Ang Batang Ipinanganak sa Hau...

By GYJones

584K 24.8K 3.4K

Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina... More

Introduction
Chapter 1: Sina Hannah at Jules
Chapter 2: Si Father Markus
Chapter 3: Ang Bata
Chapter 4: Stop Over
Chapter 5: Seek Ye First
Chapter 6: Ang Pulis
Chapter 7: Check-In
Chapter 8: Pagpapakilala
Chapter 9: Game Plan
Chapter 10: Parokyang Lokal
Chapter 11: Si Mayor
Chapter 12: Proteksyon at Mga Unwelcomed Guests
Chapter 13: Ang Bahay na Bato
Chapter 14: Gising na si Berta
Chapter 15: Ang Torture Chamber
Chapter 16: Overnight
Chapter 17: Exorcism
Chapter 18: Si Bishop Israel
Chapter 19: Magparamdam Kayo
Chapter 20: In Memory of Sister Juanita
Chapter 21: Mayor's Den
Chapter 22: The Appeal
Chapter 23: Translation
Chapter 24: Bagong Game Plan
Chapter 25: Ang Lagay ng Mga Bagay
Chapter 26: Secret Weapon
Chapter 27: Huling Hantungan
Chapter 28: Sa Mental Hospital
Chapter 29: Kilala Ka Na Namin
Chapter 30: Paghahanda
Chapter 31: +
Chapter 32: God on My Side
Chapter 33: Respite
Chapter 34: Sa Dagat ng Impiyerno
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
Acknowledgments

Prologue

50.7K 1.2K 480
By GYJones


Agosto Biente-singko nang bumulaga ang malakas na bagyo sa maliit na bayan ng Daigdigan sa probinsiya ng Quezon. Sumisipol ang hangin at nagsisipagyukuan ang mga puno sa palo nito. Matataba ang mga patak ng ulan na tila may masamang galit sa lupa. Bumuhos ito dakong alas-onse ng gabi, kung kaya't ganoon na lang ang gulat ng mga mamamayan na nagising mula sa masarap na pagkakahimbing sa dagundong ng ulan sa yerong bubongan at wasiwas ng hangin sa nipa. Mga nagkandarapa sa pagsagip sa mga naiwang sinampay at pagsara ng mga bintana. Karamihan ng mga taga-Daigdigan ay hanapbuhay ang pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop.

Isa sa mga magsasaka si Kanor na ang bahay ay nakatirik sa dako na halos paanan na ng bundok. Malayo ito sa ibang bahay o sa main road. At siya ay nagising hindi sa ulan kundi sa sigaw ng asawang si Ester na ika-siyam na buwan na ng pagdadalantao. Hawak nito ang tiyan at namimilipit. Makikita ni Kanor na ang kama ay basa ng tubig.

"Lalabas na, Kanor! Lalabas na!" sigaw ni Ester.

Agad na napatalon ng kama si Kanor.

"Susunduin ko ang manghihilot."

"Dalhin mo na ko sa kanya," hiling ni Ester. "Hindi ko na kaya!"

Sa kabilang kuwarto, masarap ang tulog ng sampung taon nilang panganay na lalaki na si Wendell. Ang preskong hangin mula sa bintana ay parang oyayi, nguni't natabunan ito ng malakas na sigaw ng kaniyang ama at ang pagbukas ng pintuan.

"Bangon, Wendell! Manganganak na nanay mo! Ihanda mo ang kalabaw!"

Mabilis na bumangon si Wendell at nagbihis.

Sa kanilang bakuran, nagputik na ang lupa at patuloy pa rin ang buhos ng ulan. Bahagyang hihina at lalakas muli na tila nangungutya. Nakatali ang kalabaw sa kaniyang silungan na siyang kinalagan ni Wendell. Kaniya itong hinatak palabas pagkatapos ay ikinabit ang karitong kahoy na may dalawang gulong na gamit nila sa pagkakarga ng mga prutas tungo sa bayan.

Nang maihanda ang masasakyan ay tinawag ni Wendell ang ama at lumabas ito ng bahay na karga-karga si Ester. Si Wendell naman ay dala ang portable lamp at payong. Isinampa ni Kanor ang namimilipit na asawa sa kariton sabay pinalo ang kalabaw para umusad. Sa likuran, pinapayungan ni Wendell ang ina at hawak ang kamay nito.

"Bilisan mo, parang awa ng Diyos!" sigaw ni Kanor sa kalabaw.

Madilim ang daanan at naiilawan lamang ng dala nilang portable lamp. Tilamsik ng putik mula sa kahoy na gulong ng kariton na hatak ng hirap na kalabaw. Patuloy ang pagdurusa ni Ester at hindi nakakatulong ang madalas na lubak. Basa na sila sa ulan. Makaraan ang ilang kilometro ay huminto sila. Sa ka-dangkal na putik ay hindi maka-ahon ang kariton, maging ang kalabaw ay tila sumuko na.

"Tay!," sigaw ni Wendell. "Hindi kaya!"

Lumingon si Kanor sa paligid. Naghahanap ng masisilungan.

At kanya itong natanaw, na tila tinatawag siya.

Ang lumang bahay na bato.

Sa kuro-kuro'y may malagim itong kasaysayan. Ang sabi'y dito'y may nagmumulto. Itinayo noong panahon bago pumutok ang ikalawang digmaan, at ngayo'y wala ng nakatira, ilang taon ng walang tumuntong sa loob nito sa takot na sila'y kapitan ng sumpa. Maging ang mga pari'y natatakot bendisyunan ito.

Ang bahay ay may dalawang palapag. Ang unang floor ay gawa sa bato ang mga pader, samantalang ang sa itaas ay gawa sa kahoy. Sabi ng ilan, may mga tagong kuwarto raw dito na hindi pa nadidiskubre hanggang ngayon, at iba pang mga kuwentong kababalaghan.

At ngayon, heto si Kanor na may malaking desisyon. Pakiramdam niya'y tila nakatingin ang bahay sa kaniyang pamilya, naghihintay, nagaalok ng masisilungan sa rumaragasang bagyo.

"Doon!" turo ni Kanor sa bahay na bato.

Napatingin si Wendell sa ama.

"Tay?" may pagtutol sa boses ng anak.

"Wala ng ibang paraan, anak. Ipapasok ko na'ng ina mo sa loob. Malapit na'ng bahay ng manghihilot, takbuhin mo't dalhin siya dito."

"Pero, 'tay," mariing pagtutol pa ni Wendell. Nguni't nakarga na ni Kanor si Ester at nagsimula nang tumungo sa bahay na bato.

"Takbo na, anak! Bilisan mo!" lingon ni Kanor.

Pinipigilan ni Wendell ang sarili sa pasyang ito, pero, wala na siyang magagawa kundi takbuhin ang natitirang layo tungo sa manghihilot, sa maputik na daan, sa bumubuhos na ulan.

Karga ni Kanor ang asawa habang tangan pa ang portable lamp at kanyang sinipa pabukas ang pinto ng bahay. Kasabay nilang pumasok ang hangin at ulan. Inilapag ni Kanor si Ester sa sahig, pagkatapos ay itinaas niya'ng portable lamp, at nang mailawan ang loob ng bahay ay natunghayan niya ang hitsura nito. Napapalibutan ng agiw ang paligid at makapal ang alikabok sa dingding at kisame. May mga nabubulok na lumang kasangkapan, aparador na bakbak na ang pintura at mga upuang kahoy na nangolekta na ng dumi. May kakaibang pakiramdam na nararanasan si Kanor at nang kanyang tignan ang braso'y nagtayuan na'ng mga balahibo niya, at ito'y bagama't basa pa siya sa ulan. May pagbibigat sa kanyang puso at ang pintig nito'y tila bumilis. Pansamantala siyang nabingi sa ingay ng ulan na sinundan ng kakaibang katahimikan. Tila kinakausap siya ng bahay. Isang mahinang boses na may ibinubulong sa kanya. Kanor...Kanor...

"Kanor!"

Natauhan si Kanor sa malakas na boses ng asawa. Agad niyang inikutan ng tingin ang loob ng bahay at nakitang may dalawang mga kuwartong sarado ang pintuan. Mahihigaan. Iyon ang hinahanap ni Kanor, nguni't ang nasa sala'y matigas na kahoy na upuan. Nang lumingon siyang muli'y nagtaka na makitang bukas na ang pintuan ng isang kuwarto, at sa loob ay nasilip niya ang kama. Binuhat niya ang asawa at ipinasok sa kuwarto, at doon inihiga sa nalulumang kutson. Medyo tuliro si Ester. Mabilis ang kanyang paghinga, panay ang ihip-buga ng hangin. Tagaktak ang pawis.

"Nasaan na ang manghihilot?"

Tinabihan siya ni Kanor at hinawakan sa kamay.

"Parating na. Konting tiis pa."

Mahigpit ang hawak sa kanya ng asawa, dama niya ang kuko nito sa kanyang balat. Habang hinihingal nama'y magagawang tignan ni Ester ang paligid. May bigla siyang kaba na naramdaman.

"Nasaan tayo?"

Hindi agad nakasagot si Kanor.

"Nasaan tayo, Kanor?!" mas malakas na tanong ni Ester, may pangamba sa tinig.

"Hindi na makausad ang kalabaw kaya pinasok muna kita dito," sagot ni Kanor at napalunok ng malapot bago sinabi, "sa bahay na bato."

Nanlaking mga mata ni Ester at hinawakan ang asawa sa braso, "Umalis tayo rito! Ilayo mo ako rito!" At sinubukan niyang bumangon nguni't nakaramdam ng matinding kirot at dumaing sa sakit. "Nasaan na ang manghihilot?"

"Kinakaon na ni Wendell."

Humupa na nang bahagya ang ulan, nguni't may kalakasan pa rin ang ihip ng hangin. Hawak ni Wendell ang payong sa isang kamay at gasera sa kabila, habang nagmamadaling tinatahak ang daan pabalik. Kasama niya ang may edarang manghihilot na may hawak ding payong.

"Malayo pa ba?" tanong ng matanda.

"Malapit na po," sabi ni Wendell.

"Saang bahay ba kamo?"

Nang matanaw nila ang naiwang kalabaw at kariton na lubog sa putik ay lumakad sila roon at tumapat sa bungad ng bakod ng bahay na bato.

"Doon," turo ni Wendell.

"Diyos ko," napa-kurus ang manghihilot.

"Halika na po," lumakad patungo ng bahay na bato si Wendell. Paglingon niya sa manghihilot ay hindi pa ito gumagalaw, ni isang hakbang. Tila nanigas sa takot sa kinatatayuan. Umiiling ang manghihilot. Wala siyang balak pumasok sa bahay.

"Ka Hule!" sigaw ni Wendell. "Halika na po!"

Hindi tumitinag ang manghihilot, bagkus, tila napapaatras pa ito. Mabilis na nilapitan ni Wendell ang manghihilot, hinawakan sa braso at hinatak patungo sa bahay na bato. Sa loob, dinig ni Kanor ang pagbukas ng pinto kaya mabilis siyang lumabas ng kuwarto. Nakahinga siya nang maluwag nang makita na kasama ni Wendell ang manghihilot.

"Dito, nandito si Ester sa kuwarto!"

Nguni't hindi siya agad narinig ng manghihilot pagka't nakatitig ito sa loob ng bahay. Hindi akalain ni Ka Hule na naroon siya ngayon, sa loob ng bahay na kinatatakutan ng buong bayan. At tulad ni Kanor, nanahimik bigla ang kanyang pandinig at nabingi sa katahimikan. Maririnig niya ang boses na lumulutang sa hangin, boses na walang katawan at tila bumubulong sa kanya. Hule...Hule...

"Ka Hule!"

Natauhan ang manghihilot at nagulat na kaharap niya si Kanor, "Naroon sa kuwarto si Ester!"

"Tubig," nauutal na sabi ng manghihilot, "tubig sa batya."

Tumango sina Kanor at Wendell at agad na tumalima. Pagpasok ni Ka Hule sa kuwarto'y tumalon ang puso niya. May anino ng matangkad na lalaki sa paanan ng kama at pinagmamasdan nito si Ester. Napapikit ang manghihilot at nagdasal. Ama Namin sumasalangit ka...sambahin ang Ngalan mo... At nang dumilat siyang muli'y wala na ang itim na anino. Nakita niya si Ester na namimilipit sa sakit at agad itong nilapitan.

"Narito na ko."

"Si Kanor?" hindi makadilat nang husto si Ester.

"Kumukuha sila ng tubig," sabi ni Ka Hule. "Ester, makinig ka sa boses ko, okay? Pagsinabi kong push, iire ka ng buong lakas."

Tumango si Ester. "Sino ang lalaking nasa likuran mo?" tanong niya.

"Ha?"

Lumingon ang manghihilot sa kanyang likuran.

"Wala naman," aniya.

"Parang may nakita ako," sabi ni Ester at napapikit muli sa sakit.

May nakatayo nga sa likuran ng manghihilot, nguni't hindi niya ito namamalayan. Hugis ng maitim na lalaki na pinapanood silang dalawa. Itinaas nitong kanyang itim na kamay na dahan-dahan niyang nilapit sa balikat ni Ka Hule. Naramdaman iyon ng manghihilot at napatalon sa gulat.

"Narito na ang tubig," sabi ni Kanor kasabay ng pagtapik sa balikat ng manghihilot. Si Wendell ay may buhat naman na upuang kahoy na kanyang itinabi sa may kama at siyang pinatungan ng batyang may tubig.

"Wendell, doon ka muna sa labas. Kami na bahala dito," utos ni Kanor.

Tumango si Wendell at lumabas ng kuwarto habang pumuwesto ang manghihilot sa nakabukang mga binti ni Ester.

"Okay, Ester. Push. Push!"

Habang lumabas ng bahay si Wendell ay dinig niyang sigaw ng manghihilot katuwang ang pag-ire ng kanyang ina. Sa labas, nakita niyang tumigil na ang ulan. Ang maiitim na mga ulap ay dumaan na at unti-unti nang nasisilayan ang tunay na hitsura ng gabi: mabituin at ang maliwanag na bilog na buwan. Basa ang mga dahon at nagsisipagtuluan mula sa pisngi nito ang naiwang ulan pababa sa basang lupa. Winawagayway naman ng kalabaw ang kanyang ulo para patalsikin ang tubig mula sa sarili. Sa daan, kita ang maliliit na pool ng tubig na kumikislap sa liwanag ng buwan. Sa kalakhang lugar, nagsipagbalikan na ang mga tao sa kanilang higaan at nagsipagkumot. Pati ang mga sari-saring hayop ay nagsimula nang mahimbing sa loob ng kanilang mga kublihan.

Sa bahay na bato, maririnig ang iyak ng sanggol.

NEXT CHAPTER: "Sina Hannah at Jules"

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 468 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
656K 46.9K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
30.7K 393 11
pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana pinaramdam lang talaga ang pagmamahal sa akin Sheena Escalante Clark Gomez #HTTI