shop niyo nandun sa likod bahay? Paano po makikita ng tao yun?"--Jose

"Ah kilala naman na ako dito, ako lang ang may shop sa lugar na ito. Kaya po di ko nilagay sa harap kasi... makakalimutin ako eh, baka makalimutan ko isara minsan eh malalagot ako."

"Ah... eh ilang taon na po ba kayong may shop?"

"Matagal na rin."

"Mga panahon pa ba kamo ng hapon?", Korni ni Joey ha.

"Tay, pinapatanung po ni master Joey kung nung panahon pa ng hapon."

"Ha... haha, hindi naman po, nakalimutan ko na yung eksakto, basta simula nung nagresign ako sa pagiging head cook."

"Wow. si tatay sosyal headcook.", bading ba talaga si Paolo??? ://

"Tay, marunong po ba kayo hanggang ngayon?"

"Oo naman."

"Bakit kayo nagresign? Panigurado po eh mas malaki kita niyo nun."

"Ay talaga! Eh makakalimutin nga ako eh, nakakalimutan ko mga recipe ko, o kaya patayin yung apoy."

*POWENG*

seriously???!!!

"Tay naman nagjojoke pa!", sabi ni Wally.

"Hindi po siya nagjojoke."

"O may sinasabi si EmEm."

"May AD po siya eh."

"Ah... kaya po pala."

"Opo,kaya nga po lubos ang pasasalamat namin at nabunot ang asawa ko. Diyos ko, maraming salamat po.", nanay ni Em, naiiyak iyak pa.

"Naku wag po kayo umiyak. Eto po ang pwede niyo pagkakitaan para panggamot ni Itay, ang MSE!"

Binigyan pa sila ng mga premyo then nagsalita na naman si Joey.

"Mang David, kilala ho ba ninyo si Chef Boy Logro?"

"Ay opo sir Joey, idol ko po yun eh."

"Kaya niyo po ba yung ginagawa niya na ping ping ping? Oy, Jose pakitaan mo nga siya."

"Ay sige po... tara sa kusina."

They're insane! Nagpunta talaga si Jose sa kusina at binuksan yung ref. Kinuha ni Jose yung mga lulutuin niya daw si Wally naman kinuha yung mga pagkain nila tsaka kinain.

"Ping ping ping!", sabi ni Jose at sabay hiwa sa mga kung anu-ano sa lamesa, hiniwa niya pati yung kamatis, sibuyas, luya... ng nakapikit at sobrang bilis. Sabog-sabog naman yung ginawa niya!

"Ang sarap ng pagkain nila ha.", kinain naman ni Wally yung ulam siguro nila kanina. "May extra toothbrush ba kayo?", umiiling lang sina Em. "Ay eto may mouth wash.", umiiling pa din sina Em pero di naririnig yung sinasabi.

Nagmumog si Wally ng mouthwash, pinakita pa niya sa camera.

"Pwe! Bakit ganun yung lasa ng mouthwash niyo?"

"Eh... haha, hindi naman mouth wash yan eh, sabon yan."

"SABON?!"

"panghugas ng pinggan."

Tawanan ulit sa studio pati yung katulong ko tawa ng tawa, wala namang nakakatawa.

Madami pa silang ginawang kalokohan especially Jose. Pinaghalo-halo niya yung mga sangkap though hindi iyon angkop. Una nagbate siya ng itlog kasama pa yung shell, tapos nilagyan niya ng vinegar, ketchup, asin, asukal at butter. Pagkatapos nun pinirito niya, then magluluto naman daw siya ng sauce... ketchup, sili na dinurog, bagoong, pepper, kamatis, at basil leave pinaghalohalo niya at niluto.

"Yum yum yum! Bossing masarap ito", kinain niya talaga! sabay pose niya sa camera. My goodness, zinoom pa ng camera yung muka niya, as in! Kitang-kita tuloy yung microscopic face niya! Makikita mo yung bawat pores na malalaki na nga dahil sa butas-butas na eh lalo pang lumaki dahil sa init na init siguro siya. Muntik na ako masuka sa nakikita ko, ew talaga! Pagka-zoom out pinunasan niya yung muka niya using his bare hands! Tapos pinunas niya sa ulo ni Wally! These people are insane! Grabe na naman ang tawanan sa studio pati dito sa bahay tawa ng tawa ni inday.

"Em, pogi ba ako?"

"Naku Jose, oo naman!"

"Eh si Bossing!"

"Lalo na yun!"

"Si Jimmy..."

"Ha? Ah... haha hindi!"

HAHAHAHAHA!

finocus pa si Jimmy, honestly muka na siyang madededo bukas, pero isa siya sa mga kilala ko.

Pagkatapos nun bumalik ulit sila sa salas at binigyan pa siya ng prizes worth of 40 thousand pesos.

"Bossing salamat po, hindi ko po ito ineexpect! Salamat, ah... Happy Birthday po mwah mwah tsup tsup. Maraming salamat sa lahat ng Eat Bulaga!"

"Opo, madami talagang Eat Bulaga. hahaha. Wala ka bang sasabihin sa pamilya mo?", parang ngayon lang ulit nagsalita sa Paolo.

"Ahm, sa asawa ko... salamat sa pag-aalaga ha, kahit minsan sinusumpong ako, Stan, mag-aral ka na mabuti i love you, EmEm, kahit anong mangyari kahit na magkaanak ka na ikaw pa rin ang baby girl namin ni Inay mo."

"Aaawww.",sabay sabay nila sa studio.

"Si Gab po?"--Paolo

"Gab, ingatan mo ang anak namin, alam mo na naman yun diba?"

"Kailan niyo po siya ipagpapaubaya sa akin?"

*POWENG*, omg Paolo.

"Ha? Haha, hindi pwede!"

"Si Milagrosa wala ka bang sasabihin?"

"Ah... tay, eto na po pang sustain ng gamot niyo, lagi po kayong mag-iingat at sorry kung hindi ako nakatapos ng college, nay, alam ko pong mataas expectation niyo sa akin pero ginanito ko future ko, sorry po, I love you."

"Ok lang, past na yun nak, ang mahalaga eh nandito ka pa rin, kahit ano namang mali ang magawa mo eh tatanggapin namin yun dahil anak ka namin, mahal ka namin.", naiyak sila at nag hug.

Tanggap siya ng pamilya niya kahit ganun pa ang nangyari sa kanya. Sakto lang ang katayuan nila pero masaya sila. Bakit kami? Bakit simula nang magbreak kami ni Gab galit na sa akin ang mommy ko? Hindi nila ako kinakausap, what have I done so big?

"Paki patay na yan at kumilos ka na lang diyan and please, don't bother me anymore even if it's about Gab!"

=================================

ayan, nakaupdate din, pasensya na sa nagintay :(((... ang dami ko kasing iniisip ngayon katulad n kung bakit hindi ko mapapanuod si Lady Gaga sa 21 huhuhu. ang hirap mag-isip ng may iniisip ka. Kaya naman ilibre niyo ako sa concert haha. joke lang kurakot ko msyado. ayan ang korni tuloy ng chapter na ito dahil sa pag-iisip ko haha. medyo korni :)))

Continue Reading

You'll Also Like

11.8M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
23.9M 386K 60
(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin...
15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.