LAMEST UPDATE EVER! -____________- Read On guys! ;)
--------------------------------------
Mikay's POV
Pagkagising ko wala si Gino sa tabi ko. It's either nasa opisina or kusina. Pero feeling ko nasa kusina kasi may naririnig ako sa labas.
Naghilamos na ko at nag-ayos ng sarili tapos lumabas na.
"Gino??" tawag ko.
Pagpunta ko sa kusina, iba ang nadatnan ko..
"LUKARET!!!!!!!???" sigaw ko sabay lapit sakanya at yakap.
"BRUHAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Miss na miss na miss na kita!!" tapos niyakap nya ko pabalik.
"Lukaret! Sobrang miss na miss na din kita!!" naluluha pa ko nyan.
"Ako din bruha!" naiiyak na siya.
"Teka.." bumitaw ako at tumingin kay Gino. "Tinuloy mo ung plano mo?"
Ngumiti sya at nagkamot ng ulo.
"Oo ehh.." ngumiti naman ako. Ayos na din na nandito na si Lukaret.
"Salamat.."
"E-ehem!" -lukaret.
"Ay ano nga pala, sorry! Sorry talaga lukaret! Sorry kung hindi ko sinabi yung totoo! Sorry kung nagsinungaling ako! Ayoko lang naman madisappoint kayo sakin! Sorry talaga! Sasabihin ko naman to sainyo eh! Pinangunahan lang ako ng takot! Sorry! Sorry talaga!" hawak ko ung kamay ni Andrea at nakatingin sakanya ng sincere.
"Ok lang. Well that's life! People make mistakes and okay na un. Wala naman tayong magagawa, o let's just cherish the moments with your daughter!" ngumiti sya at niyakap ko naman siya.
"Thank you talaga lukaret! Kaya mahal na mahal kita eh!" niyakap niya ko pabalik.
"E-ehem.." -Gino.
"I love you too.." i mouthed those words.
"Bubulong pa, alam ko na yan eh!" -lukaret.
"Hehe.."
Umupo na kami sa dining at kumain, nagkwentuhan, nagharutan at nagkulitan. Papasok na din kasi si Gino since nandito na si Andrea. Kinancel na nya ung leave nya.
"Lukaret.. sorry talaga ha.." nandito na kami sa sala at nag-uusap ng masinsinan.
"Wala yun.. ok na sakin.. Hindi dahil sa wala na kong magagawa pero, ok na talaga sakin, promise!" -lukaret.
"Salamat lukaret.."
"So, kelan mo balak sabihin kay Mami 'to?"
"Pagtapos ko manganak.."
"Sige.. mananahimik muna ko for the mean time.. Ikaw ang magsasabi, but remember I'll always be here to support you.."
"Salamat lukaret.."
"Alam kong matatanggap yan ni Mami ng buong buo... Pero pano si Kiko.." may halong concern at kaba ung boses ni Andrea.
"Sana..." ngumiti sya at tinap ako sa likod.
"Wag ka na mastress.. So... Magkwento ka nga ng mga experiences mo dito!"
Nagsimula na kong magkwento, lahat-lahat ng nangyari dito sa America hanggang dun sa umamin siya at umamin ako.
"Hay. Buti ka pa may boylet na! For sure! Hindi ka na tatandang dalaga!"
"Asus. If I know nililigawan ka na din ni Jason.."
"H-how did you know!???" patay.
"Ah eh ano.. eh hehehe HUNCH?" sabay peace.
"Mikay!!!!!!!!!!!!"
"Sorry na sorry na! Oo, kilala namin ni Gino si Jason. Bestfriend ni Gino si Jason ehh. Sorry kung hndi ko agad sinabi sayo!"
"GRR. I hate that man!" nagulat ako sa sinabi nya.
"You hate him?"
"Yup! Stalker much! GRR kakawalang ganda! Ang yabang pa tsaka feeling gwapo!"
"Nililigawan ka?"
"Ewan ko dun. But I'm not claiming that he is!"
"Pano yan, yun yung boylet ko para sayo eh.."
"UGH No way!"
"Hay tulak ng bibig kabig ng dibdib!" pang-aasar ko sakanya.
"Che! Tigilan mo nga ako!"
"AHAHAHAHAHA! Yiiieeeeeeeee... Jason......."
"Yuck! Never!"
"Kakainin mo din yang sinasabi mo!"
"Ahhhh.! Kaloka ka Bruha!!!!!!!!"
"HAAHAHAHAHAHAHAHA! Kinikilig si Lukaret! HIHIHI!"
"Aish! Nakakainis ka!"
"Yiieee Jason!!!"
"Oo na, aaminin ko na gwapo sya! But that doesn't mean na I like him na! Yuck!"
"Hay Lukaret!"
"Hay Bruha!"
"I LOVE YOU BRUHA/LUKARET!" sabay naming sabi at tumawa.
Salamat Gino. Thank you for making me happy. Thank you for sacrificing so much. Thank you for being there when I needed you the most. Thank you for understanding me. Thank you for bringing my bestfriend here. You don't know how much you made me happy.
I LOVE YOU. SO MUCH. :)